Chapter 12 GOC-KTCK 15

“YES! I got my emergency passport. One week lang pwede na akong bumalik sa States or as soon as I get my dad back,” excited na sabi ni Ashley at iwinagayway ang envelope na naglalaman ng emergency passport niya. “Mabuti na lang nakahabol ako bago mag-holiday. Baka hindi na ako makaalis ng Pilipinas kapag naabutan ako ng santambak at pagkahaba-habang holiday.”

“Ano naman ang masama kung magtagal ka sa Pilipinas? Dapat nga nagre-relax ka at namamasyal habang nandito ka,” sabi ni Robinson at ipinagbukas siya ng pinto ng battered pick up truck nito.

“Robinson, have you forgotten that I am not exactly moneyed right now?” she asked in a saccharine-sweet voice.

“Pwede ka namang mag-enjoy kahit na wala kang pera. Pwede kitang ipasyal sa Luneta o sa National Museum. Nandiyan lang sa malapit.”

“Maybe tomorrow. Kung hindi pa dumadating si Dad sa condo ngayon.”

“Kahit na gusto kong magpakasaya, di ko pwedeng kalimutan na nandito ako para kay Dad.” At kaibigan man nito si Rex, hindi magbabago ang katotohanan na may isyu pa rin sila ng lalaki. She must get her dad away from him.

“Gusto mo talagang makasama ang daddy mo?” tanong nito habang nagmamaneho sa Roxas Boulevard.

“No. I just want....” Ipininid niya ang bibig nang may maalala. “Siyempre di naman ako pwedeng magsalita nang hindi maganda tungkol kay Rex. He is your dear friend.”

“Hindi mo pa naman siya kilalang mabuti. Sana makita mo muna kung paano sila magsamahan ng ama mo. Kung makikita mo lang sana kung gaano kasaya si Sir Ron kay Rex kapag magkasama.”

Pinigilan ni Ashley na umikot ang mga mata niya. Natural lang na dedepensahan ni Robinson ang kaibigan. Natural lang na purihin nito ang kaibigan. Sino ba naman ang aamnin sa kasiraan ng isang tao? Siyempre kahit dito ay maganda rin ang pakira ni Rex. Kahit na anong sabihin niya na hindi maganda kay Rex, ipagtatanggol pa rin nito ang kaibigan. Walang masama para dito.

Humalukipkip ang dalaga. “Look! Kung matino talaga siya, bakit di pa niya inuuwi dito si Dad? Dumating ako, nanakawan na ako at lahat pero di pa rin sila bumabalik. Kahit man lang konting habag sa akin di niya maibigay? Konting konsiderasyon?”

“Baka nasa lugar sila na walang signal ng cellphone. Kilala ko si Rex. Di naman niya ipagkakait sa iyo ang ama mo.”

Itiningin niya ang mata sa labas ng sasakyan. “I doubt it. Pakiramdam ko sinasadya niya iyon.” Alam ni Rex na iuuwi niya ng Amerika ang ama niya. Mawawalan ito ng gatasan. “Paano pala kung wala ka? Baka kung ano na lang ang nangyari sa akin dahil kinokontrol niya ang dad ko.”

“I am sorry.” Bumuntong-hininga ang binata. “Hindi kita masisisi kung may di ka magandang isipin kay Rex. Pero kung makikita mo lang sana kung gaano sila kasaya kapag magkasama. Masaya si Sir Ron sa kanya.”

“Huwag na lang natin siyang pag-usapan dahil magtatalo lang tayo. How about we watch a movie or a concert maybe?” tanong niya nang tinanaw ang CCP. Kahit ano basta mawala lang sa isipan niya ang nobyo ng ama na nagpapakulo ng dugo niya.

“May mga DVD si Sir Ron sa condo. Malibang gusto mong mag-videoke na lang?” anito at tumaas ang kilay.

Alam ni Ashley na hinahamon ng lalaki ang vocal prowess niya pero iba naman ang naalala niya. She remembered the night they kissed. Na mistula silang namagneto sa isa’t isa at nawala sa sarili. It was tempting to do it again. Pero paano kung di niya kayang i-handle ang emosyon at halikan na naman niya ito?

Tipid siyang ngumiti at umiwas ng tingin dito. “I am fine with movies. Mas safe.”

“Sige. Ipaghahanda kita ng popcorn. Meron pang stock doon. Anong gusto mong flavor - cheese o caramel?”

Ngumisi siya. “Pareho.”

Pagdating ng condo ay wala pa rin ang ama pero di niya alintana. Tumuloy agad siya sa nakahilerang DVD sa ibabaw ng LED TV. King and I ang napili niya. Iyon ang mga tipong pelikula ng tatay niya. Nagustuhan nito dahil iyon ang pinanood nila dati sa sinehan nang kulitin niya ito. Siya kasi ang mahilig sa mga pelikula.

“Paborito mo daw iyan sabi ng dad mo. Siguro lagi ninyong pinapanood,” untag sa kanya ni Robinson nang i-serve sa harap niya ang popcorn at i-play niya ang DVD.

“No. We didn’t have time,” malungkot niyang sabi.

Nagsalubong ang kilay nito. “Bakit naman?”

“Things happen. Noong nasa Pillpinas ako, buo ang pamilya ko. Nang dumating kami sa Amerika, nagkawatak-watak kami. And it is part of growing up. May mga bagay na hindi na maibabalik pa. Ang pamilya ko. Ang relasyon namin ni Dad.”

“Kahit ang simpleng panonood ng paborito ninyong pelikula? Siguro binili niya ang mga pelikula na pinapanood ninyo nang magkasama dati dahil gusto niyang dumating ang panahon na makakabalik kayo sa dati.”

“Or he wants to create memories with someone else.”

Di na sila malapit sa isa’t isa ng ama gaya ng dati. Matagal na silang walang pakialam sa buhay ng isa’t isa. Kaya lang naman siya concern dito ngayon dahil ayaw niyang magpakatanga ito pagdating sa pera.

Money-wise, kaya naman niyang buhayin ang ama. Hindi nga lang sa paraan ng buhay na mayroon ito at kung paano nito lustayin ang pera sa Pilipinas. He must spend his money wisely. Hindi nito dapat nilulustay sa nobyo nito na pera lang ang habol dito.

Tumahimik si Robinson at ibinalik nila ang atensiyon sa palabas. Tahimik lang ito at di niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito. Ano kayang iniisip nito sa kanya? Did he think that she was too cold-hearted? Iniisip ba nito na hindi siya ganoon ka-mapagmahal na anak?

Nag-ring ang cellphone ng binata at in-excuse nito ang sarili. Tumayo to sa may dining area pero narinig niya ang pakikipag-usap nito. “Inang, huwag na po kayong umiyak. Uuwi naman po ako diyan. Hindi po totoong nakalimutan ko na kayo. Hinihintay ko lang po na dumating si Rex. May bisita po dito. Siyempre kayo po ang pinakamahalaga sa akin.” Ihinilamos nito ang mukha sa palad. “Sige po. Bukas po ng umaga uuwi na ako. Huwag po kayong mag-alala.”

Narinig ni Ashley ang pagpalatak ng binata at bakas ang pag-aalala sa mukha nito nang magpaalam sa kausap. “May problema ba?”

“Si Inang kasi pinapauwi na ako sa Pangasinan. Iyak na nang iyak. Baka mamaya kung ano ang mangyari kay Inang.”

“Kailan ka uuwi ng probinsiya.”

“Bukas.”

Sinapo niya ang dibdib. “Oh! Uuwi ka na ng probinsiya bukas?”

“Oo. Dapat kahapon pa pero...”

“Pero dumating ako?” tanong niya. Nalungkot siya dahil di na pala sila magkakasama nang matagal. “Sige. Ayos lang ako dito. Hihintayin ko na lang si Dad na dumating. Mag-ingat ka na lang sa biyahe.”

Siya na ang bahalang kumompronta kay Rex. Kailangan niya ang pagkakataong iyon nang wala si Robinson sa tabi niya para maging referee. Lalambot lang siya at ayaw niyang masaktan ito kapag inilabas niya ang tunay na kulay ng kaibigan nito.

Subalit mabigat sa dibdib na iyon na pala ang huling gabi na magkakasama sila ng binata. She would definitely miss his company. Ni hindi na nga niya ma-imagine ang sarili na mag-isa na lang at wala ang binata para lagi siyang alalayan. Sanay naman siyang maging independent mula pagkabata pero parang mangangapa siya sa Maynia kung aalis na si Robinson.

“Paano kung hindi sila bumalik? Ang alam ko matapos ang Bagong Taon pa sila babalik dito. Paano ka na? Mag-isa ka lang magpa-Pasko.”

“Sanay naman ako,” aniya at pilit na ngumiti. “Lagi namang ganoon.”

Sa New York, karaniwan ay mag-isa lang siya. Si Cara ay kasamang nagbabakasyon ang nobyo nito. Kaya siya lang sa flat. Kundi siya nagtatrabaho ay nagbabasa lang siya ng libro o nanonood ng rerun ng mga US TV series.

Umupo ito sa tabi niya. “Malungkot magdiwang ng Pasko nang mag-isa at walang pamilya. Di naman ako papayag na iwan kang mag-isa dito.”

“Hindi mo naman ako pwedeng samahan dito dahil kailangan mong umuwi sa pamilya mo. Umiiyak na ang nanay mo. Ayokong magtampo siya sa iyo dahil lang gusto mo akong samahan.”

At sa nahimigan niya sa pag-uusap ng mga ito ay mahalaga sa binata ang nanay nito. She knew the feeling. Kahit naman noong bata pa siya ay malapit din siya sa ina. Hindi kakayanin ng puso niya kapag nagtatampo ito noon o di niya nasusunod ang gusto nito. Pasko at kailangang mabuo ang pamilya ni Robinson.

“Hindi nga. Kaya sumama ka na lang sa akin,” anito at hinawakan ang kamay niya.

“Isasama mo ako sa probinsiya mo? P-Pero ang pamilya mo baka kung ano na lang ang isipin sa akin.”

Ayos lang sana kung iisipin ng mga ito na nobya siya ni Robinson. She could handle that one even if it was a bit awkward. Peo paano kung naikukwento na siya ni Rex sa mga ito at siniraan na siya bilang malditang anak ng nobyo? Baka ipagtabuyan siya ng pamilya at buong baryo ni Robinson. Her Christmas would surely become traumatic.

“Ay tatanggapin ka ng buong-buo. Masaya ang Pasko sa amin.” Tumayo ito nang di siya sumagot. “Alam ko na hindi naman ganoon kagara ang bahay namin. Makaluma iyon at walang aircon. Pero masaya pagdiriwang ng Pasko namin. Ayoko lang mag-isa ka dito.” Inabot nito ang kamay sa kanya. “Sumama ka na sa akin.”

Napatitig siya sa nakalahad nitong palad. “Ahmmm... Di ko lang alam.”

“Masarap magluto ang Nanang ko. Magaling siyang magkakanin. At kapag noche buena namin may mga paputok pa at masaya ang kwentuhan. Di ka malulungkot.”

Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay. You win. Sasama ako sa iyo.”

“Talaga?”

“If it won’t be a bother. Ayoko rin naman na makagulo sa pamilya mo.” Kahit pa anong sabihin ay outsider pa rin siya.

“Siyempre hindi ka nakakaabala. Ikaw pa.” Tiningnan nito ang relong pambisig. “Gusto mo bang sumama na akin na mamili ng pasalubong ng mga pamangkin ko?”

Bumili ng regalo? Matagal na niyang di nagagawa iyon dahil sa sobang busy ay sa online stores na lang niya binibili ang mga panregalo at sabay pinapa-deliver. Parang nakaka-miss mag-shopping ng panregalo.

Tumango si Ashley. “Oo naman.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.