Chapter 13

"Masakit ba ulo mo?" Bigla ay tanong niya.

"Oo, eh."

"Great, same here."

"Kala ko naman gagamutin mo?"

"Oo nga. Wait, what is the medicine for hangover?" Nag-isip siya at saka kinuha ang phone.

Sasagot na sana ako, pero mukhang alam niya ang gamot kaya nanahimik na lang ako.

Wala pang ilang minuto may kumatok na. Nakita ko ang lalaking may dala ng gamot. Pinainom niya sa akin iyon at uminom din siya.

"I don't want to sleep," malungkot niyang ani. "Bakit?"

"I want to be with you. Pumayag ka sa limang araw ayaw kong matapos 'yon."

Pinitik ko ang noo niya. "Ang drama mo."

"I'm an actor, Buko pie. When I was on high school I join theater arts. I love role playing."

Tumango ako at ngumiti. "Kaya ba magaling kang kumanta kasama rin 'yon do'n?"

"Oo." Natigilan siya at pinaningkitan ako ng mata. "Sabi mo hindi ka marunong kumanta?"

"I'm professional singer hindi ko sinabi para surprise," pagmamayabang ko at nagkibit-balikat pa.

"Kaya pala kung makabirit ka riyan sobrang taas." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako roon. "Tara sa labas."

Nang marating namin ang labas ay namangha ako sa dami ng tao dahil may kompetisyon daw sa pabilisan lumangoy.

"I will join. Watch me, Buko pie," kumindat pa siya. Naghubad agad ng shirt.

Napatakip ako ng mata kaya tumawa siya. "Namangha ka sa abs ko?"

"Sige na. Lumayas ka sa harap ko." Tinulak ko siya habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

Natigilan ako nang hawakan niya ang likod ng ulo ko at dampian ng halik iyon.

Did he kiss my head?

Pinanood ko ang paglayo niya. Nakipag-apiran siya sa mga lalaking sa tingin ko ay hindi niya naman kilala. Ngayon niya lang 'yon nakita sigurado ako.

Friendly siya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas nanaman ng kalabog niyon. Nagsimula ang kompetisyon tawa nang tawa si Denmeir at pasulyap-sulyap sa akin.

Nakakatuwa siyang pagmasdan, napakamasayahin niyang tao na nakakahawa ang tawa niya at saya. Nakangiti ko siyang pinanood. Nangunguna siya sa lahat ng lumalangoy. Nang maabot niya ang pinakadulo ay talon siya nang talon. Kinuha niya agad ang medal. Tumakbo siya palapit sa akin at sinuot iyon sa leeg ko.

"Galing ko, 'no? Inlove ka nanaman," nakangiti niyang sabi.

"Congrats," ngumiti ako at tiningnan ang medal.

Pinagkaguluhan siya ng mga babae.

"Kuya, anong pangalan mo?"

"Ang galing mo. Congrats."

"Ang pogi mo."

Tumabi ako dahil sa dami nila. Ang iba ay lumambitin na sa batok niya. Halata naman sa kaniya ang pagka-asiwa, pero hindi pinapakita nakangiti pa rin.

Tingin ko hindi siya marunong manakit ng damdamin ng babae kaya gano'n.

"Buko pie!" Tawag niya sa akin. Marahan niyang hinawi ang mga babae. "Excuse me, huh? 'Yong girlfriend ko." Hinila niya ako at inakbayan. "Sorry girls, magagalit girlfriend ko."

'Girlfriend ko.'

Lasing ba ito? Kailan pa?

Pero kahit gano'n may masayang dulot 'yon sa akin at pinakabog nanaman niyon ang dibdib ko. Kinikilig nanaman ang buong sistema ko. 'Wag naman ganito. Denveir tayo, oh. Siya ang gusto ko, pero bakit pati naman yata sa kakambal niya tumitibok ito?

Ang landi mo naman, heart.

Nagulat pa ako nang itakbo ako ni Denmeir dahil hinahabol na siya ng mga babae. Natawa na lang ako habang tumatakbo. Hindi kami tinantanan ng mga babae. Nakakita kami ng puno at sa kakulitan niya umakyat ba naman.

"Akyat ka bilis!" Inilahad niya ang kamay sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin 'yon dahil makikita nila kami. Kahit kinukuryente na ang kamay

kong nakahawak sa kaniya ay nagawa ko pa ring umakyat.

"Fresh air," pinikit niya ang mata at suminghot ng hangin.

"Anong kabaliwan naman ang umakyat sa puno?"

"Gusto ko lang subukan hindi ko kasi ito ginagawa. You know, rich kid."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"I always want to discover things. Alam mo bang gusto rin ni Denveir umakyat sa puno, pero hindi niya magawa, tahimik na tao 'yon at palaging nakakulong sa kwarto at nagbabasa kaya hindi niya ma-enjoy ang buhay sa labas."

Tumango lang ako at tinitigan siya. Amoy na amoy ko ang pabango niya dahil ang lapit namin sa isa't isa.

"Denmeir."

Natigilan siya at napatitig sa mukha ko. "Unang beses mo akong tinawag sa pangalan ko."

"Siguro unti-unti ko nang natatanggap na ikaw si Denmeir at hindi si Denveir."

"Good to know. I hope the next thing will happen is that you will accept me as a boyfriend or a lover."

Inirapan ko siya. "Hindi ako maganda kaya maghanap ka ng iba."

"You're beautiful pa-humble ka pa."

Inirapan ko ulit siya. "Pa-check up ka ng mata."

Tumawa siya nang malakas. "Trip mo ang mata ko? Iniiwasan ko na nga ang kindatan ka tapos ngayon pati paningin ko."

"Totoo naman."

"You can feel the love. People are attracted to physical appearance, but fall in love with the attitude."

"Masama ang ugali ko."

"Hindi ko nakita."

"Ilaglag kaya kita rito?"

Nanlaki ang mata niya. "Wala naman ganyanan."

Tumawa ako nang malakas, natigilan lang ako nang makita ko ang titig na titig niyang mata sa mukha ko.

"Dapat palagi kang masaya." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Be happy as long as I'm here I'll make you laugh." Inihawak niya ang kamay ko sa dibdib niya. "Ang lakas ng kalabog," malapad siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako.

Inayos niya ang hibla ng buhok ko papunta sa tainga. Hindi ko mapigilan ang pagwawala ng puso ko.

"I love to see your smile."

Patawag naman ng ambulansya aatakihin yata ako sa puso.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.