Chapter 15

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakikita ko nanaman ang mukhang 'yon. Hindi ko namalayan ang paglapit niya. Kinabig niya ang mukha ko at iniharap sa kaniya.

"Look at me, Buko pie."

Tiningnan ko ang mata niya, pumasok sa isip ko ang huling araw na kasama ko si Denveir. 'Yong aksidente sa bus, hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko na tinanggal niya agad.

"I know how torture for you to see my face that's why I let you think that I'm Denveir. We can't go back to the past and wish that he could go back to the present, but I'm here." Inilapit niya ang sarili sa akin at pinakatitigan ang mukha ko. "I can continue what is suppose to be done."

Tumawa ako nang pilit. "Nakakatawang isipin na sa loob ng limang araw minahal ko siya." Ipinikit ko ang mata ko at nagmulat. Pinilit kong isipin na siya si Denveir, hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Five days, but my love for you is infinite." Tumulo nang tumulo ang luha ko.

"Dapat masaya tayo ngayon kasi na-overcome mo ang pagiging torpe sa pamamagitan ng sulat mo, nasabi mo sa akin ang nararamdaman mo. Palagi kong naaalala ang aksidente, hindi ako makatulog sa gabi at nagpapaulit-ulit sa isip ko ang mukha mo. Hindi man tayo nabigyan ng maraming oras na magkasama sapat na 'yon para manatili ka sa puso ko." Hinaplos ko ang noo niya. Nababaliw na akong talaga para isiping siya si Denveir. "Gustong-gusto kong hawakan ang mukha mo, yakapin ka at gumawa ng masasayang alaala kasama ka, Mr. Nursing."

Kumawala sa bibig ko ang tawag ko sa kaniya. Gumagaan ang pakiramdam ko sa isiping siya ang kaharap ko.

"You know how much I want to say this." Hinawakan ko ang tig-kabila niyang pisngi at hinalikan ang noo niya. "Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Hindi kita kayang kalimutan." Niyakap ko siya nang sobrang higpit. "I love you, Mr. Nursing."

Simula nang nakilala kita hindi na mahirap ang magsabi ng 'salamat' o 'thanks' ayaw ko nang magsisi nanaman dahil hindi ko 'yon nasabi.

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop 'yon. Masaya akong umupo. Hindi na nawala pa ang ngiti sa labi ko dahil iniisip kong siya si Denveir. May emosyon siyang pinapakita na hindi ko mahulaan.

"Ms. Pharmacist, kain ka nang marami," nakangiti niyang ani.

Tumalon ang puso ko nang marinig ko 'yon sa kaniya. Pakiramdam ko buhay na buhay si Denveir.

Ngumiti ako at inabutan siya ng pagkain. "Kain ka rin nang marami. This is our first date as a couple."

Natigilan siya at napatitig sa akin, may gusto siyang sabihin dahil umawang ang labi niya, pero pinigilan ang magsalita.

Ang mga mata ni Denmeir ay punong-puno ng iba't ibang emosyon na hindi ko mahulaan. May gusto siyang sabihin na hindi niya masabi, pero ang nakakapagtaka may ibang kislap ang mga mata niya.

Natapos ang dinner namin, umupo kami sa top deck at pinagmasdan ang bilog na buwan.

"Mr. Nursing."

"Hmm?"

"Bakit mo ako mahal?" Natigilan din ako sa tanong ko dahil masiyado na akong nadadala sa sitwasyon, pero ikinagulat ko ang sagot niya.

"I love you because my heart beats for you. I don't know why, but I caught myself staring at your beautiful face. Riding a bus without hesitation just to steal a glimpse of you."

Mabilis ko siyang nilingon. May pagkakapareha 'yon sa sulat, pero hindi lahat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil lumalagabog nanaman 'yon.

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Ang tingin niya ay nasa buwan pa rin. Hinawakan niya ang pisngi ko at inihilig sa balikat niya ang ulo ko. Ang sarap sa pakiramdam ng sitwasyon.

"I have cold-blooded personality, but when it comes to you I want to talk and show my emotions. I'm shy to confess my feelings for you because I don't know if you will accept it or reject it, but still…" humarap siya sa akin at diretsong tiningnan ang mata ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso na hindi naman iyon ang normal na ekspresyon ni Denmeir, masayahin siya. Pakiramdam ko siya si Denveir dahil sa kawalan niya ng emosyon.

"But still… I—" nahirapan siyang sabihin ang sunod na salita. "I want you to know that... I— " tumikhim siya. "I like you." Mabilis niya iyong sinabi.

Napangiti ako. Hinawakan ko ang pisngi niya, pumikit siya. "I love you, Mr. Nursing."

Nagmulat siya ng mata at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Bigla ay nag-ring ang phone niya kaya kinuha niya iyon.

"A minute, Buko—Ms. Pharmacist."

Pinanood ko na lang ang paglayo niya. Kinausap niya ang tao sa linya parang masaya siyang kausap iyon kaya naiinis ako.

Nagseselos ba ako?

Napairap ako sa hangin dahil sa inis. Hindi naman siguro ako nagseselos?

Bumalik siya sa tabi ko at ikinagulat ko ang paghalik niya sa noo ko.

Hinalikan niya ako?

Napatitig ako sa mukha niya, ngumiti siya, pero wala pa man lang ay binawi niya agad ang ngiti at nagseryoso.

Ginagaya niya ba si Denveir para lang mapasaya

ako?

"Next time don't wear daring clothes. He won't like it—I mean I don't like it when boys are looking at you."

"So jealous," sinundot ko ang tagiliran niya. Nagpigil siya sa pagtawa kahit nakikiliti na. Pinipilit niyang walang emosyon.

"Stop that," saway niya habang kagat ang labi dahil natatawa na. "Stop that, if not…" ngumisi siya. "I'll kiss you."

Pinikit ko ang mata ko. "Kiss me," ngumuso pa

ako.

I want to feel Denveir's kissing me.

But he's not Denveir?

Ang tagal na, pero walang labing lumapat sa labi ko hanggang maramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko. Kahit sa pisngi lang 'yon parang lumabas na ang puso ko at nag-init ang pisngi ko dahil sa kilig.

"There. I kissed you," nakangiti niyang sabi. Bigla ay kinunot niya ang noo niya. "Ang hirap naman maging masungit," tumawa siya.

"Hindi mo kailangang pilitin." Kasi nahuhulog na

ako.

Nahuhulog na ako sa iyo, Denmeir. Ayaw ko nito, masiyadong mabilis.

Magkahawak kamay kaming bumaba ng yacht at nang makabalik. Nasalubong namin si Norman na nakangisi.

"Mumultuhin ka ni Denveir sinasabi ko sa iyo," malokong sabi ni Norman.

"Hindi, baka nga masaya pa 'yon ngayon," nakangiting sabi ni Denmeir.

"Loko, nandito si Cecelia kanina kasama si Jerick. Ang saya pa nila at naglalandian."

"Bawal siya mag-boyfriend," Nakunot ni Denmeir ang noo niya.

Napatakip ng bibig si Norman. "Patay nanaman ako roon."

"Kapag nakita mo ulit bugbugin mo 'yong lalaki."

Natawa naman ako kaya pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ang sama mo."

"That's Denveir's rule." Napatitig ako sa mukha niya.

Ganoon niya ba kamahal ang kakambal niya para sundin ang lahat ng gusto nito?

Naisip ko tuloy. Ginagawa niya lang ba 'to lahat dahil sa kakambal niya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.