Tagahanga ng Smokey Mountain ang nanay niya. Sabi pa nga nito, kanta ng Smokey Mountain ang ipinangharana dito ng tatay niya. Pero nakuha ang atensyon niya ng Smokey Mountain dahil kanta ng mga ito tungkol sa kalikakasan at pinagdadaanan ng mga kabataang nangibang-bansa ang magulang na paborito naman ni Mark Andrew. Nakaka-relate ito dahil sa abroad nagtatrabaho ang ama nito. Mga ganoong kanta daw sana ang naririnig ng mga kabataan. Na magkaroon daw sana sila ng pakialam sa kalikasan at sa bayan.
Magandang pagkakataon na ito para maibahagi niya sa mga kaklase ang mensahe ng kanta ng mag ito. Marami pang hindi nakakapakinig ng kanta ng Smokey Mountain.
Pero di pinansin nina Shanna at Candice at patuloy sa pagkanta ng isa sa kanta ng One Direction. “Baby, you light up my world like nobody else.”
Bumuntong-hininga si Sylvie. “This is useless.”
Para sa dalawang kaklase nila, tapos na ang issue. Ang mga ito na ang nanalo. Ang mga ito na ang masusunod. Di man lang nakipag-diskurso sa kanya kung bakit mas karapat-dapat ang One Direction na I-report nila kaysa sa Smokey Mountain. Mas uunahin pa ba ng mga ito ang One Direction kaysa sa essence ng project nila. Paano naging art students ang mga ito? Nawalan na ng lalim. Paano din makaka-appreciate ang mga ito ng bagong musika kung ang gusto lang na I-appreciate ng mga ito ay ang dati na nilang alam? Nakaka-frustrate lang.
At si Knight, wala man lang ba itong sasabihin? Wala ba itong sariling desisyon? Malamang sunud-sunuran lang din ito sa ibang kasama nila. At sa pagkakataong ito, siya ang dehado.
Tumayo siya nang di makatiis. “Mag-usap na lang tayo kapag ready na kayo na mag-explain kung bakit mas okay ang One Direction kaysa sa Smokey Mountain.”
“Kapag umalis ka, talo ka na,” kantiyaw agad ng dalawa. “Dalawa na kami at isa ka lang. At sure ako, Directioner din si Knight. Pwede siyang ipalit kay Zayn Malik.”
“Hindi naman. Ang totoo, gusto ko rin ang Smokey Mountain,” sa halip ay sabi ni Lancelot.
“Gusto mo ang Smokey Mountain?” bulalas ni Sylvie. Nasa parallel world ba siya? Mas gusto ni Lancelot ang singer ng mahiwagang buko kaysa sa sikat na One Direction?
“Oh, no!” nanlulumong usal ng dalawang babae.
“Sabi ko sa inyo, gusto ko ang Da Coconut Nut. Gusto n’yo mag-sample pa ako….” pasiklab pa ng lalaki.
“I guess that is enough. Huwag ka nang sumayaw,” nakangising sabi ni Sylvie. Kapag sumayaw ang lalaki, ibig sabihin sasayaw din sila. So, it’s a no for me. Maraming ibang kanta ang Smokey Mountain na di tungkol sa coconut nut.
“Dalawa pa rin kami na gusto ang One Direction,” kontra ni Shanna.
“Kami rin naman dalawa na gusto ang Smokey Mountain,” katwiran ni Sylvie. Wala siyang balak na sumuko. Grade niya ang nakasalalay dito.
“Sabay na lang nating pakinggan ang kanta mamaya tapos mag-deliberasyon tayo. Tingnan natin kung ano ang mas maganda,” suhestiyon ng binata.
“May practice kami sa cheer dance competition mamaya,” anang si Shannah.
“Duh! Para namang may kailangan pang I-dissect sa kanta ng One Direction. They are freakin’ great. All their songs touches our hearts.” At niyakap ni Andrea ang sarili.
“Tayo na lang dalawa kung ganoon. Doon tayo sa bahay n’yo?” yaya ni Lancelot kay Sylvie na may kakaibang kislap ang mga mata. “Mas malapit naman ang bahay ninyo dito.”
“O-Okay. Doon tayo sa bahay namin,” napipilitan niyang sabi.
“Yes! Da coconut nut is a giant nut…” At saka umindayog ang katawan kahit na wala sa tyempo.
Wala talagang perfect na tao. Buti na lang talaga guwapo si Lancelot. Kahit pa gaano kapangit ang boses nito, di niya ito lalaitin. Magkakampi sila ngayon.
“Ah! Pagandahan din pala ng kanta bukas. If you can’t sing the song, you are out,” puno ng kompiyansa na sabi ni Candice.
“Sure,” sagot agad ni Sylvie. Tinatanggap niya ang hamon. Kailan ba naman siya magpapatalo? Gusto niya ng mataas na grades. Sana lang may mapipiga siya sa utak ni Lancelot at hindi pa-cute lang.
"MA, may isasama po akong kaklase sa bahay. Doon po kami gagawa ng project. Okay lang po ba?”pagpapaalam ni Sylvie sa ina nang tawagan ito sa cellphone. May interval ang klase nila at wala pa ang susunod na guro kaya naman kanya-kanya ng galawan ang mga kaklase niya. Ayaw kasi niyang magulat na lang ito kapag nagdala siya ng lalaki sa bahay. Di pa nito pormal na kilala si Lancelot.
“Sure. That is good news. Ipaghahanda ko kayo ng miryenda. Sinong classmate mo ba ang kasama mo? Anong gusto niyang kainin?"
"Ma, hindi na po kailangan. I know you are busy..." Hindi naman kailangang paghandaan pa nito nang bongga ang pagdating ni Lancelot.
"Nonsense. Kailan ka pa ba may dumalaw na kaklase at kaibigan dito? Baka sabihin pa hindi tayo marunong mag-estima ng bisita. Sino ba iyan?”