Chapter ACWTK: 39

Humagulgol si Sylvie at yumakap sa inang si Meldy. "Laughing stock na ako ng mga tao sa school at galit na galit po sila sa akiin. Baka di na nila ako gustong bumalik doon. Wala rin silang pakialam kahit na mawala ako. Mama!”

She felt so helpless. Huling beses na umiyak siya nang ganito ay nang namatay si Mark Andrew. Pero iba ngayon dahil naramdaman niya na mag-isa lang siya. Sigurado siya na pinutakti na ng hate messages ang social media account niya kung di niya dineactivate. Parang mas isolated na siya sa mundo ngayon kaysa dati.

Inakay siya ng ina papasok ng kuwarto niya at pinaupo sa kama. Magpapakuha ako ng tubig sandali. Then we will talk.”

Tumango siya at di gumagalaw habang nakaupo sa kama. Tumawag ang ina niya sa intercom para magpakuha ng tubig. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang pitsel ng tubig at pinainom siya.

Hinaplos nito ang likod niya hanggang matapos siyang uminom. “Pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari?” tanong nito nang medyo kalmado na siya. “Hindi ba book talk at meet and greet ni Knight sa school n’yo? Inaway ka ba ng mga fans niya na nakakilala sa iyo?”

Umiling siya. “Hindi po. Hindi nila nagustuhan ang mga tanong ko kay Lancelot during discussion.”

“Ano ba ang mga sinabi mo?”

“Na may napansin akong mga loopholes at inconsistencies sa kwento na Mystic High. Ipinipilit kasi ni Lancelot na fictional lang daw iyon kaya parang inimbento lang niya at na-disregard na ang mga patakaran sa totoong mundo. Hindi tuloy kapani-paniwala para sa akin. Tapos may mga grammatical at typo error pa ‘yung mismong published book na di man lang naitama. Parang di nga po na-edit. Tapos sabi ng mga fans niya, gusto pa rin niya ang kwento kahit mali-mali dahil iyon daw ang minahal nila doon. I mean, what kind of mentality is that? Tapos kung sumagot si Lancelot sa akin, parang walang kwenta lang ang concerns ko.”

“Anak, alam mo naman na overprotective ang mga fans sa iniidolo nila. Tingin nila perfect ito kaya tanggap nila pati ang mga mali.”

“Ma, iba ‘yung humahanga ka sa tao pero iba nang usapan kapag mali na nga pinangangatwiranan pa po. Tinanong ko tuloy si Lancelot kung sa palagay niya kung tingin niya magaling siyang writer o guwapo lang siya kaya siya tinatangkilik ng mga tao."

"Huwag mong sabihin na sa harap mismo ng mga fans niya sinabihan mo si Lancelot na guwapo lang siya kaya marami siyang fans?"

Marahan siyang tumango. "Nagtanong lang naman po ako dahil di nila ako mabigyan nang matinong sagot.”

"Sylvie, that is so mean." Nahigit ng inang si Meldy ang hininga at pati rin ito ay nagsalin ng tubig sa sariling baso at tinungga iyon. “May katabilan talaga ang dila mong bata ka. Kailangan mo ba talagang tanungin iyon? Alam mo ba na pwede kang makainsulto at makasakit ng kapwa mo?”

Lumabi siya. “Mama, sanay ako sa matalinong diskurso. Doon ako hinasa sa Bright Minds Academy. At valid naman po ang issue na sinabi ko sa kanila. Pero may sumeryoso po ba sa akin? Wala! Maiintindihan ko naman po kung di talaga sila nag-iisip. Di talaga nila mapapansin ang loopholes kung nasa isip nila, gusto nila si Lancelot dahil guwapo. Sana sa halip na magalit sa akin, sinagot na lang nila 'yung tanong ko. Patunayan nila sa akin na tama ang nagustuhan nila. Pero wala akong nakuhang matinong sagot sa kanila. Puro insulto lang ang nakuha ko."

Napapalatak ang ina at tumayo. "Knight must be hurt. Maiintindihan ko pa kung tungkol sa loopholes at grammatical error lang ang nai-point out mo. Pero pinersonal mo na siya. Bakit mo ginawa iyon?"

Humikbi si Sylvie. Parang sasabog na ang dibdib niya sa bigat ng nararamdaman. "Sobrang unfair lang po kasi ng nangyayari. Mas pinakikinggan si Lancelot ng mga tao kahit na sabaw naman at mali-mali ang ideas. Habang si Mark Andrew na may kabuluhan ang mga ideas, ni hindi nila nabigyan ng ganoong klaseng atensyon. Isang picture lang ni Lancelot, di nagdadalawang-isip sa pagla-like ang mga tao. Pero 'yung mga pinost ko na speech at essay ni Mark Andrew, di man lang umabot ng one hundred likes. Sana po maintindihan naman ninyo kung saan ako nanggagaling.”

"Baka mas marami lang nakaka-relate sa sulat ni Lancelot,” suhestiyon nito.

"Kahit na mali-mali? Hindi ko rin maintindihan kung bakit nakapasa siya sa Bright Minds Academy kung ang basis nila 'yung kwento niya na puro loopholes. What happened to academic excellence? Nasaan na ‘yung standard na sinasabi nila? Pasikatan na ba ang standard ngayon sa halip na quality? Nagpakahirap kami para makapasok sa school. Tapos kapag sikat ka okay lang na makapasok?"

“Hindi kasalanan ni Lancelot kung sa palagay ng mga school administrator karapat-dapat siyang makapasok sa Bright Minds Academy,” malumanay na paliwanag ng ina. "Hindi ikaw ang magdedesisyon. It was up to the school management. Hindi rin ikaw ang magdedesisyon kung karapat-dapat basahin ang kwento niya at magustuhan ng mga tao. Nasa fans niya iyon."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.