Chapter 12

Marthinie's POV

Panay ang sugal at waldas ni mama sa sinabi n'yang inutang n'ya raw sa isang kakilala. Kung sino man ang pinagka-utangan n'ya ay masama ang pakiramdam ko dito.

Pinabalik din ako ni mama sa pag-aaral at s'ya mismo ang nagbayad sa matrikula ko. Kaya laking gulat ko nalang at pinayagan n'ya akong bumalik sa pag-aaral. Mabait din ang mga kapit-bahay namin kay mama at halos araw-araw ay may piyesta sa amin! 

Lumipas ang ilang buwan at bumabalik na naman sa pagiging mainitin ang ulo ni mama at mas madalas silang mag-away ni tito Edward. Hindi ko alam ang mga pinagtatalunan nila pero mukhang tungkol ito sa pera.

Noong una ay naisip ni mama na magnegosyo ng sari-sari store pero nalugi 'yon dahil panay utang ang mga amega n'ya tapos ang tagal magsi-bayad. Nag try din si mama na mag karinderya pero agad din n'yang hininto dahil lugi s'ya kasi nanghihingi pa ng discount 'yong mga kapit-bahay namin kapag bumibili. Kaya sa huli ay bumalik s'ya sa pagsusugal hanggang sa nalubog na naman s'ya. 

Hanggang sa isang araw, pag-uwi ko galing eskwela ay nagkakagulo ang lahat. Nakita ko rin ang magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin kaya naman ay nagmadali akong pumasok sa loob.

Naabutan ko si mama na nakaluhod sa harap ng isang lalaki. Matangkad ito at maputi, mukha rin itong binata pa, mas bata pa sa mama ko!

Hawak nito ang baril na nakatutok sa mama ko at kay tito Edward. May ilang tauhan rin s'ya dito na nakahawak rin ng baril. 

"Ma!" Sigaw ko at agad na lumapit kay mama. " Sino kayo ha?! Bakit kayo nanggugulo dito!?" Sigaw ko sa kanila at agad na ngumiti ang lalaking nasa harapan ko.

Sa itsura niya ay mukha s'yang mayaman at posibleng s'ya ang inutangan ni mama!

"Nandito kami para maningil ng utang."

Nakangisi nitong saad at mabilis naman akong napatingin kay mama na punong-puno ng luha sa kanyang mukha. 

"Ma, s'ya ba 'yong pinagka-utangan mo?" Tanong ko at mabilis naman tumango si mama habang umiiyak.

"Hija, Isang milyong piso lang naman ang utang ng mama mo sa akin. Barya lang naman 'yon kung tutuusin. Pero- 'yong ayoko sa lahat ay hindi marunong tumupad sa pangako. May pinapahanap lang naman ako sa mama mo pero- hindi n'ya pa nagawa ng maayos. Plano n'ya pa akong takasan! Tama ba 'yon?!" Para itong demonyong sabik na sabik pumatay. 

"Parang awa n'yo na. H'wag n'yo po silang saktan.." umiiyak kong saad at lumuhod pa ako sa harapan n'ya.

Tila natuwa naman ito sa nakita at ngumisi na naman. 

"Hindi ko sila sasaktan kung makakapag bayad sila agad. Kung hindi naman gusto ko ng kapalit bilang kabayaran!"

Sumeryoso ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata. Nagulat naman ako sa pagtayo ni mama at mabilis ako nitong hinatak. 

"S'ya! S'ya nalang ang ipambabayad ko sayo! Basta h'wag na h'wag mo na kaming guguluhin!" Sigaw ni mama at nakuha n'ya pa akong itulak kaya naman ay natumba ako sa paahan ng lalaking nasa harapan ko. 

"Dalhin n'yo na s'ya!" Utos nito sa tauhan n'ya at agad naman nila akong dinampot.

Luhaan akong isinakay sa kotse hanggang sa dalhin ako sa mansion nito.

Marami akong nakilala sa mansion, mga naging kaibigan at kaaway. Pero hindi pa sila naabutan ng buwan ay napaalis na kaagad sila. Hanggang sa nagtagal ng tatlong taon ang pagtatrabaho ko rito.

Nasanay na ako sa putok ng baril. Sa mga ingay ng mga binubugbog, mga pinapatay at kung ano-anu pang kahayupang ginagawa nila. 

Sa mansion ay may bawat posisyon kami. Kapag natuwa sa amin si Don Alvazar ay gumagaan kahit papano ang trabaho namin, tulad nalang noong bago palang ako dito- ako ang naglalaba ng mga kurtina at nag lilinis ng mga duguang ginamit nila sa pagpatay.

Hanggang sa napunta ako sa paglilinis ng garden at pagtatanim ng mga halaman. Promotion raw ang tawag roon, hanggang sa nautusan akong maging taga-hatid ng pagkain sa isang kwarto na walang masyadong pumupunta. 

"Makinig ka sa sasabihin ko Marthinie, alam kong matalino ka at kayang-kaya mo ang mga ipinapagawa ko sa iyo. Kaya naman ipino-promote kita bilang taga-hatid na ng pagkain. Iyon lang ang magiging trabaho mo sa buong isang araw. Hahatiran mo lang s'ya ng mga pagkain pati na ang damit o kung ano pang kailangan ng lalaking 'yon! H'wag na h'wag ka ring makikinig sa sasabihin n'ya sa iyo dahil 'yon ang ikakapahamak mo. Naiintindihan mo?"

Mabilis akong tumango at kinabukasan din ay nag-umpisa na ang aking trabaho. 

Inihanda ko na ang almusal ng kung sino man ang pagdadalhan ko sa kwarto na 'yon. Nagtataka lang ako dahil bakit itinatago pa s'ya ni Don Alvazar sa kwarto- eh samantahalang lahat ata ng tinatawag n'yang bisita na dinadala n'ya dito ay bangkay ng lalabas sa impiyernong ito.

Nabalitaan ko sa nauna pa sa akin dito na mahigit sampung taon ng nandito at ikinulong ang lalaki.

Agad akong pumunta sa pangalawang bahay na katabi ng mansion. Mas maraming kwarto dito at kaonti lang ang gamit. Umakyat ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ng kinaroroonan ng lalaking sinasabi ni Don Alvazar. Nang mabuksan ko na ang kwarto ay nakita ko ang lalaking nakayuko habang naka upo sa sahig.

May mga malalaking kadena na nakakabit sa paa at kamay n'ya. Agad itong tumingin sa akin at napahinto naman ako saglit dahil puro sugat ang katawan nito at ilang galos sa mukha pero hindi mapagkakailang guwapo ang lalaki.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at inilagay sa harap nya ang pagkain. Akmang tatayo na ako ng bigla ako nitong hinigit sa braso kaya agad akong napa-upo. 

"Tulungan mo 'ko! Kailangan kong makabalik sa pamilya ko.." pagmamakaawa nito at napamaang naman ako sa narinig.

Winaksi ko ang kamay n'ya na nakahawak sa akin at mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto! Napansandal nalang ako sa labas ng pinto sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko sa pagkakataong ito!. 

Sa bawat araw na pamimilit n'ya sa akin ay halos lumalambot na rin ang puso ko at kung kaya ko lang na-ialis s'ya sa impiyernong lugar na ito ay ginawa ko na, pero paano ko naman gagawin 'yon kung ang sarili ko nga ay hindi ko maalis dito?

Sa ilang taon na nandito ako ay kilala ko na si Don Alvazar. Malupit s'yang magalit at walang sasantuhin. Bata, matanda o kahit ano at sino pa 'yan ay kayang-kaya n'yang ipapatay na para bang wala lang sa kanya! 

"Napanuod ko ang balita tungkol sa iyo noong nawala ka. Pinahanap ka ng mga magulang mo pero ang sabi baka daw patay kana," saad ko at nalungkot naman ito sa narinig.

Noong una ay ayaw kong maniwala sa kanya, naisip ko baka tulad nina mama ay gumawa rin ng kalokohan ang mga magulang n'ya kaya s'ya nandito at nakakulong bilang isang kabayaran. Pero, nalaman kong mayaman pala ang pamilya n'ya at kilala sila bilang isang magaling at successful na mga negosyante. 

"I miss them. I miss them so much.." malungkot nitong sabi at para bang hopeless na hopeless na sa buhay, kahit naman ako ganito rin ang nararamdaman. 

"Bakit ba kasi nandito ka?" Tanong ko rito dahil hindi naman n'ya nabanggit ang dahilan kung bakit nga ba s'ya nakulong dito. 

"I was heading to my first mission that time, kasali kasi ako sa Black Crystal Revolution. Isang organisasyon kung saan inililigtas namin ang mga taong nangangailangan. Nagbibigay kami ng tulong. Aware ang government sa existence ng organisasyon pero wala silang alam kung sino ang mga miyembro nito. If I was not hard headed that time baka kasama ko pa din hanggang ngayon ang pamilya ko. I discovered something that should be buried and meant to be a secret, at 'yon ang tungkol sa hayup na Alvazar na 'yan! Plano n'yang gumawa ng mga robots na papatay sa maraming tao. Ganyan s'ya kasama! Ginamit n'ya lang ang organisasyon para sa pang sarili n'yang interes!" Galit na galit si Chase at nagtaka naman ako. 

"Paanong ginamit n'ya ang organisasyon?" Pagtataka kong tanong at mapait s'yang ngumiti bago ulit nagsalita. 

"He used to be a respectful and responsible that time. He used to care to every people that in need and willing to help anybody. But the reality- palabas lang pala ang mga 'yon. That damn man was our Commander in our organization back then.." seryosong saad nito na ikinagulat ko. 

"A-Ano? Pero bakit n'ya naman gagawin ang mga bagay na ito?" Wala sa sariling naitanong ko.

Demonyo talaga ang lalaking 'yon! 

"Because he's fucking greedy! Nalaman ko din mismo sa kanya na kasali ang kakambal ko sa organisasyon na 'yon! He even faked his death para maisagawa na ng maayos ang mga plano n'ya!" Galit nitong saad 

Kaya pala gusto n'yang mahanap ko ang kakambal n'ya. Ngayon, desidido na akong tulungan s'ya. Para mapigilan ang mga binabalak ng demonyong si Don Alvazar!

Nalaman ko rin na nakagawa s'ya ng gamot na magbabalik sa dati n'yang pisikal. Magiging bata ang itsura nito kapag na inject sa katawan n'ya ang gamot. 

"Kaya ayaw n'ya pa akong pakawalan o pinapatay dahil may hindi pa s'ya nakukuha sa akin! Iyon ay ang metallic triangle na makakatulong para maisakatuparan n'ya ang planong paggawa ng gamot na hindi ka na makakaramdam ng kahit na anong sakit, hindi ka tatablan ng sakit o kung ano-anu pa man," sambit pa nito. 

Nagdaan ang ilang buwan ay napagdesisyunan kung hanapin ang pamilya n'ya. Hindi ko naman puwedeng puntahan sila ng direkta dahil may mga nagbabantay sa akin sa bawat paglabas ko.

Kailangan ko pang mang-uto para maniwala sila at malayang makagalaw. Isa-isa ko ring hinanap ang mga bagay na itinago ni Chase lalo na ang Metallic Triangle. Madalas na din kaming mag-usap at mag plano ni Chase ng mga bagay-bagay patungkol sa ipapadala n'yang mga gamit sa kakambal na si Ezra.

Hanggang sa nalaman kong may kumpanya pala ito na pag-aari n'ya. Pinuntahan ko s'ya roon pero ang sabi ng head manager na nagpakilalang si Arielle ay madalas busy ang CEO nila. Nakita ko naman ang isa sa mga tauhan ni Don Alvazar doon kaya nagmadali akong umalis. 

Naisipan kong mag hanap-hanap ng iba pang bagay na mag tuturo sa akin kung sino ang madalas na kasama ni Captain Ezra.

Hanggang sa aksidente kong narinig na may kausap si Don Alvazar sa telepono at galit na galit ito. May mga nabanggit itong dalawang pangalan, Justin at Dia.

Noong araw ring 'yon ay umalis si Don Alvazar kaya naman ay naisip kong pumasok sa kwarto nila ni ma'am Yvette. Dahil nasa amerika pa naman si ma'am Yvette ay solong-solo ni Don Alvazar ang kuwarto.

Madali akong nakapasok dahil bihira lang ang mga bantay dito. Nabasa ko ang mga impormasyon patungkol sa organisasyon na sinasabi ni Chase at ang kasalukuyang may mga matataas na ranggo sa taong ito. Kasama na doon ang head information seeker na si Dia Feliciano.

Walang kasiguraduhan ang gagawin ko pero gusto kung sumugal sa pagkakataong ito. Ipinadala ko kay Dia ang mga bagay na makakapag sabi na buhay pa din si Chase. Tinuruan din ako ni Chase kung paano gawin ang maliit na box na kinalalagyan ng metallic triangle na may passcode pa. 

"Nai-padala ko na Chase. Umasa kang maililigtas ka dito" malungkot kong saad dahil kung sakali mang makaalis s'ya dito ay hindi na kami magkikita. 

"Sumama ka sa akin Marthinie. Sabay tayong umalis dito.." malambing na saad ni Chase at mabilis ako nitong hinalikan sa labi.

Eto na ata ang pinakamasaya at pinaka nakakatakot na naranasan at naramdaman ko.

Bakit ba kailangan naming magkakilala sa maling panahon? Sa maling pagkakataon?

"Hindi pwede-"

"Mahal kita Marthinie. Mahal kita." seryosong saad nito at ikinaluha ko. Luhang natatakot sa mga pu-puwedeng mangyari.

Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Chase. Makakaalis ka dito! Makakaligtas ka at gagawin ko ang lahat para lang matulungan ang kakambal mong matagal ng naghahanap sa iyo.

Makakalaya ka sa impiyernong ito at makakasamang muli ang mga pamilya mo. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.