Ezra's POV
Ilang oras na kaming naghihintay sa labas ng operating room dahil lumipas na ang mahigit tatlong oras ng operasyon pero hindi pa din lumalabas ang doctor.
"Kamusta si Nazi?"
Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko sina tito Pabio, kasama sina Nexus at ang iba pa. Nandito rin si Lance.
"Hindi pa lumalabas ang doctor.," sagot ko at marahang umiling si tito.
"I hope that everything will be fine." sabi naman ni Nexus, tango lang ang itinugon ko sa kanya at agad akong napatingin sa harap ng pinto.
Sakto namang lumabas sa operating room ang doctor at mabilis na lumapit sa amin.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong nito ng makalapit.
"Uncle ko ho s'ya doc!" Pag-aako ni Justin at wala ng kumontra pa sa sinabi n'ya.
"Alright, as of now natanggal na namin ang dalawang bala sa balikat n'ya. We just need to see the results kung wala ng ibang damage sa katawan n'ya, and we need to monitor him since he lose too much blood.," Paliwanag ng doctor.
Hindi kami puwedeng magtagal dito.
"After to see the results, puwede na ba namin s'yang i-discharge?" Tanong ko na mabilis nitong ikinailing.
"I'm sorry, but you can't discharge him right away, may mga protocols kaming sinusunod dito sa osp-"
Hindi na nito natapos ang sasabihin pa ng mabilis s'yang kinwelyuhan ni Alexis.
"Gunggong! Ang dami mong sinasabing protocols, eme eme! Gawaan mo ng paraan!" Asik nito at nahintatakutan naman ang doctor at mabilis itong tumango. "Do you understand!?"
"O-Opo, yes.., sir Maniego!"
Patakbong umalis ang doctor at nakita naman naming inilipat na sa private room si Commander Nazi. Tinatapik-tapik naman ni Zach ang balikat ni Alexis para pakalmahin.
"Biruin mo 'yun?" Biglang sabi ni Flare na ikinalingon naman namin sa kanya. "May silbi ka din pala Lex?"
"Ulol! May silbi talaga ako 'no! Gunggong ka talaga!" Inis na sabi ni Alexis at humalukipkip pa.
"Akala kasi namin pambababae at pagiging chismosa lang ang talent mo!" Segunda naman ni Drake at nagtawanan sila.
Naiiling nalang ako dahil sa mga kalokohan nila.
Nang makabalik ang doctor ay dala na nito ang resulta at puwede na naming ilabas ng ospital si Commander Nazi. Balak nilang sa bahay nalang s'ya ni Nexus magpagaling dahil masyadong expose dito kahit na sabihing ang pamilya ni Alexis ang may-ari ng ospital.
"Shuta!"
Napatingin ako kay Justin na kasalukuyang nakatayo sa gilid at busy kakatingin sa cellphone n'ya, lumingon ito sa akin at agad na lumapit.
"Kailangan na nating makaalis dito, Captain! May kumuha ng pictures ng mga sasakyan natin kanina. Ang sabi rito ay iniimbestigahan na ng mga pulisya ang nangyari!" medyo natatarantang sabi ni Justin.
Tumingin na rin sila sa aming lahat, mukhang naghihintay sa magiging desisyon ko. Tumayo ako at inilabas ang susi ng aking motor.
"Should I call the organization? para ipabura ang mga litratong nakuha? Mahahanap nila tayo agad!" Segunda naman ni Dia.
"Let that happen, mas lalo silang magtataka kung mawawala nalang bigla ang mga pictures ng mga sasakyan natin. For sure, may mga kopya na rin sila no'n! We just need a strong alibi to get rid of the cops." Saad ko at napangiti naman agad si Justin sa naisip.
"Uh-uh! Parang gusto ko 'to ah? Anyway, I heard na matinik daw humawak ng mga kaso ng krimen ang lastest at pinakabatang hepe ng kapulisan! Pereng geste ke s'ye mekete hehehe!" ani ni Justin.
"Tangina, buti naman balak mo na 'kong palitan!" Reklamo ni Flare at nagtawanan sila.
"Ih! Fafa Flare naman, ikaw pa rin ang baby ko! Ang baby ko! Ikaw kaya ang unang nagpatibok ng panty ko! Este-ng puso ko!" naka pout pang sabi ni Justin.
"Tara na nga! Puro ka kalokohan!" natatawang saad ni Dia at hinatak na si Justin palabas.
"Kami na ang bahala kay Commander, take care of yourself, Ezra.," saad ni Nexus at tango naman ang itinugon ko.
"Mag-iingat ka raw kasi magpapakasal pa kayo!" Sabi ni Drake at agad na nag peace sign.
"Yown! Makakakain na ba kami ng lumpia, bossing?" Nakangising saad naman ni Zach.
"Basta sa akin ang desserts!" Sabi naman ni Alexis.
"Basta, sagot ko na ang paglibing sa inyong tatlo mga tanga!" Sigaw naman ni Flare at inilagay sa bag ang mga gamit ni Commander.
"Be thankful fuckers, 'cause I don't have a fucking gun right now!" Malamig namang saad ni Nexus.
Ipa-rehab ko na kaya sila? Puro kasi sila kalokohan eh.
"I'll go ahead! Ingatan niyo si Commander." saad ko at naglakad palapit sa pinto.
"I'll make that happen..,"
Napalingon ako ng magsalita si Nexus, bahagya ko s'yang nginitian dahil sa sinabi. Dapat lang naman n'yang ingatan si Commander ano! May laban pa kaming tatapusin.
"Thank you, then!" saad ko.
"No, I'll make that happen, that you'll going to be my bride." Nakangiting sabi ni Nexus at ang apat namang gunggong
Napa-O dahil sa narinig at talagang sabay-sabay pa silang lumingon sa direksyon ko.
"YOWN! tuloy ang lumpia!"
"Boss Nexus lang sakalam!"
"Tangina, boss! Kinilig bulbol ko!"
"Gago naman eh! Hinay-hinay boss! Baka mabuntis agad ako!"
Nagtawanan sila sa mga kalokohan at agad na akong lumbas, hindi ko namalayang nakangiti na din pala ako. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang bumabanat eh? Hindi handa ang lungs ko para sa ganyang bagay!
"Oh? Captain. Bakit namumula ka d'yan?" tanong ni Lance ng makalapit ako sa motor ko, magkatabi lang kasi sa parking lot ang motor naming dalawa.
"Hoy, anong namumula?! Masyado kang eskandaloso Lance ha! Natural lang 'yan!" Sambit ko.
Halos magkasabayan lang kaming sumakay ng motor, pinaandar nadin nina Dia at Justin ang gamit nilang sasakyan.
Mabilis kong pinaandar ang paborito kong motor, dahil sa imbestigasyon na mangyayari ay magiging aware sina mom at dad tungkol sa bagay na ito. Pero tulad nga ng sinabi ko kay Justin, we should let that happen. Alam ko ring hindi agad maniniwala sina mommy at daddy kung iimbitahan ako sa mga susunod na araw dahil sa nangyari ngayon.
I need to act accordingly to the plan to make it realistic, and convince them na hindi kami involve sa nangyari.
Dumaan muna kami sa bahay ni Nexus, doon sa pinagdalhan n'ya sa akin. Pagkatapos ay agad akong dumiretso sa organisasyon. I check everything lalo na ang mga papeles, I should take care of things na hindi puwedeng mapunta sa iba lalo na ang mga data files ng organisasyon.
"Ezra!?"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Asher, lumingon ako sa kanya at pawisan pa ng bahagya ang buong mukha nito.
"What is it, Asher?"
"I heard na nabaril si Commander Nazi? How is he?" May pag-aalala nitong tanong na ikinahinto ko.
Nang makabawi ay nakuha kong sumagot sa kanyang itinanong.
"Ayos lang s'ya, he just need to take a rest" kaswal kong saad at tumango-tango naman s'ya.
"I hope that he can recover fastly, we need him. Thank you for taking care of everything, Ezra." malamlam ang mga mata n'yang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at bahagyang lumapit sa kaniya, mukha naman s'yang nagulat sa ginawa ko pero hindi ko alintana 'yon. Hinawakan ko s'ya sa kanang pisngi at nagsalita.
"You don't need to thank me, Asher. It's my obligation."
Binigyan ko s'ya ng pinakamatamis kong ngiti bago s'ya tinalikuran. Tinungo ko ang opisina at inilagay doon ang mga importanteng mga papeles, inilagay ko iyon sa safety vault at binuksan ang laptop ko na nagamit kong pang-traced sa lokasyon nina Alvazar.
So far, walang red dots. Wala rin akong nabasang email mula sa account ko. Patuloy naman ang ranting ng mga executives patungkol sa pagkawala ni Ranz at sinabi pang we should do something to find him.
Ngumisi lang ako bago in-off ang laptop at inilagay sa bag. Ngayong may ideya na ako sa iba pang nangyayari, kailangan lang namin ng maganda, malinis at maayos na plano. Alam kong isusugal na ni Alvazar ang lahat at alam ko ring ginigipit na n'ya si Chase para lang makuha ang metallic triangle na kailangan n'ya, pero hindi ko 'yon isusuko.
Magkakamatayan muna kami bago mapunta sa mga kamay n'ya ang bagay na 'yon. Kailangan na n'yang putulan ng pakpak para hindi na makatakas sa impiyernong naghihintay sa kanya.
Ipinangako kong kahit anong mangyari ay hindi ko ibibigay 'yon kay Alvazar. Pero alam kong may pag-asa pa akong makuha si Chase, sa oras na maubos ko na ang mga officials ng hari, mabilis ko nalang s'yang mache-check mate!
Pumunta ako sa training center at bumungad sa akin ang iilang mga baguhang miyembro ng Black Crystal Revolution, bumati pa sila sa akin at ganoon din ang ginawa ko.
Dinaanan ko rin ang craftship center, dito sila gumagawa ng mga makabagong kagamitan at kung ano-anu pang bagay na puwede nilang gawin.
Pumunta ako sa pinakadulong pinto at pinindot ang passcode para makapasok ako, bumungad sa akin si Chaos-049009 script defense ship! Isa itong sasakyan na pwedeng gamitin mapa-air or land defense. Hindi ito natatablan ng bala o kahit na anong bomba. Pinaghalong blue at white ang kulay nito at ang katawan ay hugis eroplano.
Walong tao ang pwedeng sumakay rito, awtomatiko rin itong aandar ng kusa, pero sa oras na maisarado na ang pinto nito ay hindi na ito mabubuksan sa oras na na-detect ng system n'ya na may mga explosive device ang nasa paligid.
Ito ang huling ginawa ni Platinum bago s'ya nawala, alam kong magagamit ko ito sa tamang panahon.
Ang layunin nito ay mailigtas ang mga taong walang kakayahang makalabas sa isang lugar na punong-puno na ng mga bomba.
Dapat kong pasalamatan ng malaki si Platinum dahil sa pagbuo n'ya rito, he deserves all the credits about this one. He's still missing, wala pa din kaming nahanap na balita patungkol sa kanya.
Ako at si Commander Nazi lang din ang nakakaalam sa imbensyon n'yang ito.
However, the ship made of Platinum can be only use once a year! May sarili itong shutdown device and it takes years bago ulit magamit. Ginawa iyon para hindi mag overuse ang ship.
Kaya dapat lang na ilalabas ko lang ito kapag gipit na at kailangan. Konektado rin ito sa relong suot ko, gawa rin ito ni Platinum but the difference is hindi lang ito basta isang relo. Bukod sa connected ito sa pag-activate ng ship ay may laser din ito na kayang hatiin ang kahit na anong bagay!
Napatingin ako sa relong suot ko at mag aala-sais na pala ng gabi, agad na akong lumabas sa kuwartong pinagtataguan ng ship at siniguradong walang makakapasok dito.
I must admit by now na talagang pinag-isipan itong mabuti ni Platinum, pati ang pinto at buong hallway ay ako lang ang puwedeng dumaan at wala ng iba. Siguro nga ay may kontrol dito si Alvazar pero sa data based lamang 'yon at sa kinaroroonan ng black crystal.
Damn him for dragging my twin brother into this messed! I'm pretty sure, may iba na namang kademonyohang naiisip ang isang 'yon!
I'll make sure na ako ang papatay sa kanya sa oras na magkaharap kami! Bala ng baril ko ang babaonin n'ya sa pagpunta sa impiyerno.
Agad akong pumunta sa parking lot at sumakay muli sa motor na ginamit ko kanina. Malamang ay magugulat sina mommy sa motor kong ito. Ang alam lang nila ay puro four wheels lang ang ginagamit ko, since hindi ko naman pwedeng itago ito at made-detect parin ng mga pulis na ako ang nagmamay-ari ng magandang motor na ito, so there's no use to hide this one.
Magiging malinis ang imbestigasyong gagawin nila at magiging maganda ang kalalabasan ng lahat, hindi ko kailangang kabahan o matakot. Para saan pa't dumaan ako sa maraming training para lang mahuli sa isang imbestigasyon. Diba?
White lies naman ang gagawin namin, at mali pa rin. Pero hindi puwedeng mahuli ako sa ganitong pagkakataon. Baka mag-piyesta sa tuwa ang puso ni Alvazar kapag nalaman n'yang nakulong ako dahil sa madumi n'yang laro.
Handa akong makulong pero hindi pa sa ngayon, hindi hangga't hindi ko pa nababawi si Chase. Hangga't humihinga pa si Alvazar ay wala akong magiging puwesto sa bilangguan o kahit saang lupalop ng impiyerno.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡