Ezra's POV
Dapat ba maniwala ako sa pinapakita ng isang 'to? I know Nexus is a man of his words, I can't feel any confusion about what he does and he says to me.
"I know you have an idea why am I doing this.."
Napatingin akong muli sa kanya at napahinto sa pagkain. Pakiramdam ko ay anytime mabubulunan na ako kapag ganyan parin s'yang tumingin! Tsaka bakit ba kasi s'ya ngiti ng ngiti?!
Nakakainis tuloy!
"What are you talking about..." Pagmamaang-maangan ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
Kamuntik pa akong masamid mabuti nalang at napigilan ko. Juice colored! Bakit naman kasi ganito, hindi ko naman kailangang mailang sa isang nilalang na 'to dahil may make-up man ako o wala eh, nakikita naman n'ya ang mukha ko, pero-ngayon para gusto ko nalang maging patatas at lumubog sa lupa!
Nahihiya ako sa hindi malamang dahilan, hindi ko alam kung normal pa ba 'tong nararamdaman ko o hindi! Baka kailangan ko na atang magpa check-up!
"Look, hindi ako gumagawa ng ganitong bagay kung hindi ko gusto ang isang babae. At mas lalong hindi ko hahalikan ang isang babae kong hindi ko mahal-" aniya.
Para naman akong nabato sa kinauupuan, kailangan pa bang ipapaalala ang halik na naganap?! Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko kaya naman ay nanatili akong nakayuko at paonti-onting kumakain para naman hindi n'ya ako mahalata diba.
"So, sinasabi mong gusto mo 'ko?" Alanganin kong tanong at bahagya pa s'yang natawa kaya naman ay napasimangot ako.
Agad siyang tumayo matapos n'yang uminom at lumapit sa akin, mabuti nalang at walang naka-stock sa bibig ko at nakainom agad ako ng tubig, baka kasi ma-suffocate ako bigla dahil sa lalaking 'to! Bigla-bigla nalang lumalapit.
"Hindi lang kita gusto, Mahal pa kita..." Aniya at inilahad ang kamay sa akin na tinanggap ko naman.
Ngumiti s'ya kaya lumabas na naman ang malalalim n'yang mga biloy! Sa sobrang lalim pwede ka ng malunod anytime! Bakit ba paborito ng diyos ang isang 'to?! Walang maipintas kahit saang parte ng mukha o katawan ka tumingin.
"Lilipas din 'yan" 'yan nalang ang tanging nasambit ko ng ipatong n'ya ang mga kamay ko sa balikat n'ya at dahan-dahang nag-sway tulad ng kung paano kaming nagsayaw noon.
"I told you! Hindi kahit kailanman lilipas 'to! You have my heart, so...paano lilipas ang feelings ko para sayo?" Aniya.
"Para tayong tanga 'no? Sumasayaw ng walang tugtog.." pag-iiba ko ng usapan dahil ayokong marinig ang iba n'ya pang sasabihin!
Nakakatakot malunod, mahulog tapos sa huli ay walang sasalo sayo!
"Your voice is my music Ezra. You are everything to me, at kahit ilang beses mo pa akong iwasan- layuan o kung ano pa ang ibang pina-plano mo, I'll make sure na sa akin parin ang bagsak mo." He's still smiling from ear to ear which is new to me.
As far as I remember- si Nexus 'yong tipo ng tao na daig pa ang galit at pasan ang problema ng buong mundo! He can't even give you a damn smile kasi para bang may bayad 'yon na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng yaman mo!
But then looking at him right now it's like- it's like, he is a different person from the day I met him with his gun and cold eyed stare and his cold voice that can make you shiver.
"Binayaran kaba ni mom na gawin 'to? Pwede naman nating itigil." saad ko at nakita ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata dahil sa narinig mula sa akin.
Alam ko, sobra na ako. Pero nakakatakot ulit sumugal! Ayokong makita o bumalik sa dating mahinang ako na walang magawa kundi ang umiyak dahil nasaktan.
Love can makes you weak!
"Tell me, what should I do for you to believe, that I'm really in love with you?" Tanong nito at diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Marahan naman akong tumango dahil pakiramdam ko ay nagisa ako sa sarili kong mantika sa mga oras na 'to. Gusto kong batukan ang sarili ko! Bakit ba kasi kailangan ko pang sabihin iyon eh!
We're still dancing, kahit walang tugtog ay patuloy lang kami. Hanggang bigla nalang s'yang huminto kaya akala ko ay tapos na at naisip n"yang tapusin nalang 'tong bagay na ito.
Pero bago ko pa man tuluyang mai-alis ang mga kamay ko sa balikat n'ya ay mabilis n'ya itong nahawakan at muling ibinalik ang mga kamay ko sa balikat n'ya, hinawakan n'ya ako ng mahigpit sa bewang at mas inilapit sa kanya.
Ibinuka n'ya ang bibig at matamang nakatingin sa akin at nagsimulang kumanta. Bahagya pang nakabuka ang bibig ko ng tuluyang maalala ang song title na kinakanta n'ya.
Paint My Love.
Marahan akong napalunok ng marinig ko ang napakalamig n'yang boses, masarap pakinggan at kahit sinong babae ay papangaraping makarinig ng ganito kagandang boses.
Nakangiti habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, habang dahan-dahang sumasayaw. Alam ko ang kantang 'to! Paborito kong pakinggan ito lalo na ng ma-addict ako sa pagbabasa noon ng mga magagandang kuwento sa iba't-ibang platforms.
Bakit ba hindi nalang s'ya ang nakilala ko noon imbes na si Asher? Bakit ba hindi nalang s'ya ang nauna? Nagkataon lang ba na nagkakilala at nagkasama kami ngayon?
Tuwing titingin s'ya sa akin ay para bang ang tagal na n'yang naramdaman ang mga bagay na sinabi n'ya sa akin kanina lang. Dapat bang pagbigyan ko naman ang sarili at puso ko ngayon?
Nang matapos s'yang kumanta ay nanatili kaming nakatayo at nakatingin sa isa't-isa. Walang kumilos o nagsalita, pakiramdam ko ay bigla nalang tumigil ang oras sa pag-ikot. Kakaibang kaba ang namumuo sa aking dibdib at hindi ko maintindihan kung ano ba 'yon!
"I love you since the day I laid my eyes on you..."
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay namalayan ko nalang ang pagkakalapat ng mga labi namin sa isa't-isa. Naramdaman ko na mas bumilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa ganitong sitwasyon naming dalawa ngayon!
Naramdaman ko ang paggalaw ng mga labi niya at naipikit ko nalang ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay bigla nalang akong tinamaan ng antok. Masuyo niya akong hinahalikan, magaan, banayad at matamis!
Damn! Dapat ay pinigilan ko s'ya pero heto ako! Tinugunan ang halik n'ya! Ako na ang kusang pumutol sa halikan naming dalawa dahil naiinis ako sa sarili ko.
Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang pagngiti niya kaya naman ay agad akong umiwas ng tingin pero mabilis n'yanga hinawakan ang mga pisngi ko at iniharap sa direksyon n'ya ang mukha ko.
"Hinalikan mo 'ko.." halos bulong na n'yang sabi pero feeling ko ay nalinis ata ng bongga itong tenga ko kaya naman ay rinig na rinig ko ang sinabi ng lalaking ito!
Kailangan pa bang sabihin at ulitin ang nangyari? Hindi ba pwedeng mag move-on nalang?
"Ikaw naman ang nauna!" Umismid ako at tinalikuran s'ya dahil talaga namang hiyang-hiya ako sa pagtugon ko ng halik sa kanya!
"But you let me kissed you..." Mapang-asar n'yang sabi kaya naman ay mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa mga oras na ito!
Damn him!
"Ang kapal mo talaga!" Asik ko rito at akmang hahampasin pero mabilis n'yang nahuli ang mga kamay ko.
Bahagya ko pang nailayo ng kaonti ang mukha ko ng magkalapit kami at narinig ko naman ang mahihinang pagtawa n'ya.
Bakit ang sexy ng tawa n'yang iyon!?
"I'm still going to courting you Ezra. I know you can't trust me right now, but I swear- Mahal kita. Araw-araw kitang mamahalin." seryoso n'yang saad.
Hinawakan n'ya ang kanang kamay ko at tumingala sa kalangitan. Samantalang nanatili akong nakatingin sa kanya at kitang-kita ko ang makinis n'yang balat, matangos na ilong, manipis at mapulang labi, mahahabang mga pilik mata!
Bakit ba ginawa s'yang perpekto? Hindi na ako magtataka kung bakit madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya, he's damn perfect! Devilishly handsome, a greek god!
I can't help out but to smile while looking at the night sky, pakiramdam ko ay kailangan ko ng ayusin ang buhay ko, but this isn't going to be easy. Marami akong kailangang gawin, ayokong mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko.
"What does my queen thinking right now?"
Nabaling muli ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay sa akin na nakatingin ang mga maganda n'yang mga mata. Buong tapang kong sinalubong ito at tsaka akmang bibitaw sa kamay n'ya pero hinigpitan n'ya lang lalo ang pagkakahawak sa akin.
"Hindi ako tulad ng iba..."
Panimula ko at mabilis na yumuko. Ayokong makita ang magiging reaksyon n'ya.
"Hindi simple ang mga ginagawa ko Nexus! Hindi ako tulad ng ibang babae na normal ang ginagawa. I'm looking for my twin brother at 'yon ang gusto kong i-priority sa ngayon." Saad ko.
Imbes na makarinig ng ibang salita mula sa kaniya ay mabilis lang ako nitong niyakap.
"I know, I don't need a perfect woman. Ikaw lang ang kailangan ko sa buhay. I don't care about your past, about what you did or anything. Hindi no'n mapipigilan ang pagmamahal ko sayo.." malambing nitong sabi at muli akong hinarap.
"Pero hindi ko-"
"You deserve me, and I'm willing to do anything maging deserve mo lang ako. Kaya kong bitawan ang lahat makuha lang kita Ezra... just say it baby and I will do it for you. I wanna grow old with you, spent my days and time with you. You don't have an any idea kung kailan kita minahal pero- kaya kong patunayan araw-araw sayo itong mga pinagsasabi ko. Hindi ko hihingiin ang permiso sa mga magulang mo kung hindi ako seryoso. I won't make an effort to do such thing like this kung hindi kita mahal." Aniya.
Bakit ba masyadong vocal ang isang 'to? Puwede bang mag-sinungaling ka naman kahit isang sentence lang? Ang hirap magpigil! Masyadong traydor ang puso ko!
May dinukot siyang kung ano sa loob ng tuxedo niya at nangunot ang noo ko sa nakita!
Singsing?
Ngumiti s'ya bago kunin ang kamay ko, hindi ko binawi o tinampal ang kamay n'ya dahil pakiramdam ko ay maling desisyon 'yon sa buhay. Baka pagsisihan ko pa sa oras na gawin ko ang bagay na 'yon!
Marahan n'yang isinuot sa daliri ko ang magandang singsing tsaka muling tumingin sa mga mata ko.
"Hindi kita mamadaliin, but I promise that I'll be by your side no matter what happen. To wait and love you unconditionally, to respect and guide you. I will be forever thankful to God that he allow me to be with you each day of my life baby..."
Hinalikan niya ako sa noo kaya naman ay awtomatikong napapikit ang mga mata ko. Kusang tumulo ang mga luha ko sa mga mata at gumanti sa yakap na iginawad n'ya.
Akala ko dati wala ng lalaking tatanggap sa akin sa oras na pumasok ako sa organisasyon, pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon., Heto ako at kasama ang lalaking alam kong nilalaman ng puso ko.
Please Nexus! Wait for me, just wait for the right time na maging maayos na ang lahat! 'Yung wala ng gulo. Wala ng Alvazar! He's good to be true, he is a good man that willing to take a risk for the rest of my life.
"I love you baby- I love you so much Captain, Samantha Ezra Mendivel,"
Sa huli ay muli na namang naglapat ang aming mga labi. Pakiramdam ko ay nasa ulap ako ng mga oras na ito at para bang isang panaginip lang ang lahat!
Mahal din kita Nexus. Mahal kita.
Balang araw, tulad ng sinabi mo sa akin na sayo parin ako hanggang sa huli. Saksi ang mga bituin sa sinabi mong 'yon Nexus! Sa araw na mangyari 'yon, walang oras na hindi ko ipaparamdam sayo ang pagmamahal ko.
Isang bagay lang ang sigurado ako sa mga oras na ito- nahulog na ako. Hulog na hulog at ang hirap ng pigilan at iwasan.
Ngunit handa na akong sumugal ulit. Sumugal sa taong alam kong kaya din akong ipanalo hanggang sa huli.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡