Alvazar's POV
"Don Alvazar, dumating na po si sir Asher"
Napahinto ako sa ginagawang paghalik kay Yvette at agad na tumayo. Marahas ko s'yang itinulak sa sofa at agad na inayos ang butones ng aking damit.
"Asher? Anong problema at mukhang pinagsakluban ka ata ng langit at lupa?" Untag ko rito ng makita ko s'yang prenteng nakaupo sa malawak na sofa'ng pag-aari ko.
Lumingon naman ito sa akin at halatang wala sa mood kaya naman ay sumenyas ako sa isa kong tauhan at agad naman itong tumalima para umalis.
"Akala ko ba mababawi ko si Ezra kapag nasa akin na ang kalahati ng organisasyon? Pero hanggang ngayon eto?! Pakiramdam ko puro nagkanda letse-letse lang lahat!" Sigaw n'ya.
Umiling naman ako dahil mukhang alam ko na ang pino-problema n'ya, ang Mendivel na namang 'yon! Bakit ba kasi hinayaan kong makapasok ang isang 'yon noon kung magiging sakit lang pala s'ya sa ulo ko ngayon!? Tsk.
Ang dami ko ng planong nabulilyaso dahil sa kanya! And of course- hindi siya basta lang miyembro ng organisasyon kundi mataas rin ang katungkulan n'ya. Nakakainis. I underestimated her- ang akala ko kasi ay katulad Lang s'ya ng ibang miyembro na walang silbi.
"Come on, don't think about it. We have so much time for that," Mahinahong saad ko at matalim naman s'yang tumingin sa akin.
"Wala na tayong oras! Ayoko ng mag aksaya pa ng panahon. Do your plan at ganoon din ang gagawin ko, but don't you dare lay your hand on her." iritadong saad nito kaya naman ay napangisi ako.
Sabagay, talaga namang maganda si Captain Mendivel. Kahit ang ibang tauhan ko rito ay isa 'yan sa pinag-uusapan. Kung hindi ko lang kaalyansa si Asher ay baka matagal ko na ring nakuha si Ezra.
Mas maraming babae, mas maganda. Deserve ko namang magpakasasa sa mga katawan at ganda nila!
"I know it. Kapag nakuha ko na ang metallic triangle sigurado akong mapapasayo na si Ezra, pero let me give her a punishment for a while.." nakangisi kong saad.
"At ano naman 'yon? What's punishment?"
"I will just sent some evidence about her whereabouts to her family. Alam nating pareho na hindi pa alam ng pamilya n'ya na kasali siya sa organisasyong kinabibilangan n'ya ngayon. She was untouchable before- not until pamilya n'ya na ang magiging kaaway n'ya."
Kumunot naman ang noo n'ya sa narinig, mukhang hindi pa rin n'ya nakukuha ang gusto kong mangyari.
"Whatever it is, just make sure na matutuwa ako." malamig nitong sabi at sakto namang dumating si Yvette na may dalang alak.
"Uminom muna tayo, ikalma mo muna ang sarili mo. We have so many ways para masira si Nexus kay Ezra at hindi matuloy ang love story nila kaya uminom ka muna. Relax, kalma okay?"
Ako na mismo ang naglagay ng alak sa baso n'ya at agad naman n'yang ininom 'yon.
"Kamusta naman ang kakambal n'ya?" Tanong nito.
"Matigas pa rin ang ulo at palaging gumagawa ng ikakasakit sa sarili. Huli ko ng nalaman na nagkasundo na pala si Marthinie at Chase na tumakas, pero dahil mga tanga sila ayon! Parehas na silang nakakulong sa kwartong ipinagawa ko kay Platinum" sagot ko.
Nakakatawang isipin na ako ang mananalo sa labang ito! Gusto kong mapasunod ang lahat ng tao at mapasa akin ang lahat ng nandito sa mundo! Ako at si Asher ang mangunguna sa lahat. Lahat ng gustong humarang at planong pigilan kami sa magaganda naming plano ay mamamatay!
"Buti hindi tumatakas ang matandang 'yan?" Kaswal n'yang tanong kaya naman ay muli akong napangisi.
"Subukan n'ya at talagang papatayin ko silang apat- si Chase, Marthinie, Platinum at ang totoong Alvazar. Importante silang apat sa ngayon, pero kapag kumpleto na ang lahat- basura nalang sila, hindi ba?" Tumawa ako ng malakas at nakipag-cheers naman si Asher sa akin na may ngisi sa mga labi.
'yan, ganyan nga Asher! H'wag mong hayaang lumubog ka dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan! Dadalhin ka lang sa impiyerno n'yang nararamdaman mo kapag pinagpatuloy mo pa 'yan.
"Anyway, naibenta na ang mga droga na ipinadala dito sa atin. Afford na nating bumili ng iba pang mgagandang pampasabog na magagamit natin sa gagong presidente natin." aniya.
"Tamang-tama! Kakarating lang din ng mga bagong baril galing sa Russia. Puwede nating tingnan mamaya, at isa pa may mga bagong nadagdag na rin ako sa mga tao natin," saad ko pa.
Para mapasayo ang lahat- kailangan mong makuha ang mga importanteng bagay na magagamit mo sa huling laban. Dahil mahina ang gunggong naming presidente at gusto kong pamunuan ang lahat ano ba ang dapat kong gawin?
Edi kunin ang mga importanteng tao sa buhay n'ya!
Gusto kong isusuko n'ya ang lahat sa akin, at kapag nangyari 'yon ay robot na ang gagawa ng lahat. Gagawa kami ng maraming androids para samahan ako sa pamumuno.
Kapag may kahinaan ka- madali kang matatalo, kaya naman ang lahat ng may kahinaan ay sigurado akong mauuwi sa pagkamatay!
"Anong balita kay Ranz? Nalaman mo na ba kung nasaan s'ya?" Tanong ko kay Asher pero mabilis s'yang umiling.
"Wala na akong ibang balita sa kanya, sigurado naman akong hindi n'ya tayo tatakasan o tatraydurin. Ang nakakapagtaka lang ay bigla nalang s'yang nawala na parang bula!"
Saglit naman akong napaisip sa narinig, kahit papaano ay malaki ang nai-ambag ni Ranz sa akin. Magaling s'yang makipaglaban na talaga namang kinabibiliban ko. Imposible rin namang mapatay s'ya ng gano'n kadali, alam ko ring hindi s'ya sasaktan ng miyembro ng organisasyon.
"Wala rin akong ideya kung nasaan s'ya ngayon, pero alam kong makakabalik s'ya sa atin. Alam mo naman kung paano magtrabaho ang isang 'yon" saad ko.
"Yes, pero ang ayoko eh yung nalaman kong gusto n'ya si Ezra. I want to punch him right straight in his face para naman alam n'ya kung saan s'ya lulugar! Aagawan n'ya pa ako!" May inis sa boses nito kaya naman pagak akong natawa.
Lahat na ba ay nababaliw kay Ezra? Come on- count me in! Puwede ko naman s'yang maagaw kay Asher at Nexus kapag ginusto ko!
"Anyway, bakit ka nga pala galit ng makarating dito?" Pang-uusisa ko.
Nakita ko ang pag higpit ng hawak n'ya sa baso, at ang panlilisik ng mga mata.
"Well, matagal na palang alam ni Ezra ang ginawa namin noon ni Vienna. I thought it was just her decision to left me, but to my surprised- it's all the fucking cheating thingy," inis nitong sagot kaya naman ay natawa ako.
Well, lalaki lang kami.. may kahinaan. Kung palay na ang lalapit sa manok malamang ay tutukain agad 'yon! Blessing is blessing! Hindi dapat tinatanggihan. Kung gusto nilang bumukaka sa harap namin bakit pa kami tatanggi?
"Bakit hindi nalang ang Vienna na 'yon ang bigyang pansin mo? Mukha namang patay na patay 'yon sayo!" may pang-aasar kong sabi.
"Pampalipas oras ko lang si Vienna, si Ezra ang mahal ko at wala ng iba. Vienna is willing to spread her legs open wide just to satisfy me in bed, pero iba si Ezra. Wala pa s'yang ginagawang bagay katulad n'yan- but I respect her though-." Aniya.
Boy will always be a boys! Tama nga naman, tulad nga ng sinabi ko kung blessing na ang lalapit bakit pa tatanggihan.
"Bakit ba kasi hindi nalang natin patayin 'yang si Nexus?!" Inis nitong tanong.
Natawa ako sa sinabi n'ya na literal na ikinahinto n'ya. Pinunasan ko ang luha sa aking mata dahil sa sobrang pagtawa.
"Are you kidding me? Alam nating mahirap mapatay ang isang 'yon dahil mafia boss s'ya! Hindi s'ya basta-basta mapapatay ng ganon-ganun lang! Kung gano'n lang kadali ang lahat- edi matagal na sana s'yang pinaglamayan ng lahat!" saad ko.
Totoong mahirap kalabanin ang pamilyang Atkinson, noon pa man ay kilala na ang pamilya nila na hindi lang sa negosyo kundi sa ibang aspeto ng kasikatan. Mayaman ang pamilya nila at kahit ata iwaldas nila ang pera nila sa walang kakuwenta-kuwentang bagay ay wala lang sa kanila 'yon!
Hindi tulad ko na kailangan pang magbenta ng iba't-ibang babae at droga para lang dumami ang pera. Kaya hindi nila alam ang pakiramdam na nasa ibaba! Naging matagumpay akong pasukin ang organisasyon para maging daan sa mga plano ko.
Kaya naman naniniwala akong magiging matagumpay akong mapasaakin ang lahat! Kapangyarihan, kayamanan at maging ang kasikatan. Sa dami ng tauhan ko at imbensyon ay hinding-hindi nila ako mapapatay ng basta-basta.
Malaman man nila kung nasaan ang lokasyon namin ay hindi naman sila makakalabas ng buhay rito! Punong-puno ng bomba ang buong paligid na talaga namang ipinasadya ko! Sa oras na magkaharap-harap kaming lahat dito ay sisiguraduhin kong sila ang mamamatay!
Madami pa kaming napag-usapang plano ni Asher bago s'ya tuluyang umalis. Inutusan ko naman ang ibang tauhan kong magmanman sa bahay ng presidente para maisagawa ang buong plano.
"Wala ka ba talagang planong tumigil sa kalokohan mo Alvazar?!"
Si Yvette.
Nilingon ko s'ya at sumalubong sa akin ang mga galit niyang mata. Ngumisi ako bago tuluyang hinithit ang sigarilyong hawak ko. Tanging si Asher lamang ang nakakaalam ng tunay kong katauhan.
"Bakit ba hindi mo ako makuhang suportahan nalang sa mga plano kong gawin? Kapag natuwa ako sayo ay may reward ka pang makukuha." nakangising saad ko at mas lalo lang tumalim ang tingin n'ya sa akin.
"Ang dami mo ng dinamay sa gulong ito! Tapos magdadagdag ka na naman! Hindi ba puwedeng mamuhay ka nalang ng normal?!" Sigaw nito pero wala akong pakialam sa mga sasabihin at nararamdaman n'ya.
"Hindi, dahil pangarap ko ang pinag-uusapan dito." Saad ko.
"Pangarap? Dahil d'yan sa basura mong pangarap dinamay mo kami ni Nazi dito sa gulo mo!"
Agad akong lumapit sa kanya at mabilis s'yang sinampal, umiyak naman ito habang hawak ang kaliwang pisngi.
"H'wagag mo ng asahan pang magkakasama kayo ni Nazi, dahil para sa kanya kaaway kana!" Sigaw ko. "Hindi ko hahayaang maging masaya kayo, habang buhay si Nazi, habang-buhay kang nandito sa akin! Ikakama kita kung kailan ko gusto at papatayin kita kapag sawa na ako sayo! Naiintindihan mo ba ha?!" Singhal ko habang marahas na hawak ang pisngi n'ya.
"Hayop ka talaga! Napakasama mo!"
Dinuraan niya ako sa mukha kaya naman marahas akong napapikit, agad ko s'yang itinulak at muli na naman dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi. Tinadyakan ko muna siya bago iwang namimilipit sa sakit.
"Itali mo na s'ya! Magpakasasa kayo sa katawan n'ya hangga't gusto n'yo!" Sigaw ko sa mga tauhan ko at agad na sumilay ang ngisi sa kanilang mga labi.
Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Yvette pero hindi ko na 'yon pinakinggan pa.
Wala akong pakialam kay Nazi o kung kanino pa man. Ang gusto ko ang masusunod at walang puwang sa puso ko ang awa. Kung kailangan ko silang pahirapan o patayin, gagawin ko para lang sa mga magagandang plano ko.
Dumiretso ako sa isang kwarto na talaga namang paborito kong dalawin. Ang kwarto kong saan nakakulong ang mga importanteng tao sa mga pangarap ko.
"Kamusta kayo mga walang silbi?"
Agad naman silang tumingin sa akin habang nakasalampak sa sahig at nakatali sa mahabang kadena ang mga kamay.
Ngumisi ako sa mga reaksyon nila ng makita ako, nakakatawa silang tingnan. Hindi ko alam na pwede na silang pumalit sa mga aso ko sa bahay!
"Mamatay ka na!" Ani ni Chase.
Humalakhak ako at tsaka dahan-dahang naglakad palapit sa direksyon nila. Ang swerte naman ng mga inutil na 'to nasa malawak na kuwarto pa nakakulong.
"Chase, kailangan bang ganyan agad ang bungad mo sa akin? Well, sorry pero magkaibigan kasi kami ni kamatayan kaya hindi muna ako mamamatay.." nakangisi kong saad at tsaka binalingan si Marthinie.
"Kapag natuntun nina Ezra at Nazi ang lugar na 'to tapos kana Alvazar!" Sabi naman ng uugod-ugod at mabahong matandang si Platinum!
"And so? I don't need to worry about them, willing akong i-welcome sila kung kailangan." mapang asar kong sabi. "Madami pa akong plano para lang matapos dito, at hindi si Nazi o mas lalong hindi si Ezra ang papatay sa akin! Kapag nakuha ko na ang metallic triangle- ako na ang panalo sa labang ito! Wala na kayong magagawa kundi ang sumunod sa mga gusto ko! Naiintindihan n'yo ba mga inutil na walang kuwenta?" Lintaya ko at naupo sa isang silya.
"Kung tutuusin napaka-bait ko sa inyo, pinapakain ko pa kayo kahit mga wala naman kayong silbi at kahit kating-kati na akong pasabugin isa-isa 'yang mga utak n'yo- nakakapagpigil parin ako! Ang bait ko diba? Kaya kung ibibigay n'yo ang gusto ko puwede pang humaba ang buhay n'yo.. tandaan n'yong sa akin nakasalalay ang lahat, kapag namatay ako, mamamatay rin kayo!"
"A-Anong ibig mong sabihin?" May halong pangamba sa boses ni Marthinie kaya ngumisi ako lalo bago sumagot.
"Malalaman niyo rin 'to kapag nagkaharap-harap na kami dito." Saad ko at tsaka tumayo at lumabas ng kwarto.
Matapos kong lisanin ang isang kuwarto ay muli kong sinilip ang isang kuwarto kung saan ko ikinulong si Alvazar. Ang tunay na Alvazar.
Ngumisi ako ng makita ng kawawang mukha nito at kagaad na isinurado ang pinto.
Sige lang- magalit kayo kay Alvazar kahit hindi naman s'ya ang may pakana mga hunghang!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡