ASLAN’S POV
Kinilabutan ako ng husto sa sandaling mapansin ko ang nawawalang syringe. Ang tanging taong pumasok sa silid na ito maliban kay Tyson ay si Aurora. Saan niya na man kakailanganin ang syringe na mga iyon?
Ang paghahanap ko kay Aurora ang siyang nagdala sa akin sa kwarto ni Tyson. Nanlaki ang mga mata ko sa takot nang makita ko si Tyson na nakahiga at walang malay sa may sahig. Si Aurora ay nakatayo sa tabi niya na may ngiting tagumpay na nakapinta mula sa kanyang mukha. Kinabahan ako nang makita ko ang walang laman na syringe sa kanyang mga kamay. Hinila ko siya mula sa kanyang braso at itinanong, “Hindi mo…’’
“Siyempre ginawa ko. Kailangang may magturo sa lalaking makitid ang isip na ito ng leksyon.’’ Sinabi niya nang lakas-loob.
“Baliw ka na ba Aurora? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Inatake mo ang hari ng mga dragon. Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa’yo sa oras na magising siya?” sabi ko habang niyuyog ang mga balikat niya.
“Ano pa bang pinakamalalang magagawa niya? Papatayin niya ako o kaya naman tuturukan niya ako ng parehong serum? Gan’on ba… At parang may pakialam naman ako… Bilanggo na ako sa isang bangungot na lugar na ‘to… May ilalala pa ba doon?” sagot ni Aurora at tinulak ako palayo.
Ano pa bang masasabi ko sa kanya?
Binuhat ko si Tyson at inihiga siya sa kama niya ng dahan-dahan bago hinanap ang pangontra para dito… Masuwerte ako dahil nakasalubong ko si Zarina. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para mahanap ang pangontra. Nakatago ito sa isang locker mula sa isang sekretong lugar. At ngayon, ang tanging dapat naming gawin ay ang kunin iyon palabas doon.
Ang locker ay mayroong isang tatlong-layer na seguridad; isang mahiwagang harang, isang metal na hindi masisira ng apoy, at isang passcode. Nakakapang-asar na may passcode pang proteksyon si Tyson, at iyon lamang ang bagay na nahirapan kaming wasakin.
Dali-daling dumaan si Zarina sa mahiwagang harang ngunit hindi siya nakalusot sa passcode. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan upang tunawin ang locker ngunit wala itong silbi. Sinubukan pa ni Zarina na gamitin ako bilang isang mapagkukunan niya ng lakas upang sirain ito at mabuksan gamit ang mahika ngunit hindi rin iyon gumana. Ngayon, ang tanging natitirang paraan ay upang subukan ang isang maaaring passcode. Mayroon kaming tatlong pagkakataon na buksan ito bago ito masira ng tuluyan.
“Nakita ko na ang locker na ito dati. Ang mga passcode ay karakters lamang at karamihan ay gumagamit ng mga pangalan.’’ sabi ko habang ino-obserbahan ang panel mula sa locker.
“Aslan, subukan ang pangalan ni inay. Si Tyson ang pinakamalapit sa kanya ...” sabi ni Zarina,
Tumango ako at inilagay ang, ‘’Amorea.’
Ang ilaw mula sa locker ay naging pula at nagsimulang tumunog. Nagbuntong-hininga ako ng napakalalim at muliong sinubukan ang, ‘Zarina.’
“Damn! Bakit mo sinubukan ang pangalan ko? Alam mo ba kung gaano niya ako kinamumuhian?”
“Akala ko itatago at gagamitin niya din ang pangalan ng lubos niyang kinamumuhian…’’ sabi ko habang inaangat ang mga balikat ko.
Nilakihan niya ako ng mata at saka inirapan, “IKAW! Maghintay ka lang, babalikan kita…’’
Natawa na lamang ako at sa bumalik sa pag-iisip ng posibleng pangalan. Heto na ang huli naming pagkakataon.
Sa ilang sagilt lang ay, pinipindot ko ang pangalang, ‘Aurora.’
Umilaw ng kulay asul ang locker at nagsimulang tumunog ng mabilis na halos lumabas na sa bibig ko ang puso ko, “F***! Mukhang sasabog ito,’’ sabi ko at hinila agad si Zarina at dumistansya sa ligtas na lugar.
CALEB’S POV
“Adrian, Ilan na ang grupo na ating natipon?”
“Alpha, mayroon kaming dalawampung grupo na lubos na may kasanayan sa mga taong mandirigma at dalawang grupo ng mga werewolves mula sa amin.’’
“Isama mo ang dalawampung grupo at lusubin niyo ang kampo ng mga Nuama Dragon. Lagyan niyo ang mga sandata at bala ng Painite. Hangga’t maari pumatay kayo ng maraming mga dragon-shifters bago niyo ito huliin. May tanong ba kayo?’’
Nang hindi ako nakarinig ng anumang sagot, tumingin ako sa Digtial Plan. Abala naman si Adrian sa kausa niya sa kanyang cellphone.
“May katanungan ka ba, Adrian?’’ ungal ko, at hinawakan siya sa balikat.
Nahulog na lamang bigla ang cellphone mula sa kanyang kamay. Namumutla ang kanyang mukha at nagsimula siyang mautal, “Alpha… ang aking… Ang aking anak ay may sakit… ipanapaalam ko lamang sa aking asawa… Patawarin mo ako… Sinisigurado kong hindi nito maaapektuhan ang dapat gawin… Pagpasensyahan mo po ako…’’
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pinilit ang aking sarili na huminahon. Hindi ko kakayaning matalo sa laro dahil lamang sa maliit na alitan na ito. Kaya ko naman siyang parusahan sa kanilang pagbabalik.
Pinakawalan ko siya at sinabing, “Maghanda na kayong umalis pagkatapos ng sampong minuto.’’
Ngayon, oras na para sa pangalawang parte ng plano. Tinawag ko ang aking Gamma, si Meredith. Siya ay isang masiglahing batang babae ngunit walang sinuman ang maaaring tumugma sa kanya sa labanan o maging sa mga diskarte niya.
“Alpha.” pagbati niya nang siya ay pumasok sa silid.
Napansin ko ang kanyang zipper na nakababa at inilalantad ang kanyang cleavage. Hindi niya pinapalampas ang bawat pagkakataon upang ipahayag ang kanyang hangarin.
Bumuntong-hininga ako ng malalim at saka sinarado ang kanyang zipper at sinabi sa katamtamang boses, “Maghanda ka na sa pag-atake sa Pearl Palace.’’
Ang mga mata niya ay nanlaki sa gulat, “Alpha, hindi tayo gano’n karami. “Hindi ba iang kalokohan na umatake kung wala si Adrian at nasa isa pang ekspedisyon kasama ang karamihan sa ating mga grupo?’’
“Malapit lang ang kampo ng mga Nauma Dragon sa palasyo. Ikakalat ni Tyson ang lahat ng kanyang mga grupo upang ipagtanggol ang kampo. Hindi niya aasahan na susugod tayo sa palasyo nang magkasabay.”
“Pero, Alpha, hindi dapat natin kalimutan ang patungkol sa Legend of the Palace… Sabi nila, ang seguridad nito ay imposibleng mawasak. Ang mga Croton Pack na siyang nagtangkang lusubin ito ay natalo din ng mga dragon.
“Meredith, iyon ay ilang daang taon nang nakalilipas, wala pang Painite o anumang elemento ng pagsorpresa. Magtiwala ka sa akin, magiging isang madaliang panalo ito.’’
“Kahit ganon pa man…’’
“Sige na, Meredith, maghanda ka na. Ito ay aking utos.’’
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkabahala nang makita ko ang malungkot niyang mukha ngunit kailangan kong gawin ito. Maaari lamang akong manalo kung susundin nila ang aking mga inuutos hanggang sa puntong ito.