AURORA’S POV
Aalis na sana ako papunta sa aking silid nang lumipat ang screen sa isa pang mas pamilyar na tanawin. Sa malapitang pagmamasid ko sa screen, napagtanto ko na ito ang rehiyon sa harap ng palasyo.
Daan-daang mga kalalakihan ang nasa pasukan ng palasyo. Ang isang lalaki ay sumenyas ng daan patungo sa maraming tao at nagtungo sa harapan.
“Caleb…” bulong ko nang alisin niya ang kanyang helmet.
Isa pang batang babae ang nagpakita sa may screen at tumayo siya sa tabi ni Caleb. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mga labi at sinusubukang basahin kung ano ang sinusubukan niyang sabihin. Ang tanging na bubuo kong salita ay, “Aurora.”
Bumilis ang tibok ng aking puso at lumapit pa ako lalo sa screen at umaasang maitindihang mabuti ang sagot ni Caleb. Ang mukha niya ay nagpinta ng isang pangit na ekspresyon at sinabi niyamg, “Patayin siya.”
Pakiramdam ko ay may sumuntok sa aking sikmura. Paano niya nasabi iyon?
Ipinikit ko ang aking mga mata nang makita ko ang isang missile na papalapit sa akin, nang mapagtanto kong galing lamang iyon sa footage binuksan kong muli ang aking mata.
Umuulan ng missiles at mga bala pero walang mga pagsabog. Napapaisip ako kung may hindi ba tama sa mga iyon. Medyo natagalan ako bago ko napagtanto na hinaharangan ang mga iyon ng hindi makitang mga harang.
Isang malaking anino ang humarang sa mga kalalakihan. Pagkatapos, nagsimula itong umulan ng apoy. Sampu-sampung mga kalalakihan ang naging alikabok sa bawat apoy na bumubuga sa lupa.
Inayos ko ang direksyon ng CCTV camera upang makita ko ang pinagmulan ng anino, sa susunod na sandali, hinihiling kong sana hindi ko na lang iyon ginawa.
Napabuntong hininga ako nang masulyapan ko ang kamangha-manghang nilalang. Ito ay kasing laki ng isang eroplano, may berdeng kaliskis, magaganda’t malalaking pakpak, mala-pamaypay ang tainga, at malalim at nakakaakit ang mga mata.
Pinanood ko ito habang dumulas ito ng walang kahirap-hirap sa kalangitan. Napanganga ako sa kagandahan nito ... hanggang sa magsimula ulit itong huminga ng apoy. Nanatiling nakadikit ang aking mga mata sa screen habang pinapanood ko ito na pinapatay ang daan-daang mga kalalakihan. Binaril nila ng mga bala ang dragon ngunit inalis lamang ito ng dragon gamit ang mga pakpak na para bang maliliit na karayom. Pinuksa ng dragon ang kalahati sa mga kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.
Nagpakawala si Caleb ng isang mabangis na ungol at naging isang malaking lobo. Di nagtagal, ang iba ay inilabas din ang kanilang mga anyong lobo.
Nagtataka akong pinapanuod ang mga lobo habang lumalaban bilang isang grupo; iniiwasan ang bawat atake ng dragon sa kanilang liksi at diskarte. Kahit anong sikap ng dragon wala itong mapatay. Umaasa akong mapagod ang dragon at umalis na lamang. Nagkaroon na ng labis na pagdanak ng dugo. Hindi ba matatawag ng mga lokong ito na tama na ang laban?
Maya’t maya pa ay isa pang dragon ang tumulong sa berdeng dragon. Mas Malaki ito at ang mga mata niya ay parang nagliliyab na uling. Ang ginto niyang kaliskis na kumikislap dahil sa sinag ng araw ang siyang nagdadgdag ng napakagandang pakiramdam. Ang dragon na ito ay nagpalabas ng bangis at kapangyarihan.
Sa isang buga lamang nito ng apoy, napuksa na nito ang isang malaking bilang ng mga lobo. Mas agresibo ito kaysa sa isa pa. Hindi nagtagal ay kaunting lobo na lamang ang siyang natira.
Nakaramdam ako ng matinding pangangamba mula sa looban ko. Paano kung patayin din ng mga dragon si Caleb?
“Hindi!” sigaw ko nang makita kong papalapit sila sa kanya. Wala siyang pagkakataong manalo laban sa mga dragon…
Ipinapanalangin ko na lamang na sana kaya ko siyang iligtas at sa mga sumunod na sandali ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa pagitan niya at ng mga dragon.
Bumilis ang tibok ng puso ko na tila isang nightingale na pumapalakpak ang mga pakpak. Isang bagay ito na nakita ko na sa screen ngunit ang makita ito ng harapan ang siyang nagpalakas lalo ng tibok ng aking puso at tila may gumagapang sa aking balat.
Nais kong bumagsak na lamang ako sa halip na makita ang paglapit nila sa akin.
Umatras ako ng ilang hakbang nang may nabangga ako isang malaking itim na lobo. Ni wala man lang ako sa kalahati ng taas nito.
“What the F***! Ano bang iniisip ko? Paano ko naiisip na maliligtas ko siya sa mga makapangyarihan na mga dragon?”
Ang mga dragon ay papalapit sa sandaling iyon. Ginawa ko na lamang ang tanging pumasok sa isip ko. Lumuhod ako sa lupa at nagmakaawa, “Parang-awa niyo na, huwag siya… hayaan niyo siyang mabuhay alang-ala lamang sa kapakanan ko…”
Matindi ang pagkagulat ko nang huminto ang mga dragon at lumayo mula sa akin ng may isang malakas na na mag pagtunog mula sa kanilang mga pakpak.
Itinulak ko ang lobo gamit ang aking kamay at sinabing, “Takbo! Takbo bago pa magbago ang isip nila.”
Iniyuko ng lobo ang kanyang ulo at tumingin sa akin ng di-maintindihang ekspresyon habang umaalis papalayo.
Iniwan ng hangin ang aking baga at naging malabo ang aking mga paningin. Ang mga ilaw na maraming kulay ay sumayaw sa harap ng aking mga mata at pagkatapos ay naging madilim na ang lahat.
ASLAN’S POV
Natagpuan ko si Tyson na naglalakad sa loob ng courtroom nang bumalik ako pagkatapos kong ipunta si Aurora sa kanyang kwarto. Sinabi ni Tyson na wala siyang pakialam kay Aurora ngunit ang pag-aalala naman ay halata sa kanyang mukha.
“Kamusta siya?” tanong niya agad sa sandaling pumasok ako sa courtroom,
“Medyo nanginginig lamang siya…’’ sagot ko.
“Sa paanong paaran siya nakapunta sa lugar ng labanan?”
“Wala akong ideya, Tyson. Siya lang ang makakapagsabi sa atin…’’
Sinuntok niya ang kanyang palad sa pagkabigo at nagpatuloy sa paglalakad.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko si Raina na naglakad papasok. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa ibaba. Pinabayaan ko siya ng masiyado.
“Aking pinuno, pinatawag mo ba ako?”
“Ah, Raina… Paano ka nagising bago ang nakatakdang oras?” ang malamig niyang boses ang siyang nagpanginig sa aking mga buto.
“Tyson, maniwala ka sa akin. Hindi ko siya binigyan ng antidote…” sabi ko at itinaas ang aking ulo upang salubunginang kanyang mga mata.
““Hindi na mahalaga iyon, Aslan. Kailangan lang nating bigyan muli siya ng gamot na iyon…’’
Nagpakawala ako ng buntong hininga mula sa pagkatalo… ilang sandali lamang nang nasa ilalim ako ng maling akala na makalimutan ito ni Tyson…
“O, maaaring tulungan ka ni Raina sa isang lihim na misyon…” hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Handa si Tyson na palampasin ang tungkol dito.
“Siyempre naman, aking pinuno. Handa kong ipagsapalaran ang aking buhay para sa iyo,” ang masayang boses ni Raina ay parang isang gamot sa aking puso.
Nagnakaw ako ng tingin sa kanya. Lumingon siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Inaasahan kong makita ang pagkamuhi at galit sa kanyang mga mata ngunit ang tanging mayroon lamang ay pag-ibig at pag-aalala. Naintindihan niya ng mabuti ang posisyon ko. Maswerte akong nahanap ko ang isang tuluad niya.
“Nais kong pareho kayong sumailalim sa isang undercover at alamin kung sino ang nagbibigay ng ‘Painite’ sa mga lobo. Kung hindi ko mapapalitan ng palihim ang kanilang mga sandata, alam ng Diyos kung anong mangyayari!” sabi ni Tyson sabay hawak sa aking balikat.
“Tama ka, Tyson. Gagawin ko ang aking makakaya…” tiniyak ko sa kanya at umalis na kasama si Raina…