CHAPTER 16

AURORA’S POV

Pagod na pagod na ako sa lugar na ito. Ang karahasan, pagdanak ng dugo, at patuloy na pag-uusap nila sa mga plano at pagpatay ay mas pinapahirapan akong huminga. Ang tanging hiling ko na lang ay ang makaalis na sa magulong lugar na ito!

“Alam mong posible iyon, hindi ba?” isang boses mula sa tabi ko ang nagsalita. Sa gulat, napaikot ako at halos mabunggo ko na ang isang babaeng may edad na din kung titignan.

Hindi ko pa siya nakikita sa lugar na ito. Kinabahan na ako nang makita ko mula sa dulo ng aking mga mata ang nakadandong pintuan. “Paano nakapasok ang babaeng ito?”

Tumawa siya sa gulat na expresyon ng aking mukha at sinabing, “Tulad lang kung paano ka napunta sa harapan ni Caleb…”

“Alam mo ang tungko doon?” agad kong sabi.

Kumindat siya sa akin at sinabing, “Ni alam ko mismo kung paano mo iyon nagawa. Pwede kong ipakita sayo kung gugustuhin mo.”

Nanliit ang aking mga mata at itinanong sa kanya, “Sa anong paraan mo mismo magagawa iyon?”

“Maaari kong ipakita sa’yo ang aking mga ala-ala…”

“Kaya mong gawin ang ano?”

Binigyan niya ako ng isang ngiti at hinawakan ang aking mga kamay, “Ipikit mong mabuti ang iyong mga mata at magrelax ng mabuti.”

Inusisa ko ang kanyang mukha; maitim na kulot na mga buhok ang siyang nalaglag nang may pag-alon sa kanyang balikat, at nagliwanag ang kanyang mukha. Mukha naman siyang taong hindi ako magagawang saktan. Hindi naman ako magaling magbasa ng tao pero handa akong subukan ang posibleng pagkakataon ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at huminga ng malalim. Ang mainit na sensasyon ang siyang bumalot sa akin at pakiramadam ko ay umiikot ako.

Noong umpisa, ang nakikita ko ay kakaiba na kagaya lamang sa kung malabong mga imahe na nakikita mo sa telebisyon. Hanggang sa maging malinaw na lahat sa paninigin ko.

***

“Aurora! Huminto ka na sa kakatakbo. Kailangan mong inumin ang gatas mo,” tawag ng isang dalaga, pagod na hinahabol ang kanyang anak.

Ang batang babae ay ngumisi lamang habang sinusubukang tumakbo mula sa kanyang ina. Pabalik-balik siya sa bawat ilang sandal.

Maya’t maya pa ay nabunggo niya ang isang gwapong lalaki. Binuhat siya nito at ipinakot. Tumawa ang bat sa galak at sinabi, “Dada… dada… bilisan mo pa… bilisan mo pa…”

Huminto ang lalaki at seryosong sinabi, “Inumin mo muna ang gatas mo.”

Bigla namang nagbago ang ekspresyon mula sa mukha ng bata. Pinulipot niya ang kanyang mga kamay at ipinalubo ang kanyang mga pisngi. Tinignan niya ng masama ang basong gawa sa salamin at ilang sandal lamang ay kusa itong nabasag mula sa kamay ng kanyang ina.

Ngumiwi siya sa sakit, nalaglag niya ang baso at nasugatan ang kanyang balat.

“Aurora, anong ginawa mo? Nagagawa mo na bang saktan ang iyon ina ngayon?’

“Don’t scold her, Niomi. Hindi pa niya alan kung paano kontrolin ang kanyang kapangyarihan,” sinabi ng isang dalaga na kulot ang buhok, at binuhat ito papunta sa kanyang ama.

“Iyan ang ikinakakaba ko… Celeste… Paano kung nalaman nila?” sabi ni Niomi at hinihilom ang kanyang sugat.

“Kung gugustuhin mo… nais ko siyang isama… sisiguraduhin kong ligtas siya…”

“Hindi ko iyan magagawa, Celeste.”

“Pero hindi mo maaaring ibuwis ang kanyang buhay!”

***

Agad na hinila ng babae palayo sa akin ang kanyang kamay at bigla na lamang nagdilim ang paningin ko. Nakaramdam ako ng sakit sa biglang pagkawala ko sa sarili. Nakita ko na rin ang aking pamilya matapos ng napakahabang panahon…

Napaiyak na lamang ako, “Bakit mo biglang inihinto?”

“Hindi ka pa ganun kalakas para magtagal sa loob ng aking ala-ala.”

Pinagmasdan ko siyang mabuti at itinanong, “Ikaw si Celeste, hindi ba?”

Napabuntong-hininga siya ng malalim saka tumango.

“Anong nangyari sa mga magulang ko, Celeste?”

‘Kung sasama ka sa akin, sasabihin ko lahat.”

“Sige, kailangan ko lang magpaalam at sasama ako.”

“Huwag kang magpakatanga, Aurora! Hindi ka nila hahayaang sumama sa akin. Dali na, humawak ka sa aking kamay. Papatayin nila ako sa oras na malaman nilang nandito ako…”

Gustong-gusto kong malaman pa ang ibang impormasyon sa pamilya ko pero sa kakaibang inaasta ni Celeste, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya…

Kinabahan ako sa sandaling makarinig ako ng paparating na mga padyak. Maaaring nadama ni Celeste ang pagdududa ko kaya ito umatras palayo sa akin at sinabi, “Hahayaan kitang pag-isipan muna ang tungkol dito. Kung gusto mong makipagkita sa akin, isipin mo lamang ang bahay na iyong nakita mula sa aking ala-ala, mapupunta ka ng kusa doon.”

Pagkatapos ay bigla na lamang siyang naglaho sa paningin ko…

*****

Hindi ko pa rin sinasagot si Zizi. Hindi ko man gusto ang pag-uugali ng aking kapatid pero hindi ko magagawang traydorin siya.

Napakatanga ko, tinulungan ko siyang mahanap ang mga sandatang may painite… ngunit ni hindi niya man lang nabigyang-halaga ang mga nagawa ko at binigyan agad ako ng panibagong misyon.

Kailangan kong alamin kung paanong nagawang magtungo ni Aurora sa lugar ng labanan noong araw na iyon. Nagpakawala ako ng hangin bago ako nagtungo kung nasaan si Auroa.

Nagulat ako nang makita ko ang kalagayan niya. Mas naging maputla pa siya lalo at mukhang mas lalong naghihina. Inabot ko ang isang kahon sa kaniya, “Laman niyan ay dugo mula sa akin. Sapat na iyan para palakasin ka ng buong buwan…”

Kita ko ang mga pag-aalala niya sa kanyang mga mata habang tinanong ako, “May pupuntahan ka ba ulit?”

“Wala naman… pero paniguradong magagalit sa akin si Tyson kapag hindi ko naibigay sa kanya ang gusto niya… Uhmmm… hindi ko lang gusto na magdusa ka pa.”

Bigla na lamang lumuha ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sinabing, “Naging mabuti ka sa akin, Aslan. At gusto kong malaman mo na malaki ang pasasalamat ko sa’yo. Kung mayroon man akong nakakatandang kapatid, paniguradong gagawin niya din ang ginawa mo…”

Hinaplos ko ang kanyang buhok at sinabing, “Palagi kitang babantayan. Sa kabila ng lahat, konektado pa rin tayo sa isa’t-isa sa dugo…”

Nag-umpisa siyang tumawa pero bigla siyang huminto nang naglakad papasok si Tyson.

“Nagsalita na ba siya, Aslan?” tanong niya at tinitigan ako ng masama.

“Bakit ba ginagawa mo siyang utus-utusan, Tyson?” biglang sumbat ni Aurora bago pa man ako makasagot kay Tyson.

Hinila niya si Aurora mula sa kanyang balikat at naiinis na sinabing, “Kung ganun, bakit hindi MO na lang sagutin ang tanong ko?”

“Pareho lamang ang ibibigay ka sa’yong sagot kahit pa ilang libo mo pa akong tanungin ng paulit-ulit! Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad doon,” panlalaban ni Aurora, at idiniin lahat ang mga binitawan niyang salita.

Ilang sandali lang ay bigla na lamang nagbago ang pinta ng mukha ni Tyson. Pinakawalan niya si Aurora at agad akong hinila palabas ng kwarto.

“Ikukulong kita sa kwartong ito at hindi ka makakalabas hanggang sa handa ka nang sagutin ang tanong ko. Tignan natin kung hanggang saan mo kayang tiisin ang hirap at gutom,” giit ni Tyson bago niya ikandado ang pinto ng kwarto.

Pagod na pagod na akong magpatuloy pa sa tabi ni Tyson. Hindi ko na gusto pang maging isang laruan na lamang sa mga palad niya. Kaya naman napagpasiyahan ko munang manatili sa tabi ni Zarina kahit sandali lamang.

“Sigurado ka na ba dito?” tanong sa akin ni Raina ng isang daang ulit habang hinihintay namin si Zarina upang sunduin kami.

Mahinahon ko siyang hinila palapit sa akin at sinabing, “Oo naman! Gusto ko munang lumayo sa magulong lugar na ito kahit sandali lamang…”

Nang nasa sasakyan na kami, gumawa ng isang makapangyarihang spell si Zarina upang hindi mahanap ni Tyson ang kinaroroonan namin at saka na kami umalis palayo para sa aming kalayaan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.