CHAPTER 31

TYSON’S POV

Huminga ako ng napakalakas at saka umupo sa aking kama. Nagawa kong pigilan ang mahigit dalawampung daang kalaban na gustong patayin si Aurora. Pero tila ba parang may kakaiba. Napakadali lang sa akin na talunin sila na tila ba imbes na lumaban sa akin, parang may gusto lamang silang subukin o alamin. Kaya naman mas makakabuting mag-ingat pa ako lalo sa mga susunod na araw.

Umilaw ang isa sa mga monitor at lumabas ang isang notification, “May nakahalong lason sa gatas ni Tiara sa may Pearl Palace.”

Hell! Ibig sabihin ang naganap na pag-atake kanina ay isa lamang paraan upang libangin ako para magawa nila ang kanilang plano. Ang mga walalang-hiyang mga iyon! Kailangan ko nang gawin ang ikalawa naming plano.

Tatapusin ko lahat ng ito sa lalong madaling panahon. Hinding-hindi ako makakapayag na masaktan nila si Aurora, maging ang munti naming anghel. Sinisuguro kong magiging ligtas sila kahit ano pa man ang mangyari.

Kinuha ko agad ang isang kulay kayumanging mask at saka ito sinuot. Maya’t maya pa ay ang taong nakatitig sa akin mula sa salamin ay nagbago ang kulay ng kanyang balat, walang isang marka ng sugat, at naglagay din ako ng isang pekeng nunal sa may taas ng aking labi. At para makompleto ko ang pagpapalit ng anyo ko ay nagsuot ako ng isang kulay asul na contact lense.

Nang makontento na ako sa hitsura ko ay naghanda na ako para lumabas.

AURORA’S POV

Nakakakilabot ang lugar dahil sa mga tunog mula sa mga kuwago at mga paniki, at mga huni ng mga insekto. Kinilabutan naman ako sa mga alulong ng mga lobo.

Hindi naman ako takot sa mga kung anong mga anumang may buhay na hayop o anu pa man na lumalabas tuwing gabi, ang tanging pinag-aalala ko lang ay ang mga gustong manakit sa munti kong anghel.

Hinawakan ko siya nang mabuti sa may dibdib ko at saka tumingala sa may bintana upang makita ko ang sa buwan. Ang makatulog ay tila malabo para sa akin, paano ba ako makakatulog kung alam kong may nakaabang na panganib sa aking anak.

Nang makarinig ako nang mahinang mga paggalaw mula sa aking likod ay tila lalabas na ang puso ko sa aking bibig dahil sa sobrang kaba. Nilipat ko si Tiara sa isa kong kamay, at saka itinaas ng bahagya ang isa kong kamay upang maghanda na gumamit ng mahika kung sakaling kinakailangan ko.

“Shhh… huwag kang maingay…” ang pamilyar na boses ni Tyson ang siyang narinig ko. Tumitig naman ako sa lalaking nakatayo na sa aking harapan. Kasintaas niya nga si Tyson pati ang pangangatawan nito ay katulad ni Tyson pero ang hitsura niya ay tila kakaiba. Pero kumalma ako nang maramdaman ko ang pamilyar na awra niya sa pamamagitan ng aking kakayahan.

“Anong ginagawa mo dito? At bakit… hmmm… kakaiba ang hitsura mo?” bulong ko, at natataranta akong tumitig lang sa kanya.

“Magtiwala ka sa akin,” sabi nito at saka hinila ang aking kamay. At bago ko man mapagtanto kung ano ang nangyayari ay nilamon kami bigla ng isang vortex.

Nang mawala ang pagkahilo ko, nasa isang di pamilyar na kwarto na ako. Ang mga pader nito ay punong-puno ng mga monitor. May isa ding malaking kama at aparador at wala ng iba pang espasyo para sa anumang kagamitan.

“Anong lugar ito?” tanong ko at tumingin sa buong lugar.

“Ito ay aking santwaryo. Dito ako nagpupunta sa tuwing kailangan kong magtago mula sa mga kalaban ko. Wala ni isa ang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa akin, at ngayon pati na rin ikaw…”

“Paano kung may nakapunta rito ng hindi sinasadya?”

“Imposible… ang tanging daan lang para makapunta at makaalis sa lugar na ito ay ang locket na ito,” pagpapaliwang ni Tyson habang hinahablot ang isang kuwintas sa ilalim ng suot niyang damit. “Gumagana lamang ito sa kadugo ko.”

“Halika dito, maupo ka muna. Siguradong pagod ka…” sabi ni Tyson at saka itinuro ang kama.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at naupo sa may kama. Hinihintay ko siya na tanungin ako o sabihin sa akin na hawakan niya ang aming anak, pero ni hindi niya nabanggit si Tiara.

Halos ipakita ko na ng mas maigi si Tiara mula sa aking kamay para makita niya ito ng lubusan pero nakatutok lamang siya sa mga monitor. Isang kakaibang sakit ang naramdaman ko. Wala na ba talaga siyang pakialam sa aming anak?

At sa bandang huli, itinuon ko na rin ang aking paningin sa mga monitor. Nagulat ako at saka tumayo sa kinauupuan ko, “What the bloody hell, Tyson! Sino ang babaeng iyan?”

“Nakiusap ako sa isang tao na magpapanggap bilang isang Aurora at mananatili sa Pearl Palace. Iyon lang ang tanging paraan para protektahan ka at ilayo ka sa panganib habang hinanahap ang taong gumawa nun.”

“Pero, kumukhang-kamukha niya ako. Iisipin kong kaharap ko ang isang salamin kung nakatayo ako sa harapan niya.”

“Hindi ka niya kamukha, Aurora. Isa lamang iyong kapangyarihan ng mask na katulad nito,” sabi ni Tyson habang tinatanggal sa kanyang mukha ang isang mask.

Nanatili akong nakatayo sa pagkagulat. Ang mask na iyon ay talaga ngang nakakapagpabago ng anyo.

Bigla namang gumalaw mula sa aking kamay si Tiara at bumukas ang kanyang mga mata. Nang mahagilap niya si Tyson ay bigla uting ngumiti at tumawa.

Hindi ko gustong lumaki ang anak ko na walang pagmamahal mula sa kanyang ama. At buo na ang desisyon ko na piloting subukan si Tyson na matanggap ang sarili niyang anak.

“Mukhang gustong pumunta sa’yo ni Tiara,” sabi ko at inilagay siya sa mga kamay ni Tyson.

“Huwag!” sigaw niya agad at saka umatras. Tinalikuran niya ako at tumayo lamang ng tahimik.

“Ano bang problema mo, Tyson. Anak mo siya, Diyos ko naman!”

“Natatakot ako,” bulong niya ng napakahina na halos hindi ko na ito marinig. “Natatakot ako na mapalapit kay Tiara. Napakaganda niya… at inosente… At ayaw kong mahawaan ang buhay niya ng kamalasan ko.”

Nanikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Paano niya naiisip ang bagay na iyon? Nagbuntong hininga ako at sinabing, “Sa tingin mo ba gan’on ka na lamang na makapangyarihan upang baguhin mo ang kanyang hinaharap? Inatake si Tiara sa Pearl Palace kahit pa wala ka roon.”

“Paano kung nalaman nilang may pakialam ako sa bata at gamitin siya bilang kahinaan ko?”

“Kung ganun, proprotektahan natin siya, Tyson. Hindi mo ba naisip man lang na kailangan niya din ng pagmamahal ng isang aman? At isa pa walang sinumang makakita dito sa atin…”

Umikot agad si Tyson at humarap sa akin. May mga pagdadalawang-isip parin mula sa kanyang mga mata.

“Heto, hawakan mo si Teetee…” sabi ko at saka inabot sa kanya si Tiara. Sawakas ay kinuha niya rin sa akin si Tiara.

Ang mukha niya ay nagliwanag at napakasaya niya at ngumiti ang kanyang mga labi, “Ah, ang aking munting anghel,” sabi nito habang niyuyogyog ng dahan-dahan ang kanyang mga kamay.

Binigyan naman siya ni Tiara ng isa sa mga napakatamis niyang mga ngiti at nakatitig lamang ito kay Tyson. At agad namang nagtungo ang mga mata ko kay Tyson.

Ang kanyang noo ay bumuo ng linya ng pag-aalala. Ang mga ilalim ng mga mata niya ay nangigitim. Pumayat na din siya at hindi ko iyon napansin kanina dahil sa suot niyang mask. Hindi ko na mapigilan ang tanungin siya, “Dito ka ba tumira simula nang umalis ka sa Pearl Palace?”

“Hmmm.. Nababantayan ko ang Pearl Palace sa…” bigla na lamang siyang natigilan at tila nawalan ng balanse at saka agad na tumigil sa pagsasalita.

“Anong nangyari?” sabi ko at saka siya sinuportahan.

“Bigyan mo muna ako ng ilang sandali.” Sabi nito at saka ibinigay si Tiara sa akin.

Kumuha siya ng isang maliit na iniksyon at itinurok niya ito sa sarili. Bumalik ang kulay ng kanyang balat at naglakad na siya ng normal.

“Ano iyan?”

“Wala ito, isa lamang stevia extract.”

“At ano mismo ang nagagawa niyan sa’yo?”

“Uhmmm… tinutulungan niya ako para hindi makatulog.”

Ngayon alam ko na kung bakit medyo nanghihina siya at kung bakit maiitim ang kanyang mga mata. “Gaano ka na katagal na hindi natutulog, Tyson?”

Bigla siyang napalunok at sinabing, “Kanina lamang…”

Damn! Pwede bang bawasan niya naman ang pagpapanggap? “Tyson, gusto mong magtiwala ako sa’yo at manatili ako dito pero nagagawa mong magsinungaling…”

“Hindi ako nagsisinungaling… ahem… oo na, hindi ako natulog simula nang umalis ako sa palasyo. Alam mo naman kung gaano ako kaparanoid, hindi ba? Hindi ko ganong mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ko na bantayan kang mabuti…” sigawnito at tumingin paibaba.

Masyado akong nabigla na hindi na ako makapagsalita pa. Nanikip ang dibdib ko sa pagka-guilty. Nang ipanganak ko si Tiara ay napakasama ng loob ko na hindi man lang siya dumating para silipin man lang kami. Pero ang totoo ay binabantayan niya kami ng parang isang guardian sa kabila ng lahat…

Gusto ko siyang pasalamatan, masaya ako sa mga ginawa niya para sa amin pero wala akong mailabas na kahit anong salita. Tila ba mayroong harang na nabuo sa pagitan naming matapos ang mga ilang buwan na iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.