Chapter BAD ROMANCE CHAPTER 6

“ETHAN, mas malakas na ang patalim na `to, `di ba?” nakangising tanong sa kanya ng kakambal niyang si Tyrus na kanina pa nilalaro-laro ang antigong dagger na hawak nito.

Sinulyapan lang ni Eton si Tyrus at ang patalim dahil siya ang nagmamaneho. Hindi na rin naman na niya kailangang titigan ang talim dahil nararamdaman naman niya ang malakas na salamangkang nakabalot do’n. It was a traditional dagger with symbolic carves on the wooden hilt. It quite looked common, but what made it different was the powerful magic the blade held.

Hindi na siguro nakakapagtaka `yon. Ang dagger na `yon ay pamana sa kanila ng kanilang ina. May kakambal ang patalim na `yon na ibinigay naman niya noon kay Isabel. Pero nawala na ang dagger na `yon nang gamitin ng dati niyang kasintahan laban sa Bloodsucker na dumukot dito noon.

“May kakayahan na ang dagger na `to na puntiryahin ang kahinaan ng kung sino o kung anumang kalaban ng wielder nito,” pagpapatuloy ni Tyrus, saka binalik sa holster ang dagger. “Hindi na mahihirapan si Lilac na gamitin ito dahil ang kailangan na lang niyang gawin, hawakan ito ng mabuti.”

Tumaas ang kilay ni Eton. “Ah. Ibibigay mo pala kay Lilac `yang pamana sa’tin ni Mama. Kaya pala pinagmaneho mo ko mula Antipolo hanggang Nueva Ecija para kunin `yan.”

Nasa Nueva Ecija kasi ang antique shop para sa mga mangkukulam kung saan nakatago noon ang dagger. Pag-aari `yon ng kaibigan nilang salamangkera na tatlong siglo na ring nabubuhay. Pero hindi pakikipaglaban ang forte ng kanilang kaibigan kundi ang paglalagay ng salamangka sa mga sandata kaya madalas itong mawala na lang bigla. Maging ang antique shop nito, lulubog-lilitaw lang. Mabuti na lang at nakasabay na sa modernong mundo ang kaibigan nila kaya natuto nang gumamit ng mobile phone.

Pumalataktak si Tryus, saka nito tinago ang dagger sa dala nitong sling bag. “Oo na, oo na. Alam ko namang may gusto ka ring puntahan kaya sige, daanan na natin. Ako na ang mag-da-drive pauwi.”

Sa totoo lang, nabigla si Eton. Wow, kambal talaga sila dahil alam nito ang iniisip niya. “Paano mo nalamang may gusto akong puntahan kaya pumayag akong maging driver mo?”

Hindi sila umaalis ni Tyrus ng sabay dahil walang mamumuno sa squad nila kapag pareho silang nawala, lalo na’t nasa basecamp nila si Lilac Alonzo na puntirya ng kalaban.

Pero nagkaro’n sila ng pagkakataong makaalis ng mansiyon dahil sa mga espesyal nilang bisita. Dumating kaninang umaga si Lord Nicholas kasama ang anak nitong si Lucho at manugang na si Jinny. And yes, Jinny was also a Mortal Vessel and she decided to visit Lilac to compare notes.

“Isang linggo ka nang wala sa sarili,” seryosong sabi ni Tyrus, pero nakapalumbaba ito sa pasamano ng bintana at nakatingin sa labas. “Alam ko naman kung bakit nagkakaganyan ka.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Eton sa manibela kasabay ng paninikip din ng dibdib niya.

Denim…

Nang nagising siya isang linggo na ang lumilipas, tapos na ang labanan. Nanlumo siya nang nalaman niyang muntik na siyang mapatay ni Cerise Alessandra Stratton. Pero mas lalo siyang nanlumo nang narinig niya mula sa mga kasamahan nila na sinakripisyo ni Denim ang sarili nito kapalit ng buhay niya.

“Sige na, Ethan, puntahan mo na siya,” udyok sa kanya ni Tyrus.

Bumuga ng hangin si Eton. “Kung puwede ko lang siyang puntahan, ginawa ko na.”

Kunot-noo siyang nilingon ni Tyrus. “Nasa grocery store lang naman si Isabel ng ganitong araw, ha?”

Kumunot din ang noo ni Eton. “Pa’no napasok si Isabel sa usapan?”

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Tyrus. “`Di ba siya naman ang gusto mong puntahan? Sa tuwing tulala ka, alam kong na-mi-miss mo siya.”

“Ah…” Napakamot ng kilay si Eton nang huminto siya sa pagmamaneho dahil sa traffic light. “Hindi si Isabel ang nasa isip ko ngayon, Rus.”

“Hindi siya?” gulat na bulalas ni Tyrus, pagkatapos ay tumingin ito sa labas ng bintana. “Hindi nga `to ang daan papunta sa Isabel’s Mart. Pero pamilyar ang lugar na `to, ha. Parang nakapunta na ko rito…” Unti-unti itong natigilan. Ilang segundo rin itong natahimik bago siya nito binalingan, nanlalaki ang mga mata. “Papunta `to sa condominium building ni Denim Blue Benitez, `di ba?”

“You figured it out. Congrats,” sarkastikong sabi ni Eton.

“I raised an asshole brother,” iiling-iling na sagot ni Tyrus sa sarkasmo niya. Pagkatapos, humalukipkip ito at tumingin ng deretso. “Na-gi-guilty ka ba dahil niligtas ka ni Denim Blue Benitez?”

Hindi sumagot si Eton dahil hindi rin niya alam ang nararamdaman niya. Nakokonsensiya siya na wala siyang nagawa para protektahan si Denim, pero may iba pang gumugulo sa kanya.

Nang nalaman niyang sinakripisyo ni Denim ang sarili nito para mabuhay siya, pakiramdam niya ay may dumukot ng puso niya at piniga `yon gaya ng ginagawa niya sa mga kalabang bampira. For a moment there, he thought he died. And when he came back to his senses, he felt numb.

Pero sa tuwing maiisip naman niyang nasa panganib si Denim, para siyang mababaliw. Parang gusto niyang magwala. `Yon ang damdaming hindi niya maintindihan.

“I don’t want to think about her,” pag-amin ni Eton mayamaya. “Because when I do, the thought of her drives me crazy. She makes my chest hurt. And she… she makes me want to turn the world upside down just to find her.” Umiling-iling siya sa pag-asang mawawala na si Denim sa isipan niya kapag ginawa niya `yon. “I don’t want to feel this way for the girl I don’t even like. I hate that she’s loud, immature, talkative… so it doesn’t make sense that I feel desperate to hear her voice again. To listen to her endless questions.”

Matagal bago nagkaro’n ng reaksyon si Tyrus. “Ethan?”

Bumuga ng hangin si Eton. “I know, Rus. Nababaliw na ko.”

“Can you hear your own heart beating?” tanong ni Tyrus sa kanya, nakahawak pa sa kaliwa nitong tainga. “Ang ingay, eh. Ano sa tingin mo ang dahilan niyan?”

Bumuga ng hangin si Eton, ayaw isipin ang pinapalabas ni Tyrus sa tanong nito. “Nah, I’m just probably guilty. Ako dapat ang pumoprotekta sa mortal at hindi ang kabaligtaran.”

Halatang may gusto pang sabihin si Tyrus pero sa huli, umiling na lang ito at hindi na nagkomento.

Pinarada na ni Eton ang kotse sa parking space ng condominium building. Sabay silang bumaba ni Tyrus at magsing-bilis din silang umakyat ng hagdan kung saan walang CCTV footage na makakahuli sa bilis nila, hindi gaya ng CCTV sa elevator kung saan makukuhanan ang mga mukha nila.

Kahit nasa mataas na palapag ang unit ni Denim, nakarating sila ro’ng nang hindi pinagpapawisan. Mabuti na lang at naitabi pa ni Tyrus sa wallet nito ang keycard ng condo ng mortal, kung hindi ay mapipilitan silang sapilitang pasukin ang lugar.

Pumito si Tyrus no’ng nasa malawak at malinis na ito. “Parang bagong-bago uli, ha.”

Dumeretso naman si Eton sa kuwarto na alam niyang master’s bedroom. Hinanap agad niya sa walk in closet ng silid ang sinasabing jewelry box ni Denim. Dinoble niya ang bilis ng kilos dahil habang tumatagal, nahihirapan na siyang huminga sa lugar na `yon.

The whole room was filled with Denim’s sweet scent and it made him think of her even more. As if it wasn’t hard enough that he couldn’t take her off his mind for the past seven days, now he had to remember how good she smelled during the times that they were together.

“Ano bang hinahanap mo d’yan?” nagtatakang tanong ni Tyrus na nakasandal sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip. “Do you miss her that much?”

Natigilan si Eton. Napakurap-kurap siya nang mapatingin siya kay Tyrus. “I miss her?”

Bumuntong-hininga si Tyrus habang iiling-iling. “Ethan, hindi ka nababaliw. You just miss Denim Blue, that’s why you can’t stop thinking about her.”

Gusto sanang kumontra ni Eton pero nang ibuka niya ang bibig niya, wala namang salitang lumabas. Sa lumipas na mga dekada, si Isabel lang ang babaeng hinahanap-hanap niya. Anong nagbago ngayon? “But I just met her,” naguguluhang katwiran niya. “And we’ve only been together for like, three days?”

“I also just met Lilac but I’m already head over heels for her,” katwiran naman ni Tyrus. Nang nanatili siyang nakatayo lang na parang estatwa, bumuga ito ng hangin at may kung anong tinuro sa drawer na salamin ang mesa at makikita ang hilera ng mamahaling mga relo sa loob. “What’s that, Ethan?”

Natauhan si Ethan. Tiningnan niya ang drawer kung saan may nakaipit na picture. Nang buksan niya `yon, nakita niyang siya pala ang nasa larawan.

Well, likod lang niya `yon pero siguradong siyang siya `yon dahil bukod sa alam niya ang bulto ng katawan niya, nakasuot din siya ng uniporme ng mga staff ng Isbael’s Mart. It looked like Denim snapped a stolen shot of him when he walked out on her in the grocery store.

“Sneaky,” nangingiting bulong ni Ethan, saka niya binalik ang picture sa drawer. Nawala lang ang ngiti niya nang tumama ang kamay niya na kahon sa loob. Nang kunin niya `yon, sumalubong sa kanya ang may kalakihang kahon na mukhang antigo. Gaya ng sinabi ni Denim, may lock nga `yon. “Ito na `yon.”

0623.

He entered the number combination in the lock and voila. Bumukas `yon.

“You’re not stealing anything, right?” paniniguro ni Tyrus.

Eton snorted at that. Hindi naman siya nainsulto dahil wala naman sa boses ni Tyrus ang pag-aakusa. “Nakiusap sa’kin si Denim na kunin at itago ang locket niya. Kinuha ko na ngayon para maibigay ko sa kanya sa oras na mahanap ko na siya.”

Pinaraan niya ang daliri sa hugis-pusong pendant ng kuwintas. Kinuha niya `yon at nakaramdam siya ng matinding kagustuhang buksan ang locket. Gusto niyang makita ang baby picture ni Denim.

Pero pagbukas niya ng locket, may maliit na kuwadradong bagay ang nahulog mula ro’n.

“Tyrus…” Hindi makapaniwalang sabi ni Eton, saka niya inangat ang napulot niya na nahulog sa kahon nang buksan niya ang locket kanina. “The memory card.”

NAMANGHA si Lilac habang hawak ang sketchpad kung saan nakaguhit ang mukha ng dalawang salamangkerang hindi niya maalala ang hitsura noon. Pero nang makita niya ang drawing na `yon, naging malinaw sa alaala niya ang mga imahen. “Sila nga `yon mga witch na nagpalaki sa’min ni Marigold.” Nag-angat siya ng tingin kay Jinny na kasalukuyang busy sa chocolate sundae nito. “Ang galing mong mag-drawing, girl. Idol na kita. Stick figures lang ang kaya ko, eh.”

Ngumiti si Jinny at dinilaan muna ang chocolate smudge sa gilid ng mga labi nito bago ito sumagot. “Huwag kang mag-alala, Ate Lilac. `Yan lang ang talent ko,” natatawang biro nito.

Napangiti naman si Lilac sa kaharap na magandang teenager. Sa kasalukuyan, nasa balkonahe sila ng kuwarto niya sa mansiyon. May mesa sa pagitan nila ni Jinny kung saan magkaiba ang merienda nila. Chocolate sundae para rito, samantalang iced coffee naman ang kanya.

Eighteen lang daw si Jinny nang baguhin ito at gawing Bloodkeeper din ng asawa nitong si Lucho. Nagkaro’n ito ng superhuman strength and speed, at bumagal na rin ang pagtanda kaya mas lalo itong nagmukhang fresh. Pero ang ilang kilos at pananalita nito, parang bata pa rin.

“Anyway, kung sila nga ang mga witch na nagpalaki sa inyo ng twin sister mo, then confirmed nang sina Rynona at Mayumi “child version” nga ang nagbigay sa’yo ng kapangyarihang gumamit ng salamangka,” mayamaya ay medyo seryosong sabi ni Jinny. “Ibig sabihin, ginawa nga rin nila kayong Mortal Vessel. Like what she did to me and Rhythm.”

“Where’s the other Mortal Vessel?” nagtatakang tanong ni Lilac. “Alam ba niya ang tungkol sa kapangyarihan niya?”

“Protected ng squad ni Papa si Rhythm,” sagot ni Jinny na ang tinatawag na ‘Papa’ ay ang father-in-law nitong si Lord Nicholas. “And yes, she’s aware of her powers. As of now, she’s still a high school student. Hindi kami sabay naka-graduate kahit magkasing-age kami dahil marami siyang naging problema dahil sa salamangka niya.” Dumukwang ito sa kanya at bumulong. “She’s strong, Ate Lilac. Ako kasi, kaunting salamangka lang ang kaya ko. Minsan nga, hindi ko pa nagagamit ng tama. Pero si Rhythm, parang totoong witch. I really think that she’s the perfect vessel among us.”

Nakagat ni Lilac ang ibabang labi. “Pareho tayo, Jinny. Minsan, nagagamit ko ng maayos ang salamangka ko. Pero madalas, bigla `yong nawawala.”

“Tingin ko, depende `yon sa sitwasyon natin, Ate Lilac. Kapag sobrang nasa panganib tayo, lumalakas tayo. Pero kung sakto lang, hindi masyado…” Unti-unting natigilan si Jinny sa pagpapaliwanag hanggang sa mapasinghap ito. “Oh no!”

Mag-aalala na sana si Lilac, pero napansin niyang nakatingin si Jinny pababa sa suot nitong white crop top na ngayon ay puro chocolate na sa bandang dibdib. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling matawa. Nadikit siguro ang ang damit ni Jinny sa ice cream nang dumukwang ito kanina.

“Love?”

Napasinghap si Lilac sa gulat nang biglang sumulpot si Lucho na nakatuntong sa handrail sa paligid ng balcony. Mukhang tumalon ito paakyat do’n nang marinig ang pagsigaw ni Jinny. Bakas din sa mukha ng lalaki ang pag-aalala habang nakatingin sa asawa nito.

“What’s wrong, my love?” tanong ni Lucho na sa isang iglap lang, nakaupo na sa armrest ng silya ni Jinny at nakayakap na rin agad ito sa asawa.

Nakalabing tumingala si Jinny kay Lucho at iminuwestra ang damit nito. “Nadumihan ako. I need to change clothes.”

Napangiti si Lucho. “Good thing I packed extra clothes for you.” Pinisil nito ang baba ni Jinny. “Alam kong mangyayari `to. Saka ayoko niyang damit mong ang mahal-mahal, eh putol naman.”

“Crop top ang tawag dito at hindi ito putol,” reklamo ni Jinny habang patayo ito. Nakangiting humarap sa kanya ang babae. “Ate Lilac, puwede bang makahiram ng damit? Mukhang magka-size naman tayo. Sigurado kasing turtle neck ang dinala ni Lucho for me, eh. Sobrang init kaya no’n.”

“Hey,” reklamo ni Lucho, saka siya binalingan ng lalaki. “Please, Lilac Alonzo. `Yong hindi putol ang ipahiram mong damit sa asawa ko.”

Natawa si Lilac sa ka-cute-an ng dalawa. Tinuro niya ang closet sa loob ng kuwarto. “Bahala na kayong mag-asawa na mamili ng damit sa closet ko.”

Daig pa ni Lucho ang kidlat sa sobrang bilis. Sa isang kisap-mata lang, nasa closet na niya ito at naghahanap ng siguradong conservative na damit para sa asawa.

Napapadyak naman si Jinny na hindi na nakakilos. Pagkatapos, nakalabing lumingon sa kanya ang babae. “Ate Lilac, ayon sa nasagap kong tsismis, boyfriend mo na raw si Captain Tyrus.”

Well, hindi pa nila napag-uusapan ang relationship status nila ni Tyrus kaya ngumiti lang si Lilac.

“Makalumang-tao sila, Ate Lilac,” reklamo ni Jinny. “Sobrang old-school sila kaya ihanda mo na ang sarili mo sa dami ng ipagbabawal sa’yo ni Captain Tyrus pagdating sa fashion. Kaya nga ako, sa kotse nagbibihis kapag may new clothes ako na medyo labas ang skin para wala nang magawa `yang si Lucho.” Mayamaya, ikiniling nito ang ulo na parang may pinapakinggan. Pagkatapos ay ngumiti ito. “Nakabalik na sila Captain at Vice-captain Rousell.” Kumunot ang noo nito. “Nagmamadali sila.”

Ewan ba ni Lilac pero bigla siyang kinabahan. Nagmadali siyang tumayo kaya nagkandabuhol ang mga paa niya. Muntik na siyang humalik sa sahig kung hindi lang siya nasalo ni Jinny.

At ng sandaling magkadikit ang balat nila, bigla siyang parang kinuryente kaya napasigaw siya sa sakit. Gano’n din malamang ang naramdaman ni Jinny na gaya niya ay sumigaw din. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, pero sigurado siyang sabay din silang bumagsak sa sahig.

Anong nangyayari?

Nang nagdilim ang paningin ni Lilac, may nakita siyang malabong imahen sa isipan niya. Unti-unti `yong naging malinaw hanggang sa matagpuan niya ang sariling kaharap ang nakangising si Magnus. Kasunod niyon ay ang matinding sakit na naramdaman niya sa bandang dibdib niya…

… kung saan nakabaon ang kamay ng Nobleblood!

Sinubukan niyang magsalita, pero nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata ni Magnus: may tumulong dugo sa gilid ng mga labi niya kasabay ng paghila ng bampira sa kamay nito mula sa dibdib niya.

Hawak ni Magnus ang tumitibok niyang puso na dinurog nito sa mga kamay nito.

“Lilac!”

Biglang napabangon si Lilac nang marinig ang malakas na pagtawag sa kanya. Pakiramdam niya ay nalunod siya at biglang ni-revive kaya ganito kalalim ang paghugot niya ng hininga.

Ilang segundo siyang nakatulala lang hanggang sa makilala na niya ang mga mukha sa paligid niya. Si Jinny, gaya niya ay nakaluhod din sa sahig at pawis na pawis habang yakap ang sketchpad nito. Nasa tabi ng babae ang asawa nitong si Lucho na panay ang punas sa noo ni Jinny.

Samantalang nakayakap naman kay Lilac si Tyrus mula sa likuran habang nasa pagitan siya ng mga binti nito at nakasandal sa dibdib ng lalaki. “Ano `yong nakita ko?”

“Nakita mo rin?” nag-aalangang tanong ni Jinny.

Tumango si Lilac. “Oo, Jinny.”

Halatang ang-aalinlangan pa si Jinny pero sa huli, ipinakita rin nito sa kanya ang sketchpad nito. “Ginuhit ko `to no’ng magising ako kanina para hindi ko makalimutan.”

Napatitig si Lilac sa pahina ng sketchpad. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng lakas nang makita ang nakaguhit sa pahina: nakaluhod siya habang hawak ang dibdib niyang puno ng dugo, samantalang nakatayo naman si Magnus sa harap niya at hawak ng bampira ang puso niya. “He’s going to kill me…”

Kinuha ni Tyrus ang sketchpad at sa pagkagulat niya, biglang nagliyab ang kamay nito dahilan para masunog ang hawak nitong sketchpad at mabilis naging abo na nilipad ng hangin. Pagkatapos, niyakap siya ng lalaki at hinalikan ang sentido niya. “I won’t let that happen, babe.”

Pumikit si Lilac at sumandal sa dibdib ni Tyrus. Sobrang nakakapanghina ang “vision” na nakita nila ni Jinny. Mamamatay siya sa kamay ni Magnus? Nakakaiyak sa galit.

“Kalimutan mo na `yon,” bulong sa kanya ni Tyrus, humigpit ang yakap sa kanya. “May ibabalita ako sa’yo para hindi mo na isipin ang nakita mo.”

“Ano naman `yon?” wala pa ring ganang tanong ni Lilac.

“Nakita na namin ang iniwang memory card ni Marigold Hamilton.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.