HINDI mapigilan ni Denim ang sunud-sunod na pagkukuwento sa harap ng puntod ni Finn habang nakaluhod siya sa marmol na sahig. Nakatingin siya sa nakangiting picture ng best friend niya na nakasabit sa dingding habang kinukuwentuhan niya ito. “Wala na si Magnus at simula no’n, naging maayos na ang lahat. Safe na si Uncle Miguel at sa ngayon, nakabalik na siya sa work. Si Aunt Cerise naman, sumuko na siya at nasa custody ni Prince Estefano ngayon. Nakalaya na rin pala siya mula sa pledge of loyalty nang nawala na si Magnus. Thankfully, hindi pa siya pinatawanan agad ng death sentence ng vampire prince. According to him, he’ll give the traitors a chance to surrender. Saka daw siya magdedesisyon kung ano ang gagawin sa mga Nobleblood na ito. Pero ang mga manlalaban daw, deretso nang tatapusin.”
Ang sabi sa kanya ni Lord Nicholas, ginawa raw ni Prince Estefano ang desisyon na `yon matapos i-relay ng Nobleblood ang mga “suggestion” niya noon tungkol sa mga traidor. Masaya siyang nakinig ang vampire prince sa isang mortal lang na gaya niya.
Ex-mortal, I mean.
“Binago ako ni Eton, Finn,” masayang pagbabalita ni Denim dito. Mas lalo siyang napangiti nang maramdaman ang presensiya ni Eton sa tabi niya. “Nakakapanibago ang kakaiba kong abilidad ngayon na gaya ng inyo, pero nasasanay na ko. `Yon nga lang, kailangan ko pa ng maraming practice kasi babalik na ko sa showbiz. Gusto ko munang gumawa ng movie with Lilac bago ako mag-retire. Si Lilac kasi, titigil na rin sa modelling para makapag-focus siya sa family niya.” Lumabi siya. “Nakakainggit nga kasi ikakasal na sila ni Tyrus next week.” Napangiti siya nang maramdaman ang presensiya ni Eton. “Pero hindi naman ako malungkot kasi ako ang maid of honor. Siyempre, si Baby E ang best man ni Tyrus. Sasaluhin ko talaga ang bouquet ni Lilac para ako na ang sunod na ikasal. Sobrang ganda kasi ng wedding gown niya. Gusto ko na rin tuloy planuhin ang sarili kong wedding. Pero hindi ako nagpaparinig, ha?”
Eton snorted next to her. Ginaya nito ang posisyon niya sa harap ng puntod ni Finn sa loob ng mausoleo. “Denim, pahiram ng kaliwang kamay mo.”
Sumimangot si Denim. Wala talagang sweetness `tong si Eton madalas. Inabot niya ang kanang kamay niya sa lalaki nang hindi ito tinitingnan, saka tuloy din ang pagdaldal niya kay Finn. “Don’t get it wrong, Finn. Inaalagaan naman akong mabuti ni Eton. Kaya lang minsan, feeling ko hindi niya ko girlfriend. Masungit pa rin kasi siya at madalas akong pagalitan…” Unti-unti siyang natigilan nang maramdaman ang malamig na bagay sa daliri niya. Her ring finger suddenly felt a little heavy. “Ohh…”
“Baby Blue?”
Nangingilid na ang mga luha ni Denim nang harapin niya si Eton na nakangiti na sa kanya. “Tama ba ang iniisip ko?” Tumingin siya sa kaliwa niyang kamay. She now had a diamond engagement ring. The huge stone was probably as big as the love she saw in his eyes when she looked at him again. “Seryoso?”
Natawa ng mahina si Eton nang maiyak siya. Marahan nitong pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri nito. “Puwede raw tayong sumabay ng kasal kina Lilac at Tyrus. Willing daw silang i-delay ang kasal nila ng isang buwan para hintayin tayo. Pero `yon na raw ang pinakamatagal na panahong kaya nilang ibigay. Kung kaya daw natin ayusin ang lahat ng kailangan, mag-double wedding na tayo.”
Impit na tumili si Denim sa tuwa, saka siya tumingin sa picture ni Finn. “Narinig mo `yon, Finn? Kailangan ko nang magmadali kaya aalis na ko? Baka hindi rin kita mabista ng madalas. I hope you understand.” Nag-flying kiss siya sa litrato ng best friend niya. “I’ll soon as I can.”
Tumakbo siya palabas ng mauseleo. Nasa kotse na siya nang matigilan siya dahil nakatanggap siya ng text mula kay Eton: “Baby Blue, kasama mo ko. Nakalimutan mo?”
“Naiwan ko si Baby E!” gulat na bulalas ni Denim. Pumihit siya paharap para sana balikan si Eton pero nakakaisang hakbang pa lang siya, tumama na ang tungki ng ilong niya sa matigas na dibdib na `yon. Natatawang tumingala siya kay Eton habang pinipisil-pisil ang nasaktang ilong. “Sorry, Baby E. Na-excite ako sa sinabi mo kaya nakalimutan kita ng very light.”
Ngumiti lang si Eton at ipinalupot ang mga braso nito sa mga balikat niya. “Mahal na mahal kita, Denim Blue Benitez. Habambuhay kitang aalagaan at mamahalin. Salamat kasi hindi ka nagalit nang binago kita nang walang paalam. I want to spend this lifetime with you.”
“I want that, too,” nakangiting sagot naman ni Denim. Saka siya yumakap sa baywang ni Eton at nakapikit na dinikit ang pisngi niya sa dibdib ng lalaki. Sa parte kung saan tumitibok ang puso nito na alam at ramdam niyang kanyang-kanya na ng buo. “You are my forever, Ethan Albert Rousell.”
MASAYA si Lilac habang pinapanood si Tyrus na naka-indian sit sa damuhan habang karga si Sterling na nakaharap sa puntod ni Marigold. Tatlong buwan pa lang ang anak nila pero parang isang taong gulang na bata na ang laki nito at nakakapagsalita na rin ito ng “mommy” at “daddy.”
Mukhang mabilis ding nahihinog ang isipan at pang-unawa ni Sterling dahil nagpapakita ito ng tamang emosyon sa iba’t ibang emosyon na para bang naiintindihan na nito ang nangyayari sa paligid.
Your son is growing up so fast, Marigold. But Tyrus and I will always be here every step of the way.
Babalik na sana si Lilac sa mag-ama niya dala ang feeding bottle ni Sterling na kinuha niya sa kotse kanina, pero biglang may mga imahen na naglaro sa isipan niya na nagpasakit sa ulo niya. Napaungol siya habang nakahawak sa sentido niya. Dahil do’n, nabitawan niya ang bote.
Sa isipan niya, nakita niya ang daan-daan o libo-libong mga ataol. Sabay-sabay bumukas ang mga `yon at sabay-sabay ding nagsibangon ang napakaraming bampira.
Mga puro at malalakas na bampira.
“Lilac!”
Napasinghap si Lilac at napabangon gayong ang pagkakatanda niya ay nakatayo siya kanina. Habol niya ang hininga niya dahil pakiramdam niya, para siyang nalunod at muling umahon.
“What happened?” nag-aalalang tanong ni Tyrus na nakaluhod sa tabi niya, buhat-buhat ang umiiyak na si Baby Sterling. “Bigla ka na lang nawalan ng malay. Masama ba ang pakiramdam mo?”
Mabilis pero maingat namang kinuha ni Lilac si Baby Sterling mula kay Tyrus. Nang yakapin niya ang anak nila, yumakap din ito sa kanya at huminto na sa pag-iyak. “I’m sorry, baby. Mommy didn’t mean to make you worry. I’m okay now.” Tumingin siya kay Tyrus na may takot sa dibdib. “Babe, I saw a vision. Base sa nakita ko, magigising uli ang lahat ng bampirang pumasok sa Eternal Sleep noon.”
Halatang nabigla si Tyrus. Pero tumango ito, naniwala agad sa kanya. This was just one the things he loved about him: he trusted her with all his heart. “I-re-report ko kay Lord Nicholas ang tungkol sa vision mo, Lilac.” Hinawakan siya nito sa noo, nag-aalala ang mukha. “You look paler than usual. What’s wrong?”
“Kanina pa nga masama ang pakiramdam ko,” pag-amin naman ni Lilac. “I don’t know why. Wala naman akong lagnat, eh.”
“Baby…” sabi ni Sterling sa maliit at bumubungisngis na boses. Pagkatapos, bahagyang lumiyad ang bata mula sa pagkakayakap sa kanya, saka nito tinuro ang tiyan ni Lilac. “Sister.”
Baby sister?
Nagkatinginan sina Lilac at Tyrus, parehong may gulat at pagtataka sa mukha. Saka sila sabay na napatingin kay Baby Sterling na ngayon ay yumuko pa para idikit ang tainga sa tiyan niya.
“I’m pregnant?” gulat na bulalas ni Lilac, hinahaplos ang buhok ni Sterling na tumango naman. Napahawak tuloy siya sa tiyan niya, saka siya tumingala kay Tyrus. Nangilid ang mga luha niya sa tuwa. “I’m pregnant, babe. Sterling thinks it’s a girl.”
“Naka-jackpot na tayo ng prinsesa,” nakangisi at halatang masayang sabi ni Tyrus. Then, he enclosed her and Sterling in a tight hug. “We have a new bundle of joy in the family.” Binigyan siya ng masuyong halik ng asawa niya sa mga labi. “Thank you for the continuous happiness, babe.”
“I should be the one saying that, Tyrus,” nakangiting sabi naman ni Lilac. “Thank you for changing my life. Nararamdaman kong may padating na panganib, pero hindi ako natatakot kasi alam kong nand’yan ka para sa’min ng mga anak natin.”
“I will protect our family with my life, Lilac,” seryosong pangako ni Tyrus. “I swear.”
---END---