Chapter “UNANG PATUNAY”

Hindi ko pa nakikita si Laurent simula nang sabihin ko ang kadagang 'ready' sa kanila. Hindi napagod si Resttan kakaasikaso sa akin dahil sa utos daw ni Laurent.

Suot ko ay itim na leggings at white na sandong mahaba. Malapit nang magsimula ang unang patunay. Nakita ko si Lauressa na nakangisi habang nilalagyan ng puting bandage ang kamay niya. Nilibot ko ang nga mata ko pero pamilya niya lang talaga ang nandito wala si Laurent.

Bawal talaga? Namimiss ko na siya..

"Malakas si Lauressa. Iwasan mong matamaan niya ang tiyan mo," nag-aalalang sabi ni Resttan. "Mahal ka raw ni Laurent."

Napangiti ako nang sabihin niya iyon pero may kung ano sa akin na nagsasabing bakit parang hindi lang si Laurent ang nagsabi no'n kung hindi pati na rin siya? Kung anuman iyon ay hindi ko na inintindi at inihanda ko na lang ang sarili. Sinuotan ako ni Resttan ng bandage na white at gloves.

"Mag-iingat ka raw sabi ni Laurent," ang pag-aalala ay naroon pa rin sa mukha ni Resttan. Tinitigan ko lang at inaalam kung kay Laurent ba talaga iyon nanggaling o sa kaniya na mismo? Tumango na lang ako.Nakapalibot na silang lahat sa amin ni Lauressa at nakaupo na, tutok ang mata sa amin. Nang tumunog ang bell ay nagsimula na ang patunay.

Kapit ka lang, baby, kaya ito ni mommy.

Sabi ko sa isip ko.

Nagsimulang sumugod si Lauressa. Halata ang gigil sa mukha niya pero iniwasan ko lang 'yon. Sugod siya nang sugod pero iniiligan ko lang ang bawat suntok niya. Nang akmang susuntukin niya ako sa tiyan ay doon ako naalarma. Mabilis akong kumilos at naitulak siya sa lubid ng ring.

"Sorry," nakangiwi kong sabi.

Galit niya akong tiningnan. "Why can't you hit me?" Ngumisi siya.

"Eh?" Nagkamot ako ng ulo. "Hindi ako marunong manakit." Nakita ko ang pagmaang ng mga labi niya. "Lalo na sa pamilya ni Laurent."

Nilingon ko ang lahat ng naroroon gano'n din ang gulat nila sa sinabi ko.

Muling sumugod si Lauressa pero iniilagan ko lang siya o itutulak hanggang sa masuntok niya ako sa mukha kaya napahiga ako. Hinawakan ko agad ang tiyan ko at pinakiramdaman iyon.

Okay ka lang ba, baby?

Nag-aalalang tanong ko sa sarili kong tiyan. Nakita ko ang ngisi ni Lauressa habang nakahiga pa ako ay sumugod siya at akmang aapakan ako pero gumulong agad ako pakanan upang hindi niya magawa iyon. Nagmadali akong tumayo at naging alerto sa muli niyang pagsugod.

"You're coward, you doesn't hit me back," naiiritang sabi ni Lauressa, hindi siya nage-enjoy sa laban.

"Hindi nga ako nananakit," ulit ko sa kaniya.

"Pwes ngayon mananakit ka!" Hindi ako nakailag sa muling pagsugod niya kaya tinamaan ako sa mukha.

Nakita kong napatayo si Resttan pero hindi nagawang sumigaw man lang bago muling umupo at tumingin nang may pag-aalala at saka nagpipindot sa phone. Siguro kausap niya si Laurent.

"Dito ka na mamamatay," matalim ang tinging sabi ni Lauressa. Nakaramdam ako ng kirot sa tiyan ko.

Hala! Ang baby ko.

Halos maiyak na akong tumayo pero nilakasan ko pa rin ang loob ko.

Kailangang manalo ako!

Sumugod si Lauressa, sinipa niya ako na tinamaan ako sa tagiliran pero sa muling pagsipa niya ay nahawakan ko ang paa niya at itinulak ulit siya sa lubid ng ring. Seryoso pa rin ang lahat habang nanonood.

"Puro tulak! Suntukin mo ako o sipain!" inis na sigaw ni Lauressa.

Umiling lang ako nang umiling. Narinig ko ang buntong hininga niya at saka inis na sumigaw. "Lumaban ka!"

Sinugod niya ulit ako at akmang susuntok sa tiyan ko pero pinagkrus ko ang kamay ko upang protektahan ang tiyan ko at itinulak nanaman siya.

Buong dal'wang linggo ay naghanda ako para rito. Puro ilag ang inaral ko at kilos na mabilis upang hindi matamaan ng sinuman. Hindi ako nag-aral kung papano manuntok o manipa hindi ko iyon gagawin kahit kailan dahil pinalaki akong mabuting tao nila nanay at tatay. Itinuro nila na hindi magandang nananakit ng ibang tao kahit pa gaano kalala ang ginawa nito saiyo. Napangiti ako sa isiping iyon.

Nanay, tatay...

Nang maalala ko sila ay gumapang ang lakas ng loob sa buo kong katawan. Taas noo akong tumingin kay Lauressa at senenyasan siyang sumugod. Nang sumugod siya ay umiwas lang ako dahilan upang malugmok nanaman siya sa lubid ng ring.

"Puro ilag! Wala ka na bang ibang alam? Paano ka mabubuhay sa mas malala pang patunay?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi ko kailangang gumamit ng dahas para mabuhay. Sapat na ang magmahal ka nang walang hinihiling na kapalit kahit pa buhay ko ang nakataya rito. Mahal ko ang kapatid mo at hindi ko kayang saktan ang mga taong mahal niya rin," madamdaming kong sabi.

Nagugulat niya akong tinitigan. "Gaano mo siya kamahal?" Matalim subalit ang kuryosidad ay nasa mukha niya.

"Hindi pa ba sapat na sinuong ko ang patunay kahit walang kasiguraduhang mabubuhay pa ako pagkatapos nito?" Sinsero kong sabi.

Nakita kong mangilid ang luha niya. "He's lucky. He found the love of his life," ngumiti siya nang matipid. May kung ano sa tono niya na parang naiinggit na sana siya rin. Napatingin ako sa kamay niya dahil itinaas niya ang kanang kamay. Nagulat akong tiningnan iyon. Nakita ko ang malapad na ngiti ni Resttan at saka nagpipindot nanaman sa phone.

Anong ibig sabihin no'n?

Tumango ang buong angkan ng mga Baider at saka sinenyasang tapos na ang unang patunay. Nagtataka kong tiningnan si Lauressa pero nakita ko ang ngiti niya.

Ibig bang sabihin.. tagumpay ako? Nagtagumapay ako!

Wala mang nagsalita at seryoso man ang mukha nila ay pakiramdam ko ay pumasa talaga ako sa unang patunay. Ihinatid ako sa maganda at malaking kwarto ni Resttan. Nakangiti lang siya.

"Resttan, anong nangyari?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya. Malamang ay hindi niya sasabihin dahil baka may kung ano nanamang kondisyon doon.

"Magpahinga ka na raw sabi ni Laurent, masayang-masaya raw siya," malapad ang pagkakangiting sabi ni Resttan. Nangilid ang luha ko dahil sa mukha niya at sa pagkakangiti niya. Parang nakita ko si Laurent sa kaniya na siya mismo ang nagsasabi noon.

Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita. "Nakakahiyang gawin pero sabi niya halikan daw kita sa noo at sabihing mahal ka ugh!" Nag-iwas siya ng tingin. "He's so corny! Baka pagkatapos ng patunay heartbroken ako dahil sa mga pinapagawa ng siraulong 'yon," tumawa siya nang malakas. "Ganito pala siya ka-corny." Tumulo na ang mga luha ko.

Laurent..

Totoong nakikita ko si Laurent sa mga ginagawa niya. Kilala ko siya sobrang seloso niya pero sa sobrang pagmamahal niya kahit selos ay nilunok niya maipagawa niya lang kay Resttan ang bagay na hindi niya kayang gawin ngayon.

Pinikit ko ang mga mata ko. "Gawin mo na ang inutos niya."

Gusto kong maramdaman siya, mayakap at mahalikan ngayon pero hindi pwede dahil mamamatay lang ako at ang pamilya ko. Gano'n kalupit iyon kaya hindi namin magawang suwayin. Mas malupit pa iyon sa nangyari kanina. Ang hindi siya makita ay parang impyerno na. Sa tagal ng pagkakapikit ko ay naramdaman ko rin ang halik sa noo ko.

Laurent...

Ramdam na ramdam kong siya 'yon. Siya 'yon!

Hindi ko inisip na siya si Resttan kung hindi siya si Laurent, ang lalaking nagmamahal sa akin at ang ama ng anak ko.

Narinig ko ang buntong hininga ni Resttan. "I hate doing intimate," naiinis niyang sabi kaya nagmulat ako ng mata. "Bakit ba kasi ako ang inuutusan niya? Nakakainis namang buhay ito. Sa ginagawa ko pakiramdam ko ako ang tatay ng anak mo! Fuck!" Natawa na lang ako sa pagmamaktol niya. Laki ng galit niya sa mga pinapagawa sa kaniya ni Laurent sunod naman siya nang sunod.

May kung anong humaplos sa puso ko at naging masaya dahil hindi man lang ako pinabayaan ni Laurent, ginagawa niya pa rin ang mga dapat na gawin niya sa pamamagitan ni Resttan. Ramdam kong kahit labag sa loob ni Resttan ang alagaan ako ay nakikita ko pa ring si Laurent iyon.

Nginitian ko siya. "Salamat saiyo, pakisabi kay Laurent mahal na mahal ko siya."

"Mahal na mahal.. uh ka rin niya," naiilang na sinabi iyon ni Resttan. Naiinis siyang nagmura. "Fuck you, Laurent!" Tumingala siya at pumikit nang mariin.

Nakakunot noo ko siyang tiningnan. Padabog siyang naglakad. Nakasimangot siya at nakakunot ang noo. Halos matawa ako sa hitsura niya.

Ang laki ng problema?

"Bago raw kita iwan ay sabihin kong good night at magpahinga ka nang mabuti," inis niyang sabi. Padabog-dabog siyang nagmartsa palapit sa pinto bago bumulong na rinig ko naman.

"I think, I should heal my broken heart, ugh!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.