Chapter “Laureyna”

Hinaplos ni Laurent ang umbok sa tiyan ko. Nagbuntis ako sa ikatlong pagkakataon. Nasa balcony kami ngayon at nagpapahangin kasama ang dalawa pa naming anak.

"She's really a princess," masayang hinalikan ni Laurent ang tiyan ko.

"Hmm. Laureyna Anmela Baider," nakangiti kong sabi.

Halos maluha na si Laurent sa sobrang saya. Pinaliguan niya nanaman ng halik ang mukha ko.

"Peaceful life, beautiful wife, my handsome sons there's no thing that I want except to live with my treasure," niyakap niya kaming tatlo ni Laurenz at Laurex.

"Dad! I'm a big boy na! No hug please!" Asik nanaman ni Laurex.

"No, you two will always be my baby boys!" Maawtoridad niyang sabi rito na ikinatawa ko naman. Nakangiti si Laurenz pero si Laurex ay nakasimangot.

"Wala ka pa ngang girlfriend," biro ni Laurenz.

Si Laurenz ay labing pito na taong gulang na, nagbibinata na. Si Laurex ay labing tatlo.

"Hi, baby, kuya is here," nakangiting hinaplos ni Laurenz ang tiyan ko at kinausap iyon. "Baby Laureyna," nagulat siya nang sumipa ito kaya nagtatalon siya. "Mommy! You feel that? She's saying hi to me!" Nakangiti akong tumango.

"Patingin!" Nagmadaling lumapit si Laurex at siya naman ang kumausap. "Hi, baby. Laurex handsome is here," pinakiramdaman niya itong mabuti sumimangot siya nang walang tugon na natanggap. "Baby!" Naiinis na pagtawag niya rito. "Ayaw niya sa akin!" Kunot-noo niyang sabi kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Ang sungit mo raw kasi," biro nanaman ni Laurenz sa kapatid.

"Tanong mo kay daddy bakit ako masungit," nakangusong sabi ni Laurex kaya naman tumawa ako habang sumusulyap kay Laurent.

"Ako pa may kasalanan? Buti nga nakuha mo ang pogi kong mukha," biro niya sa anak.

"Masungit naman!" Nakasimangot nitong sabi. Muli akong humagalpak ng tawa. Nakakatuwang panoorin ang mag-ama ko.

"Yohoo!"

Biglang umingay ang paligid dahil sa mga pinsan ni Laurent na nagdatingan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Alem nakakapit sa braso ni Ardent. Buntis rin si Alem sa pangalawa nilang anak pero mas nauna akong magbuntis.

"Tita!" Lumapit si Laurenz at nagbeso kay Alem.

"Binatang-binata ka na," ginulo ni Ardent ang buhok ni Laurenz.

"Tita. Kumusta po?" Lumapit naman sa akin ang anak nila ni Ardent. Nakipagbeso ako rito bago ngumiti.

Zaxy Nem Laborte...

"Maayos naman ako. Dalaga ka na ngang talaga," nakangiti kong sabi at hinaplos ang mukha niya. Pinaghalong mukha ni Alem at Ardent.

Natigilan ako nang makita ang mumunting sulyap ni Laurenz kay Zaxy. Sa paraan niya ng pagtingin ay parang may kung ano. Napangiti ako dahil nahuhulaan ko na kung ano ito. Panganay lang ng dalawang taon si Laurenz kay Zaxy at ikatutuwa ko kung siya ang mapapang-asawa ng anak ko balang araw.

Nagkakagulo sila habang nag-iinuman. Lumapit ako kay Laurenz at umupo sa tabi niya. Nakita kong nakangiti niyang pinapanood ang bawat kilos ni Zaxy.

"May gusto ka ba sa kaniya?" Nilingon niya ako at todo iling siya kaya naman ngumiti ako.

Biglang naging malungkot ang mata niya. "She'll die if I want to marry her someday," nakita kong nangilid ang luha niya.

Bata pa siya pero ang pagmamahal niya ay matayog na ang narating. Ito rin ang noong kinatakutan ng kaniyang ama nang mahalin niya ako.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi ba't kapag mahal mo ang isang tao at puro, sinsero at totoo ang pagmamahal niya saiyo ay makakaligtas siya sa patunay? Paulit-ulit ko iyong sinasabi sainyo. Hindi ba?"

Umiling-iling siya. "Pero mommy hindi mo pa rin maiiwasang mag-alala para sa taong mahal mo. Kung masakit ang isiping posible siyang mamatay mas masakit ang maghintay sa taas ng bundok at umupo na lang habang hinahabol siya ng kamatayan."

Nakita kong tumulo ang luha niya. Pakiramdam ko iyon ang eksaktong naramdaman ni Laurent no'ng araw ng patunay kaya gano'n na lang ang paghagulgol niya.

"Tandaan mo anak, walang nakakatakot sa pagmamahal. Palagi mong piliin ang magmahal," nakangiti kong sabi.

"Salamat, mommy," yumakap siya sa akin at hinaplos ko naman ang buhok niya.

"Bright Sun at Shine Clear," nakangiti kong sabi. Tinanggal niya ang yakap at tumitig sa akin. "Sana ay magkaroon ka ng dal'wang anak na babae at iyon ang ipangalan mo. Iyon ang aking munting hiling."

Ngumiti siya nang malapad at tumango. "Opo, mommy," niyakap ko siya nang mahigpit.

Matapos ko siyang kausapin ay umalis na siya. Pumunta siya kay Zaxy at nakipagkwentuhan doon. Sa tingin ko ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmahal dahil sa sinabi ko. Nakangiti ko lang siyang pinanood.

Nakangiti ko ring hinaplos ang tiyan ko. Malapit na siyang lumabas. Tinawag ko si Laurex at pinaupo sa tabi ko.

"Can you promise me one thing?" Nakangiti kong hinaplos ang pisngi ni Laurex at humalik doon.

"Mommy!" Saway niya, masungit at kunot nanaman ang noo. Inunat ko ang noo niya. Para talaga siyang ang daddy niya. Hinalikan ko rin ang noo niya. "Promise me that you won't hurt Kuya Laurenz again, okay?" Emosyunal kong sabi.

"Yes, mom."

"And one thing, smile always, okay?"

"No."

"Please?" Tumitig siya sa akin at ipinakita ang matamis na ngiti.

Laurent...

Siya ang batang Laurent. Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan at niyakap nang sobrang higpit.

"Ang hirap magbuntis sa pangalawa," sabi ni Alem at umupo rin sa tabi ko. "Paano mo nakayang pangatlo na 'yan?" Tumawa siya.

Natawa rin ako sa sinabi niya. "Lahat kaya ko para kay Laurent," ngumiti ako. "Gustong-gusto niya na magkaroon ng prinsesa."

"Talaga 'yang asawa mo hindi tumigil hangga't hindi nagkakaroon ng babaeng anak."

Nagtawanan lang kami. Namiss ko rin siyang kasama dahil bihira na kaming magkausap dahil abala sa sariling buhay.

Sunod na lumapit ay si Ardent. "Ang lupit ni Laurent, pangatlo? Really?"

Natatawa rin akong nilingon siya. "Gusto ko rin kasi ng babae. Wala pa, eh."

"Kami ay tama na siguro sa amin ang dalawa."

Mahigpit kong niyakap si Alem at Ardent. Ang aking mga tunay na kaibigan na handa akong damayan anumang oras, anumang sakit, Masaya man o mahirap palagi lang silang nandito at hindi ako pinabayaan kailanman.

Nagkwentuhan pa kami matapos ang usapan naming iyon ay si Resttan naman ang lumapit naglagay siya ng juice sa harap ko kaya ininom ko iyon.

"Pahawak, ah," tumango lang ako at hinayaan siyang haplusin ang tiyan ko. Nakangiti niya iyong ginawa.

"Tumatanda na ako. Wala pa rin talaga?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Masaya ka namang inaalagaan ang mga pamangkin mo, 'di ba?" Nakangiti kong sabi.

"Oo naman kaya okay na rin," ngumiti siya.

Ngiti niya talaga parang si Laurent. Kung siguro nakilala ko siya bago si Laurent baka siya ang nagustuhan ko.

"Oo na, sasabihin mo nanaman kamukha ko si Laurent? Hindi kami parehas dahil masungit siya at palangiti ako."

"Oo alam ko na 'yon."

"Hindi mo ba ako susungitan? Tuwing buntis ka lagi mo 'yon ginagawa," sabay kaming tumawa.

Nangibabaw ang katahimikan binasag ko lang iyon matapos ang ilang minuto.

"Resttan, salamat, huh?" Halos mangilid ang luha ko sa sinabi kong iyon hindi ko alam kung bakit.

"For what?" Taas kilay niyang tanong.

"Utang ko saiyo ang buhay ko at ni Laurenz," ngumiti ako at tumulo na ang luha ko. Pinunasan ko agad iyon, tumitig lang siya sa mukha ko.

"Salamat sa pag-aalaga mo sa mga pamangkin mo. Salamat kasi lagi kang nandyan para sa amin. Makakaasa kang palagi kong tatanawing utang na loob ang lahat ng mga ginawa mo para sa amin," sinsero kong sabi. "Sana maging katuwang ka ni Laurent sa pag-aalaga sa mga anak namin."

Tumulo nang tumulo ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Makakasama ito kay Laureyna Anmela.

Tinanggal niya ang luha ko at tumitig sa mukha ko. "Why the heck are you crying?"

"Because I want to, dahil bukal sa puso ko ang pasalamatan ka."

"You don't need to thank me because I will always do the same thing even if I born again," sinsero niyang sabi at ngumiti.

"I sincerely thanking you," niyakap ko siya nang sobrang higpit.

Para bang ito ang huling beses ko siyang makikita. Kung mayroon man taong hinangaan ko rin si Resttan 'yon dahil bukod sa pagkakahawig nila ni Laurent ay walang sawa niya kaming inalagaan kung dahil man iyon sa magmamahal niya sa akin bilang babae o pagmamahal niya bilang parte ng pamilyang Baider ay wala na akong pakialam basta ang alam ko lang ay nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa niya.

Nakatulala niya akong tiningnan at saka umiling. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata.

Natapos lang ang usapan namin nang lumapit na si Laurent at humalik sa noo ko. "Magpahinga ka na midnight na. Makakasama 'yan kay Laureyna Anmela," malambing niyang sabi.

Tumango ako at nakangiting tinapunan ng tingin si Resttan. Seryoso niya akong tiningnan pero nakita ko ang paghawak niya sa dibdib na animo'y may kinakapa at pinapakiramdaman.

"Laurent? Pwede bang mamaya saglit?" Malambing kong sabi at niyakap siya. Sobrang mahigpit na yakap at humalik pa ako sa pisngi niya.

"Bebe girl, midnight na," wala na siyang nagawa nang mas lambingan ko pa. Hinalik-halikan ko nang paulit-ulit ang pisngi niya habang mahigpit na yakap siya. "Okay."

Kahit pumayag na siya ay ako ang gumawa sa pagpaligo ng halik sa buong mukha niya. Ito ang unang beses kong ginawa iyon dahil siya ang gumagawa nito. Sobrang lapad ng ngiti niya. Kita kong walang mapaglagyan ang saya niya.

Nahagip muli ng mata ko si Resttan, nakatitig sa amin, walang emosyon ang mukha. Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip niya pero nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya sa hindi ko malamang dahilan.

Nakihalubilo ako sa mga Baider. Kumakanta sila kaya nakikanta rin ako.

Hawak ni Cristoph ang gitara kaya umupo ako sa tabi niya inalalayan niya akong makaupo. Lumapit si Laurent at tumabi sa akin. Nakapalibot kaming lahat maliban na lang kay Laurex na masungit na nagpipindot ng phone niya, ang pagkakanguso ay naroon, hindi ko alam kung ano ang kinakainis niya. Si Laurenz at Zaxy ay nasa isang tabi nagtatawanan.

"Pwede mo bang lapatan ng tugtog ang kantang ginawa ko?" Nakangiti kong tanong kay Cristoph.

Tumango siya at ngumiti. "Sure."

Ang atensyon nilang lahat ay nasa akin kaya ngumiti ako sa kanila bago hinaplos ang tiyan ko.

"Ganito 'yong tono," tumikhim muna ako bago kumanta. "Bakit ba ang sungit-sungit mo?" Unang linya pa lang ay nanlaki na ang mata ni Laurent. Malambing ko iyong kinanta kasabay ng pag-strum ni Cristoph na pinakikinggan naman ng lahat. " Lagi mo na lang akong pinagkukunutan.. Paano mo kaya ako magugustuhan? Lahat na lang ng banat ko ay iyong inaayawan," mukha mang tanga ang liriko ng kantang ginawa ko ay wala akong pakialam ang akin lang gusto ko iyong kantahin.

"Ang hirap mo namang ligawan," nagtawanan sila nang marinig ang lirikong iyon. "Lagi mo na lang akong pinagtatabuyan.. Nagulat na lang ako.. Tinanong mo ako ng "Can you be my bebe girl?"" Napangiti ako at sinulyapan si Laurent na ngayon ay titig na titig sa mukha ko. Inalala ang nangyari no'ng gabing tinanong niya ako noon.

"Natutulala sa mga ngiti mo.. Nakakakilig ang linyada mo.. Kahit naman ang sungit mo.. Ikaw pa rin ang MR. BAIDER ko," hinaplos ko ang mukha ni Laurent dahilan upang tumulo ang luha ko. "Mister.. Mister.. Mister.. Mr. Baider ko," inulit ko iyon ng tatlong beses.

"Hindi magawang mainis saiyo.. Dahil isang ngiti mo lang.. ‘Di na ako papalag," ngumiti ako nang malapad at hinaplos ang mukha niya kasabay nang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha ko."Natutulala sa mga ngiti mo.. Nakakakilig ang linyada mo.. Kahit naman ang sungit mo.. Ikaw pa rin ang MR. BAIDER ko," humihina na ang pagkanta ko dahil sa mga luhang pumapatak.

Bakit ba ako iyak nang iyak?

"Mister.. Mister.. Mister.. Mr. Baider ko," nang matapos iyon ay pinagdikit ko ang noo naming dalawa at saka mainit na dinmpian ng halik ang labi niya. Kahit lahat sila ay nakatingin wala na akong pakialam do'n.

Basta ang palaging mahalaga ay mahal ko siya...

"I love you, I always love you, I love you even if I go to the other world," sinsero kong sabi sa kaniya. "Remember.. I'm always here," itinuro ko ang dibdib niya. Nakita ko ang kapirasong luhang pumatak sa mata niya. Naantig siguro ng mga salitang iyon ang damdamin niya. “Kahit mahirap kang abutin. Ikaw pa rin ay susungkitin. Ikaw pa rin ay mamahalin kasi gusto ko ay ikaw. Walang mahalaga kung hindi ang mahal kita.”

Wala man akong sapat na dahilan kung bakit ko ito ginagawa o sinasabi ay hindi ko na inisip 'yon.

Bago pa man siya makapagsalita ay sumigaw na ako.

"Ahhh!" Hawak ko ang tiyan dahil sa tumitinding sakit.

Natigilan sila at nagkagulo na silang lahat. Nakita kong tumakbo si Resttan palapit. Aligaga silang lahat kung ano ang gagawin. Kinakabahan man ay binuhat na ako ni Laurent.

"Resttan, ihanda mo ang kotse!" Utos ni Laurent.

"Susi!" Ibinato ni Leroi ang susi kay Resttan.

"Gosh! Manganganak na siya!" Sabi ni Lauressa na ngayon ay aligaga na rin.

"Faster, bro!" Sabi ni Lucio na nakaalalay rin sa akin.

Ganito ako kamahal ng mga Baider.

Hindi ako makahinga sa sobrang sakit ng tiyan ko. May lumabas na kung anong tubig sa ibaba ko. Nanginginig ko iyong tiningnan.

"Laurent.. m-manganganak n-na a-ako," hirap kong sabi.

Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila. Ang nakikita ko na lang ay ang nagkakagulong kilos nila, hindi malaman kung papaano kikilos. Halos tumakbo si Laurent palabas ng bahay habang buhat ako.

Tumutulo na ang luha ko sa sobrang sakit. "Shhh! Don't cry, bebe girl. Sobrang sakit ba? Saan ang masakit? Shhh you'll be okay! Shh," paulit-ulit na pag-alo ni Laurent habang nakahiga ako sa kandungan niya. Umiiyak din siya nang tahimik.

Hindi na ako magkanda-ugaga sa sakit ng tiyan ko. Pinagpapawisan at napapapikit na lang upang pigilan ang sakit pero masakit talaga.

Ang sakit!

Ibang-iba ito no'ng si Laurenz at Laurex ang ipinanganak ko.

"Ahhh!" Ilang ulit na akong ume-iri pero hindi pa rin lumalabas. Hinang-hina na ako.

"Lakas pa, kaunti pa.. push! Okay,” sabi ng babaeng nagpapa-anak sa akin.

"Kaya mo 'yan, mahal ko. I love you," paulit-ulit na sabi ni Laurent sa tabi ko. Bumabaon na ang mga kuko ko sa kamay niya wala pa rin.

Nauubusan na ako ng hininga.

Anak, bakit ayaw mong lumabas?

Hirap na hirap na ako para bang anumang oras malalagutan na ako ng hininga.

"Bebe girl.." Umiiyak na si Laurent dahil ang tagal na hindi ko mailabas ang bata. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “Mahal ko, kaya mo ‘yan. Kaya mo ‘yan.”

"Anmela Eris," humahagulgol na si Laurent dahil nahihirapan siyang makita akong ganito. Parang siya pa 'yong hirap na hirap. “Sorry for giving you another pain.” Humalik siya sa noo ko at pinunasan nang pinunasan ang luha at pawis ko.

"I-push mo pa. Ilang minuto mamamatay ang bata kapag hindi mo nailabas!" Inis na sabi ng babae.

Gumapang ang kaba at takot sa dibdib ko.

No!

Pinilit kong umiri nang sobrang ubos lakas.

"Ahhh!"

Tumulo na ang luha ko nang mailabas ang bata pero ang hindi ko inaasahan ay ang unti-unting paglukob ng dilim. Narinig ko ang malakas na palahaw ng anak ko kaya napangiti ako. Marahan kong hinila si Laurent habang naghahabol ng hininga.

"G-gusto.. k-ko.. siyang m-makita," hirap na hirap kong sabi.

Kinuha niya agad ang sanggol at ibinigay sa akin. Pinagmasdan kong mabuti ang anak ko. Pinipilit kong labanan ang mabibigat kong mata na unti-unti nang pumipikit.

"L-laureyna A-anmela.. Baider," habol ko ang hininga ko habang pinagmamasdan ang munting mukha niya.

Napakaganda!

Pinaghalo ang mukha namin ni Laurent.

Ang aking munting anghel..

Niyakap ko siya nang mahigpit kasabay ng nag-uunahang luha na dumaloy sa pisngi ko. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Yumakap si Laurent at humagulgol din ng iyak.

Tears of joy...

"M-mahal na m-mahal kita, Mr. Bai..der," hirap na hirap kong bulong sa kaniya. "A-alagaan mo ang a-ating mga a-anak. S-sabihin mo kay L-laureyna love na love ko siya.. m-mahal na.. m-mahal ko k-kayo ng mga b-bata," humigpit ang yakap niya sa akin. Sinabi ko iyon sa kabila ng paghahabol ko ng hininga.

"Mahal na mahal kita, Anmela Eris," pinaliguan niya ako ng halik sa buong mukha. Nakapikit kong dinama iyon.

"Ito ang pag-ibig.. ko saiyo sinsero at puro," Hirap na hirap kong inabot ang mukha niya at hinaplos ang pisngi niya. Kinabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya kahit matagal ko na iyong kabisado. Unti-unting nilamon na ako ng kadiliman kaya bumagsak ang kamay ko kasabay ng marahang pagpikit ng mata at pagtulo ng kapirasong luha.

"Emergency!" Sigaw ng mga nurse at doctor.

"Anmela Eris! Mahal ko.. mahal ko.. bebe girl.. 'wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita. Anmela! ‘Wag mo naman akong iwan. May mga anak tayo.. Mahal ko. Waaaaahhh Anmela! Mahal na mahal kita! Anmela! My wife! Please! Mahal ko!"

Narinig ko pa ang huling mga katagang binitawan ni Laurent hanggang sa unti-unti na iyong humihina sa pandinig ko. Gusto ko mang sagutin ay hindi ko na magawa.

Mahal na mahal din kita, Mr. Baider.. Mahal ko kayo ng mga anak natin..

This is my sincere and pure love, my Baider.

Anmela Eris Baider

Time of Death: 7:00 am.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.