EXTENDED CHAPTER
LAURENZ ANM BAIDER
"Papa!" Tumakbo si Bright Sun at Shine Clear palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.
Matapos ko silang yakapin ay dinampian ko ng halik sa labi ang asawa kong si Zaxy Nem Baider. Nakangiti rin siyang yumakap sa akin.
Sinunod ko lahat ng bilin ni mommy. Ang pangalanan ang dalawa kong anak na babae ng Bright Sun at Shine Clear.
Ang 'wag matakot magmahal.
Palagi ko pa rin siyang nami-miss pero hindi matatawaran ang mga alaala niya. Simula nang ibilin niya kay Laurex na 'wag akong saktan at 'wag magsungit ay iyon ang sinunod nito. Lubos niya akong minahal. Si Laureyna ay iningatan namin at pinangalagaan dahil alam kong 'yon ang gusto ng mahal naming ina. Nabuhay ang pamilya namin nang masaya hanggang isang araw nagbago ang lahat.
"I'm sorry, hindi ko talaga kayang ipagbili ang lupa namin," mahinahon kong sabi kay Mr. Balbuena.
Hindi ko talaga ito ipagbibili dahil kahit nakapangalan ito sa akin ay kay mommy pa rin ito. Maraming nakatira rito na pinangangalagaan namin dahil parang pamilya na ang turi namin sa mga taga-rito. Alam kong mahalaga sa aking ina ang Camarines Norte kaya kahit ito na lang ang hawak namin minahal, iningatan at inalagaan namin ito para sa aking ina.
Naiinis man ako sa pangungulit na ginagawa ni Mr. Balbuena ay hindi ko magawang sigawan siya dahil hindi ako gano'n. Namana ko ang karamihan sa ugali sa aking ina.
Nagulat na lang ako isang gabi nang pagbukas ng pinto ay may tumutok na baril sa mukha ko.
"Kailangan mong mamatay pati ang pamilya mo!"
Gumapang ang takot sa buo kong sistema. Ngayon ko lang napagtanto ang sinasabi sa akin ni daddy na dapat mag-ensayo akong mabuti upang ipagtanggol ang pamilya ko.
Paano ako lalaban kung katulad ko ang aking ina may mabuti at mapagpasensyang puso?
"Laurenz, halika na at matu--" Natigilan ang asawa kong si Zaxy nang makitang may nakatutok na baril sa akin.
"Pumasok ka sa kwarto, Zaxy!" Utos ko sa kaniya pero gumuho ang mundo ko nang akmang kikilos ang asawa ko ay binaril na ito.
"Fuck you!" Inagaw ko ang baril. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumigaw ako at nagmura.
Zaxy..
Nagpambuno kaming dalawa. Ang pag-aalala ko sa asawa ko ay naroon. Ngayon ko pinagsisihan na sana pala sineryoso ko ang pag-eensayo.
Naglaban kami ng lakas ng lalaking ito ibinaling niya ang baril sa akin nilabanan ko iyon upang iharap sa kaniya pero natalo ako dahil mahina nga ako. Sa kabila ng nangyayari ay hindi ko siya magawang saktan at kinaiinis ko iyon. Hanggang sa isang putok ng baril ang tumama sa likod ko.
Mommy...
Naluha ako sa isiping iyon. Sinisigaw ko ang aking ina. Nakita ko ang asawa kong nag-aagaw buhay na. Ginapang ko siya kahit parehas na kaming duguan. Nang marating ko siya ay hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.
"Zaxy," lumuluha kong sabi sa kaniya. Kumikirot ang kung anuman sa dibdib ko.
Ang sakit! Mas masakit sa sugat ko ngayon.
"Bright.." Nahihirapan kong sabi nang makita ang anak kong panganay na pababa ng hagdan.
Laking pasalamat ko nang may babaeng nakaitim na sumugod at nakipaglaban upang iligtas ang anak ko. Nagtagumpay siyang makuha si Bright kaya nakahinga ako nang maluwag.
Shine...
Matapos no'n ay ang pag-aalala ko naman sa bunso kong anak ay sobra-sobra. Pinipilit kong tumayo pero mahina talaga ako. Naabot ko ang asawa ko at hinawakan ito sa pisngi.
"Zaxy," lumuluha kong pagtawag sa kaniya. Nanginginig ko siyang niyakap. "Mahal kong asawa," nahihirapan man ay hinaplos ko ang mukha niya.
"L-laurenz.. ang mga bata," nahihirapang sabi niya. "M-mahal na mahal kita," tumulo ang kapirasong luha sa mata niya.
Bago pa man ako makatugon ay unti-unti na siyang pumikit.
"Zaxy mahal na mahal kita," niyakap ko siya nang sobrang higpit. Ang tindi ng pag-iyak ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Naulit muli ang sakit noong namatay ang aking ina. Gumuho ang mundo ko.
Wala na siya.. wala na ang pinakamamahal kong asawa...
"Wahh."
Isinigaw ko ang galit at sakit.
Pinatay nila ang asawa ko!
Kung hindi ako ang gaganti ay nasisiguro kong ang pamilya ko 'yon. Kaaawaan nila ang sarili nila oras na mangyari 'yon. Kahit mamatay ako ngayon sigurado ako magdurusa sila sa susunod na oras kapag nalaman ito ng sinuman sa pamilyang Baider.
Una ka munang matatakot sa mga Baider bago sa kamatayan.
Pinilit kong tumayo dahil nakita ko nang sinisira ng isang lalaki ang pinto ng kwarto ni Shine. Nakipagpambuno ulit ako sa lalaking iyon pero bigo ako at nailaglag niya ako sa hagdan. Isang putok nanaman ang tumama sa may dibdib ko.
Shine..
Bright...
Lumuluha kong tawag sa kanila sa isip ko. Tama ang aking ama dapat marunong akong protektahan ang pamilya ko. Dapat matapang ako at malakas.
Bakit ba kasi ganito ako?
Tahimik na lang akong lumuha dahil hindi ko na magawang tumayo.
Laurex...
Humihingi ako ng tulong sa kapatid ko pero nasisiguro kong hindi niya ako naririnig. Ipinagpa-sakaniya ko na lang ang nararapat niyang gawin upang bawiin ang kinuha nila. Tinutok muli sa akin ng lalaki ang baril. Ngumisi lang ako kahit tumutulo ang luha ko. Wala akong naramdamang takot o kaba.
Sige, iputok mo. Patayin mo ang buong pamilya ko pero 'wag kang magulat kung kukunin din saiyo ang buhay mo at ng pamilya mo sa mas matindi at mas mahirap na paraan.
Isisigaw mo ang lahat ng mura at luluhod ka sa pagmamakaawa pero kahit anong gawin mo babawiin pa rin saiyo kung ano ang kinuha mo.
"Wag kang umasang makakaligtas ka dahil hindi biro ang pamilyang ito. Pagsisihan mo isang araw ang ginawa mo!" Taas noo ko siyang tiningnan at malapad na ngumiti.
It's our tradition...Pagkatapos ko iyong sabihin ay pinaputok niya na ang baril sa mismong mukha ko.
Muli na tayong magkakasama, mommy... Unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.
Ang masayang pamilya ko ay biglang naglaho sa isang iglap lang.
Life in exchange with life.. Humanda ka dahil hindi ka makakatakas sa pamilyang pinatay mo. Nasisiguro ko iyon dahil ang pamilyang ito ay BAIDER..
Magsimula ka nang magtago pero kahit saan ka pumunta hahanapin ka nila. Mas masakit, mas mahirap at mas matinding pagbawi ang gagawin nila. Lumuha ka man ng dugo, lumuhod ka man sa pako, buhay mo pa rin ay kukunin.
Sorry not sorry, Baider is Baider it's both a curse and an honor.
The End...