Nagising si Amira sa malakas na kalampag ng gangsa. Wala namang problema sa kanya dahil sanay naman na siyang makarinig ng ganoong tunog lalo na kapag may mga festivities sa Cordillera at araw-araw halos kapag nasa Skyland Haven siya na anim na buwan nang bukas sa publiko.
Wala si Francois sa tabi niya pagbangon niya. Nasa isa sila sa mga native Kalinga hut na matatagpuan sa Skyland Haven. Sa Mystical Forest matatagpuan ang iba’t ibang mga Cordilleran native huts sa gitna ng gubat at inookupa ng pamilya ni Amira ang isa sa mga iyon.
Sumilip siya mula sa ikalawang palapag ng kubo na nagsisilbing tulugan at sa baba ay naabutan niyang nagsasayaw si Francois habang ang magdadalawang taong gulang na anak nila si Alphonesine ay nakasalampak sa kahoy na sahig at tumutugtog ng gangsa.
Nasiyahan lang siyang panoorin ang mag-ama niya mula sa taas nang biglang tumigil si Francois sa pagsayaw at sumalampak sa sahig. “Baby, magpapahinga muna si Papa…”
Biglang pumalahaw ng iyak si Alphonesine. “Papa, dance!”
Walang nagawa si Francois kundi tumayo ulit at magsayaw kahit na wala sa tiyempo dahil wala rin naman sa tiyempo ang pagtugtog ng anak nila. He was such an adorable father. At pagdating sa anak nila ay sunud-sunuran ito kahit pa sabihing dalawang taong gulang pa lang ang kanilang prinsesa.
“Mukhang nagkakatuwaan kayo,” untag niya sa dalawa at saka nakangiting bumaba ng hagdan. “Good morning.”
“Sorry. Nagising ka ba namin?” tanong ni Francois. “Nag-enjoy si Alps sa regalo ni Apo Semblat sa kanya.”
“Ohhh! You want to be a tribal princess as well,” nakangiting sabi ni Amira at tinabihan si Alphonesine. Hinawakan niya ang mga kamay nito at itinuro dito ang tamang ritmo sa pagtugtog.
Her daughter was a lot like Francois physically. They shared the same grey eyes and the tantalizing smile. Charming na ang anak nila kahit baby pa lang. She was born in France at the foot of the Alps. She fell in love with Francois mother’s hometown. Bagamat ipinangalan nila ito sa kay Don Alfonso, Alps ang nickname nito dahil sa paanan ng bulubundukin ng Alps dito ipinanganak. Ngayon pa lang ay marami na itong interes – she liked singing, dancing, playing around the kitchen, she had a natural curiosity with nature, and now she liked instruments.
She was adorable. Tatlong taon matapos ang kasal nila ni Francois ay saka ito ipinanganak. Sa loob ng dalawang taon ay honeymoon period nilang mag-asaw at nag-enjoy muna sila sa company ng isa’t isa bago sila nagdesisyon na magkaanak sa wakas. Malaki kasing responsibilidad ang pagkakaroon ng anak at nang mga panahong iyon ay nasa peak pa sila ng career nila. Ngayon ay mas settled na sila ni Francois ay mas maluwag na ang schedule nila kaya mas marami na silang oras na alagaan si Alps.
Her grandparents dotted on her. Lagi itong gustong bilhan ng mga laruan ni Alfie na lagi naman nitong ginagawa. Nang sinabi niyang di iyon ang kailangan ni Alphonsine, nag-set up pa ito ng educational fund at travel fund para sa anak nila dahil tiyak daw na mahihilig din itong magbiyahe at maraming gustong pag-aralan. Nag-settle na sa Pilipinas si Himaya para laging maalagaan ang apo. Di rin nagpahuli si Caridad na bagamat walang hilig sa mga bata ay di pinapalampas ang pagkakataon na i-spoil si Alphonesine. The Lambayans treated her like a princess, of course. At ito lang ang nakakapagpahalakhak kay Apo Semblat. At siyempre, di magpapahuli ang mga kapatid niya sa paglalambing dito.
“Gusto mo bang mag-breakfast sa hotel?” tanong ni Francois. “Nandoon na ang mga kapatid mo.”
“O! Akala ko ba bukas pa sila dadating?”
Nagkibit-balikat ang asawa niya. “Naiinggit yata sa pictures natin dahil nakapag-zipline at bungee jumping na tayo.”
Skyland Haven had a lot to offer. Bukod sa five-star boutique hotel, Swiss cottages, native hut villages, shopping arcades, restaurants and cafes at iba’t ibang adventure na nakabase sa local folklores at fairy tales, nagdagdag na rin sila ng extreme adventure.
“Gusto daw mag-tree top walking ni Papa,” anang asawa niya.
Nagulat siya dahil ang akala niya ay may meeting ang ama niya sa araw na iyon. Malamang ay nalaman ang plano ng mga kapatid niya kaya “Hindi ba delikado iyon?”
“Dine-dare siya ni Tita Carrie. Dapat si Papa rin pero siya ang magte-take over sa meeting ni Papa Alfie.”
Matapos ang apat na taon na paghihiwalay nina Carrie at Alfie ay nagkasundo na ang mga ito. Nagsisilbi pa rin ito sa mansion pero di na mabibigat ang trabaho nito at dahil nag-e-enjoy na lang itong gawin. Hindi na rin nagtangka pang makipag-date sa ibang babae ang ama niya at ine-enjoy na lang ang company nilang mga anak nito lalo na ngayong marami na itong apo.
Nang dumating sila ay nag-aagahan na sa hardin ng hotel ang mga kapatid niya. The view at the garden was breathtaking. May flower farm kasi sa baba ng hardin at tanaw na tanaw ang misteryosong bundok na sumasakop sa Kanayama na ngayon ay natatakluban ng ulap.
Tapos na ang operasyon ng minahan doon. Nag-train agad ng mga taga-Lambayan para sa magtatrabaho sa Skyland Haven. Ngayon ay may mahigit tatlong daang empleyado sila doon at nagke-cater sa mga turista na dumadalaw sa Skyland Haven sa araw-araw.
Napansin niya na wala sa mahabang mesa ang ama niya at ang madrastang si Carrie. “Nasaan sila Papa at Aunt Carrie?” tanong ni Amira.
“Nasa garden. Naglalakad-lakad sila, Ate,” anang si Eira na pinapakain ang anak nito na nakaupo sa high chair.
Natapos na silang kumain at lahat ng agahan ay di pa rin bumabalik ang dalawa. Kaya naman pagkagahan ay naglakad-lakad sila ni Francois. Iniwan nila si Alphonesine para makipaglaro sa mga pinsan nito. Naabutan nilang masayang nagkukwentuhan sa isang bench sa gilid ng rose farm ang mag-asawa. May nakaipit pa na rose sa tainga ni Caridad at parang teenagers lang na nagde-date ang mga ito.
“Huwag na natin silang bulabugin. Baka magkahiyaan pa,” anang si Francois at hinila siya papunta sa kabilang direksiyon.
“Sa palagay mo ba magkakabalikan pa sila?”
“Sila lang ang nakakaalam niyan. Sa ngayon hayaan muna natin silang mag-enjoy sa company ng isa’t isa. At least this time, alam na nila kung ano ang talagang pinapasukan nila.”
“Marami nang nagbago, no? Tingnan mo naman ako. Di ko naman na-imagine na mag-aasawa ako, magkakaanak at magiging ganito kasaya.”
“Isama mo pa na nagkasundo-sundo ang lahat. Parang imposible.”
“Napasalamatan na ba kita ngayon?” tanong ni Amira.
“Uhmmm… not yet. Pero mahaba pa naman ang araw na ito.”
Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “Salamat sa pagdating sa buhay ko. Salamat sa pagmamahal mo.”
“J’taime, Amira. Pero may request sana ako.”
“Ano iyon?” tanong niya.
“Gusto ko sanang magbakasyon tayong dalawa.”
“Tayong dalawa lang? Di kasama si Alps?” naaalarma niyang tanong.
“Yes. Nagsabi naman si Nanay Himaya na sila ni Tita Carrie ang bahalang mag-alaga kay Alps. I am sure kapag sinabi natin sa iba, marami naman ang willing alagaan siya.”
Natigilan siya sa paglalakad. “Bakit mo pala naisipang magbakasyon?”
“Naisip ko na baka pwede na tayong magkaroon ng new baby. Nanghihingi na si Alphonesine ng kasunod.”
Pagak siyang tumawa. “Si Alphonesine ang nanghihingi?”
“Siyempre kung gusto mo rin, sino ba naman ako para tumanggi?”
Expect Francois to turn everything around. Di na lang sabihin na gusto na nito ng pangalawang anak.
“May kondisyon ako para pumayag sa trip na ito.”
“Ano iyon?”
Hinaplos ng daliri niya ang leeg nito pababa sa dibdib nito. “You have to perform exceptionally well tonight.”
“Kailan ba naman kita binigo,” pilyong sagot ng asawa at kinindatan siya. Napatili siya nang bigla siya nitong buhatin. “Kung gusto mo ngayon na habang may nag-aalaga pa kay Alphonesine.”
“Francois, nakakahiya! Umagang-umaga!” aniya at sinubukang kumawala dito pero ayaw siya nitong ibaba.
“Mon amour, you know how much I love making love with you on daylight.”
And she knew that she couldn’t deny Francois because she loved him twenty four hours a day. And she would love him until forever.