Chapter BH: Amira 40

"Y-Yes.” Nahirapan siyang magsalita dahil pakiramdam niya ay tuluyan nang magdidikit ang labi nila. And she was tempted to taste his lips again. Inilapat niya ang palad sa dibdib nito para itulak ito pero parang napagkit ang kamay niya doon.

“Talagang talagang talaga?”

Mariin siyang pumikit para maglaho ang temptasyong nasa harapan niya saka ubod ng lakas itong itinulak palayo. “Oo na sabi. Pwede bang lumayo ka na sa akin? Hindi na kita kokontrahin."

Saka lang ito lumayo sa kanya at tumayo di kalayuan sa kanya. "I am just giving you a chance to change your mind. Baka gusto mo na lang akong sunggaban tapos halikan."

"You are incorrigible!" she exclaimed then rolled her eyes heavenward. Iyon lang ang kaya niyang gawin dahil hanggang ngayon ay nanlalambot pa rin ang katawan niya.

Humalakhak ito ng malakas. "You lost your chance, baby. Sayang."

Nanlamig siya nang lumayo ito sa kanya. Parang kailangan niya ang init ng katawan nito. Hindi na sapat ang init ng heater ng pool para balutin ng init ang katawan niya. Francois was hotter.

Humalukipkip siya. No! Behave, Amira!

Di nagtagal ay lumapit sa pool si Manang Conching. Ipinagpasalamat na lang niya na naka-duster ito at mukhang wala itong balak maki-swimming. "Sir, dumating na po sila."

Kumunot ang noo niya. Sinong sila? May ibang bisita si Francois? May ibang makiki-join sa kasiyahan nila?

Inilahad ni Francois ang palad sa kanya. "Come. Kailangan na nating umahon at magbanlaw."

"Sinong dumating?"

"I called for masseures. Hindi kumpleto ang pagbababad sa pool kung walang relaxing massage."

Ugh! Another luxury. Kasasabi lang niya na ayaw na niya ng mga indulgent na bagay. "Francois, hindi na kailangan..."

"You are tense. Mula nang dumating ka sa Sagada ay hindi ka na natahimik. Sunud-sunod din ang nangyari sa iyo. Di ka pwedeng tensiyonado at pagod kapag nagpunta sa meeting bukas. May sariling massage room at sauna itong bahay. You don’t have to worry."

Nagsuot ito ng roba at tinulungan din siya nito na magsuot ng malinis na roba. Matapos magbanlaw sa guestroom ay isinuot niya ang roba. Pagbaba niya sa hagdan ay nakaabang na si Francois. Naka-light pants ito at sando saka siya idinala sa silid na nasa first floor lang din.

Napapito siya pagpasok ng massage room. May dalawang massage bed iyon at may partition na kurtina. Pumapailanlang ang musika mula sa instrumental flute. Naririnig din niya ang amoy ng jasmine sa ere. At sa banda pa doon ay nakita niya na may sauna room.

"Tres bien, Monsieur,” pabiro niyang wika dito. “Thank you. Ang totoo hindi ko ine-expect ito.”

Naramdaman na lang niya ang pangingilid ng luha niya. Parang pagod na pagod siya sa mga araw na nagdaan. Saka niya na-realize na parang sa araw-araw ng buhay niya ay lagi na lang siyang lumalaban. At ngayon lang niya naranasang walang ibang isiipin kundi ang sarili lang niya.

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “I just want you to relax. At huwag kang umiyak. Just feel. Forget about everything. Kalimutan mo ang nagdaang mga araw. Kalimutan mo ang meeting mo bukas."

Tumango siya. “Okay.”

Nang dumapa siya sa massage table ay ipinikit niya ang mga mata. “Lavender oil, medium lang ang massage, combination,” bilin niya sa masahista.

Nang dumampo ang katawan niya ay naramdaman niyang unti-unting nawawala ang pagod niya at alalahanin. Sumuko na lang siya at kalaunan ay tuluyan nang nakatulog.

NANG magising si Amira ay nagtaka pa siya kung nasaan siya. Malamlam ang ilaw ng lamp sa tabi ng kama at nakabalot lang siya ng tuwalya habang panties lang ang suot. Saka niya naalala na nasa massage room siya sa bahay ni Francois sa Baguio.

She never felt better. Panalo talaga ang masahe na iyon. Bumangon siya at nag-inat. Nasa bedside table ang malinis na underwear na mukhang bago pa. May bagong damit na nandoon na marahil ay sa pinsan din ng binata. Nakapatong din sa bedside table ang isang paper bag na naglalaman ng cellphone niya at damit na pinagbihisan.

Pinili niyang isuot ang bagong damit at saka hinawi ang kurtina para tingnan ang massage table na ginamit ni Francois. Wala na doon ang binata. Mag-isa na lang siya sa silid.

Matapos mag-ayos ng sarili sa banyo sa loob ng massage room ay dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto bitbit ang paper bag. Naabutan niya si Francois na nasa harap ng may sinding fireplace at nagbabasa ng libro.

She drank at the sight of him. Nakasuot ito ng pantalong maong at gray long sleeve shirt na may tatak ng Philippine Military Academy. And he had this cute reading glasses on.

Naramdaman marahil nito ang presensiya niya at inangat ang tingin mula sa binabasa. Nagulat pa ito nang makita siya. “O! Gising ka na pala.”

“Ang haba nga ng tulog ko,” sabi niya at tinakpan ang bibig nang humikab.

“How are you feeling?” tanong nito at tumayo mula sa upuan saka naglakad palapit sa kanya.

Inunat niya ang dalawang braso. “Great! Pakiramdam ko ibang tao ako. Nawala ang lahat ng bigat ng pakiramdam ko.” Parang handa na siya sa anumang laban bukas. “Anong oras na? Lowbatt na kasi ang cellphone ko.”

“Past one in the morning.”

Nanlaki ang mata niya. “What? Ganoon kahaba ang tulog ko? I am sorry. Hindi ko inaasahan na ganoon kahaba ang tulog ko. Kailangan ko nang umuwi. Ang meeting ko bukas.”

Drat! Hindi pa siya nakakapili ng isusuot para sa meeting bukas. Of course, it would be an effort to choose one. Marami siyang pagpipilian. Sana lang ay fashionista siya katulad ng Ate Vera Mae niya o kaya ay ni Ailene. Di siguro mahihirapan ang mga ito.

“Relax. Huwag kang mataranta. Ihahatid kita. Fifteen minutes lang naman mula dito ang lodge ng Banal Mining. Maghintay ka lang dito. Ihahanda ko lang ang kotse.”

“Okay. Thank you.”

Bandang ala una y media nang naglalakbay na sila sa maluwag at tahimik na kalsada ng Baguio. Halos wala na silang nasasalubong na sasakyan. The air was frigid and she loved the serenity. Ito ang katahimikan na hinahanap niya kanina na hindi niya natagpuan.

“Tahimik ka na naman. Huwag mong sabihing guilty ka na naman dahil hindi mo pinaghirapan ang pagbababad mo sa pool o ang pagpapa-massage mo,” untag ni Francois kay Amira.

“No. I am actually thankful. Kasi nakatagpo ako ng isang katulad mo. Thank you for being a good friend, mon ami.”

Nagsalubong ang kilay ng binata. “Friend? Kaibigan lang ang tingin mo sa akin?”

Kumunot ang noo niya. “Bakit naman? Siyempre kaibigan. Ano ba dapat?” Baka mamaya ay may napapansin itong kakaiba sa kanya. Alam ba nitong pinagnanasaan niya ito? Nakakahiya!

“Mon amour dapat?”

My love? Naitirik ni Amira ang mga mata at di niya alam kung matatawa o maiinis dito. “Ang kapal!”

Kung ibang babae nga naman ay baka na-in love na dito. But no. Not her. She was attracted to him but that was it. She would never act on it. And she would never give her heart… that easily.

Nagseryoso siya bigla. “Pero gusto ko talagang magpasalamat dahil nandiyan ka lagi kapag kailangan kita. Di ako sanay na humingi ng tulong sa iba. But I appreciate everything you did for me. And thanks for being a gentleman. Hindi mo ako pinagsamantalahan kaninang natutulog ako.”

“You mean take advantage of a sleeping woman? Where is the fun in that? I’d rather seduce you with your eyes wide open and watch how you lose control. Now that is sexy.”

Alam niya na tinutukso lang siya nito pero isang kiming ngiti lang ang ibinigay niya dito. “Just the same. Thank you.”

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. “Alam ko naman na sa bawat galaw at paghinga mo lagi kang may misyon at purpose sa buhay. Lagi mong iniisip ang ibang tao pero hindi ang sarili mo. Take time to breathe sometimes, Amira. Isipin mo rin ang sarili mo.”

“Hindi madaling baguhin iyon. Sanay ako sa ganito.”

“Pero napatunayan mo na pwede kang mag-relax kung gugustuhin mo.” Ginagap nito ang kamay niya. “I am always here to remind you to slow down and enjoy life.”

“Okay,” aniya at tumango.

Hindi niya alam kung bakit mabigat ang dibdib niya nang sa wakas ay tumigil ang sasakyan ni Francois sa harap ng cottage na tinutuluyan niya. Bumalik na siya sa realidad – sa misyon niya sa Banal Mining at sa pagiging isang Banal.

She wanted to be with him. He was like her haven. Ayaw pa niyang magkalayo sila.

Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya. “Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ako. Huwag kang mag-aalangan na tawagan ako lalo na kapag stressed out ka na.”

“Thank you for the wonderful evening, Francois. Sa uulitin.”

Tumingkayad siya para halikan ito sa pisngi pero di niya alam kung anong pumasok sa kukote niya at kinintalan ng magaang halik ang labi nito. dapat ay lalayo siya dito subalit hindi niya magawang ilayo ang labi dito. His lips were sweet just like peach chardonnay but there was innate force in it that told her that he was all man. She was like a woman possessed and nipped his lower lip like a succulent fruit without even knowing why she was doing it. She wanted to taste him some more. Umungol si Francois na parang nahihirapan at saka hinawakan ang batok niya. Bahagya lang nitong ibinuka ang labi at naramdaman niya ang paghaplos ng hinlalaki nito sa gilid ng leeg niya. As if he was encouraging her to explore. And she grabbed the chance.

This was her first time to kiss a man. A real kiss. It was scary. Her mother told her that it was dangerous. A trap. And she would regret in the end.

Danger? She loved the danger. She loved kissing Francois. At di gaya ng sinasabi ng nanay niya na doon ginagamit ng lalaki ang mahika nito para maangkin ang isang babae, bakit iba ang nararamdaman niya? She felt powerful with Francois allowing her to take over. Hindi siya nakadama ng takot. All she cared about was the hot pleasure coursing through her veins. Naramdaman niya ang isang kamay nito na humawak sa baywang niya, to keep her steady. Their bodies almost touched. Almost. Pero sapat na ang init ng katawan nito para protektahan siya mula sa lamig ng gabi. Instead of the cool highland, she felt like she was in the raging inferno.

Pleasure. Ito ang mismong description ng pleasure na hinahanap niya. Hinayaan lang siya ng binata na angkinin ang labi nito. Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinayaan. She felt him smile then playfully nipped her lips back.

Suminghap siya nang maramdaman na parang tumama ang kidlat sa katawan niya. Bahagya niyang inilayo ang labi kay Francois para sumagap ng hangin saka lang unti-unting bumalik ang kamalayan niya sa ginagawa niya.

She kissed him. Not a smack. Not a friendly kiss. It was a kiss that made her toes curl and her knees week.

Natutop niya ang bibig at biglang lumayo dito. Nag-init ang mukha niya. “I… I…” Ano bang dapat niyang sabihin dito?

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito. “Sa uulitin, Amira,” anito sa nanunuksong boses.

“Goodnight!” sabi agad niya at dali-daling pumasok sa loob ng cottage. Pabalabag niyang isinara ang pinto. Habol niya ang hininga nang sandalan iyon. Di gumalaw hanggang marinig niya ang papalayong yabag ng binata at ang ugong ng sasakyan nito.

Huminga siya ng malalim. Sigurado siya na wala lang iyon kay Francois. Malamang ay maraming babae na ang humalik dito. Mas torrid pa lalo na’t galing ito sa France. And besides, the kiss was sweet and she felt a little spark. Why waste her time thinking too much? Ie-enjoy na lang niya ang sandaling iyon.

At nakangiti siyang nakatulog.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.