Chapter 16

HINDI mapakali si Lora. Mag-iisang araw na siyang hindi tinatawagan o tine-text man lang ni Alexandros. Pangatlong araw ng nasa Greece ang asawa sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabing dahilan. Basta ang sabi lang nito ay problema iyon sa pamilya nito na kayang-kaya naman nitong resolbahin agad. Hindi na rin siya isinama nito dahil hindi maganda para sa kondisyon niya ang magbiyahe nang magbiyahe kagaya nang naging dahilan nito kung bakit hanggang video chat lang ang nakayanan nito para magkaayos sila ng mga magulang.

Palaging sinisiguro ni Alexandros na ayos lang naman ang lahat sa mga nakaraang araw. Kahit nasa ibang bansa ito ay halos oras-oras itong tumatawag sa kanya para kumustahin ang lagay niya. Pero ngayong araw ay wala pa siyang nare-receive na message o tawag man lang rito. Hindi niya maiwasang mag-alala.

Missed na missed na ni Lora ang asawa. Gusto na niyang makasama at mahawakan muli ito. Pero iniintindi niya ang sitwasyon nito. Alam niyang kaya ayaw rin siya nitong isama ay lalo lang siyang mag-alala lalo na at hindi pa rin sila in good terms ng Mommy nito. Pero sa ginagawa nito sa kanya ngayon ay hindi rin niya maiwasang mag-alala. Bakit hindi siya nito tinatawagan o tine-text man lang? Mas lumaki ba ang problema nito? Alalang-alala na si Lora. Nang magagagabi na sa Greece at hindi pa rin tumatawag si Alexandros ay si Lora na mismo ang k-um-ontact rito. Nagri-ring naman ang cellphone nito at hindi rin nagtagal ay sinagot nito ang tawag.

“Lora?” ang boses ng ama ni Alexandros ang nabungaran niya.

“D-dad… Si Alexandros po?”

“Naiwan ng anak ko ang cellphone niya. Wala siya rito sa bahay. May problema ba? Bakit ka napatawag?” sunod-sunod na tanong nito.

“Wala naman po. Nag-aalala lang po ako kay Alexandros. Hindi po kasi siya tumatawag sa akin buong maghapon,” pagpapaliwanag ni Lora. “Puwede ko po bang malaman kung nasaan siya?”

“Nasa bahay siya nila Helene,” sagot naman agad nito.

Binundol ng kaba ang puso ni Lora. “B-bakit po?”

“Hindi ba sinabi sa `yo ng anak ko? Inaakusahan siya ng pamilya ni Helene na nakabuntis rito,”

Sa sinabing iyon ng ama nito ay nabitawan niya ang cellphone na hawak. Buntis rin si Helene at si Alexandros ang tinuturo nitong ama? Sa dating estado ng relasyon ng mga ito ay hindi nga malabong mangyari iyon.

Kaya bang ibigay ni Lora si Alexandros sa iba? Kaya niya bang ipahiram ito? At maatim rin ba niya ang katotohanang puwedeng may kahati ang anak niya sa presensiya ng ama nito?

Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip ni Lora. Kasal man sila ni Alexandros ay hindi naman siya gusto ng ina nito. Mas boto ito kay Helene. Mas lalong makakasama sa relasyon nila ang tungkol sa nangyaring eskandalo.

Naiintindihan ni Lora kung bakit itinago ni Alexandros ang tunay na dahilan ng pagbalik nito sa Greece. Ayaw lang siyang mag-alala nito. Ayaw siya nitong malungkot kung sakaling totoo nga ang nangyari. Pero asawa na siya nito. Nanumpa sila na sa hirap at ginhawa ay magsasama silang dalawa. At bilang kaibigan rin nito ay kailangan niyang suportahan ito sa kung anuman ang pinagdaraanan nito.

Kahit magiging masakit iyon para sa kanya.

Kinalma ni Lora ang sarili at kinuha ang telepono na malapit lang sa tabi niya. She dialled a number. “I want to book a flight to Greece as soon as possible,”

ALAS SIYETE ng umaga sa Greece nang makarating si Lora sa Greece. Dahil walang kaalam-alam ang pamilya ni Alexandros na pupunta siya ng Greece ay nagpahatid na lang siya sa taxi na nakita niya sa airport. Halos wala siyang naging tulog dahil sa kakaisip at napagod rin siya sa biyahe. Gayunpaman ay iniinda niya lahat ng pagod para kay Alexandros.

Nang makarating siya ng mansion ay nagulat pa ang kawaksing unang bumungad sa kanya nang makita siya. “Is Alexandros home?”

Umiling ang katulong. “Kupie Alexandros is still not here. He didn’t come home last night. But you can surely come inside, Madam,” pagpapasok ng katulong sa kanya. Dahil sa pinagsama-samang pagod ay pumasok na si Lora. Inihatid siya ng kawaksi papunta sa garden kung saan nakita niya ang Mommy ni Alexandros at Daddy nito. Nandoon rin si Chef Ioniko sa harap ng mga ito. Mukhang kumakain ang mga ito ng almusal.

Maasim ang mukha ng Ginang pagkatapos nitong sumubo ng pagkain na mukhang niluto ng Chef. “This still doesn’t taste like what that gold digging bitch cooked!” reklamo nito sa chef.

“If you only made her stay then you would have tasted a lot! You are so full of demands!” ang ama ni Alexandros na ang sumagot sa nakayukong chef.

“You know I don’t like her!”

“But you liked her cooking. And whether you like her or not, she is already your son’s wife. You should accept that,”

Lalong nagalit ang Ginang sa pagtatanggol sa kanya ng ama ni Alexandros. Sa galit nito ay nilayasan nito ang asawa dahilan para tumalikod ito at makita siya. Nang makita siya nito ay mas lalo pang sumama ang mukha nito. Parang anumang-oras ay sasabog sa galit ang Ginang.

“And what the hell are you doing here?!” nanlalaki ang mga mata nito sa galit.

“I-I just want to know if everything is all right…”

“No! Everything is not all right especially that you are here! You presence just added on our problems!”

Kahit nasaktan ay hindi pinansin ni Lora ang sinabi ng Ginang. Nagsalita ang ama ni Alexandros. “Lora, sana ay hindi ka na nagpunta rito. Inaayos na namin ang problema,”

“But---I want to help and support, Alexandros…”

“Help? Support? Hah! You Filipinos aren’t helpful at all. Because you love to ruin everything!”

Naguluhan si Lora sa sinabi ng Ginang. “What have I done, auntie? As far as I know, when I married Alexandros, the engagement is already off,”

“Yes, it is already. But that is just what not I mean. I hate your kinds. You Filipino’s made my family’s heart went away for me. You always caught them.”

Lalong naguluhan si Lora sa sinasabi nito. Siya lang ba ang tinutukoy nito? Pero bakit ang nationality niya ang ginamit nito? “Can you explain it to me? I don’t understand…”

Tumingin ang Ginang sa asawa nito. Tumango naman ang lalaki. “Let him explain everything to you,” sabi lang ng Ginang at umalis na sa harap nila.

“D-dad, ano po ang tinutukoy niya? May kinalaman po ba ito sa dating yaya ni Alexandros?”

Tumango ang lalaki. “Hindi ko siya masisi kung bakit siya galit sa mga kaggaya mo dahil tama siya, binihag ng isang kagaya mo ang puso namin ng anak ko. Nagka-affair kami ng yaya ni Alexandros noon.

“As my wife, of course she would be in rage. Lalo na at sa halip na sa ina kumampi si Alexandros ay sa Yaya niya pa ito kumampi. He adored her. Pero kahit ganoon ay mas makapangyarihan pa rin si Alexa. Hindi siya pumayag sa mga nangyari. Pinalayas niya ang katulong at siniguradong hindi na ito makakabalik sa bahay namin,

“Nasaktan kaming dalawa ng anak ko sa nangyari. Pero na-realize ko na hindi ko man mahal ang asawa ko, mali pa rin ang ginawa ko sa kanya. Kinausap ko rin si Alexandros tungkol sa nangyari at masaya naman ako nakumbinsi ko siya na mali ang ginawa namin. Pareho kaming humingi ng tawad kay Alexa at tinanggap pa rin naman niya kami pagkatapos noon. But after that incident, mas lalo siyang naging malupit. Mas lalo siyang naging control freak. At dahil guilty kaming dalawa ng anak ko sa nangyari, hinayaan namin siya. Isa pa ay kahit naman ganoon si Alexa ay palaging sa ikabubuti ng pamilya ang ginagawa nito. Ang ginawa nitong pag-a-arrange kay Helene at kay Alexandros ay para sa pagpapatatag ng negosyo namin. Isa kasi sa mga makapangyarihan ang pamilya ni Helene dito sa Greece. Iniisip lang nito ang negosyo ng pamilya namin,”

Tumango-tango si Lora. Kaya pala natuto rin na magsalita ng wikang Filipino ang ama ni Alexandros. Kaya pala naging maimpluwensiya ito. Ngayon ay naging malinaw na kay Lora ang galit ng Ginang.

“Ako na ang humihingi ng pasensya para sa asawa ko, Lora. Kung hindi siguro nangyari iyon ay hindi ganito ang magiging pakitungo niya sa `yo,”

Tinapik niya ang matanda. “Naiintindihan ko po, Dad. `Wag po kayong mag-a----“

Hindi na naituloy ni Lora ang sasabihin nang makaramdam siya ng pananakit sa puson niya. Agad na hinawakan niya iyon na tila ba sa pamamagitan noon ay mawawala ang sakit.

“Theos, Lora! Anong nangyayari---“ napasinghap ang matanda sa nakita.

Napatingin si Lora sa ibaba niya. Halos buong mansion yata ang nakarinig nang malakas na sigaw niya pagkatapos.

She was bleeding.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.