Chapter 26

“AYAN ba ang mahina?” sa kabila ng paninikip ng dibdib ni Mira dahil sa pagod na naramdaman niya sa ginawa nilang mountain climbing ngayon ay naggawa pa niyang purihin si Rhett. She feels so exhausted. Ngayon ay nagpunta muli sila ng Camiguin para mag-mountain climbing. Hindi iyon ang first time ni Mira pero ngayon ay tila pagod na pagod siya kahit hindi naman ganoon katas ang trail na pinuntahan nila. Hindi niya maintindihan kung bakit pero kanina pa siya nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. Pero dahil sa kagustuhan niyang makalabas ng bahay at makagala ay sinikap niyang huwag indahin iyon. Kinabukasan pagkatapos magtapat ni Rhett sa kanya nang nakaraan nito noong bata pa ito ay niyaya na agad niya itong lumabas sila.

Nagkamot ng ulo si Rhett. “Well, physically lang ito, Mira. Kahit naman madalas lang ako nakaupo, I do some exercising. Hindi problema sa akin ang lakas. Kaya kong lumaban. It was my past that made me weak.”

“No. Ang trauma mo ang nakapagpahina sa `yo. Pero dahil handa kang i-overcome ang mga iyon, you’ll be good as new. Lalakas ka,” pagkukumbinsi niya rito.

Nasaktan si Mira sa ipinagtapat sa kanya ni Rhett. Gusto rin niyang sapukin noon ang sarili dahil ilang beses niyang pinagdudahan ito, kung anu-ano ang masamang inisip rito. Hindi ba at nagulo rin ang puso niya sa takot? Pero ngayong nalaman na niya ang ilan sa tungkol sa nakaraan nito ay naliwanagan na ang puso niya. Naasar siya sa sarili niya dahil sa halip na intindihin ito ay natakot pa siya rito. Napakasakit siguro para kay Rhett ng nakaraan nito. Ngayon ay lubos ng nawala ang takot niya rito dahil unti-unti na niya itong nakilala.

Rhett wasn’t bad as people thinks or what her first impression in him. Naging biktima lang ito ng masamang nakaraan nito. At siya, dahil napapalapit na rin ang loob niya at may kakaibang nararamdaman rito, ay nais tulungan ito.

“We’ve been with different people today. Nakita kong naiilang ka sa kanila pero hindi ka na kaggaya kahapon. Sinusubukan mong makipag-usap at makihalubilo sa kanila. Ibig sabihin lang noon ay sinusubukan mo na maging maayos ka,”

“Sinusubukan ko para sa `yo, Mira,” madamdaming wika ni Rhett. Ang kanina ay hinahapong puso ni Mira ay nanaba sa sinabi nito. She was touched by his words.

“Well, magaling pala akong motivation ano?” pinilit pa rin ngumiti ni Mira sa kabila ng pagod. Ganito na ba talaga kalala ang epekto niya sa isang lalaki ngayon? Marami rin naman na lalaki ang nabibihag niya ngayon pero pakiramdam niya ay iba ang ngayon. Pakiramdam niya ay nakakuha siya ng malaking trophy dahil ang isang kaggaya ni Rhett ang nabihag niya. A broken man before but willing to be changed for her. Pero alam niya na hindi lang iyon dahil sa kayang isakripisyo ng isang sirang lalaking kaggaya nito. Iyon ay dahil sa kabila ng masakit na nakaraan nito ay may nararamdaman rin siya rito.

“Ngiti mo pa lang, motivation na,” nagagawa na rin mambola ni Rhett. Natutuwa siya na ginagawa nito iyon pero ngayon ay tila hindi na niya kayang indahin pa ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya. Niyaya niya si Rhett na magpahinga muna sa isang lilom sa tuktok na iyon ng bundok. Uminom siya ng tubig para mawala rin ang pagkauhaw na nararamdaman niya. Umayos-ayos ang pakiramdam ni Mira makatapos uminom.

Kumain sila ni Rhett ng tanghalian roon. May baon silang pulang itlog na may kamatis, galunggong at kanin. May binili rin itong soft drinks mula sa tindahang nadaaanan nila kanina kaya naman napakasarap ng kain nila. Para silang nag-picnic sa itaas ng bundok. At bukod sa magandang tanawin na natatanaw nila habang nakain, ang sarap rin ng pakiramdam na magkasama silang dalawa na nakain sa simpleng pagkain lang na iyon. Pero pagkatapos nilang makakain ni Rhett ay hindi na niya maggawang pansinin ang sarap ng pakiramdam na kasama niya ito. Mas kapansin-pansin ang nanakip muli niyang dibdib. Niyaya na niya si Rhett pagkatapos.

Kumunot ang noo nito. “Bakit? Maaga pa. Puwede pa nating ma-enjoy ang view,”

Huminga nang malalim si Mira para subukang paginhawain ang pakiramdam. Noong bata siya ay madalas na nakakaramdam siya ng mga ganoon. Sakitin siya at may asthma siya. Pero nitong nakaraang taon ay tila nawala na iyon kaya naman malakas ang loob niya na suwayin ang mga magulang at gawin ang mga ganitong bagay---ang umalis sa poder ng mga ito at maging malaya. Gumagawa rin siya ng ilang mabibigat na physical activities at kahit ganoon ay hindi na siya pinaninikipan ng dibdib.

Hanggang ngayon. Walang dalang kahit anong gamot si Mira dahil nasanay na siyang wala noon dahil nga hindi na siya nagkakasakit ng nakaraan. Medyo pinagsisihan niya iyon pero wala na siyang magagawa. Ang tanging naisip na lang niya ay umalis na sa lugar na iyon dahil mas mahihirapan pa siya lalo kung patatagalin pa niya ang sitwasyon sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon.

“Naalala kong may usapan kami ni Ate Clari na mag-uusap mamayang hapon sa Skype. Baka mag-antay siya ng matagal kapag hindi pa tayo nakakauwi,” pagdadahilan ni Mira. Wala talaga silang usapan ng panganay na kapatid pero dahil ayaw niyang pag-aalalahanin si Rhett sa lagay niya, nagdahilan na lang siya. After all, pagod lang siguro ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Makaka-recover rin siya. Pinili na lang na itago ni Mira ang nararamdaman.

Pumayag naman si Rhett. Madali lang ang daan pababa kaya hindi gaanong nangangamba si Mira na lalong samain ang pakiramdam pero nagkamali siya. Kahit na ba pababa na sila ay napapagod pa rin siya. Nang hindi na niya makaya ay tumigil siya sandali para magpahinga.

“Mira, namumutla ka. May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni Rhett. Pinilit umiling ni Mira pero hindi nawala ang pagdududa ni Rhett. Pero sa halip na tanungin siya nito, nag-alok na lang itong bigyan siya ng piggy back ride.

Sandaling nag-alinlangan si Mira pero nang makaramdam siya ng panibagong sipa sa dibdib, kinagat na niya ang alok nito. Nakasampa si Mira sa likod ni Rhett bago pa tuluyang magdilim ang paningin niya.

NAPAPAKUNOT noo si Rhett habang sinusubukan niyang gisingin si Mira. Ganoon ba talaga kalalim ang tulog ng dalaga at tila napakahirap nitong gisingin? Kanina pa niya sinusubukang gisingin ito pero hindi pa rin ito maggising. Kahit maingay ang tunog ng chopper niya ay tila balewala ito kay Mira. Tulog pa rin ito. At ngayong sinusubukan niyang gisingin muli ito habang pababa sila ay nahihirapan pa rin siyang gisingin ito.

Pinakatitigan ni Rhett ang natutulog na anyo nito. Was she really asleep or she passed out on his back a while ago? Naalala niya na basta na lang itong nakatulog sa likod niya kanina habang bumababa sila sa bundok. Noong una ay naisip lang niyang baka napagod lang talaga ito kaya ito nagkaganoon. Pero ngayon ay nahihiwagaan na siya at kinakabahan na rin. Humihinga naman si Mira pero parang may kakaiba rito.

Sinubukan muli na gisingin ni Rhett sa Mira at nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay gumalaw na ito at unti-unting nagmulat ng mga mata. She was awake. Sandaling pinakiramdaman muna nito ang paligid saka tumingin sa kanya. “Nakauwi na tayo?”

Tumango siya. “Nakatulog ka ng ilang oras,”

Kumurap-kurap pa ito at pagkatapos ay hinawakan ang dibdib. Napangiwi ito. Lalong nahiwagaan si Rhett sa kinikilos ni Mira. Masama ba ang pakiramdam nito? May sakit ba ito?

Matamang tinignan muna ni Rhett si “Mira, may problema ba? May masakit ba sa `yo?”

Nabasa niya sandali ang kalituhan sa mukha nito pero pagkatapos noon ay ngumiti ito at umiling. “Wala. Medyo nagulat lang ako kaya napahawak ako sa dibdib ko,” inalis na nito ang kamay sa dibdib.

“Sigurado ka?” parang nagdududa pa rin si Rhett. Tila may mali sa ginagawi nito.

“Oo naman. `Wag mo akong alalahanin. Malakas ako,” ngumiti pa muli nang pagkakatamis-tamis si Mira. His heart felt touched whenever she did that. Nawala na sa isipan niya ang mga pagduda dahil lang sa ngiting iyon. Napaka-powerful talaga ng ngiti nito.

“Talaga lang, ha? Pero nang makasampa ka sa likod ko, nakatulog ka agad,”

“W-well, ang sarap kasing matulog sa likod mo kaya nakatulog agad ako,” dahilan naman nito.

Si Rhett naman ang napangiti ngayon. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya dahil kahit noong una ay sandaling nanlamig sa kanya si Mira, ngayon ay bumalik na muli ito sa dating ito. At mas higit pa sa dati ang nakuha niya mula rito. Ngayon ay masayang nakikipaglapit na ito sa kanya at nararamdaman niya na kahit hindi man nito sabihin sa kanya ng direkta ay may nararamdaman rin ito sa kanya. He could see it through her actions. Kaggaya niya ay may nararamdaman rin ito sa kanya. Pinapahalagahan rin siya nito.

May pag-asa siya kay Mira. May pag-asa siya sa unang babaeng nakaramdam siya ng ganitong pakiramdam. Sa babaeng una niyang minamahal…

Napangiti lalo si Rhett sa isip nang maisip iyon. Minamahal. Heck, he was a horror mystery writer but because of Mira, pakiramdam niya ay nahaluan na ng romansa ang buhay niya. He fall in love with her fast and hard. It was like a whirlwind that curls up to her… or he can better say, to the both of them. Ganoon pa man, sigurado na si Rhett sa nararamdaman niya.

He loved Mira. Sigurado na siya roon He was everything in his world. Dahil kung hindi, bakit ganoon ang pakiramdam niya rito? Nahihirapan siya kapag hindi siya kinikibo nito. Dati ay tila wala siyang pakialam sa iba pero nagkakaroon na siya noon ng dahil lamang rito. Ito lang ang natatanging nagbibigay sa kanya ng ganoong damdamin. Nalulungkot siya kapag malungkot ito. Nasasaktan siya kapag nasasaktan ito. At nakakahawa rin ang saya nito kapag masaya ito. She was the only one who make her feel that so much alive.

Pero hindi niya minamadali si Mira. Nasa getting-to-know-each-other-stage pa lang sila, alam niya. Sandaling panahon pa lang ang pinagsamahan nila. Hindi nila kailangang madaliin ang sarili niya, lalo na ito dahil aminado naman siya na mahirap mahalin ang isang kaggaya niya. Maaring naintindihan siya ni Mira noong una pero sa mga susunod pa niyang rebelasyon, mayroon pa rin na takot na namumuo sa puso ni Rhett kung makakaya pa nga ba siyang tanggapin ni Mira pagkatapos noon.

Rhett was more troubled and broken more than Mira knew what he is now. Kaya pa bang mag-risk ni Mira para sa isang lalaking kaggaya niya samantalang wala pa siyang gaanong napapatunayan rito? Pero susubukan niya. Just not now. Hindi pa niya kaya. Pakiramdam niya ay hindi pa sapat lahat ng ginawa niya para maging karapat-dapat sa isang babaeng kaggaya nito. Natatakot pa siya na kapag sinabi niya iyon rito ngayon ay hindi naman nito iyon matanggap dahil para sa kanya, iyon ang pinakamasakit na bahagi ng buhay niya. Matatanggap ba nito ang isang lalaki na kasing hina niya?

Kahit pinaparamdam ni Mira na may halaga siya rito ay hindi pa rin siya lubos na mapalagay. What if she was really that sweet and affectionate? Paano kung ginagawa lang nito iyon dahil naawa ito sa kanya? Kailangan muna niyang masigurado ang damdamin nito sa kanya. Gusto siya nitong kasama nito pero hindi ba at ganoon naman palagi ang sa isang kaibigan? Hindi niya alam ang tunay na estado nila ngayon. Wala siyang malaking panghahawakan rito. Isama pa na hindi pa sapat ang mga ginagawa at pinaparamdam niya rito para ma-deserve niya ang pagtanggap nito sa isang lalaking kaggaya niya.

IKALAWANG linggo ng buwan kaya araw ng pamimili ng supplies sa bahay ni Rhett. Pero `di kagaya ng nakaugalian ay hindi si Mang Chito ang namili sa kabilang isla. Ngayong linggo ay silang dalawa ni Rhett ang namili. Umaga pa lang ay nandoon na sila dahil ni-request ni Mira na gusto rin niyang makagala sa isla na iyon. Simula nang magkaayos sila ay madalas silang gumagala ni Rhett pero ngayon lang sa kabilang isla na iyon. Isama pa na nagsimba rin sila ngayong araw. Sakto naman na mukhang fiesta sa bayan kaya mas lalong maraming atraksyon ang nakita ni Mira.

“Mukhang ang saya-saya pala ng fiesta rito. Ganito yata talaga palagi kapag fiesta sa probinsya,” komento niya habang naglalakad sila ni Rhett sa town plaza. “At tignan mo `yun, o! Dalawa pa ang banda! Bongga!”

Napansin ni Mira na tila naiilang na tinignan ni Rhett ang paligid. Kahit isang linggo na ang nakaraan simula ng umamin ito ng nararamdaman sa kanya at ilang linggo na rin siya nitong pinagbibigyan sa mga hirit niya na malibot pa ang ilang parte ng Mindanao ay mukhang hindi pa rin ito masanay-sanay sa paligid na maraming tao. Ganoon pa man ay naiintindihan iyon ni Mira. Hindi madali ang pinagdaanan ni Rhett. Hindi niya ito basta-basta mapapabago.

Alam ni Mira na magiging mahirap na gawin niya ang pag-aalis ng trauma nito personally. Alam rin niya na mas maigi siguro na dalhin niya ito sa eksperto. Pero dahil naisip niyang baka makasama lang iyon dahil naikuwento nitong nang minsang ginawa iyon ng Lola nito ay hindi naman ito nag-respond, minabuti na lang na gawin niya iyon in her way. Isama pa na marami siyang kilalang tao na kaggaya nito na mas lumalala pa ang kalagayan kapag dinadala sa espesyalista. Paano kasi ay mas naiisip ng mga ito na may sira ang mga ito sa pag-iisip dahilan para matakot ang mga ito at hindi iyon makatulong. Sa paraan na naiisip ni Mira ngayon, ang paraan kung saan niyaya niya itong mamasyal sa lugar na alam niyang may tao, unti-unti nitong made-develop iyon. Hindi man isang psychiatrist si Mira ay naisip niyang ang pag-expose rito sa mga public places ang makakapagwala ng takot rito. Narinig kasi niya minsan na nawawala raw ang mga takot kapag tini-trigger iyon. Isa pang mabuti sa paraan niya, naayos na nito ang sarili, nag-e-enjoy pa sila. Double package kumbaga.

“Rhett, relax. I’m here. Wala kang dapat ikatakot. Walang mananakit sa `yo,” pagpapagaan ni Mira ng loob ni Rhett. Nginitian niya pa ito.

“Yeah, yeah I know,” huminga ito nang malalim. “I feel so stupid. Dapat ako ang nagsasabi niyan at hindi ikaw. I should be your knight in shining armor,”

“Kuh! Kayo talagang mga lalaki. `Wag kang mag-alala, uso na ngayon ang mga modern princess. `Yung tipong hindi nagpapaligtas. At isipin mong ako ang para sa `yo,” kinindatan niya pa ito. Ang lakas ng tawa nito pagkatapos at inakbayan siya. Niyaya siya nitong maglakad-lakad pagkatapos.

Bahagya pa rin na nararamdaman ni Mira ang panginginig ni Rhett habang naglalakad pero hinayaan na lang muna niya iyon. One step at a time, ika nga. `Di dapat niya pinipilit si Rhett.

Habang naglalakad ay napansin niya ang isang poster na nakadikit sa isang poste. Binasa niya iyon. Nalaman ni Mira na magkakaroon ng sayawang bayan bilang pagse-celebrate ng fiesta ngayong taon.

“Cool!” komento niya nang matapos sa pagbabasa. “Rhett, punta tayo ha!”

Nalukot ang mukha nito. “Ano? Pero hindi ako marunong sumayaw!”

“Marunong ako. Tuturuan kita,” pag-e-engganyo niya rito. Mahilig siyang sumayaw kaya na-excite siya sa maaring mangyari mamaya. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagsayaw. Nami-miss niya iyon kahit na ba naghihinay-hinay muna siya sa ilang physical activities dahil na rin sa madalas na paninikip ng dibdib niya nitong mga nakaraang araw. Pero ngayong araw, simula kaninang umaga, ay wala pa siyang nararamdamang kahit anong sakit kaya naman in good mood muli siya ngayon. Pasulpot-sulpot lang naman ang paninikip ng dibdib ni Mira kaya hindi niya gaanong iniinda iyon. Isama pang pasimple rin na bumili na siya ng dating gamot na iniinom kapag masama ang pakiramdam niya para hindi na tuluyang lumala iyon.

Ganoon pa man, sa kabila ng nararamdaman ni Mira, hindi niya iyon sinasabi kay Rhett. Ayaw niya kasing mag-alala ito kaya pasimple rin niyang iniinom at binili ang gamot na iyon nang minsang magpunta sila sa kabilang bayan upang lumabas-labas rin. Masyado ng naging maraming pinagdaanan si Rhett at ayaw na niyang bigyan pa ito ng kalungkutan o alalahanin kaya itinatago niya ang kanyang nararamdaman nitong mga nakaraan. Ayaw niyang mag-alala ito.

Mariing umiling si Rhett. “Ayaw ko nga. Baka mamaya hindi agad ako matuto, mapahiya pa ako,”

“Ikaw pa ba ang hindi matututo? Akala ko ba talented ka?” ngisi-ngising sabi niya. “Dali na! Matagal na kaya akong hindi nakaka-attend sa ganyan. Kapag hindi ka pumayag, sige ka, aatungal ako ng iyak dito…”

“Mira…”

Sinimulan ni Mira na kusutin ang mata. Sa ilang linggo nilang pagsasama ay nakilala na niya ito. Alam na rin niya ang weakness nito. And she could be abusive sometimes.

Agad naman na pinalis iyon ni Rhett at huminga nang malalim. “Bakit ba ang lakas-lakas mo sa akin?”

“Kailangan mo pa bang itanong `yan kung inamin mo na sa akin na gusto mo ako?” tawang-tawa na sabi ni Mira. Nakitawa rin naman sa kanya si Rhett.

Hindi man ganoong kalinaw kung ano ang relasyon nila sa isa’t isa ay masaya siya na kasama si Rhett at hindi na ito kagaya ng dati. Nagsisimula na itong magtiwala sa kanya at gustong-gusto niya iyon. Palagi na silang lumalabas, palagi na itong nagpapakita sa kanya at palagi na silang magkasama. Naggagawa na rin nitong mag-reach out ng mga saloobin nito. Sinusubukan rin nitong i-overcome ang trauma nito dahil sa kagustuhan niya. Ibig sabihin lang talaga noon ay may halaga siya rito.

Masaya si Mira sa nagiging progress ni Rhett. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin niya mapigilang mapaisip kung iyon nga lang ba ang pinagdaanan ng binata. Para kasing may iba pa. Ang tanging sinabi lang nito ay ang masamang childhood nito at ang dahilan kung bakit gusto nitong mapag-isa o magsulat sa dilim. Nasagot noon ang mga tanong niya sa weirdong ugali nito. Pero hindi ang dahilan kung bakit nahihirapan itong magtiwala at obsessed ito sa security. Maari kayang may iba pang dahilan pa roon? O dahil kaya lang ito ganoon ay dahil pa rin sa pananakit rito ng ina nito noong bata pa ito?

Puwede rin naman, sagot ng isip ni Mira. Siguro ay nasaktan talaga nang husto si Rhett dahil bilang bata, lahat naman tayo ay pagkakatiwalaan ang mga magulang pero dahil sa huli ay sinaktan lang ito noon, nahihirapan na itong magbigay ng tiwala muli o ng pagmamahal man. Ang sa security naman ay dahil sa hindi nito naramdaman iyon noon dahil na rin sa walang sino man ang nagmamalalasakit rito. Pero tila may mali pa rin. Sapat na ba ang mga dahilang iyon? Curious si Mira kung bakit pero isinantabi na lang muna niya ang mga tanong dahil mas importante na maayos niya muna ang kasalukuyang alam niya na problema ni Rhett. The rest ay itatanong at aayusin na lang niya kapag natapos na niya ang problema niya ngayon. Sa ngayon ay ang unti-unti munang pagbabago ng pananaw ni Rhett ang aayusin muna niya, nila.

Mahalaga si Rhett kay Mira, ngayon ay aminado na siya tungkol roon. Wala na siyang pagtanggi sa nararamdaman niya rito lalo na at mas naipapakita niya pa ito roon. May nararamdaman rin siya para kay Rhett. And she knew it wasn’t just attraction alone. She was falling for Rhett. She thinks she is falling in love with him. Alam niyang kakain muna ng maraming oras para ma-develop ang isang tao sa isang tao lalo na at hindi pa naman ganoon kalaki ang napapatunayan sa kanya ni Rhett. Ilang linggo pa lang silang lumalabas at hindi pa ganoon kakilala ang isa’t isa. Pero ngayon ay naggagawa na niyang isa-isip ang sinabi sa kanya ng Ate Lora niya. Naggagawa na niyang tanggapin si Rhett sa kabila ng mga pinagdaanan nito, sa kabila ng weirdo na personalidad nito. Masaya siya kapag kasama ito, kapag nakikita at nahahawakan niya ito. Pero mas masaya lalo siya kapag nakikita niyang masaya rin ito kapag kasama niya. And she was now sure it was more than attraction or a feeling for a friend. Iyon ang unang beses na naramdaman niya ang ganoon sa isang lalaki.

Kaya lang ay hindi niya maggawang isantinig iyon dahil wala namang sinasabi sa kanya si Rhett na mahal siya nito. Inamin nito na gusto siya nito at gusto siyang makasama nito. But he still hasn’t said the three words. Tama ba na mag-assume siya na kanya na talaga ito?

Siguro ay kaggaya niya ay nag-a-adjust pa rin si Rhett. Handa namang maghintay si Mira hanggang sa makaya na nito iyon. Hindi maglalaon ba at masasabi rin nito iyon sa kanya at magiging maayos na ang lahat sa relasyon nila. Sa ngayon ay magiging kontento na si Mira sa kung ano ang mayroon sila.

NATATAWANG tinignan ni Rhett si Mira habang nagpapa-cute ito sa kanya suot-suot ang white-brimmed hat na siyang binili nila sa isang souvenir shop nang dumayo sila ni Mira sa Siargao Island noong isang linggo. Mainit kasi noon at dahil ayaw niyang masaktan si Mira ay ibinili niya ito ng ganoon. Hindi niya lubos maisip kung bakit suot-suot nito iyon ngayon sa harapan niya at tila ipinagmamalaki pa. Ngayong gabi ay a-attend sila ng sayawang bayan ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang prinsesa. Naka-summer dress si Mira at siya naman ay nakasimpleng polo shirt lang at pantalon. Bagay man ang brimmed hat sa suot nito kaya lang ay wala ng araw para gamitin nito ang sombrero.

“Bagay na ba akong maging Scarlett O’ Hara mo, Rhett Butler?” nagpose pa ito sa harap niya habang nakasuot ang sombrero sa ulo nito.

Lalong napahalkhak si Rhett. “`Di mo sinabing gusto mo pala na maging peg ang Gone of the Wind Cast. `Di sana ay naglagay ako ng kahit pekeng bigote para kuhang-kuha na natin sila,”

Tumawa rin ito at maya-maya ay pinanggigilan ang pisngi niya. “You are so handsome, Rhett. With mustache or without,”

Tinanggal niya ang sumbrerong suot ni Mira. “And you are beautiful, too, my Scarlett O’ Hara. With brimmed hat or without,”

Lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa dahil sa kalokohan. Mira was so bubbly that Rhett felt he was adapting to her craziness, too. Hindi siya mahilig tumawa noon o makipagbiruan dahil palaging gusto niyang mag-isa. Pero nang dahil kay Mira ay nagbago ang gusto at mga hilig niya. Kung dati rati ay kontento na lang siya na nasa dilim at mag-isa, ngayon ay nadiskubre niya na mas masarap at mas makokontento pala siya kapag kasama ito. Gustong-gusto niya na nasa paligid ito.

Alas otso ng gabi nang paliparin niya ang chopper papunta sa kabilang isla. Kahit alas siyete ang call time ayon sa poster na nabasa ni Mira ay sinadya nila na ma-late dahil naisip nilang baka Filipino Time rin ang mga tao roon. Pero nagkamali sila dahil pagdating nila ay mainit na ang kasiyahan sa dance floor. Marami ang tao sa plaza at kahit bahagya pang nailang siya sa mga ito dahil hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon. Ganoon pa man ay sinubukan ni Rhett na pigilan at huwag ipahalata kay Mira ang nararamdaman. He doesn’t want to spoil the fun especially that he saw happiness and excitement painted on Mira’s face. Alam niyang excited na itong magsayaw dahil kanina pa nito bukang bibig iyon. Hindi siya marunong sumayaw dahil hindi naman siya marunong makipag-socialize. Ganoon pa man ay pinagbigyan niya ito dahil gusto niyang maging masaya ito.

Niyaya agad siya ni Mira pagdating na pagdating nila roon sa dance floor. Sa mga nakaraang araw ay ngayon na lang sila gagamit ng pisikal na abilidad para aliwin ang sarili sa isa’t isa. Nitong mga nakaraan kasi ay madalas na sa mataong lugar sila pumupunta pero ganoon pa man, hindi sila madalas na naglalakad, tumatakbo o hindi kaya ganitong sumasayaw. Tanging mga pagmamasid o kaya panonood ng sine ang ginagawa nilang dalawa. Dinadala pa rin siya ni Mira sa mga matataong lugar na sa isip niya ay paraan nito ng pagpapaayos sa sarili niya. Gusto nitong i-trigger ang trauma niya sa pagdadala sa kanya nito sa mataong lugar. And somehow, it helps. Hindi na siya gaanong nanginginig, naiilang na lang. And hopefully, maalis na iyon ng tuluyan sa mga darating pa na araw.

Isang party dance ang tugtog ng mga sandaling dumating sila ni Mira sa dance floor. Mira started to moved her hands and hips. Mukhang marunong rin pala itong mag-party. Siya naman ay bahagyang gumalaw-galaw rin para masabayan ito. Hindi man siya marunong sumayaw ay nakakapanood pa rin siya ng ilang videos patungkol roon kagaya na lang sa Youtube o kaya sa mga pelikulang pinapanood niya kaya may ideya naman siya tungkol roon. Minsan kasi ay sa mga videos o pelikula siya siya kumukuha ng inspirasyon sa pagsusulat o `di kaya ay natututo pa ng ibang bagay.

“Marunong ka naman palang sumayaw! `Di ka lang marunong bumigay,” puna sa kanya ni Mira pero patuloy pa rin siyang inengganyo para sumayaw. “Hala, igiling mo pa!”

Natatawang ginagalaw-galaw niya lalo ang katawan at nakita na lang niya ang sarili na nakakasabay na sa mga hataw nito. Nakaramdam ng kakaibang enerhiya si Rhett sa ginawa niyang iyon. He felt so much alive. Ngayon lang niya naranasan ang ganoong klase ng enerhiya. At ang sarap-sarap pala ng pakiramdam. Lalo na at nakikita niya pang ganoon rin si Mira. Nag-e-enjoy siya sa ginawa pero mas nag-e-enjoy siya sa nakikitang malaking tuwa sa mukha ni Mira nang makitang nakakasabay na siya rito.

“`Yan! Mabuti naman at pinapakita mo na talaga sa akin na talented ka talaga,” komento nito sa kanya.

Ilang sandali ang nakalipas ay nagbago ang tugtog. Mula sa party song ay naging soft song iyon. Nag-umpisang magsigawan ang mga tao na parang kinikilig. Maya-maya pa ay napuno ng couple ang dance floor.

“Pinutol naman nila ang party mood ko. Badtrip,” nakangiwi na komento ni Mira.

“Well, siguro ay binibigyan lang nila ng pagkakataon ang mga lovers na kanina pa naghihintay na makasayaw ang love ones nila. At sa tingin ko ay isa rin tayo sa mga iyon. What do you think?” inilahad ni Rhett ang kamay nito sa harapan ni Mira.

Namumulang tinanggap naman ni Mira ang kamay niya. They dance in a soft tune, in slow move. And it seems like forever holding Mira in his arms. Hindi niya alam kung bakit nagiging ganoon siya pero parang gusto na yata niyang mag-shift ng genre sa pagsusulat. Ang sarap gawing inspirasyon ni Mira at ang mga pakiramdam na pinaparamdam nito sa kanya kung susubukan man niyang magsulat ng romance.

“Hmmm… I am back in the mood again. Mas better pala `yung ganitong kanta. Kinikilig ako,” pag-amin pa nito sa kanya. She also made a giddly sound.

Kung hindi lang talaga baduy ay sinagot niya rin ito nang ganoon. Her heart is raging with happiness. Parang kaunti na lang ay sasabog na iyon. And he felt giddy, too. Ang laki ng ngiti na ibinalik niya rito.

Umasa kang maghihintay ako kahit kailan… Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na… At kung `di ka makita… Makikiusap kay Bathala, na ikaw ay hanapin at sabihin ipaalala sa `yo ang nakalimutang sumpaan…. Na ako’y sa `yo, at ikaw ay akin lamang….

“Tandaan mo ang mga lyrics na `yan. Dahil gagawin ko lahat ng mga `yan kapag nawala ka sa akin,”

“Hindi mo na kailangan gawin iyon, Rhett. Kagaya ng title ng kanta, ako sa `yo at ikaw ay akin lamang. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo,” pangako ni Mira sa kanya.

Niyakap niya ito pagkatapos. Mira was her treasure. With her by his side, Rhett felt really loved after a long time.

Naka-isa pa muli na love song at bumalik na muli sa party dance ang kanta. Umagaw ng atensyon ng buong tao sa dance floor ang isang nabuong grupo ng mga nagpapaligsahan na sumayaw. Nakaikot ang mga ito at kapag napapatapat ang spot light ay sumasayaw ang natatapatan sa gitna. Mukhang nag-e-enjoy ang mga tao kaya lalong lumaki nang lumaki ang bilog. Nagyaya ang mga namamahala sa sayawan na makisali ang lahat sa sayawan. Niyaya naman agad siya ni Mira roon. Pero sa pagkakataong iyon ay tumanggi si Rhett.

“Medyo napapagod na ako. Kailangan ko lang magpahinga nang kaunti. Kung gusto mong sumali, go ahead. Nandito lang ako sa tabi. Panonoorin na lang muna kita,”

Sumunod naman sa kanya si Mira. Nagpunta ito sa bilog at nakisali rin. Mukhang enjoy na enjoy ito. Hindi niya ito masisisi. Siguro ay nami-miss rin nito ang dating buhay na maraming kasama, na maraming kaibigan. Nais niyang pagbigyan ito sa hiling nito.

Nang unang matapatan ng spotlight ay parang ibinigay nito ang lahat ng alam nitong moves sa pagsayaw. Tuwang-tuwa ang mga tao sa ginawa nito. Mira was a great dancer. Nakaramdam ng pagmamalaki si Rhett sa dibdib sa isiping sa kanya si Mira. Dahil magaling itong sumayaw ay ilang beses itong tinapatan ng spotlight. Giliw na giliw naman si Mira na pagbigyan ang mga ito kahit na ba napapansin niyang may kapaguran ng bumakas sa mukha nito. Pero dahil mas mababakas ang saya at kaaliwan sa mukha ni Mira ay hinayaan na lang niya ito sa gusto nito.

Mahigit treinta minutos ang nakalipas ay buhay na buhay pa rin ang bilog na iyon. Nakontento na lang si Rhett na panoorin ito sa `di kalayuan. Pang-limang tutok na kay Mira ng spotlight nang mapansin niyang tila mas bumabakas na ang pagod sa mukha ni Mira. Napansin rin niyang namumutla na ito. Dahil nag-aalala ay minabuti niyang lapitan ito at paalisin na ito roon. Lumalalim na rin ang gabi. Nakapag-enjoy na naman siguro ito nang husto kaya puwede na silang umuwi.

Pero ganoon na lang ang gulat ni Rhett nang bago pa niya masabihan si Mira ay nagkaroon na ng epekto ang pagod nito. Dahan-dahan itong napapikit at maya-maya pa ay nagse-sway na ang katawan pababa na parang mahihimatay. Mabilis na tumakbo si Rhett para saluhin ito.

“Mira!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.