Chapter 29

“YOU SHOULD relax yourself, Mira. Bakit parang bothered na bothered ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ng cardiac surgeon ni Mira na si Doctor Joseph Baquiran. Mahigit isang araw na ang nakalilipas makatapos siyang operahan at wala pang bente kuwatro oras ay nakalabas na rin siya ng recovery room. Dahil marami siyang dahilan upang gumaling ay mabilis lang na nangyari sa kanya iyon. Marami siyang motivation---ang pamilya niya na alam niyang mahal na mahal siya at siyempre pa si Rhett.

Pero hindi kaggaya ng inaasahan niya ay hindi siya inaantay ni Rhett pagkatapos ng kanyang operasyon. Ang sabi ng pamilya niya ay bumalik raw ito sa Isla Basilico kasama si Mang Chito. Ang akala ng mga ito ay babalik rin agad si Rhett dahil iyon ang sabi nito. Pero ngayon ay wala pa siyang naririnig rito maliban sa isang text.

”Maayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Magpagaling ka agad,”

Iyon lang ang natatanging reply ni Rhett nang ilang beses niyang kumustahin ito. Pero paano ba niya masusunod ang kagustuhan nito kung ramdam niyang pinanlalamigan siya nito at hindi ito nagpapakita sa kanya? Ano ang nangyari rito? Totoo ba talaga na maayos ito? Paano kung napahamak ito sa lagay ni Mang Chito?

Mira can’t help but to be bothered…

“Ayos lang po ako, Doc. I’m getting fine, I think,” physically, alam niyang maayos lang talaga ang puso niya. Tama si Kuya Eugene nang irekomenda nito si Doctor Joseph. Magaling itong Doctor at tagumpay na naisagawa nito ang operasyon sa ilang oras lamang. Ngayong nasa hospital room na siya ay ilang beses rin siya nitong binibisita upang kumustahin siya. He cared for his patients.

Hindi rin niya ipinagtataka kung bakit gusto itong ireto sa kanya ni Kuya Eugene. Bukod kasi sa magaling itong Doctor ay mabait rin ito. Kahit ilang araw pa lang niya itong nakikilala ay ramdam niya iyon. Napakaalaga nito. Isama pa na guwapo rin ito at tila hindi kapani-paniwalang sa bata pa ay marami na itong nakamait. Thirty-two years old pa lamang ito. Pero kahit ganoon, alam ni Mira ang posisyon niya. May nagmamay-ari na ng puso niya at iyon ay si Rhett.

“But emotionally, you are not? Dahil pa rin ba sa lalaking iyon, Mira?” naramdaman niyang tila nalungkot ito dahil roon. Ayaw man niyang isipin pero nararamdaman niya na tila may gusto sa kanya si Doctor Joseph. Hindi na kasi normal ang pagbisita at pangungumusta nito sa kanya. Alam niya na magaling itong Doctor at maalaga ito sa pasyente. Pero pansin niya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ang mga kislap. At ngayon, nang mapag-usapan muli nila si Rhett ay nalungkot ito.

Alam rin nito ang tungkol kay Rhett dahil bago siya operahan ay nasa tabi pa niya si Rhett. At nang maggising siya at ang unang nabungaran ay si Doctor Joseph, si Rhett ang pinakauna niyang tinanong. May hinala na ito sa kung ano ang relasyon niya sa lalaki. Ganoon pa man ay may interes pa rin ito sa kanya.

“H-hindi pa rin siya nagpapakita sa akin o kinakausap man lang ako hanggang ngayon…” napabuntong-hininga si Mira pagkatapos. Kakaayos lang ng puso niya pero parang nasira muli iyon sa pagkawala ni Rhett.

Si Doctor Joseph naman ang napabuntong-hininga. “Hindi makabubuti sa `yo ang ganito, Mira. I suggest, huwag mo muna siyang pakaisipin. Alam nating lahat na tagumpay ang operasyon sa `yo pero puwede pa rin makaapekto ang mga mangyayari sa susunod na araw. Hindi ka pa puwedeng ma-stress,”

Tumango si Mira. Alam naman niya iyon pero sobra lang talaga siyang nag-aalala kay Rhett. Pinilit niyang huwag pakaisipin si Rhett sa mga sumunod na oras. Dahil mabilis ang recovery niya ay maari na siyang lumabas bukas. Sa susunod na linggo na muli siya babalik sa ospital para sa follow-up check up niya.

Pero wala pa rin Rhett na dumating. Kahit pinipilit niyang huwag isipin iyon, paulit-ulit itong bumabalik sa isip niya. Nababahala na ang pamilya niya sa nangyayari sa kanya kaya kinausap siya nito kinagabihan.

“Mahal mo talaga siya, Anak, ano?” tanong sa kanya ng ama niya.

Tumango si Mira. “Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito, Dad. I cared for him more than anything. Sa kabila ng pinagdaanan niya, sa kabila ng weirdo na ugali niya, masaya ako na kasama siya. Wala akong pakialam kung ano man ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Kahit na ba pinaghigpitan niya ako noon, gusto ko pa rin siya. Hindi ko siya kayang tiisin. Hindi ko rin makakaya kung may mangyaring masama sa kanya. He had been through a lot already,”

Tumango ang kanyang ama. “I see. Sa totoo lang ay hindi ko talaga siya gusto nang una ko siyang makita. Ramdam ko na noon na siya ang sinasabi mong “Greed”. Ganoon pa man, kahit ilang beses na ipinaliwanag mo sa amin na maayos ka lang sa piling ng taong iyon, ayaw kong paniwalaan iyon. Hindi ko pa kasi siya nakikilala ng personal at natatak sa utak ko ang masamang impresyon ko sa kanya noong una.

“Pero nang makilala ko siya at makita ko ang pag-aalala niya sa `yo, nawala ang mga pagdududang iyon. Kahit na pinaramdam ko sa kanya noong una na hindi ko siya gusto, hindi pa rin siya umaalis. Willing siyang ipaglaban ka sa akin. Nakikita ko ang pag-aalala sa mata niya, ang pagpapahalaga niya sa `yo. Para sa isang ama, mahalaga para sa akin na makita na inaalagaan ng lalaking pagbibigyan ko sa anak ko ang mga bagay na iyon. At sapat na para sa akin iyon para pagkatiwalaan siya.”

Ngumiti si Mira. “Thanks, Dad. Para sa pag-iintindi. Alam ko na magiging mahirap na ipaliwanag sa inyo ang relasyon namin ni Rhett lalo na kapag nalaman niyong isa siyang troubled man. But I am willing to do and sacrfice everything just to make him well. Ganyan ko siya kamahal.”

“I know. Kaya humahanga ako sa `yo, Anak. Kahit na ba sa tatlong anak ko, ikaw ang pinakamahina, you still fight for what you want and what you loved. I am proud for you for that.”

Na-touched si Mira sa sinabi ng kanyang ama. Mula pagkabata ay pinaramdam sa kanya ng mga magulang na mahal na mahal siya ng mga ito. Masuwerte siya na mayroon siyang mga magulang na kaggaya ng mga ito. Ang tanging ikinaayaw niya lamang ay dahil sobrang protective ng mga ito sa kanya. Naiintindihan naman niya ang mga ito pero gusto niyang labanan ang lahat ng mga sakit na dumarating sa kanya ng mag-isa. Ayaw niyang maging mahina. At hindi rin siya magiging mahina kahit na ba nararamdaman niyang kabaliktaran noon si Rhett.

Malungkot siya sa isiping ganoon pa rin ito. Nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Pero bakit hindi siya maasikaso ngayon ni Rhett? Bakit hindi nito sinasabi ang totoong sitwasyon nito? Ano pa ba ang problema nila?

Bago makalabas si Mira ng ospital ay nakatanggap siya muli ng text kay Rhett. Ang sabi nito ay magse-set daw ito ng date para makapag-usap sila. Agad na pumayag si Mira.

Kailangan talaga niyang makausap si Rhett dahil ngayon lang niya napagtanto na sa kabila ng lahat, hindi niya pa naamin na mahal na mahal niya ito.

TATLONG ARAW makatapos lumabas ng ospital ni Mira ay nagtagpo sila ni Rhett. Ipinasundo siya nito mula sa bahay nila at dinala sa isang coffee shop malapit sa bahay nila. Nang dumating siya ay nandoon na si Rhett. Her heart skipped when he finally saw him after days. Na-miss niya ito ng sobra. Inalalayan siya ni Rhett para makaupo sa table na pina-reserve nito. Tinabihan siya nito sa upuan.

“How are you?” unang tanong sa kanya ni Rhett nang maka-settle sila. Sa halip na sagutin ito ay tinitigan niya muna ito nang maigi, lalo na ang mukha at mga mata nito. Wala namang nagbago roon. Nakikita pa rin niya ang kislap sa mga mata ni Rhett habang nakatingin sa kanya.

“I missed you…” iyon ang sinagot niya kay Rhett pagkatapos.

Napansin niyang sandaling hindi ito naging komportable sa sinabi niya. Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. “Mira, I---“ mukhang may iba itong sasabihin kaya naman nasaktan siya. Ramdam niya base na rin sa panlalamig nito sa kanya ay may iba itong layunin sa pakikipagkita sa kanya. At hindi niya matatanggap kung sakaling tama nga ang iniisip niya.

Matagal bago nadugtungan ni Rhett ang sasabihin. Masyadong kinabahan si Mira na sa durasyon noon ay hindi napigilan na may tumulong luha sa mga mata niya. Napabuntong-hininga si Rhett ng dahil roon. He cupped her face, his one finger removed the tear that fell down. “I-I missed you, too…”

Niyakap niya ito sa sobrang tuwa. “Oh, Rhett! Days without you have been hell. Ano ba ang nangyari sa `yo? Are you really okay? Napahamak ka ba? May ginawa ba sa `yo si Mang Chito? Nag-alala ako nang husto sa `yo…”

Niyakap rin naman siya ni Rhett. “I’m fine, Mira. Hindi ba at sinabi ko na iyon sa `yo? Ayaw kong mag-alala ka, Makakasama iyon sa iyo.”

“Pero hindi ka nagpakita sa akin. Halos hindi mo sagutin ang mga text ko…”

Bumuntong-hininga ito. Pinakawalan siya nito. “I needed time to think…”

“To think? Para saan? May problema ba tayo, Rhett? Or is it about Mang Chito? Ano ng nangyari sa kanya?”

Matamang tinignan muna siya ni Rhett bago siya binigyan ng out of the question na sagot. “I-I decided that I need to leave you, Mira.”

Nawindang si Mira sa narinig. Nadurog ang puso niya. “No, Rhett! Hindi puwede! Kailangan kita. Hindi mo ako puwedeng iwan. Mahal kita, Rhett. Mahal na mahal kita. I couldn’t afford to lose you. I would die of heart complications if you will! Not because of this mitral regurgitation but because of a broken heart. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka…

“Alam ko sandali palang tayo nagkakilala at nagkasama but does the time matters? Siguro ay mabilis na na-develop ako sa `yo sa kabila ng kakaibang ugali mo. Pero alam ko ang ginagawa ko. Ikaw lang ang tanging nakapagpatibok ng puso ko ng ganito, Rhett. I care for you more than anything in this world. You are my everything…”

“Mira…” naramdaman niya ang lungkot sa boses nito. Lalong nasaktan si Mira. Bakit ganoon ito? Ipinaramdam nito sa kanya na mahalaga siya rito pero ngayon ay iiwan siya nito? Rhett was so unfair. Pinaasa lang ba siya nito?

“Nagkamali ba ako ng akala, Rhett? Hindi mo ba ako mahal?”

Umiling si Rhett. “Mahal kita, Mira. Mahal na mahal kita kaya kailangan kong lumayo sa `yo,”

Naguguluhang umiling si Mira. “Hindi ko maintindihan…”

“I am a troubled man more than you knew, Mira. I-I don’t deserve you kaya kailangan kong lumayo. But its not what you think it is…”

“More troubled?” napakunot noo si Mira. “May hindi ka pa sinasabi sa akin, Rhett?”

Sinalubong ni Rhett ang tingin niya pagkatapos ay bumuntong hininga. “Ayaw ko pa sanang sabihin sa `yo ang tungkol rito dahil hindi ka pa ganoon kagaling. Ayaw kong ma-stress ka dahil alam ko na maari na makasama iyon sa `yo kaya pinili kong lumayo sandali. Alam kong nasasaktan ka pero naguguluhan ako, Mira. Maari ka rin kasing masaktan kapag sinabi ko sa `yo ang lahat. Isa pa ay mas marami kang aalalahanin. Alam kong maari kang masaktan kaya mas pinili ko munang lumayo. Pero alam kong kapag lalo ko pang pinatagal ay masasaktan ka rin. You deserved to know the truth.

“I just regained my repressed memories, Mira. At isa lang ito sa nagpapatunay na talagang mahina ako. I’m scarred more than you know. I am weak. Hindi ko man lang naggawang mailigtas si Lola noon…”

Lalong kumunot ang noo ni Mira. Alam niya ang nangyari sa kabataan nito at pati na rin sa pagkupkop rito ng Lola nito. Pero hindi sumagi sa isip niya ang tungkol sa nangyari rito pagkatapos. Paano ay nag-focus lang siya sa pagpapagaling ng trauma nito sa ina at paglayo nito sa mga tao. Nag-conclude na lang siya na namatay na ito dahil wala na ito sa larawan ngayon. At base sa sinabi nito ay tama nga ang hinala niya ngayon. Her grandmother died. At mukhang may epekto rin rin kay Rhett ang pagkamatay nito. Ano ang sinasabi nitong nawalang memorya nito? Na mahina ito? He really had been through a lot. He felt sorry for him.

“Ilang beses akong tinatanong ng mga pulis tungkol sa pagkamatay ng Lola ko pero hindi ko naggawang magsalita. Hindi ko rin siya naipagtanggol dahil huli na nang dumating ako. Kahit malaki noon at nakakaipon na rin dahil sa kinikita ng mga libro ko, hindi ko maggawang ipaglaban siya. At ang killer, nakita ko siya pero dahil masyado akong natakot noon ay hindi ko siya nalabanan. Hindi ko siya naisuplong dahil naunahan ako ng takot at dahil roon, na-block ang memorya ko. Hindi ko siya naggawang isumbong sa pulis.

“Galit na galit sa akin ang mga pulis dahil roon. Bakit daw hindi ko maggawang masabi? Nahirapan silang intindihin ako. Nagkaroon ako ng psychological disorder. Nagka-trauma ako at iyon ang dahilan kung bakit nawala ang memorya ko. Kahit halos sipain na ako ng mga pulis noon para sabihin sa kanila ang lahat, hindi ko maggawa. A-and that is the reason why I am obsessed with security. Bukod sa gusto kong i-maintain ang seguridad ng bahay ay nagpakabit ako ng mga CCTV’s sa bahay na ito dahil roon. Para kahit may mangyaring krimen na naman, may makakita na. May magiging witness na kahit hindi ko man masabi…I felt like my mind was blocked after that incident. Hindi ko maalala kung anong nangyari kahit na ba nararamdaman ko,

“Si Lola… siya na lang ang itinuturing kong pamilya pagkatapos ng lahat. Ayaw ko nang bumalik kay Mama kahit na gumaling siya pagkatapos ng rehab niya. I despised her. Si Lola na lang ang natira sa akin at si Mang Chito. Nang mawala si Lola ay umalis ako ng Maynila at binili ang Isla Basilico at doon binuo ang sarili ko pagkatapos ng mga nangyari. Maraming business si Lola na ngayon ay ipinagkakatiwala ko sa mga managers ay malaki ang kita. Sa tulong ng kita ng mga iyon at sa mga milyon na kinita ko bilang book author.nabili ko ang isla na iyon. Ang isla kung saan akala ko ay magiging maayos ang buhay ko until I discovered that the one I am living with that island was actually the killer…” mapait na ngumiti ito.

“Si Mang Chito!” nasindak na konklusyon ni Mira.

“See how weak am I, Mira? And stupid and idiot, too. A total fool. Ang kasama ko na pala sa isla ay ang natatanging tao na kailangang kamuhian ko. Pero anong ginawa ko? Pinagkatiwalaan ko siya kahit alam kong may mali. Alam ko na hindi ko maalala. Nararamdaman ko pero kahit anong pilit kong isipin, hindi ko maggawang alalahanin. Kaya pala ako natatakot na magtiwala dahil si Mang Chito, ang natatanging tao na pinagkatiwalaan ko makatapos mamatay ni Lola, ay siyang nagtaksil sa akin.

“Ni hindi ko man lang naisip iyon, ang saklap `di ba? For a writer---a genius for people because of the amazing twists I made to my stories---I am so stupid. Napakahina ko.”

Umiling si Mira. “Nagka-trauma ka, Rhett. Hindi mo naisip na si Mang Chito iyon dahil naiisip mong hindi ka niya kayang pagtaksilan. Siya na lang ang natitira sa `yo at hindi ba at napakabait niya sa `yo? Dahil kung hindi, hindi mo siya matatagalan. Hindi ka magtitiwala muli sa kanya kung may ginawa siyang masama sa `yo.”

“Tama ka. Hindi ako naghinala kay Mang Chito dahil mabait siya sa akin. Natakpan ng mga pagdududa ang pagiging mabait niya sa akin. Pero mahina pa rin ako, Mira. Dahil sa halip na piliin kong lutasin ang kaso ng Lola ko, mas pinili kong lumayo at huwag isipin iyon. Parang pinabayaan ko na lang ang hustisya kay Lola. Hindi ko man lang ginawa ang payo sa akin ng mga pulis---na dumaan ako sa mga theraphies para maalala ko ang mga nangyari. Kaggaya rin kasi ng dati ay ayaw kong isipin na may sakit ako. Ayaw kong masabihan na may sira sa isip kaya hindi ko na tinangka. Kahit na nagpakita muli ang Mama at sinubukan niyang tulungan at lapitan muli ako, hindi ko ginamit ang mga tulong niya. Nakita ko na nasaktan siya at gusto rin niyang magkaroon ng hustisya si Lola. Pero hindi niya rin ako napilit. Hinayaan na lang niya ang kaso dahil kahit papaano ay may pagpapahalaga pa rin siya sa akin. Alam niyang mas mahihirapan ako. Hindi na niya ako pinilit at hinayaan na ganoon na lang dahil madadamay ako kung ipipilit pa niya. Ako lang kasi ang maaring magsabi at si Mang Chito na siyang sinabing wala siya sa bahay ng mga oras na iyon.

“I-I just let it that way. Hindi ko alam pero may isang bahagi ng utak ko na nagsasabing kahit masakit ay hindi ko puwedeng sabihin. Parang may malaking mawawala sa akin kapag ginawa ko iyon. At marami ng nawala sa akin at hindi ko na kayang mayroon pa muli. I runaway with my problems. I am weak.”

“You are just traumatized and troubled by your past. Ang pagtatago mo ng identity mo ay para na rin naman sa trabaho mo. Isa pa, kung masama ka, bakit iniisip mo ang kapakanan ng mga readers mo? Naghahanap ka pa talaga ng sekretarya para lang bigyan sila ng pagpapasalamat para sa pagsuporta nila sa `yo,”

“Well, ginagawa ko iyon para ma-curious lalo ang fans ko. Siyempre, isipin mo, isang writer na nakikipag-interact sa mga fans niya at never na nagpapakita sa personal o picture man lang? It rises up the reader’s curiousity. Isama pa na hindi ako nagbibigay ng mga personal data tungkol sa sarili ko. I just thank---“

“You just thank them. But still, they matter for you. Hindi ka kagaya ng ibang writers na kapag mataas na, wala ng pakialam sa mga fans. And I like you for that. Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Isama pa na puwede ka pang magbago. Kung susubukan mong magbago ngayon ay marami ka pang pagkakataon. Huwag kang mag-alala. Everything will be all right. Ngayong magaling na ako, ipinapangako kong I’m with you in every step of the way.” Pagpapagaan niya ng loob rito. Mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para maging maayos ito.

Marahas na umiling si Rhett. “No, Mira. You deserved better than that. As much as I want you to be with me, alam kong hindi puwede. Siguro mahal mo ako ngayon. Pero hindi ko alam kung deserve mo ba ang isang lalaking kagaya ko. Scarred, broken, troubled. I’ve been through a lot, Mira. Napakasama ng nakaraan ko at ayaw kong idamay ka pa sa miserableng buhay ko. You have a lot in your way. Mahal na mahal ka ng pamilya mo, marami kang kaibigan at marami rin na mga estudyante mo ang nag-aantay sa `yo. You are too good for someone like me, Mira. Kailangan ko pa ng oras para mapatunayan ko sa `yo na karapat-dapat ako. Isa pa, hindi ako sigurado kung matatanggap mo ako pagkatapos ng isa pang sikreto tungkol sa pagkatao ko…”

“I love you. I love you so much and I can accept everything that is part of you…” madamdaming wika ni Mira. Mahal na mahal niya si Rhett. Matatanggap niya ang kahit ano tungkol rito. Hindi niya kayang mawala ito.

“Talaga? Even if I tell you that aside from being a product of rape, my father was a murderer, too?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.