“TEACHER, teacher! What happened with the Beauty and the Beast? Did they end up together?” pangungulit ng anim na taong estudyante ni Mira na si Amy.
Hinalikan ni Mira sa noo ang bata na talagang lumapit pa sa kanya para lang itanong ang ending ng story book na kinukuwento niya. Nakangiting tumango siya sa mga ito at kagaya ng karaniwang reaksyon ng mga estudyante niya kapag natatapos ang mga story book na sa tuwina ay binabasa niya sa mga ito ay nagpalakpakan ang mga bata.
Sana kaggaya ng kuwento ng Beauty and the Beast, maging happy ever after na rin ang kuwento ko, hindi maiwasang masabi ni Mira sa isip. Pero mukhang malabo, lalo na simula nang mangyari kahapon.
Dahil naputol na ang pasensya ni Mira ay kinain na ng galit ang dating mabuting loob niya. Hindi na niya kaya pang mag-hold on kung ang mismong hinahawakan niya ay ang siya mismong naglalayo sa kanya. Paano siya magmahal ng ganoong klase ng lalaki? Ni hindi siya hinayaang magpaliwanag at basta na lang lumayo sa kanya. Tinatangka nga na lumapit sa kanya pero hindi personally. Insecure rin. Nakakapagod ng umintindi.
Sa totoo lang ay ayaw na rin niyang alalahanin si Rhett. Oo at isang araw pa lang ang nakalilipas siya nang magpasa siyang mag-move on na pero alam niya na magiging mahirap iyon. Isama pa na sinasadya pa yata ng mga estudyante niyang ipaalala sa kanya si Rhett.
Homeroom class nila ngayon ng Grade One Advisory class niya at sa tuwina ay nagyaya ang mga ito na basahan niya ang mga ito ng story book. Sa kasamaang palad, ang istorya pa na may pagkakahawig ang istorya nila Rhett ang napili ng mga estudyante niya kaya sa halip na matuwa siya habang kinukuwento iyon, pakiramdam niya ay lungkot na lungkot siya. Ganoon pa man ay sinagot niya si Amy.
“Yes, they ended up together. They lived happily ever after,”
Nagpalakpakan ang mga estudyante niya. Masaya ang mga ito kapag binabasahan niya ng fairy tale. Masaya rin naman siya kapag nakikitang masaya ang mga ito. Pero hindi buo ang saya niya lalo na at hindi pa naghihilom ang sugatang puso niya.
“Teacher, teacher! Ako rin po may question!”
Naputol ang palakpakan ng mga estudyante ni Mira nang may isang hindi pamilyar na lalaki ang nagtaas ng tanong na iyon. Noon lang rin niya napansin na nag-uumpisa na palang dumami ang crowd sa maliit na classroom niya. Bukod sa mga maliliit na estudyante niya ay nasa loob ng classroom ang ilan sa mga co-teachers niya. May mga nakikisilip rin na estudyante galing sa ibang grade level. Lahat ng mga co-teachers niya ay may hawak-hawak na pulang rosas. Pero iisa lang ang pinakapinansin ni Mira sa lahat. Iyon ay ang lalaking nagsalita.
“What question, Sir?” pinilit ni Mira na gawing pormal ang mga salita. Sa kabila naman kasi ng sakit na ibinigay nito sa kanya ay hindi pa rin maiwasang matuwa ng puso niya. Kaya lang ay kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niyang iyon.
“Can you take me back?” he finally said his question. Nang sabihin nito iyon ay isa-isang nagpuntahan ang mga co-teachers niya. Ang mga ito ang nagbigay ng bulaklak sa kanya. Mababakas ang saya sa mukha ng mga ito habang binibigay sa kanya ang mga bulaklak. But Mira just stared with them blankly. Tinatanggap niya ang mga bulaklak pero alam niyang hindi bukal sa loob ang mga iyon. At nang matapos ang pagbibigay ay basta na lang niyang inilagay ang mga bulaklak sa katabing upuan niya.
Tinignan niya ang mga estudyante at co-teachers niya na masayang nakatingin sa kanila. Inisip niya ang maaring mangyari kapag tinanggihan niya si Rhett. Ganoon pa man, nang mapatingin siya kay Rhett, sa halip na matuwa siya na personal na nagbalik na ito sa kanya ay naalala lang niya ang mga nangyari nang nakaraan. Nangibabaw ang galit sa puso ni Mira.
Sa halip na harapin niya ang lahat ng mga taong umaasa ay umalis siya ng classroom. She run away like he always did.
HINDI na gusto ni Mira ang mga nangyayari sa kanya sa mga sumunod na sandali. Kinakain ng guilt ang puso niya. Hindi siya sanay na manakit ng tao pero dahil mas nangibabaw ang galit sa puso niya, ngayon ay marami siyang nasaktan. Hindi lang si Rhett at pati na rin ang mga co-teachers at mga batang nakasaksi sa proposal sa kanya ni Rhett. Hindi talaga magandang gawain ang takbuhan ang mga problema kaysa sa harapin iyon.
Pero naggawa na niya. Nagsisisi siya pero nag-set na siya nang masamang halimbawa. Ang sama-sama ng pakiramdam ni Mira. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya.
Mahal pa rin naman niya si Rhett. Hindi totoo ang sinabi niya rito noong book signing nito. Nasabi lang niya iyon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Sa sobrang inis niya rito. Hindi niya intensyon na sabihin iyon. Hindi rin niya gusto na saktan at ipahiya ito sa harap ng maraming tao. Masyado lang siyang nadala ng bugso ng damdamin niya.
Akmang babalik si Mira sa eskuwelahan para ayusin ang gulo na naggawa nang mapansin niya kung anong oras na at kung nasaang lugar na siya. Sa sobrang pagkagulat niya sa nangyari ay hindi na niya namalayan na malayo na pala ang itinakbo niya. Mag-a-alas singko na ng hapon. Ibig sabihin lang noon ay mahigit isang oras pala siyang tumakbo. Nakalabas rin siya ng eskuwelahan at nakapaglakad na malapit sa bahay nila! Masyado siyang nawindang sa mga nangyari kaya ang mga hindi naman niya ginagawa noon ay nangyari sa kanya ngayon.
Napagpasyahan na lang niya umuwi na lang muna. Bahala na ang mga gamit niya na nasa faculty. Bukas na lang niya kukuhanin ang mga iyon. Bukas na lang rin niya aayusin ang gulo na ginawa niya tutal ay kahit bumalik siya ngayon, malamang ay nakaalis na ang mga co-teachers niya pati na rin ang mga estudyante niya. Hindi na siya makakapagpaliwanag.
Pero nanlumo si Mira nang makitang walang katao-tao sa bahay nila. Kinapa niya ang bulsa niya. At least kahit naiwan niya ang gamit sa paaralan ay nadala pa rin niya ang cellphone niya. Nandoon rin ang maliit na wallet niya. Noon lang rin napansin ni Mira na marami na palang tawag sa cellphone niya na particular ay sa pamilya niya. Nang mag-ring muli iyon ay sinagot niya ang tawag. Ang Daddy niya iyon.
“Dad, nasaan po kayo?” si Mira na ang unang nagtanong sa ama.
Matagal bago ito nakasagot. Narinig niya na maingay ang paligid nito. Mukhang nagkakagulo roon at nangunguna ang boses ng Mommy at Ate Clari niya. Mukhang may sinasabi ito sa ama niya na hindi niya maintindihan. Matagal-tagal rin ang lumipas nang mawala ang mga boses sa background. Malamang ay lumayo pa ang Daddy niya.
Sinabi ng kanyang ama kung nasaan ang mga ito. Nasa isang fine-dining restaurant hindi kalayuan sa bahay nila ang mga ito naroroon. Kung gusto raw niya ay pumunta siya roon. Doon raw sila magdi-dinner.
Sinunod naman ni Mira ang payo ng kanyang ama. After all, kailangan niya ang pamilya. Maaring nag-self proclaim siya na independent siyang babae pero ganoon pa man, kailangan pa rin niya ang pamilya. Lalo na sa mga panahong ito. Kailangan niya ng suporta ng mga ito ngayong alam niyang nagkaroon siya ng pagkakamali.
Sumakay siya ng taxi na nakita niyang dumaan sa harap ng bahay nila at nagpahatid sa fine-dining restaurant. Usually ay maraming tao roon, lalo na ngayon at malapit ng mag-dinner. Masarap kasi ang mga pagkain roon at isa iyon sa mga paborito niyang restaurant. Kaya nagulat siya nang makitang halos walang tao roon. Ganoon pa man ay pumasok pa rin si Mira sa restaurant.
Nagulat na naman si Mira nang makitang napakaraming bulaklak sa restaurant. Hindi na niya maiwasang magtaka. Nawiwindang pa rin ba siya at tila kakaiba ang nasa paligid niya? Sinubukan niyang pumikit at magmulat muli upang siguraduhin na totoo nga ba ang mga nakikita niya. Nang magmulat siya ay nakita naman niya si Rhett. Napailing-iling si Mira at pumikit muli. Naghaha-hallucinate na ba siya? Bakit naman nandito si Rhett? Pagkatapos ng kasalanan na ginawa niya rito kanina, alam niyang mahihirapan siya na ayusin ang relasyon nila. Nasaktan niya ito. Pinahiya. Bakit pa ito lalapit sa kanya? Pero nang magmulat muli siya ay hindi talaga siya nanaginip. Si Rhett talaga iyon. At nakangiti pa ito sa kanya.
“No… This can’t be happening,” tatakbo na sana muli si Mira nang hawakan ni Rhett ang mga kamay niya. Nang dahil roon ay nahila siya nito at hindi niya nakontrol ang sarili. Ang nangyari tuloy ay napaikot siya sa loob ng mga bisig nito.
“Don’t you dare run away to me, Mira. Not again. Hindi ko na makakaya…” naramdaman niya ang pait at lungkot sa boses nito. Nang tingalain niya ito ay nakita niyang parang maiiyak na ito.
“R-Rhett, I’m sorry,” hindi na naggawa pang pumalag ni Mira.
“Huwag mong sabihin iyon. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa `yo. Sinaktan kita nang husto. Hindi kita hinayaang magpaliwanag. Mas nakinig ako sa ibang tao kaysa ang kausapin ka ng personal kaya ang akala ko ay ipinagpalit mo talaga ako kay Joseph. I’m sorry, Mira. Nagkamali ako. Dapat ay ikaw talaga ang kinausap ko. Hindi dapat ako lumayo noong una pa lang sa party.”
Kumunot ang noo ni Mira. “Anong sinabi mo? Nakinig sa ibang tao?”
“Ang akala ko ay kayo talaga ni Joseph. Sinabi niya sa akin na may namamagitan sa inyo. At ako, kahit na sinabi ko sa `yong ipaglalaban kita ay bahagyang natakot. So I had you in weird ways. Sending you those damn apple everyday,” umiling-iling ito.
Napaawang ang mga labi ni Mira. “Sinabi sa iyo iyon ni Joseph? But we are not together. Sinubukan ko na gustuhin siya. Sinubukan ko na makipag-date sa kanya. But it never worked. Kahit anong gawin ko ay mas masaya pa rin ako sa tabi mo. Na kasama ka. Hindi ko siya gusto.”
“Iyon ang pinamukha niya sa akin. Mukhang in love na in love siya sa `yo,”
Naalala ni Mira ang mga ilang beses na pagtatangka sa kanya ni Joseph sa kabila ng pag-basted niya rito. Maaring mataas ang pinag-aralan nito pero mukhang hindi talaga nito naintindihan ang gusto niya. Or maybe he was really blinded by love for him to understand. “Hindi totoo iyon.”
“Alam ko na ngayon. Nang umalis ka kahapon ay talaga namang nasaktan ako. Hindi ko matanggap na hindi mo na talaga ako mahal. Sinubukan kong contact-in ka pero---
“I blocked you in my contacts.” Pag-amin niya kay Rhett. Sa sobrang sakit nang nangyari sa kanya kahapon ay talaga namang nabulag na siya at ginawa iyon.
“Kaya hindi kita ma-reach. Sinubukan ko ang pamilya mo. Nakausap ko ang Daddy mo. Sinabi niya sa akin ang totoo. Hindi totoo ang lahat. After all it was me.”
Tumango siya. “It was you. But I hurt you today, didn’t I?”
“At ipinahiya. Ganoon pa man, wala akong pakialam kung nasayang man ang efforts ko. Sinadya ko ang lahat ng ito para naman makita mo na nag-e-effort ako sa `yo dahil sa relasyon natin, palagi na lang ikaw. Gusto sana kitang i-surprise. But what happened is that I was the one who was surprised. But it doesn’t matter. As long as you will take me again…” Rhett’s eyes looks so sincere.
“Papayagan mo ba ako muli? Sa kabila ng mga nangyari?”
“Hindi mo na kailangang tanungin iyan. I will still have you even you physically abuse me,”
“I don’t want to be your mother, Rhett.”
“Then don’t be. But then, she was changed. Maayos na kami ngayon. Siguro naman ay alam mo na iyon lalo na at nasaksihan mo ang party.”
“Masaya ako na nagkaayos na kayo.”
“Matagal na namang maayos si Mommy. She married a multimillionaire and she was happy eventhough she doesn’t have a child. Mahal niya si Tito Bernard. Naging maayos ang buhay niya sa mga nakalipas na taon. At mas maayos na iyon dahil nagkakilala na kami.
“Malaki ang naging pagsisisi ni Mama sa ginawa niya sa akin noon. Guilty siya pero dahil masyado akong nasaktan noon, hindi na ako bumalik sa kanya. She tried but I forced her not to. But that was before I was treated. Nang gumaling ako ay pinuntahan ko siya. Nagkaayos na kami.”
“At si Mang Chito?” nang nakaraang buwan ay nasa psychiatric center pa rin si Mang Chito. Pero alam niya na malapit na itong makalabas roon at malamang sa ngayon ay maari na itong makalabas.
“Nasa Isla Basilico muli siya. I forgave him. Hindi na ako nagsampa ng kaso at pati na rin ang Mama. Naka-moved on na kami.”
Kumunot ang noo niya. “That easily?”
“Nakalipas na ang mga taon. Naging masakit ang pagkawala ni Lola pero kahit na ganoon, kahit sa kabila ng naging kasalanan niya, ama ko pa rin siya. Hindi ko maatim na ipakulong siya lalo na at sa nakaraang mga taon ay siya rin naman ang nag-alaga sa akin. Ayaw ni Mama pero kinumbinsi ko siya. Naiintindihan ko na mahirap sa kanya na tanggapin ang desisyon ko pero ipinaliwanag ko na kung hindi dahil sa kanya, wala ako rito. Siya rin ang nag-alaga sa akin nang mawala si Lola. Isa pa ay nagbago na rin siya at magaling na. Sigurado ako na hindi na niya muling uulitin ang pagkakamali.”
Tumango si Mira. Kung siya ang magdedesisyon, siguro ay ganoon rin ang magiging pasya niya. Pinatay nito ang Lola ni Rhett at may dahilan ito kung bakit ganoon. Nagkamali ito pero bumawi rin naman nito. Hindi nito pinabayaan si Rhett. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Isama pa na matanda na si Mang Chito. Sa environment ng kulungan ngayon, mas lalo lang itong magdudusa.
“Maayos na ang lahat sa buhay ko. Ikaw na lang ang kulang. Kaya tatanungin muli kita, at sana ay huwag mo na akong biguin ngayon. Nasaktan ako na pinahiya mo ako sa harap ng klase at mga co-teachers mo pero mas masasaktan ako kapag pinahiya mo ako sa harap ng pamilya mo. So Mira, can you take me back?”
“I only would if you promise me you wouldn’t be that insecure Rhett I know then.”
Tumango si Rhett. “I’m treated already.”
“Pero naniwala ka pa rin kay Joseph. Instead of fighting, you didn’t do it. Maybe you did pero sa mahinang paraan pa rin.”
“Because I am still scared. Parte naman siguro iyon ng normal na tao, hindi ba? Isama pa na pinakain niya ako ng mga kasinungalingan niya dahil sa pagkagusto niya sa `yo. Iniwan kita, Mira. Pinaghintay at sinabihan pa na maaring makahanap ng iba. Sandaling nawala ang tiwala ko sa `yo dahil natakot ako na ginawa mo nga noong nakita ko kayo ni Joseph. Nagselos ako. Pero ipinapangako ko, ngayon na witness pa ang pamilya mo, na hindi ko na muling gagawin at ipaparamdam sa iyo iyon.”
Tumango siya. “Then I will take you back. At isa pa nga palang request, gawin mo muli ito bukas sa paaralan, ha? Para maayos natin at hindi maguluhan ang mga bata…” Natakot siya na magkakaroon ng masamang epekto rito ang ginawa niya. Alam niyang hindi maganda ang mga iyon rito. Kailangan niyang magpaliwanag.
Tumawa ito. “As you wished my lady,” pagkatapos ay hinalikan pa siya ni Rhett. Sa una ay sa noo lang at sumunod ay sa labi na. It was their first time. And it was magical.
Nagpalakpakan ang pamilya niya na nasa loob rin ng restaurant. Nakarinig rin siya ng palakpak mula sa speaker. Noon lang niya pinagtuunan ng pansin ang buong paligid. Bukod sa bulaklak at pamilya ay mayroon rin palang LCD projector roon. Nasa screen ang kanyang Ate Lora at ang asawa nitong si Alexandros na kasalukuyang nasa New York. Pinapanood sila ng mga ito by Skype.
“Rhett, ginulat mo ako nang husto. Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa mga surprises. But I love it. Thank you so much for the effort and love,”
“Hmmm… Bago ka mag-“thank you”, could you take another surprise, too?”
Bago pa makasagot si Mira ay lumuhod na sa harap niya si Rhett. Napasinghap siya sa gulat. “Oh…”
“Ang buong plano ay ang magkaayos sana tayo sa paaralan kung saan ka nagtuturo at dadalhin kita sa restaurant na ito para sa proposal na ito. Pero kahit nagkaroon ng change of plans dahil sa nangyari kanina, hindi ko hahayaang mangyari pa muli iyon ngayon.
“I was broken, scarred and troubled when you found me. But you fixed me. Ikaw ang nagpakita sa akin kung gaano kaganda ang mundo kaya ang naging resulta, ikaw ang naging mundo ko. And I intend you to be my world for the foreseeable future. For forever. So Mirabelle Romano, would you like to spend the rest of your life with me? Will you marry me?”
Maluluhang sumagot si Mira. “Yes, Baby. I will marry you.”
Nagpalakpakan muli ang pamilya niya. Isinuot ni Rhett ang singsing sa daliri niya. It fitted perfectly. And so was them to each other.
“I love you so much. I would never gonna let you go again,” ginagap ni Rhett ang kamay niya. Hinalikan pa nito iyon. Mira giggled with so much happiness.
“And I love you too so much that even I never expected this, I feel excited with the idea of marrying you. I can’t wait to get married to you!”
Akmang hahalikan muli siya ni Rhett nang makita niya ang Ate Clari niya na nasa harapan nila. Nakapamaywang ito. “Hep, hep! Teka lang, pag-usapan muna natin ang araw ng kasal niyo dahil hindi na ako papayag na mapostpone ang kasal ko. Si Ate Lora kasi, inunahan kami ni Eugene,” tinignan ng kapatid niya ang Ate Lora nila na nasa screen.
“Hey, ilang buwan na lang naman at magdya-January na. Puwede na kayong makasal ni Eugene. Hindi na sukob,” sabat naman ng Ate niya.
“Pero baka mamaya, unahan naman ako nitong si Mira. Ay bunso, ako ang panganay, ako ang masusunod at mauuna, ha? Aabisuhan na kita. Next next year na kayo ni Rhett,”
Nanlaki ang mga mata ni Mira. “Ano?! Ate! Gusto ko na rin ikasal!”
“Sorry ka bunso, nauna ako kaya ako talaga muna,” humilig ito sa mga braso ng nobyo. “`Di ba, my Love?”
“Hmmm… Sa tingin ko ay puwede naman tayong mag-double wedding, eh,” suhestiyon ng fiancé nitong si Eugene.
Sabay na namilog ang mga mata nilang dalawa ng Ate niya. “Aba! Oo nga! I think, I like that!”
“Ako rin! Okay lang naman sa `yo na ganoon `di ba, Baby?” tanong ni Mira kay Rhett.
“Of course. Basta ikaw ang pakakasalan ko, kahit saan, kahit kailan, game ako,” masiglang sagot naman nito.
“What?! Eh paano naman ako!” sumabat ang Ate Lora niya sa screen. “Ang daya niyo! Palagi na lang akong hindi kasali. Hindi niyo talaga ako love,”
“Agape mou, we can have another wedding again kung gusto mo rin sumabay sa kanila…” suhestiyon naman ng asawa nitong si Alexandros.
“Talaga? Oh my God! Oo nga `no! Hindi pa naman kami kasal ni Alexandros sa simbahan kaya puwede kaming magpakasal muli. Triple wedding na, sisters!”
“Then it is settled. Triple wedding of my daughters. Oh God, iiwan na talaga nila tayo, Isabelle,” pagtatapos ng kanyang ama.
EPILOGUE
NAPUNO ng masigabong palakpakan ang Manila Cathedral nang sabay-sabay na maghalikan ang tatlong anak na babae ni Cyrus sa kanya-kanyang asawa ng mga ito. Ngayong araw ay ang tinakdang kasal ng mga ito at kahit masaya siya na nahanap na ng kanyang mga anak ang tunay na pag-ibig ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Iiwan na talaga sila ng mga anak. Bubuo na ang mga ito ng sariling pamilya. Masakit man ay tinanggap iyon ni Cyrus dahil na rin alam niyang masayang-masaya ang mga anak niya ngayon.
Napansin ni Cyrus na umiiyak ang kanyang may bahay na si Isabelle. Alam niya na tears of joy iyon. Niyakap niya ang asawa at pinatahan. “Umalis man sila, nandito pa rin naman ako. We will grow old together,”
“`Yun na nga. Nararamdaman ko na tumatanda na talaga tayo, Cyrus! Sandaling oras na lang ay magkakaapo na tayo. Marunong ka pa bang mag-alaga ng bata?”
Natawa siya sa pinagsasabi ng asawa. “Madali naman iyon matutunan muli,”
Speaking of bata ay napatingin si Cyrus sa anak na si Lora. Tama ang kanyang asawa, sandaling oras na lang ay magkakaapo na sila ni Isabelle. Siyam na buwan na buntis na ang kanyang pangalawang anak pero kahit ganoon ay sinubukan pa rin nito na sumama sa sabay-sabay na kasalan ng kapatid nito. Gusto sana niya ay pagkatapos na lang sanang manganak ni Lora pero mapilit ang kanyang dalawa pang anak. They wanted to get married as soon as possible. Napilitang bumiyahe pa ang dalawa papunta sa Pilipinas sa kabila ng kalagayan ni Lora. Mabuti na lang at may private jet si Alexandros kaya hindi ganoong ka-risky ang naging biyahe ng mga ito pag-uwi. Sa pag-uwi ng mga ito ay kasama na rin ng mga ito ang pamilya ni Alexandros na bumiyahe naman galing Greece papuntang Pilipinas. Gusto raw nitong masaksihan ang kasal ng nag-iisang anak na lalaki. Kagaya nila ay masaya rin ang mag-asawa sa nangyaring kasal. Magkasundo rin ang mga ito pati na rin si Lora ngayon na ang naging balita niya noon ay hindi ganoon kaganda ang relasyon sa mga ito.
Ganoon rin naman ang pamilya ng asawa na ngayon ng dalawa pa niyang anak. Noong una pa lang naman ay magkasundo na ang Mama ni Eugene at si Clari kaya wala itong problema roon. Mabait rin naman sa kabila ng nakaraan nito ang ina ni Rhett. Naging maayos ang pagsasama nito at ni Mira. Hindi naman iyon nakakapagduda dahil kaya yatang kuhanin ng anak niya ang loob ng kahit sino sa ngiti pa lang nito.
Present rin sa kasal ang ama ni Rhett na sa kabila ng mga masamang ginawa noon ay pinapatunayan na nagbago na talaga ito ngayon. Maayos naman ang pakikitungo rito ng ina ni Rhett kaya walang problema. Mukhang nakumbinisi ito ni Rhett na magpatawad at tanggapin na ang lahat. Si Joseph naman na siyang naging Doctor ni Mira ay nandoon rin. Pinakikita nito na sa kabila ng pagkagusto sa anak ay natanggap rin nito na hindi talaga ito para sa kanyang bunso sa pagpapakita nito sa kasal.
Kay sarap isipin na nagkaroon ng happily ever ang kanilang mga anak. All is well that ends well.
Naputol sa pag-iisip si Cyrus nang maya-maya ay nakarinig siya ng impit na tili sa unahan. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang galing iyon sa kaninang tinitignan lang niya na si Lora. Nakahawak ito sa tiyan nito. “A-Alexandros, sa tingin ko ay manganganak na ako…”
“What?!” napuno ng pag-aalala ang mukha ng Greek na asawa nito.
“M-my water broke…”
Napatayo si Cyrus at napatakbo sa unahan. Pero bago pa niya maalalayaan ang anak ay mabilis na pinangko ni Alexandros ang asawa. Nagsunuran ang mga tao sa dalawa. Kahit ang dalawang bagong kasal ay ganoon rin.
Napuno ng pag-aalala pero excitement rin ang buong cathedral.
THE END