Chapter BTSSM 15

Hinihintay siya ni Alta? Bakit? Attracted ba ito sa kanya? Mukhang tama ang sinabi ni Hideo na may bago na naman siyang fan. He could use it to his advantage.

Tinitigan niya si Betchay. “Ibigay mo sa akin ang address ni Alta at paano pumunta doon,” mahinay niyang utos dito.

Namungay ang mata nito at kumuha ng notepad at ballpen. Isinulat nito ang address noon at sinabi din nito ang direksiyon kung paano pumunta doon. "Baka po maabutan pa ninyo sila. Naglalakad lang po siya pauwi,” sabi nito at saka siya nagpasalamat dito.

Nilapitan niya si Hideo na busy sa panonood ng tennis match. "Let's go. Alta is not here," aniya at nauna nang naglakad palabas ng café.

"Hindi mo man lang ako ibinili ng kape?” angal nito nang sumunod sa kanya.

"Susundan natin si Alta,” sabi niya at sumakay sa kotse niya.

"Susundan talaga natin siya? Parang gusto ko na talagang maniwala na hindi ka matatahimik hangga’t di mo ulit siya nakikita ngayon. Must be love."

Pinabilis niya ang takbo ng kotse niya. “Mas maaga natin siyang makikita, mas maganda. Mas maaga din nating malalaman kung anong kinalaman niya sa itinakdang babae. At bakit siya ang may tanda sa pangitain ko. Kung hindi siya ang itinakda, sino siya?” At anong kinalaman ni Alta Kintanar sa buhay niya? Bakit siya ang nakakakita ng pangitain na wala naman sa kakayahan niya o ng lahi niya sa simula pa lang? He just wanted to reject that soulmate idea as soon as possible. Naiinis siya tuwing tinutukso siya ng iba tungkol doon.

“Hai! Hai! Ang sarap mo talagang tuksuhin dahil isa kang malaking pikon,” sabi nito.

Pagliko ng street na sinasabing short cut papunta sa dormitoryo ni Alta ay natigilan siya. May ilaw naman pero parang malamlam at madilim ang iskinitang iyon. Wala ring mga tao sa paligid subalit parang may itinatagong panganib sa paligid.

Nagpreno siya sa di kalayuan nang makita ang limang tao sa di kalayuan. Dahil may kakayahan siyang makita ng mga bagay sa malayo ay nakita niya ang isang babae at limang kalalakihan. Nakatalikod ang babae sa kanya habang yakap mula sa likuran ng isang lalaki. Habang palapit naman dito ang isang bampira. He was sure that sanguis was not one of them. Isa lang ang natitiyak niya. Umbra ang mga ito at may bago na namang biktima.

“Kisamma!” bulalas ni Hideo sa tabi niya. “Anim na mga Umbra at may isang mezzo. Isa sa kanila ang dine-drain ang babaeng mezzo na iyon.”

“Mezzo?” Isang malakas na sigaw ang kumawala sa babae. Lalo siyang nakaramdam ng takot. Boses iyon ni Alta. Nakakasiguro siya sa pagkakataong ito.

“Homer, huwag!” pakiusap nito at parang pinipiga ang puso niya. “Tama na!”

“Hideo, let’s go!” aniya at binuksan ang pinto ng kotse niya. Palabas na siya ng sasakyan para sumugod nang maramdaman ang kakaibang sakit sa leeg niya. Napapikit siya nang mariin.

“He is drinking from her,” kumpirmasyon ni Hideo.

Umiinom din siya ng dugo mula sa tao subalit hindi iyon masakit kung wala siyang planong patayin ito. Di tulad kung ang intensiyon ay patayin ang isang tao at kalaunan ay gawing bampira. Uubusin muna ang dugo nito hanggang halos mamamatay na ito. And that was painful. Very painful.

After that near death, they would feed her with blood. Isa iyon sa mga hakbang upang gawin itong bampira. Gagawin itong isang Umbra. At hindi niya papayagan iyon.

Inignora niya ang sakit sa gilid ng leeg niya. It was the first time that he experienced that searing pain. Dalawang tuldok lang iyon sa leeg niya pero parang humihiyaw ang pagkatao niya. Hindi niya naranasan na kagatin ng isang bampira. Ang mga mezzo at mezzo sanguinare ay di kailangang kagatin para maging ganap na bampira. Ang kailangan lang nila ay uminom ng dugo.

Inignora niya ang sakit at lumabas ng sasakyan. Mabilis ang naging kilos niya papunta sa direksiyon ni Alta. Kailangan niya itong sagipin mula sa mga Umbra. Ilang metro na lang ang lapit niya dito nang mapuna ng apat sa mga Umbra ang presensiya niya.

“Tch! Baby sanguis,” usal ni Hideo sa likuran niya. Ang mga batang sanguis ay mas walang kontrol kaysa sa matatagal nang sanguis. They were into feeding frenzy. Pakiramdam agad ng mga ito ay malakas na malakas ang mga ito at kayang talunin ang kahit na sino. “These Umbras lost their souls, Kristian. Parang mga halimaw na lang sila na sumusunod sa lumikha sa kanila at sa kagustuhang pumatay para sa dugo.”

Sumugod ang mga ito sa kanila ni Hideo. Isa lang ang ibig sabihin noon. Kailangan na nilang patayin ang mga ito dahil maraming pipinsalain. Nothing could bring them back to being normal. Nabubuhay na lang ang mga ito sa tawag ng dugo.

Ihinanda niya ang kutsilyo na ang talim ay gawa sa pilak. Pilak pa rin ang kahinaan ng mga bampirang tulad niya. Ang mapugutan ng ulo o ang matarakan sa puso ang paraan upang tuluyang mapatay ang isang bampira.

Naramdaman niya ang paghagibis ng dalawang silver shuriken sa magkabilang gilid niya. Hugis tala ang sandatang iyon na ibinabato para makasugat ng kalaban. Tumagos iyon sa dibdib ng dalawang Umbra na kasalubong niya. Ngumiti siya kay Hideo na hindi pa rin nagpapalit ng anyo ngunit walang kahirap-hirap na nakikipaglaban sa dalawa pang Umbra. Kaya nitong magpatumba ng sampung kalaban nang sabay-sabay. Additional two Umbras won’t make him sweat.

Pumaimbulog siya sa ere para laktawan ang dalawang Umbra na kasalubong niya. Hindi na niya inalala pa na susundan siya ng mga ito. Narinig niya ang pag-ungol ng mga ito sa sasakit. Bahala na si Hideo sa mga ito. Maswerte ang mga ito kung tatapusin agad ni Hideo ang buhay ng mga ito. He sometimes tortures his opponents.

Pinuntirya agad niya ang dalawa pang Umbra na may hawak kay Alta. Parang piniga ang dibdib niya. Alta’s neck was exposed while one of the vampires drank from her. He felt that searing pain again. Alam niyang unti-unti nang bumabagsak ang temperatura ni Alta habang nauubos ang dugo nito at susunod na bibigay ang iba’t ibang vital organs nito dahil sa kawalan ng dugo. Then these Umbras would turn her into a monster. Di niya papayagan iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.