"Boss.."
Napatingin ako sa pintuan ng may tumawag kay Felix. Halos mapatalon ako sa hiya!
Malamig na titig ngunit may hagupit na galit ang ipinukol ni Felix sa tauhan niyang hindi ko kilala ang pangalan pero nakita ko na noon.
Naghahalikan kami ni Felix dito sa hideout nila mula pa kanina. Hindi lumalagpas ang halik niya bukod sa aking leeg. His hand covered my thigh sensualy para hindi makita ng lalaking bagong dating ang halos mahubad ko nang' panty.
Nawalan yata ng dugo ang mukha ng kanyang tauhan.
"B-Boss pasensya n-na talaga pero dapat niyo itong malaman." tsaka diretsong tumalikod siya at umalis na tila ba takot na titigan akong muli.
Huminga ng malalim si Felix at sakin ulit ang tingin. I combed my hair by my hand para umayos ito. Nakaupo ako sa kandungan niya habang bahagyang nakabahagi ang mga hita.
Kanina ko pa pinipigilan ang kamay ni Felix na hindi makapasok sa palda ng uniform ko ngunit muntikan na niyang mahila pababa ang panty ko buti nalang may dumating!
Halos hindi na ako makatingin sa kanya! Jusko ko! Ano ba itong pinanggagawa ko ngayon? Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako madaling maatract sa mga lalaki!
"S-Sabing' wag na e!" umiwas ako, namumula.
Siniksik niya ang mukha sa aking leeg. "I just want a taste." bulong niya.
Parang gusto kong' himatayin! Want a taste?! Iyong pagkababae ko? Yawa!
"Manyak ka talaga! Uuwi na ako! Tawag kana doon!"
Humiwalay ako sa kanya at inayos ko ang sarili. He lazily got up and look at me coldly.
He towered over me ng tumayo siya.
"But next time you can't say no to me. Never Addelyn."
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
Naging ganon’ ang araw ko. Sa bahay ay halos hindi kami magkita ni Karen.Busy raw ito sabi ni mama niya. Si nanay naman ay naging abala sa kanyang online business.
Isang hapon bago ako umuwi pinagtitinginan ako ng mga studyante. Ang mga dalagang guro naman ay taas ang mga kilay sakin. Felix currently talking with the school manager tungkol sa mga bagay bagay.
Nalaman ko rin na napamahal na ang lugar na ito kay Felix. Dito raw naging teacher noon ang mama niya at namatay lang dahil sa klase ng trabaho ng ama niya.
I know all about it. Mafia, guns and etc.
Akala natin hindi nag-eexist ang ganoong bagay sa mundo pero yeah, they are real. Mafia Org is real.
"Ano ito?" alam ko naman e. Obvious na obvious ang laman nitong box na cellphone laman.
His brows shot up. He licked his lips before answering me.
"Use it." utos niya. May simcard na ang cellphone at may number niya narin sa phonebook. Pero bakit parang kakaiba?
I nodded hesitatedly. "Uhm, bukas hindi ako puwedeng makipag kita."
"Bakit?" tanong niya pero kalaunan ay tila nahimasmasan siya sa kung ano kaya pumikit at sinandal ang ulo sa sandalan ng kotse niya.
Some students keep on staring on his car , na tila ba makikita nila ang ginagawa namin dito sa loob. Nakita ko ring' dumaan si Karen at tumagal ang titig sa sasakyan. She paused for a while na parang gustong lumapit but a girl with her whispered something. Karen rolled her eyes and walked away.
Nang balikan ko ng tingin si Felix ay nakatitig siya sa labi ko.
"Ma-May pupuntahan kami ni tatay kasi. S-Sa susunod nalang.Tsaka hindi pa'ko handa."
He smirked when he saw my nervousness.
"You'll get used to it. I promise."
Umirap ako sa kanya. "Manyak ka talaga."
Tingin ko wala na akong maitatago sa kanya. Pinaimbestigahan niya ang buong pagkatao ko. Alam niyang hindi ako tunay na anak. At no boyfriend since birth. Kaya aware ako na he's just after my V down there.
Hawak ko ang cellphone niya ng kunin niya ang aking isang kamay at hinalikan iyon. Tumindig ang balahibo ko ng halikan niya ako doon habang titig na titig sa akin.
"I never been like this before. I think you put a spell on my head.."
Humalakhak ako. Natigil lang ng hilahin niya ako at yakapin. Damn, he's clingy! O baka bored lang siya at mahilig sa ganito!
"Baka nga?" I joked. Naningkit ang mga mata niya.
It was like a normal day for us, samin ni Felix. Parang ka'y tagal na naming magkasama sa pamamaraan ng paghawak niya sakin.
***
Nasa gilid ako ng daan, nagkunwari na may pupuntahan. Nakita ko ang Van ni tatay na paparating kaya inayos ko ang sarili.
Ngayong araw ay bibisitahin namin si Melissa. Itinago parin namin ito kay nanay dahil alam naming mas kukumplikado ang lahat.
"Hindi ba nakahalata si nanay?" tanong ko kay tatay, nakokonsensya.
"Hindi anak." halata ang hirap rin at pagod sa boses ni tatay. Tahimik kaming nagbiyahe ng dalawa o tatlong oras para mapuntahan ang nilipatan ni Melissa na mansyon.
Halos makatulog akong muli sa biyahe kung hindi lang tawag ng tawag si Felix sa cellphone na binigay niya.
Nangunot ang noo ni tatay ng makita ito.
"Bago? Bumili ka?"
"Hi-hiniram ko po sa kaklase ko. Babalik ko rin pag hindi na kailangan."
Diyos ko. Patawarin nyo ako sa pagsisinungaling ko. Ang dami dami ko nang kasalanan.
Nasa liblib na kami na daan at may iilang gusali pa kaming daraanan bago makapunta sa mansyon na iyon. Nasa masukal ang mansyong tinitirhan ni Melissa. Kahit na nasa liblib ay maganda naman doon kaso ang daan lang ang nakakatakot.
Sinagot ko ang tawag ni Felix na pang labing limang tawag na.
"He-"
"Where the hell are you?!" his voice thundered.
"Umalis lang-"
"Damn you. Sinusundan kita. Who's with you? You traveled almost three fucking hours?"
What? Napamulagat ako.
"T-Teka nga--"
Si tatay ay nasa daan ang tingin.
"May device ba itong cellphone na binigay mo?"
"Damn yes , baby--"
"Tangina anak!!"
Nabitawan ko ang cellphone at umalingawngaw ang iilang putok. Basag ang mga salamin ng van!
"T-Tay!"
Yumuko si tatay kasama ako, kanyang pinoprotektahan.
Ito na ang kinakabahan ko sa lahat. Ang may pinoprotektahan kaming tao tapos kami ang mapapahamak!
"Labas!!" may sumigaw sa labas at sabay ang pagbukas ng pintuan. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba.
"T-Tay! Oh my god!" may humila rin sakin sa kabila. Nakita ko kung paano nila igapos si tatay.
Luminga linga ako at hindi ko makita ang pagmumukha ng mga armadong ito dahil sa kanilang bonit. May mga hawak rin silang baril!
"W-Wag niyo pong sasaktan si tatay."
Nakatutok ang baril sa ulo ni tatay at ilang beses nila itong sinuntok.
Gusto kong kumawala pero tatlo sila ang humawak sakin.
"Kahit anong gawin niyong sigaw ay walang makakarinig! Saan mo tinago ang anak ni Don Cleo?!"
"T-Tay.." hilam ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking takot lalo na at ngayon lang ako naka encounter ng ganito.
"H-Hindi ko alam-"
Isang tadyak ang natamo ni tatay na ikinasigaw ko.
Pinaluhod nila si tatay sa damuhan habang ako naman ang kanilang tinitigan. Ngumisi ang pitong lalaki at nagtanguan.
"Jackpot. Mukhang may libangan kami habang pinapaamin yang lalaking yan!"
"Mga demonyo kayo! Wag ang anak ko!!"
Tumawa silang lahat kaya tinadyakan ko ang lalaking humawak sakin tsaka tumakbo.
"Habulin niyo!"
Mataas na damo ang aking tinakbuhan at nagkaroon ako ng iilang sugat dahil doon. Hihingi ako ng tulong!
"Tulong!! Ahh!" nahila ng lalaki ang aking buhok ngunit ilang sandali lang ay nakarinig ako ng palitan ng putok!
Bumulagta iyong lalaking humila sa buhok ko!
Si Felix, malamig ang tingin sakin 'tsaka tumingin sa kanyang harapan kung nasaan ang mga lalaki kanina sa sugatan ang kamay at wala ng baril! Nasaan na si tatay?!
"F-Felix..." gumaralgal ang boses ko. Nakakita ako ng pag asa kahit na may takot na nadarama.
"Hayop. Ikaw....Ikaw yung..." sabi ng lalaking sugatan. Hindi ko makita ang reaksyon ni Felix dahil nakatalikod siya sakin!
"Hindi ka namin sasaktan ibigay mo lang ang babae-"
"Magkakamatayan tayo dito kung ganon?" putol ni Felix sa lalaki. Ang apat na lalaking buhay ay nakitaan ko ng takot.
"Isa!!" napakislot ako sa sigaw ni Felix. Ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa.
"You are wasting my time..Kung lalaban kayo umpisahan niyo na. I am waiting."
Hindi sumagot ang mga lalaki.
"Pipiliin niyo bang kantihin ang babaeng ito at matulad sa lalaking ito?" sabay apak sa mukha ng lalaking walang buhay na humila sa aking buhok kanina. Nanlamig ako.
"O uuwi kayong walang bayag at sabihan niyo ang Cleo na iyon na wag pakealaman ang akin."
His voice lace with danger.
Unti unting umatras ang mga lalaki at tumakbo. Nakita kong kinuha nila ang kanilang motor na nakatago sa gilid at kumaripas iyon ng takbo.
Umiyak ako sa samut saring nararamdaman. Napalunok ako ng titigan ako ni Felix gamit ang mga galit na titig.
"S-Si tatay?" hinipan ng hangin ang buhok ko. Kinagat ko ang aking labi.
"Safe." tipid niyang aniya. "Come here.." hinila niya ang aking kamay at kinulong ako sa isang yakap. He kissed my hair. Ang puso niya...grabe ang kaba ng puso niya.
"Finish your business today and you'll come with me tomorrow. Hindi na ako papayag...I wanna taste you down there....real bad. You've been a bad girl today."
Ano ba itong pinagsasabi ng ugok na ito. Parang walang nangyaring patayan kanina. Cool parin siya habang ako magkakatrauma na yata.
~~~
Because of what happened.. tatay and Felix met. Neither mama nor Karen did'nt knew about what happened. We didn’t say anything about what happened. All mama and Karen knew was that papa and I had an accident.
Wala namang' sinabi si tatay kay Felix. Kinabahan tuloy ako ng nag usap sila. Katulad ng dati ay hindi ako masyadong nakipag usap kina Karen. Alam ko kasi na aapurahin niya lang ako. Kahit si tatay ay alam kong' walang plano na sabihin kahit kanino ang nangyari.
Isang araw bago ako umalis patungong eskwelahan ay nag aaway na naman sila nanay at tatay.
"Boyet! Ano ba?! Hindi ako makatulog kakaisip kung ano iyang nililihim mo sakin! Saan ka kumukuha ng pera?-"
"Puwede ba Alena?!" Isang hampas sa kung anong bagay ang aking narinig. "Wala nga akong babae! Saan mo naman nakuha ang mga iyan?!"
"Wala?! Sigurado kang' wala?!"
Pumikit ako ng mariin at lumabas nalang ng bahay. Hawak hawak ko pa ang pandesal na may cheese bilang aking breakfast. Ayokong makinig sa pag aaway nila nanay at tatay. Malaki ang insekyuridad ni nanay dahil hindi siya kailanman nagkaanak. Ang unang subok nilang lalaking anak noon ay namatay kaya nang makita nila ako sa gubat ng ako'y bata pa ay hindi na sila nag dalawang isip.
Minsan gusto kong sumbatan ang Diyos kung bakit pinagkaitan ako ng magulang? Kung bakit sa gubat ako napulot? Anong ginagawa ko doon? Bakit kahit ang tumayong magulang ko ay hindi rin alam kung bakit ako nandoon? Nakahiga ako doon at nakabestidang puti lamang. Minsan tuwing gabi ay napapaginipan ko ang mga kaganapan doon sa gubat ngunit kung nakagising na ang lahat ng iyon ay naglaho at di na maalala.
Nasa gate na ako ng makita ko na nakasakay na si Karen sa isang jeep. Huminto iyon kaya sumakay narin ako. Kinuha niya ang hawak ko na pandesal at inubos iyon.
"Ano na ang ganap niyo? Gawin mo ng maayos Ad ha. Ikaw lang inaasahan ko. Tsaka ' malapit na rin umaksyon si Mr. Chang."
"Huh? Sinong Mr. Chang?"
Mahina kaming nag uusap ni Karen para hindi marinig ng katabi naming' mga studyante.
Umirap siya sakin. Tumalim ang titig ko sa kanya dahil wala sa usapan ang Mr. Chang na iyan. At ano ang gagawin niya?
"Hay..gawin mo nalang kasi Ad. I wont say anything anymore. Basta...gawin mo nalang."
Kumalabog ang puso ko. Labag ito sa kalooban ko. Oo noong una gusto ko na gawin pero habang tumatagal ay ayoko na.
Hindi na ako umimik pa at hindi narin ako kinausap ni Karen. Alam ko na nagbago siya. Sobrang gusto niya si Felix pero hindi naman siya gusto nito.
Nasanay na ako na parang kinatatakutan ako sa eskwelahan. My teachers respect me all the time at hindi ako nasasanay doon.
Huminga ako ng malalim ng oras na ng dismissal para sa lunch break. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko lalo na't alam ko na anumang oras ay nandito na naman siya.
Nilagay ko ang notebooks at ballpen sa loob ng bag ko at tinitigan ang pintuan pero wala akong nakitang Felix na nakahilig o nakapamulsa doon.
He's not here.
Napalunok ako at tumayo na para tingnan ang labas ng room pero wala e. Wala akong nakitang Felix.
Why should I expect? What for? Bakit ka nakakaramdam ng panghihinyang Addelyn? Hindi dapat ganyan!
Halos kutusan ko ang sarili dahil sa nadarama.
Tinatak ko sa isipan na hindi dapat pa na makaramdam ng panghihinayang kung bakit hindi siya nagpakita o sumipot. Simula at sapol ay alam mong pang isahang buwan kalang Ad! At huwag na huwag kang bibigay!
Halos lutang ako ng klase namin sa hapon. Hinanap ko rin si Karen para utangan kasi nakalimutan ko na ang wallet ko ay nasa kuwarto ko pala. Bigla nalang kasi akong umalis kanina. Buti nalang ang pinambayad ko sa canteen kanina ay ang barya sa aking bag.
Halos gutom na talaga ako ng maghapon. Kaya ng magdismiss na sa hapon ay hinabol ko na si Karen para utangan. Kahit juice man lang sana bago ako umuwi....at! Wala akong pamasahe!
Milagro nalang 'yung pagsundo sakin ni tatay dito sa school..Milagro talaga e basag basag pa yung salamin ng Van namin.
"Karen!!" hinabol ko si Karen pero isang tingin lang ang binigay niya sakin.
"Karen! Pasabay ako!"
Huli na ang lahat dahil sumakay na siya ng tuluyan sa jeep kasama ang mga barkada niya. Ni hindi niya ako inantay at umalis na siya!
"Kainis naman!" sabay sabunot ko sa aking buhok.
Ang malas ko naman ngayong araw kasi sumabay pa ang pag ambon ng ulan. Napamura ako at tumakbo sa pinakamalapit na waiting shed ng paaralan! Bale tatlo ang shed dito. Sa dulo ako sumilong sa hindi punuan.
Ang kaninang maaliwalas na langit ay naging makulimlim at ang ambon ay unti unting lumakas. I shivered because of the cold wind. Humahampas ang malakas na hangin na may kasamang ulan kaya umatras ako upang hindi mabasa.
Niyakap ko ang sariling bag dahil bahagya nang nababasa ang blouse ko ng biglang may tumayo sa aking gilid. Malakas akong napasinghap at nasapo ang aking dibdib.
Nanlaki ang mata ko ng makita na isang lalaki pala ang nasa gilid ko. Naka itim siya lahat at may hawak na cellphone. He stand beside me and his hand disappered in his pocket.
Umiwas ako at niyakap ng maigi ang aking bag na lang ng hubarin niya ang coat na itim at nakita ko na naka T-Shirt na lang siya na kulay puti.
"Use this.."
His voice... parang katulad ng kay Felix but I know much more about Felix.
Umatras ako at umiling. "S-Salamat pero...h-hindi ako tumatanggap ng kung ano sa mga..mga hindi ko kilala."
Matangos ang kanyang iloy. May kokonting balbas sa panga. Ang kilay niya ay makapal at nakaarkong pasuplado. Ang labi niya ay kulay mansanas na- Teka nga bakit ko ba siya tinititigan?
Umangat ang gilid ng labi niya. "I mean no harm lady. Here..take it and I am going." aniya. Hindi nagtagal ay may limo na tumigil sa aming harapan kaya napamulagat ako.
Shit! Ang yaman niya.
"Here..." aniya ulit kaya tinitigan ko ang trench coat niya. Unti unti ko iyong kinuha at ngumiti ako sa kanya.
"You have a beautiful smile Addelyn." aniya at pumasok na sa magarang Limo at napawi ang aking ngiti kung bakit niya ako kilala!!!
"Sir-"
Umalis na sa aking harapan ang sasakyan kaya tinitigan ko ang coat. Bakit kilala niya ako? Damn!
But a name written on his coat caught my attention.
Armando Montediajo - Ceo of Russia Mafia Org
Huh??