“FORGET him, Anna...” hindi pa man tuluyang nakakababa si Anna ng hagdan ay sinalubong na siya ng tinig na iyon ni Daimon. Bago niya napagpasyahang kausapin ang tila nagpupuyos ang loob na asawa, sinigurado niya muna na maayos at tulog na ang anak nila. Hinayaan naman siya ni Daimon sa gusto niyang gawin dahil kahit mainit ang ulo nito, ayaw pa rin nitong maapektuhan ang kanilang anak sa maaaring mangyari.
Walang kasamang driver o bodyguard man ngayong araw si Daimon dahil kapag ganoong mga family events lang naman at sa bahay lang ng kapatid na matindi ang security, ninanais nitong umalis ng ito ang gumagawa ng lahat. Pinagpahinga nito ang mga tauhan. Sa pagmamaneho nila pauwi, ramdam na ramdam ang galit ni Daimon. Halos paliparin na nito ang kotse pauwi. Muntik na rin umiyak ang anak sa takot sa ginawa nito. Nawala ang antok at hindi napanatag si Jaysen. Ilang beses rin siyang tinanong nito kung ano ang problema ng ama bago ito matulog.
“Daimon...” lumapit si Anna kay Daimon na nasa bar sa ilalim ng hagdan. Simula nang maghiwalay sila ay madalas niyang nakikita ito roon kapag tulog na si Jaysen pero napansin niyang kakaiba ang ngayon. Halos maubos na nito ang bote ng alak na noong kanina bago sila umalis ay puno pa. Umiinom man si Daimon ng mga nakaraan pero paisa-isang baso lang iyon.
“Patatawarin kita, tatanggapin muli bilang ina ng anak ko at asawa basta hiwalayan mo lang ang lalaking iyon at kalimutan...” punong-puno ng pait ang boses nito.
Napapikit siya sa akusasyon ni Daimon. Sinasabi na nga ba at iba ang iniisip nito sa natagpuan na iyon. Pero kailangan niyang magpaliwanag kay Daimon kagaya na lang rin ng ipinayo sa kanya ni JD. Isang simpleng misunderstanding lang ang lahat at nadadaan iyon sa payapang usapan. Ang kailangan nga lang niya ay pakalmahin si Daimon na mukhang malabong mangyari sa ngayon. Pero susubukan niya. Kailangan nilang maayos ang lahat, hindi lang para sa peace of mind at sa anak niya, para na rin sa sarili rin niya. “Hayaan mo muna akong magpaliwanag---“
“What’s there to explain? Nagsinungaling ka sa akin! Sinabi mo na si Alexa ang katagpo mo pero ang lalaking iyon ang nakita ko? Siya ba si JD?”
Kumunot ang noo ni Anna. “Kilala mo si JD?”
Matalim na tinitigan siya nito. “He was your lover....”
Nanlaki ang mga mata ni Anna. “Daimon, nagkakamali ka. Kaibigan ko lang si JD at---“
Umiling si Daimon. “Nakita ko ang text niya sa `yo, Anna! That night after we made love on the yacht. Ang hirap tanggapin. Pero pinipilit ko kahit masakit. Kaya `wag mong itanggi rin sa akin. Lalong mas masakit lang. He was in love you. Sino lang ba ang magpapadala ng mga ganoong klase ng banat? Hah! Century tuna ka ba? `Cause you are good to my heart. Dapat ni-reply-an mo. Puwede rin Quaker Oats,” napangiwi pa si Daimon pagkatapos. Hindi malaman kung matatawa o maiinis.
“Natakot ako. Nagselos ako, Anna. Pero sinubukan kong itago ang nararamdaman. Nag-kontrol ako. Pero nang makita ko kayo kanina sa coffee shop, I was in rage. Hindi ko matanggap. Sinabi mo na si Alexa ang katatagpuin mo. Hindi ako nag-isip ng masama kahit ramdam ko na may tinatago ka sa akin dahil sa mga text messages na iyon. Yet, I was wrong. I am an idiot. Tama nga si Alekos, I’m stupid. I’m really stupid to fall in love with someone like you. I love you, Anna. I really love you. After all this years, it still remains. Walang kahit sinong babae sa buhay ko sa kabila ng naging malabong pagsasama natin. Ikaw lang. I remain faithful to you. Kaya ang sakit-sakit sa akin na matanggap ang lahat ng ito.
“Pero sa kabila ng lahat, sige na. Okay lang. Dahil lahat naman nagkakamali `di ba? Nagkamali rin ako noon. Pero ayaw kong hayaan na sirain ng pagkakamali mo naman ngayon ang dapat ay maayos na nating relasyon. You gave in to me that night. You surrendered. Umasa ako na may kakaibang dahilan kung bakit. Na maaaring may nararamdaman ka pa naman talaga sa akin. But I guess, you just gave in the night dahil nadala ka lang ng sitwasyon. Tanga talaga ako para umasa pa ng higit sa `yo.”
Napakurap si Anna. “Kung ganoon... ang lahat ng panlalamig mo sa akin ng mga nakaraang araw ay dahil akala mo, nakikipagrelasyon ako sa iba?”
Tumango si Daimon. Pero hindi pa rin ito nagpaawat na uminom ng alak. Nagbukas pa ito ng panibagong bote. “Nasaktan talaga ako. Isama pa na naalala ko noong una tayong magtagpo. Hinulaan ka sa Quiapo. JD ang initials ng lalaki ayon kay Alexa `di ba? Paano kung isipin mo na siya ang tinutukoy ng manghuhula? Paano kung hiwalayan mo ako? Nakikipag-text ka sa kanya samantalang hindi ka naman mahilig sa ganoon. Isama pa ang matatamis na salitang pinapadala niya sa `yo. Natakot ako na maaaring madala ka niya ng dahil roon. I can’t afford to lose you, Anna. Pero hindi ko maiwasang magtampo kaya nanlamig ako sa `yo.”
May tinik na nabunot sa puso ni Anna. Napatango-tango rin siya. “So tama nga talaga si JD.”
“JD! Oh God. I hate his name. I hate everything about him. Puwede bang kalimutan mo na lang talaga siya, Anna? Kahit para sa sake ng anak natin. Baka kapag narinig ko pa muli ang pangalan niya ay lalong hindi ko mapigilan ang sarili na magalit na naman. Alam mo kung ano ang naging reaksyon ni Jaysen kanina. Ayaw ko rin naman na maging ganoon pero sa sobrang selos, hindi ko napigilan.”
“Hindi maaari, Daimon. Malaki ang naging tulong sa akin ni JD. Kung hindi dahil sa kanya, baka hayaan ko pa rin ang gulong ito kaysa ang ayusin. Baka hindi ko pa rin masabi ang totoong nararamdaman ko sa `yo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sabi ni JD, you never lose by loving. You lose when you hold it back. So I realized, I shouldn’t hold it back. Hindi ito maganda. Dapat ay palayain ko na ang lahat ng takot at sakit. So Daimon, clear your ears and hear my thoughts. I’ll stay with you. I won’t leave you. For forever. Dahil ganoon rin ang pagmamahal ko sa `yo.”
Nagulat si Daimon. Nanlaki ang mga mata nito. “Anna...”
“I love you, Daimon. I’m still not over you. Kahit nasaktan ako nang dahil roon, hindi pa rin nawala ang pag-ibig ko sa `yo. Pinangunahan lang ng galit pero ikaw pa rin ang naririto sa puso ko. Kaya kumalma ka na, please? Tama na ang pag-iinom mo. Wala na tayong problema, sa tingin ko. Umiinom ka lang naman kapag may problema `di ba?”
Tumango si Daimon. “At simula nang gabing nagkasira tayo, tila araw-araw na akong may problema kaya naging paborito kong tambayan ang bar na ito kahit hindi ko naman gusto ang mga alak. Living with you knowing you hate me is a big problem for me. Pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin na lang dahil alam ko na may kasalanan rin naman ako,” bumuntong-hininga. “Anyway, enough of that. I want to know about this JD. Sino siya sa buhay mo? Paano ka niya natulungan tungkol sa damdamin mo sa akin?”
“Si JD ay ang makulit na pinsan ni Alexa,” ikinuwento niya rito kung paano sila nagkakilala. “Sinisigurado ko sa `yo, hindi ka na dapat mag-alala tungkol sa kanya. Tama ka na minsan na inisip ko nga na maaari ngang siya ang lalaking tinutukoy ng manghuhula noon. I found him very charming at first, ilang beses niya akong napangiti dahil mahilig nga siyang bumanat. Pero iyon lang iyon, Daimon. Nang subukan kong kapain ang damdamin ko sa kanya, wala akong naramdaman. Masaya ako sa kanya pero mas masaya ako sa `yo. Mas gusto ko na kasama ka. Na makita ka araw-araw. You may not be as charming as him, but you charmed my heart. Cursed it, too. You cursed my heart to only see you.”
“Kahit nagkamali ako noon sa `yo?”
“Nasaktan ako noon, oo. Pero sa pagdaan ng mga taon, naramdaman ko na unti-unting nawala rin iyon. Hindi ko lang talaga maggawang sabihin sa `yo dahil may sakit pa rin. Ayaw kong bumigay nang husto habang nanatili pa rin ang mga sakit. May takot pa rin akong nararamdaman pagkatapos ng gabi sa yate pero hindi na ganoon kalala. Bearable na at ramdam kong sandali na lang, makakaya ko na rin na aminin sa iyo. But it was delayed because of your coldness. Iba pa ang naisip ko. Naisip ko na may mali sa `yo. Baka mamaya, napagtanto mo na wala ka naman talagang nararamdaman sa akin.”
“Hindi mangyayari iyon, Anna. Ikaw lang ang babaeng mahal ko, minamahal at mamahalin habang buhay. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, hindi kita kayang palitan. At hindi ko rin gusto. Hindi dahil sa nangako ako sa `yo, iyon ay dahil sinasabi iyon ng puso ko. Maaaring minsan ako nagkamali pero hindi naman lahat ng tao ay perpekto `di ba? Ganoon rin ang lahat ng pagsasama at mga nagsasama. But they say, a perfect marriage is just two imperfect people who refuses to give up each other. Kaya masasabi ko, maaari rin pala na perpekto ang marriage natin. Pareho tayong imperfect. Sinubukan rin natin na ayusin ang naging gulo.”
“Hindi ko naman hinihiling na maging perpekto ang pagsasama natin. Hindi ko hinihiling na magkaroon ng mala-fairy tale na kuwento. Ang manatili ka sa tabi ko, malaman na patuloy na minamahal ako ay sapat na para sa akin, Daimon.”
“And mine, too.” Niyakap siya ni Daimon. Hinalikan siya nito sa noo pagkatapos ay sa mga labi. “Napakasaya ko na binigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang relasyon natin. Tama nga sila. There are storms in life yet it can’t rain forever. I’m happy I keep on my faith.”
“Pero hindi pa tayo magkakaroon ng pagkakataon muli kung hindi dahil sa anak natin.”
“I don’t want to have a pressure on you kaya hindi ako umaksyon agad. And I am really feeling guilty with what happened then that I’m afraid to make the first move. Pero nang lumapit ka sa akin nang mga panahong nasa panganib ang anak natin, iyon ang nagbigay sa akin ng dahilan na hindi ko maaaring hayaan na lang basta na ganito tayo. Gusto kong maramdaman muli ang mga pakiramdam na iyon. Kahit naiisip ko na minsan, parang lumalapit ka lang talaga sa akin kapag kailangan mo ako.”
Tumaas ang isang kilay niya. “So you are thinking---“
“But I’m just thinking. Hindi ko nararamdaman. Dahil kahit ganoon, nararamdaman ko na mahalaga ako sa `yo. Kahit kagaya ng dati ay pinaglapit rin tayo nang magkasakit ang Lolo mo.”
“Siguro nga ay iyon ang palaging nagiging daan. Ang mayroong nagkakasakit at naghahanap ako ng masasandalan. Pero noon pa man, nararamdaman ko na may kakaiba sa `yo, Daimon. Hinahanap-hanap kita kapag pumapalya ka na dumalaw sa akin. Even though there is fear, still, I can’t ignore you. Iyon nga lamang ay palagi kong pinanaig ang mga sakit. But not anymore.”
“Because you never lose by loving. You lose when you hold it back.” Kinantalan muli ni Daimon ng halik ang kanyang labi. “Ngayon, sa tingin ko ay hindi na ako galit sa JD na ito. I’d like to see him and know him. Binago niya ang pananaw mo sa buhay, mabuti. But ako...ako ang nakatakda sa `yo. Hindi pa rin totoo ang hula.”
“Ang tanging totoo ay ang pagmamahal natin sa isa’t isa...”
Hinawakan ni Daimon ang pisngi ni Anna. Hinalikan muli siya. Pero nang bigla yatang may maalala ay kumunot ang noo nito. Mababakas rin na tila nasaktan ito. “B-but I hurt you with my coldness for the last days, right?”
“Oo. Pero hini pagkakaintindihan lang iyon. Naiintindihan ko na naman iyon ngayon.”
Bumuntong-hininga si Daimon. “Nangako ako sa sarili ko na hindi ka na muli sasaktan, Anna. Kahit maliit na bagay lang iyon. Lagi ko na lang sinisira ang pangako ko.”
“At ako rin. Lahat naman ng tao ay nagkakamali, Daimon. Hindi man natutupad ang mga pangako, ang mahalaga ay nagagawan naman ng paraan para ayusin ang mga nasira sa halip na pabayaan na lang iyon basta. Kagaya ng ginawa mo sa relasyon natin. Sinabi mo rin na hindi perpekto ang pagsasama natin pero lahat naman ay ganoon. There was no perfect relationship. No perfect love. But what matters is that we are always here for each other. Simula ngayon, iyon na ang iisipin natin, okay? Hindi ang mga pagkakamali. Mistakes are like love. Its inevitable. Kagaya ng nararamdaman ko sa `yo. Kahit anong gawin ko para pigilan iyon, hindi kita maggawang matiis. It will always be you. You will always be the one my heart sees...” yumakap si Anna sa asawa at naramdaman ang matinding ginhawa. It was Daimon who always made her feel that. Only him.
Daimon was his only love. His other half. Nahulaan man o hindi.