Chapter 25

Ten Months Later

“ANG GUWAPO talaga ng tatlong magkakapatid na Jason. Nabasa ko kahapon sa diyaryo ang tungkol sa anniversary ng Jason Shipping at may picture ang magkakapatid. Bet na bet ko `yung pangalawa....sino nga ba `yun?” mula sa kinauupuan sa restaurant na kinaroroonan nila Maria at Cristiano ay narinig nilang dalawa ang pag-uusap ng dalawang babae na nasa likod nila.

“Si Cristiano Jason? May asawa at anak na `yun, ah!”

“Eh ano? Masama na ba na mangarap? Minsan na silang nag-divorce ng asawa niya `di ba? Hindi ako naniniwala sa love is sweeter than the second time around dahil nangyari na iyon sa pagitan namin ng hinayupak ko na ex-boyfriend. Maaaring maghiwalay din sila!”

“Baliw ka talaga. Sa Pilipinas na sila ikinasal this time kaya imposibleng mag-divorce na sila.”

“Whatever. Basta crush ko si Cristiano.” Iyon lang at nagbago na muli ang usapan ng dalawang magkaibigan. Nang tumingin si Maria sa asawa para makita ang reaksyon nito ay mukhang inaantay rin nito ang reaksyon niya.

“Hmmm...?”

“Sikat na sikat na talaga kayo ngayong magkakapatid.”

Tumawa ito. “Well, sisihin mo ang pag-feature sa amin sa isang magazine na iyon. Madalas ay gusto ko na lang mag-salamin kapag nasa publiko para hindi ako makilala.”

Apat na buwan na ang nakakaraan nang ma-feature sa isang malaking magazine ang tatlong magkakapatid na Jason. Pinangaralan kasi ang Jason Shipping bilang isa sa mga top companies sa Pilipinas. Dahil madami ang nakapansin sa kapatid, nagsunod-sunod ang mga article na ginagawa sa mga ito sa iba’t ibang magazines at pati na rin sa society pages sa Diyaryo. Hindi miminsan na kapag napunta sila sa publiko ay madalas na napapansin na ngayon si Cristiano at kagaya ng nangyari ngayon---pinag-uusapan.

“Pero sana ay hindi iyon makaapekto sa `yo.”

Ngumiti si Maria. Niyakap ang asawa. Wala siyang kahit anong insecurities na nararamdaman. Secured siya sa pagmamahal ni Cristiano. “No. Unless, hindi ka rin magpapaapekto sa mga iyon.”

Masuyong hinawakan ni Cristiano ang mukha niya. “You are everything to me.” Wika nito saka hinalikan siya sa labi. Ibinalik naman niya ang halik na iginawad nito.

Natigil lamang sila sa paghahalikan nang may isang bata na tumikhim. Hinampas pa nito ang lamesa sa harap nila upang makuha ang kanilang atensyon. “Kissing again, Mommy and Daddy?”

Namula silang dalawa ni Cristiano. “Ah, we’re just so in love with each other. That’s why, Anak.”

Ngumiti si Santo. “Okay, good. But priorities first, okay?” wika naman nito at masayang tinawag ang kasunod nito na si Ariana, ang tatlong tatlong gulang na ampon nilang dalawa ni Cristiano.

Napagdesisyonan nila ni Cristiano na mag-ampon dahil na rin sa kalagayan niya. Hindi man niya maggawang mag-produce, hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na nila kaya pang magdagdag ng mga tao sa munting pamilya nila. Isa si Ariana sa mga batang nasa children’s orphanage na madalas na binibisita ni Cristiano. Malapit si Santo rito at nang makilala rin niya ang bata ay naging malapit rin siya rito. Cristiano adored her. Isang buwan na ang nakakaraan nang ma-finalize ang pag-aampon nila kay Ariana at on process na ang legal na pagbibigay nila ng pangalan sa bata. Kagaya nilang tatlo, masaya rin si Ariana na mapabilang sa kanilang pamilya. Patunay na rito ang malaking ngiti sa mukha nito nang makita silang dalawa ni Cristiano.

“Mommy, Daddy! Miss you!” nakangiting salubong nito sa kanila. Hinalikan at niyakap nila ito ni Cristiano. Na-miss rin nilang dalawa ang kahit kadugo ay mahal at kinatutuwaan na nilang si Ariana. Tatlong araw kasi silang nawalay sa mga bata dahil isinama siya ni Cristiano sa isang convention na dinaluhan nito sa Cebu. Ipinahatid lang nila ang mga anak sa restaurant na iyon kung saan sila dumiretso pagkatapos makabalik dahil Linggo ngayon at nakasanayan na nilang gumala sa ganoong araw.

Halos wala ng mahihiling pa sa ngayon si Maria. Dalawang buwan pagkatapos mag-propose ni Cristiano sa kanya ay nagpakasal sila sa isang malaki at sikat na simbahan sa Maynila. Simula noon ay naging maayos ang lahat sa pagsasama nila. Mali ang iniisip ng babae kanina. Napatunayan nilang dalawa na “Love is sweeter than the second time around.” The love between them is harder. Naging masaya ang pagsasama nila, naging masaya ang pamilya nila, lalo na nang dumating si Ariana sa buhay nila. Nadiskubre ni Maria na masaya nga ang magkaroon ng kagaya ng pinapangarap ni Cristiano---isang malaking pamilya. Sa ngayon ay pinaplano rin nila ang isa pang pag-aampon upang maging malaki at mas masaya pa iyon.

Life is good. Araw-araw na nagpapasalamat si Maria sa pagbibigay ng pinakamagandang regaling natanggap niya sa panginoon---the gift of family.

THE END of book 2

THANK YOU FOR READING MY BOOK, HOPE YOU LIKE IT. WATCH OUT FOR THE NEXT BOOK:

YOU CAN ALSO GET TO KNOW ME...

💎 Hi! My name is Cady Lorenzana 🙆‍♀️ and I live by writing 📝. I am also a professional (bathroom) singer 🎤 and a licensed driver 🚘 (just don't know how drive a man crazy for me 😂)

❣ Kidding aside, I hope you can read, vote and comment on my works! 👯‍♀️Your words will be so much appreciated 👍

👉 Kuwentuhan rin po tayo sa aking social media accounts👭

🔵 FACEBOOK: https://www.facebook.com/cady.lorenzanaphr

🔵 TWITTER: https://twitter.com/CadyLorenzana

🔵 INSTAGRAM: https://www.instagram.com/cadylorenzana/

💌 Please also join my exclusive readers group: Cady Bears

https://www.facebook.com/groups/866091243525247/?ref=bookmarks

MY BOOKS

Business and Pleasure

For Revenge or for Pleasure

Beast

Dangerous Pleasure/Pleasure of an Old Flame.

International Billionaires 1: Nikolas Lance Afinidad

International Billionaires 2: Augustus Foresteir

International Billionaires 3: Edmundo Ferreira

International Billionaires 4: Jet Martinez

International Billionaires 5: Vincent Kim

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli

The Missing Wife

The Rebellious Wife

The Pregnant Wife

Tenses Series

More Than A Fairy Tale

Broken Vows Trilogy

and many more...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.