Chapter Seventeen

Hindi ko alam kung bakit siya nagalit. Wala naman akong ginawang masama sa kanya, hindi ko na nga siya kinulit o kinausap kaya naguguluhan ako kung bakit niyang pagbantaan ang buhay ni Aljen para lang takutin ako.

Nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa makarating na kami sa silid namin. Pasimple akong tumingin sa kanya at tahimik na umupo sa couch.

Natigilan ako nang hablutin niya ang bag ko mula sa 'kin, nagtatakang napatingin na lang ako nang buksan niya iyon saka ikinalat sa kama ang mga laman no'n. Agad akong napatayo nang mapansin kong kinuha niya ang cellphone ko pati na ang susi ng kotse.

“B-bakit mo kinukuha ang cellphone ko?” tanong ko saka lumapit sa kanya at akmang kukuhanin ang cellphone ko nang agad niyang nailayo ang kamay niya.

“From now on, you aren't allowed to go out. I won't allow you to use your phone as well,” malamig na sabi niya habang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ang mga mata niya at umasang may bahid ng pagbibiro ro'n kahit alam kong wala 'yon sa bokabularyo niya. Seryoso ba talaga siya?

“H-hindi ako nakikipagbiruan, mayor,” seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

“Do you think I'm fucking fooling around? I'm serious,” sabi niya saka lumapit sa 'kin at hinablot ang braso ko. “You pushed me to my limits,” mariing sabi niya saka marahas na binitiwan ang braso ko.

Akmang tatalikuran niya ako nang hawakan ko ang braso niya. Napalunok ako at nakipaglabanan ng titig sa kanya, wala akong balak na magpatalo sa kanya.

“Ikukulong mo ako rito sa bahay mo?! Ano'ng karapatan mong gawin 'to sa 'kin?! Hindi ikaw ang may ari sa 'kin!”

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sigawan siya. Sobra akong naiinis, nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Napasinghap ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Napalunok na lang ako nang ilapit niya ang mukha sa 'kin, halos maduling ako. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa 'kin pero masyado yata akong nanghina dahil sa mga nangyari.

“Who says I don't? I own you, you're mine,” malamig na sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Pakiramdam ko natutunaw ako sa intensidad ng titig niya sa 'kin, ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga 'yon.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang maramdaman ko sa sinabi niyang 'yon. Naiinis ako pero may kakaibang pakiramdam na nakikisawsaw, hindi ko 'yon maipaliwanag.

“Bakit mo ba ginagawa 'to? B-bakit mo ba ginugulo ang isip ko? Bakit mo 'ko nililito? Hindi kita maintindihan,” naiinis na sabi ko para tabunan ang kakaibang pakiramdam na naradamdaman ko.

Hindi siya sumagot, binitiwan niya ang braso ko saka marahan na itinulak ako palayo sa kanya.

“Stop asking questions, just do what I want, be obedient. You don't want me to kill your friend, right?”

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot at napatungo. Mukhang wala akong ibang magagawa kundi ang sundin ang gusto niyang mangyari.

Ayokong may mapahamak ng dahil sa 'kin, malamang hindi ko kakayanin. Habang buhay akong hindi papatahimikin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanila ng dahil lang sa 'kin.

“P-pwede ko bang tawagan si Aljen kahit saglit lang? Nabaril mo ang braso niya, nag-aalala ako,” nakikiusap na sabi ko.

Napaatras ako nang kaunti nang tumalim ang tingin niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan sa tingin niyang 'yon.

“Hindi siya bata, nadaplisan lang siya,” malamig na sabi niya saka padabog na hinubad ang coat niya saka pumasok sa banyo.

Nanghihinang napaupo ako sa couch nang mawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hining na lang ako at napahilamos sa mukha ko. Gano'n ba talagang katindi ang galit niya sa 'kin para parusahan niya ako ng ganito? Hindi ko na siya maintindihan.

TAHIMIK LANG ako habang ipinagluluto ng almusal si Arkia. Pasimple akong tumitingin kay mayor na wala ring kibo habang nagbabasa ng diyaryo. Napaismid na lang ako, palagi naman siyang ganyan, kailan ba siya kumibo?

“Mama, bakit hindi na po ikaw ang maghahatid sa 'kin sa school tomorrow?” tanong ni Arkia saka ininom ang itinimpla kong gatas sa kanya.

Napatingin ako kay mayor, hindi niya ako binalingan ng tingin na para bang hinahayaan niya ako na magpalusot kay Arkia.

Napangisi na lang ako bago sumagot.

“Ayaw kasi akong palabasin ng Papa mo eh,” diretsong sabi ko saka isinalin ang fried rice sa plato.

Halata namang natigilan si mayor sa sinabi ko at napatingin sa 'kin. Nagkibit-balikat na lang ako saka napairap, bahala siya sa buhay niya. Talaga namang ayaw niya 'kong palabasin eh.

“Papa, bakit po bawal na lumabas si Mama?” inosenteng tanong naman ni Arkia.

Isinara ni mayor ang diyaryong binabasa niya saka tumingin kay Arkia.

“She's cheating on me with another man. I'm not letting her out so that she won't be able to meet with him again,” dire-diretsong sabi niya.

Napasinghap ako at padabog na inilapag ang plato ng fried rice sa mesa. Napapitlag naman sa gulat si Arkia habang si mayor ay walang reaksyon lang na tumingin sa 'kin.

Bakit naman iyon pa ang idinahilan niya? Nasisiraan na ba siya ng bait? Baka kung ano pa ang isipin ni Arkia tungkol sa 'kin.

“It was your fault naman po, Papa,” nakangusong sabi ni Arkia. Natigilan kaming pareho ni mayor sa sinabi niya.

“Hindi po maghahanap ng iba si Mama kung ipinakita mo na love mo siya. Dapat po maging sweet ka na kay Mama from now on, mas gusto po ng girls ang sweet guys,” dugtong naman ni Arkia.

Napakurap na lang ako habang nakatitig sa kanya. Nakakaloka rin itong si Arkia, saan naman niya natututunan ang mga ganyang bagay eh hindi naman siya gaanong nalabas? Saka limang taon pa lang siya, bakit may nalalaman na siyang mga ganyan?

“Manahimik ka na lang at kumain,” sabi ko na lang saka sinubuan ng fried rice si Arkia. Napanguso naman siya habang nakatingin nang masama sa 'kin.

Hindi na lang nagsalita si mayor at tumayo upang suotin ang coat niya na nakasabit sa upuan na nasa tabi niya saka walang salitang umalis.

Agad ko namang kinurot ang pisngi ni Arkia nang makaalis na ang Papa niya. Napatili naman siya at hinampas ang kamay ko.

“Bakit ka ba nangungurot?!” naiinis na tanong ni Arkia habang nakahawak sa pisngi niya.

“Ikaw talagang bata ka, naloloka ako sa 'yo. Bakit mo naman sinabi ang mga 'yon sa Papa mo? Baka isipin niya kung ano-ano ang itinuturo kong kalokohan sa 'yo,” naiinis na sabi ko saka pinaningkitan siya ng mga mata.

“Tinuturuan mo naman talaga ako ng mga kalokohan eh,” katwiran naman niya. Napabuntong hininga na lang ako at pinigil ang sarili ko na kurutin ulit siya ng malakas.

“Bakit ka ba kasi hindi pinayagan ni Papa na lumabas? Ano ba'ng ginawa mong kalokohan, Mama?” nakapamaywang na tanong niya na para bang siya ang mas matanda sa aming dalawa. Agad na naningkit ang mga mata ko.

“Wala akong ginawa 'no. Ang Papa mo nga ang may kasalanan sa 'kin dahil binaril niya ang kaibigan ko,” naiinis na sabi ko saka napaimid nang muli kong maalala ang ginawa ni mayor kay Aljen kagabi.

“Bakit binaril ni Papa ang friend mo?” tanong pa ni Arkia. Napakibit-balikat naman ako.

“Aba ewan ko riyan sa tatay mo, nasisiraan na yata ng ulo at basta na lang namamaril ng kung sino,” sabi ko saka napairap.

Mas maganda 'to, natatabunan ng inis ang nararamdaman ko para kay mayor. Ayos na rin na ipagpatuloy niya ang pang-iinis na ginagawa niya sa 'kin para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya, pero sana naman ay 'wag niya ulit barilin ang kaibigan ko.

“Hindi gagawin ni Papa 'yon ng walang dahilan. Baka naman galit siya sa friend mo,” sabi naman ni Arkia. Napaismid ako.

“Bakit naman siya magagalit sa kaibigan ko eh hindi naman sila magkakilala? Pero anak ng senador ang kaibigan ko, baka kaaway ni mayor ang tatay niya,” bulong ko saka napahawak sa baba ko. Agad namang napailing si Arkia.

“Hindi papatayin ni Papa ang kalaban niya sa pulitika, ang pinapatay niya lang ay yung nakakaalam sa secret nila nina Ninong Zak at Kuya Cad, pati na rin ang mga nananakit sa akin, pati yung may mabibigat na kasalanan,” sabi niya naman. Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya.

“Bakit alam mo ang lahat ng tungkol sa mga pinapatay ng Papa mo?” nagtatakang tanong ko.

“I'm always eavesdropping when he's talking with his friends, or Kuya Adham,” parang wala lang na sabi niya. Napatango na lang ako.

Malamang nagpapanggap lang siya na tanggap niya ang lahat, malamang mahirap lunukin para sa kanya ang ginagawa ng Papa niya lalo pa't gusto niyang maging madre at magsilbi sa Diyos.

Natigilan ako nang may maalala ako. Agad akong lumapit kay Arkia at inilapit ang labi ko sa tainga niya saka may ibinulong.

“Ano ang secret ng Papa mo at ng friends niya?” bulong ko sa kanya.

“Hindi ko alam, saka bawal mong malaman 'yon. Alam kong hindi ka mababaril ni Papa dahil love ka niya pero sina Ninong Zak... wala silang pakialam sa buhay mo,” pananakot niya sa 'kin.

Lalo tuloy akong na-curious tungkol sa sikretong tinutukoy niya. Pero alam ko naman isa 'yong sikreto na hindi ko dapat malaman. Ayoko pa rin namang mamatay. Sa karkula ko pa naman, sina Zakarius ay tipo ng mga tao na hindi man lang kukurap kapag pumatay ng tao.

* * *

“Yehey!”

Napasapo na lang ako sa mukha ko nang nanalo na naman si Arkia at kinuha ang natitirang pogs ko. Todo talon naman siya na para bang siya ang pinakamagaling sa lahat.

“Wag kang masyadong matuwa, hindi ko lang talaga inaayusan kasi naaawa ako sa 'yo kapag natalo kita,” pagdadahilan ko saka napakamot sa batok ko.

“Weh? Weak ka, Mama. First time kong maglaro nito pero magaling na agad ako,” mayabang na sabi niya.

“Wag mo 'kong matawag-tawag na weak kung ayaw mong kurutin kita ulit,” pananakot ko sa kanya. Agad naman siyang lumayo sa 'kin habang nakahawak sa pisngi niya.

Ang tanda ko na pero nakakapikon pa rin pala na matalo sa ganito. Sa sobrang pikon ko parang gusto ko na lang kurutin ng kurutin si Arkia hanggang sa maubos ang pisngi niya.

“Pikon ka, Mama. Hindi tumatanggap ng pagkatalo,” nakangusong sabi niya. Naningkit naman ang mga mata ko.

Natigilan ako nang mapatingin sa bedside table. Napasinghap ako at agad na tumayo at kinuha ang cellphone ni Arkia.

“Arkia, pwede pahiram ng phone mo? May tatawagan lang ako,” sabi ko saka ipinakita sa kanya ang phone niya. Tumango na lang siya.

Lumabas ako ng silid ni Arkia at nagtungo sa kusina upang tawagan si Wrena, buti na lang kinabisado ko ang number niya in case of emergency.

“Hello?”

Napasuntok ako sa hangin nang sagutin niya ang tawag.

“Wrena, si Ayen 'to,” sabi ko naman.

“Ayen, ikaw pala! Bakit hindi mo ako hinintay kagabi? Bigla ka na lang umalis.” May bahid ng pagtatampo sa boses nito.

“May ano kasi... basta may emergency kasi sa city hall kagabi Napatawag lang ako kasi gusto kong kumustahin si Aljen, ayos lang ba siya?” tanong ko.

“Oo naman, napansin ko lang na may sugat siya sa braso pero parang daplis lang naman. Sabi niya tumama lang daw sa kung saan, saka bukod do'n, napansin ko na ang sungit niya sa 'kin. Ano ba'ng kasalanan ko ro'n at nagsusungit 'yon? Baka may nasabi siya sa 'yo? Aba, ubod ng sungit niya maghapon, ang sarap sapakin, pero kapag sina Bella ang kausap, todo ngiti. Ang landi landi talaga ng lalaking 'yon! Nakakagigil siya!”

Natawa na lang ako sa dire-diretsong reklamo ni Wrena. Mukhang hindi lang si Aljen ang may nararandaman sa kanilang dalawa. Bakit ba kasi hindi na lang sila mag-aminan? Dinadaan pa nila sa pag-iinarte nila.

Mukha namang okay lang si Aljen kaya nakahinga ako nang maluwag kahit papa'no.

Natapos na kaming mag-usap ni Wrena. Wala naman siyang masyadong nai-kwento bukod sa ang sungit at ang landi raw ni Aljen.

“Ay kabayo.”

Muntik ko ng mabitawan ang phone ni Arkia dahil sa gulat nang bumungad sa 'kin si mayor nang umikot na ako at akmang babalik na sa silid ni Arkia.

Napalunok ako kasabay nang malakas na kabog ng dibdib ko. Pasimple kong tinago ang cellphone ni Arkia sa likuran ko kahit malakas ang kutob kong nakita niya iyon.

Napaiwas ako ng tingin sa tindi ng intensidad ng titig niya sa 'kin, para na naman akong tinutunaw ng mga tingin niya. Hindi ko maipaliwanag.

“Who gave you the permission to use Arkia's phone?” malamig na tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maglakad siya papalapit sa 'kin saka hinablot ang phone ni Arkia na nakatago sa likuran ko.

“S-si Arkia, wala ka namang sinabi na bawal kong gamitin ang cellphone ni Arkia,” nakatungong sagot ko naman.

Mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin, itinikom ko na lang ang bibig ko saka napakamot sa batok ko.

Hindi na lang siya nagsalita at nagtungo sa ref upang kuhanin ang pitsel saka kunuha ng baso at uminom ng tubig. Ako naman at nakatingin lang sa kanya, bawat galaw niya ay hinahabol ko ng tingin.

Bakit ang aga niyang umuwi ngayon? 5 pm pa lang, ito na yata ang pinakamaagang uwi niya.

“Gusto ko lang naman kumustahin si Aljen, hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala sa kanya. Binaril mo lang naman ang kaibigan ko, normal lang na mag-alala ako,” sabi ko na lang habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Hindi siya nagsalita at muling nilagok ang tubig sa baso. Napakunot na lang ang noo ko nang mapansing tila nanginginig yata ang mga kamay niya. Tumapon ng kaunti ang tubig at tumulo ang mga 'yon sa polong suot niya.

Agad na inilapag ni mayor ang baso sa sink saka hinubad ang coat niya at basta na lang 'yon ibinagsak sa sahig pati ang waistcoat niya, tila naiiritang hinubad niya rin ang necktie niya at ibinagsak iyon sa sahig. Natigilan ako nang tanggalin niya ang pagkakabutones ng polo niya pero hindi naman lahat. Siguro tatlong butones lang kaya tanaw na tanaw ko ngayon ang matipunong dibdib niya.

Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Ano naman kaya ang trip niya at naghuhubad siya ngayon sa harapan ko?

Natigilan ako nang hilahin niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Napasinghap na lang ako nang yakapin niya ang baywang ko saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Itinuon niya ng kaunti ang bigat niya sa 'kin.

“M-mayor,” nauutal na sambit ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil do'n.

“I desperately need this,” tila paos na sambit niya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap niya sa 'kin.

Napakunot ang noo ko nang mapansing mainit ang singaw ng katawan ni mayor. Agad kong sinapo ang leeg niya, nilalagnat siya.

“Mayor, nilalagnat ka. Halika, dadalhin kita sa kwarto,” nag-aalalang sabi ko saka sinubukang alisin ang pagkakayakap niya sa baywang ko ngunit hindi siya nagpatinag.

“Later,” bulong niya na lang.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya na yakapin ako kahit hindi mapakali ang kalooban ko dahil sa init ng katawan niya. Kaya pala maaga siyang umuwi, tinatablan din pala siya ng lagnat.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Akmang lalayo ako mula sa kanya ngunit mas ikinulong niya lang ako sa mga bisig niya saka sinimulang halik-halikan ang leeg ko.

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, nakakakilita. Dagdag pa na parang may naghahabulan sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“M-mayor.” Pinilit kong kumawala sa kanya kahit nanghihina ako sa mga halik niya, pero wala rin akong nagawa.

“I'll let you go out again and I'll give you your phone... Please,” sabi nito sa tila nang-aakit na boses habang umaakyan ang halik niya sa panga ko.

Gusto kong magprotesta pero ayaw makisama ng katawan ko, gusto ko ang ginagawa niya, gusto kong ituloy niya. Pakiramdam ko bibigay na talaga ako anumang oras.

“S-si Arkia, m-makikita ni Arkia,” nauutal na sambit ko nang maramdaman kong marahan niyang pinisil ang baywang ko saka idinampi ang mainit niyang dila sa leeg ko.

“I want you, I fucking want you,” tila paos na usal niya saka binuhat ako at inupo sa mesa.

“N-nilalagnat ka,” nauutal na sabi ko habang ginagawa ang makakaya ko para pigilan siya, pati na rin ang sarili ko.

“I'm at my horniest right now.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Damn, I really want to fuck you senselessly. I fucking want you,” sabi pa niya saka ipinasok ang kamay sa loob ng damit ko.

Napakapit ako sa matipuno niyang braso nang tuluyan na niyang siniil ng halik ang labi ko. Pakiramdam ko mas lalo akong ginanahan dahil mainit ang labi niya maski na ang dila niya. Alam kong sigurado na mahahawa ako ng lagnat sa kanya ngunit wala na 'kong pakialam. Nalalasing ako sa mga halik niya.

Impit na napadaing ako nang idikit niya ang gitnang bahagi ng katawan niya sa pagitan ng mga hita ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki niya. Humigpit ang kapit ko sa braso niya nang marahan niyang igalaw ang balakang niya.

“M-mayor,” mahinang usal ko na lang nang maramdaman ko ang mainit na kamay niya na ngayon ay sumasakop na sa dibdib ko at marahang pinipisil 'yon. Tila nanggigigil na nakagat ko ang dila niya na ngayon ay naglalaro sa loob ng bibig ko.

“Oh, am I interrupting something?”

Agad kong naitulak si mayor nang makarinig ako ng boses ng babae. Mariing napamura naman si mayor at kinuha ang coat niya saka ibinalot 'yon sa katawan ko kahit hindi pa naman ako nakahubad.

Napakunot ang noo ni mayor nang mapatingin sa babaeng dumating.

Napatingin din ako sa babae. Napaawang ang labi ko nang mapansing magandang babae pala ang dumating. Nakasuot ito ng pulang dress na hanggang itaas ng tuhod nito at talaga namang sexy ito sa suot. Nakasuot pa siya ng itim na high heels at pula rin ang lipstick nito. Napakaganda niya, karkula ko rin ay may kahawig siya, hindi ko lang matukoy kung sino.

“What the hell are you doing here?” malamig na tanong ni mayor habang walang emosyon na nakatingin sa kanya.

“Ah, Adham let me in, even the guards let me in. By the way, where's our daughter? I want to see Arkia.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.