Chapter Twenty-Five

"Okay, another challenge 'to. Ang tawag ko rito, 'spend the day with Angel'. Dito na babase si Angel kung sino ang pipiliin niya. Ehem, walang pikunan 'to, guys. Magba-bato bato pick kayong dalawa, kung sino'ng mananalo, siya ang mauuna. Siyempre dito sa 'spend the day with Angel', walang dapat umabala sa naka-schedule na kasama ni Angel. Kanya kanyang technique na lang para mapa-fall siya. So, game na, bato bato pick na kayo," sabi ni Cadence.

Umagang umaga, ito ang ibinungad sa amin ni Cadence. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin natatapos ang competition kuno na 'to.

"No, that's not acceptable. Paano kung kidnap-in ni Zak si Angel?" nakakunot-noong tanong ni Castor.

"Ano ka ba? Masyado namang masama ang tingin mo sa kaibigan ko, Castor. Hindi gano'ng klaseng tao si Zakarius my friend, hindi nangki-kidnap 'yan. So ano na, bato bato pick na, h'wag na tayong mag-aksaya ng oras," sabi ni Cadence at pumwesto sa gitna nina Zakarius at Castor.

"What the hell is bato bato pick?" Zakarius asked as his forehead creased. I bit my lower lip to suppress my laugh, to hell with this man. Siya lang yata ang Pilipino na hindi alam ang bato bato pick.

I just sighed while staring at them. Cadence is patiently explaining how bato bato pick works to Zakarius.

"Okay, game na... Bato bato pick!" sabi ni Cadence.

Ayaw kong sakyan ang trip na 'to ni Cadence pero napatingin ako sa kamay nina Zak at Castor. Bato ang kay Castor at gunting naman ang kay Zak.

"Okay, dahil nanalo si lover boy Castor... Si Castor muna ang makakasama ni Angel ng buong araw. Zakarius my friend, pasensya na pero bawal tayong umepal sa kanilang dalawa," sabi ni Cadence at umakbay kay Zakarius na nakakunot ang noo.

"This is unacceptable," tila naiinis na sabi ni Zakarius, umiigting pa ang panga nito.

"Dude, let's be fair here. Kahit kaibigan kita, kailangan ko pa rin panindigan ang pagiging host ng competition na 'to. Let's go, my friend. Bukas naman masosolo mo siya, e."

Hinila na ni Cadence si Zakarius palabas. Wala namang nagawa si Zak at hinabol na lang ako ng tingin. Halatang ayaw pa niya lumabas pero pinilit siyang hilahin ni Cadence palabas.

Naiwan na kami ni Castor dito sa rest house. Natigilan ako nang matawa siya saka umupo sa tabi ko.

"Damn, Director Cavalcante fucking surprised me, I didn't expect him to be like that. I mean, he always seemed serious and matured, kung umakto siya pagdating sa 'yo para siyang teenager," napapailing na sabi pa nito.

"He's more than what you think he is. He's immature, he's clingy, sometimes he's innocent about some certain things, he's also a cold and heartless jerk... He's unpredictable," I said and drank my fruit juice.

"Well, I don't want to admit this, but he seems sincere, Angel. Hindi ko siya kinakampihan, ayaw ko rin naman na piliin mo siya... Pero sa tingin ko dapat mong pakinggan ang paliwanag niya."

Natahimik ako sa sinabi ni Castor. Sa totoo lang wala na akong balak pa na pakinggan si Zak... Paano kung umasa lang ako? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Paano kung si Jaze naman pala talaga ang mahal niya? Sobrang nag-aalinlangan pa rin ako kahit na gustong gusto ng bumigay ng puso ko sa kanya.

"So... How will we spend the day?" Castor asked and smiled at me. I just chuckled and shrugged.

Napahawak si Castor sa baba niya na tila nag-iisip. He looked at me and touched his bottom lip.

"Nothing, we'll just talk, or eat... Puwede namang tumulala na lang tayo," tila natatawang sabi niya. Naningkit ang mga mata ko.

"Sumusuko ka na ba kay Zakarius?" tanong ko na lang, may halong pagbibiro.

Castor smirked at me and gently pinched my chin.

"I know you will choose him. Nakikita ko rin naman na pagkakaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa 'kin, I respect that, pero gusto ko munang makita na talagang seryoso siya sa pagkakataong 'to bago ako sumuko. Maganda na ang sigurado," nakangising sabi niya. Napangiwi na lang ako.

"I won't give him a second chance, Castor. I'm so done with him, I don't want him in my life again," I said with finality and gritted my teeth.

"Really, huh? Scam yata 'yan," natatawang sabi niya na tila nang-aasar. Inirapan ko na lang siya saka siniko ang tagiliran niya.

Sa tingin ko rin ay malaki ang posibilidad na hindi ko mapanindigan ang sinabi ko. Knowing my marupok heart, it's always weak when it comes to Zakarius.

WALA KAMING ginawa ni Castor kahapon kundi ang mag-kwentuhan at manood ng TV. Hanggang ngayon hindi ko pa rin chine-check ang nangyayari sa social media ngayon, pati na rin sa career ko. Baka makasama pa sa baby ko.

"Okay, turn mo na ngayon, Zakarius my friend. Galingan mo ha, ikaw ang manok ko rito. Fighting!" sabi ni Cadence at nag 'fighting' gesture pa.

"Hey, assh-le, no monkey business," asik ni Castor saka tiningnan nang masama si Zak. Hindi naman siya pinansin ni Zakarius na nakatitig pa rin sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa gatas na iniinom ko.

"H'wag kang masyadong OA, pareng Castor. Mabait 'yang si Zak lalo kapag tulog, naglalakad nga lang," sabi ni Cadence at tinapik-tapik pa ang likod ni Castor.

"Angel, tawagan mo 'ko agad kapag may ginawang kahayupan sa 'yo ang lalaking 'yan," sabi ni Castor. Napakamot na lang si Cadence sa kilay niya at nagsimulang hilahin palabas si Castor.

Naiwan kaming dalawa ni Zakarius dito. Nanatili siyang nakatayo ilang metro ang layo sa puwesto ko, hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang pag-inom ng gatas.

I don't drink milk before, pero noong nalaman kong buntis ako, ginawa kong alternative ng coffee ang milk. Masama sa buntis ang coffee.

"Tutunganga ka na lang ba riyan?" nakataas-kilay na tanong ko.

Hindi man lang ba siya lalapit sa 'kin o kaya yakapin ako. Akala ko ba ay na-miss niya 'ko? Bakit parang hindi naman?

Zakarius siged and scratched his nape. He looks like an awkward teenager right now. Walang emosyon sa mukha niya pero bahagyang namumula ang mukha niya na hindi ko alam kung bakit.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, pinigilan ko na matawa dahil ang liliit ng hakbang niya. He's showing me his cute side again, damn him. How can he be so cute and handsome at the same time?

"Can I hug you?" he asked and stared at me intently. I rolled my eyes and stood up. Nagtungo ako sa sink at hinugasan ang baso nang maubos ko na ang gatas.

I want him to hug me but I will never admit it. I won't let him win.

I took a deep breath and faced him. I crossed my arms over my chest and raised my eyebrow.

"No, you're not allowed to touch me, Zakarius," I said with finality in my voice and turned my back at him.

Nagtungo ako sa living room at umupo sa couch. Sumunod naman sa 'kin si Zakarius pero hindi siya umupo sa tabi ko, nanatili siyang nakatayo sa gilid ng couch.

"Can I explain my side now? Will you hear me out now?" he asked. His baritone voice didn't suit his question.

"No. All I want you to do for this day is to stay away from me, don't talk to me, and don't touch me. Hindi naman siguro mahirap 'yon 'no?" I asked and smiled sarcastically at him.

Pakikinggan ko naman ang paliwanag niya, kaso hindi muna ngayon. Hindi pa ako handa sa mga ganyan, baka hindi ko lang din naman magustuhan ang paliwanag niya... Sarado pa ang isip ko ngayon.

Zakarius didn't say anything. Lumayo siya nang kaunti sa akin at hindi na ulit nagsalita. Mukhang gagawin niya talaga ang mga sinabi ko.

Hindi niya ba ma-gets na nagpapakipot lang ako?!

"Just call me if you need or want something," he murmured.

Napairap na lang ako. Nagtungo siya sa kusina, umupo siya sa mesa ngunit nakatitig siya sa 'kin. Lalo tuloy akong nailang.

Nasaan na yung makulit at mapilit na Zakarius? Kahit sabihin ko noon na ayaw ko siyang katabi o kayakap, mangungulit pa rin siya at yayakap sa akin... Hindi bagay sa kanya ang maging good boy.

I looked at him, he's still staring at me. I just sighed and rolled my eyes at him. This is so awkward, I want him to say or do something but he's just really staring at me. Hindi ba siya kikilos para makuha ang loob ko?

"Cook a steak for me," I commanded. Zakarius nodded and stood up. Nagtungo siya sa kitchen counter at nagsimulang magluto.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo saka muling nagtungo sa kusina. I sat on the chair and watched him as his back and shoulder moves. Na-miss ko ang steak na iniluto niya noon.

Tahimik lang ako habang pinanonood siya. I want to hug him from behind and nuzzle on his neck. Kanina ko pa gustong gawin 'yon pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Matagal din bago naluto ang steak, inihain niya iyon sa akin nang matapos siya. Siya pa ang nag-slice no'n para sa 'kin. Hindi ko na lang siya pinigilan at hinayaan siya.

Umupo si Zakarius sa tabi ko pagkatapos akong paghandaan ng tubig. I cleared my throat and tried to focus on the steak and not on him. His manly scent is lingering on my nose. I missed his smell, I really want to bury my face on his neck and inhale his scent.

I took a small bite on the steak. Nakatingin pa rin sa akin si Zakarius, mas lalong nakakailang dahil magkatabi lang kami.

Naiinis na uminom ako ng tubig saka tumingin sa kanya nang masama. He looked at me with slight confusion in his blue eyes.

"Why? Does it tastes bad?" tila nag-aalalang tanong niya saka itinuro ang steak. Napapitlag ako nang maramdaman ko pa ang pasimpleng paghawak niya sa siko ko.

Damn, electricity is gushed through my veins again. Simpleng hawak lang iyon pero nagwala na kaagad ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"No, hindi iyon. Puwede ba h'wag kang tingin nang tingin sa 'kin, nadi-distract ako! Saka h'wag mo nga akong hawakan!" singhal ko saka itinulak siya sa dibdib.

Hindi naman siya natinag at nanatiling nakatingin sa 'kin. My forehead creased when his gaze goes down, he stared at my lips.

"Can I wipe the sauce on the side of your lips?" he asked in a husky voice.

My cheeks heated, napahawak ako sa gilid ng labi ko ngunit wala naman akong naramdaman na sauce do'n.

"Nasaan ba? Wipe it," I murmured while touching my the side of my lips.

Natigilan ako nang ilapit ni Zakarius ang mukha sa 'kin. Napasinghap ako kasabay ng panginginig ng mga tuhod ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko. My whole body shivered when the tip of his hot tongue licked the side of my lips. My pulse raced and my heart thumped as if it wants to go out of my ribcage.

Inilayo na niya ang mukha sa akin pero nakatulala pa rin ako dahil sa gulat. I looked at him with disbelief, my eyes are still wide and my lips are still parted.

"H-how dare you?! Why the fuck did you kiss me?!" I shouted and pointed my lips.

"You said I'm not allowed to touch you, but you didn't say that I'm not allowed to kiss you, and besides, I just removed the sauce on the side of your lips. Hindi pa halik ang ginawa ko," he said in a calm voice.

Huminga ako nang malalim at pinaypayan ang sarili ko gamit ang dalawang kamay ko. He outsmarted me, damn him for pulling dirty tricks like that!

You liked it too, Angel.

Napailing na lang ako sa pumasok sa isip ko. Of course not! I didn't like it, cross my heart.

Nanginginig ang mga kamay na ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa steak kahit pa hindi ako makapag-focus dahil sa ginawa niya.

Nakatitig pa rin siya sa 'kin hanggang sa matapos akong kumain. Napaismid na lang ako at muling nagtungo sa living room at umupo sa couch. Sumunod naman si Zakarius sa 'kin, umupo siya sa kabilang sulok ng couch, ilang dipa ang layo mula sa 'kin.

Binuksan ko ang TV at inilagay 'yon sa animal channel. Nawiwili ako manood ng mga ganito nitong mga nakaraang araw.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa TV.

"I paid Cadence to track you down," he answered.

"Bakit mo ako pinuntahan dito?" muling tanong ko.

"Because I love you."

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Napakagat na lang ako sa dila ko at pinakalma ang sarili ko. Hindi na yata ako masasanay sa pagiging straight-forward niya.

"If you really love me, bakit ngayon mo lang ako pinuntahan? Wala ka noong panahon na kailangan kita, a-akala ko tuloy sinusuyo mo si Jaze at wala ka ng pakialam sa akin," sabi ko na lang at pinaglaruan ang mga daliri ko. Bigla tuloy akong nahiya sa pinagsasabi ko.

"We're in Italy during that time, our organization needed to take care of something, we ambushed a drug lord there. Cadence took all of our phones to keep us concentrated on the mission... And Jaze, I didn't suyo her, why would I do that? Hindi ko naman siya mahal, I didn't even like her, not even once... So, do you want to hear my side now? About Jaze," tanong niya saka umusod papalapit sa 'kin.

Hindi niya minahal si Jaze? Sa ilang taon nilang relasyon, hindi ako naniniwalang hindi niya minahal o nagustuhan man lang si Jaze.

I pushed his chest, umatras ako papalayo sa kanya saka tiningnan siya nang masama. Tumayo ako muling umatras palayo sa kanya.

"Do you really think I'm stupid, Zak? Nagsisinungaling ka pa sa 'kin? H'wag mo akong gawing tanga, Zakarius. Maniniwala pa ako kung sasabihin mong nawala ang pagmamahal mo sa kanya, pero sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo?! To be honest, until now I don't believe that you really love me. Sigurado ako na naghahanap ka lang ng pampalipas-oras, maybe Jaze got mad and rejected you kaya sa akin ka bumubuntot! Ah, maybe you need someone to be your sexual partner again. I bet you just want to get into my pants."

Halatang natigilan si Zakarius sa sinabi ko, kahit ako ay natigilan din. Is this still due to my pregnancy?

Zakarius turned his gaze away from me and licked his bottom lip. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nakitang emosyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

Nasaktan ba siya sa mga sinabi ko?

"That's... that's not my intention, Angel," he murmured and scratched his nape. "I really love you."

Tumingin siya sa ibang direksyon. Hindi nakawala sa paningin ko ang pasimpleng pagpahid niya ng kung ano sa mukha niya. Napakurap na lang ako.

Is he crying?

"Zak," bulong ko at akmang lalapit sa kanya pero agad siyang tumayo. Nakatungo pa rin siya at halatang sinasadyang iiwas ang mukha sa akin. His pointed nose is kinda reddish as well as his ears and cheeks.

"I... I have to wash the dishes," sabi niya saka agad na nagtungo sa kusina.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang hinahabol siya ng tingin.

Did I just... Did I just make Zakarius Cavalcante cry?

* * *

Maghapon yatang lumilipad ang isip ko.

Kinakausap naman ako ni Zakarius, pinagsisilbihan niya rin ako, pero hindi pa rin maalis sa isip ko na umiyak siya. Hindi ko na lang ulit binanggit 'yon pero hindi talaga maalis sa isip ko.

Maybe I was too harsh on him earlier. Kung iisiping maigi, Zakarius can get any woman he can have sex with, I mean, he's handsome and hot, no woman can resist him. Where the hell did I get the idea that he just wants to fuck me?

"Hey, you alright?"

Napatingin ako kay Castor nang umupo siya sa tabi ko. I just nodded and smiled faintly at him.

"Nasaan sina Zak at Cadence?" tanong ko.

"Nasa labas, may pinag-uusapan yatang seryoso. Noong nalasing si Cadence kagabi, niyaya niya ko na sumali sa organization kuno nila. Hindi ko masyadong naintindihan pero sabi niya, I can be the 21st member of their--" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"No, it's nothing, he's just drunk. H'wag mo ng isipin 'yon."

Hayop na Cadence 'yon, balak pa yatang isali si Castor sa kanila, kapag si Castor natuto pang pumatay... Masasapak ko lang siya.

"Ano... Magpapahangin lang ako sa labas saglit," pagpapaalam ko kay Castor. Tumango na lang siya saka ibinaling ang tingin sa TV.

Lumabas ako ng rest house, natigilan ako nang makita sina Cadence at Zak na nakaupo sa mahabang upuan at nag-uusap, ilang metro din ang layo nila sa 'kin, nakatalikod sila sa puwesto ko kaya hindi nila ako nakikita.

"Just let her go, dude. Mukhang wala namang balak si Angel na patawarin ka o pakinggan man lang ang paliwanag mo, you're just wasting your time," Cadence said and puffed on his cigarette.

"I won't," sabi naman ni Zakarius.

"Kapag wala ka ng mapapala, tigilan mo na. Tingnan mo na lang sina Arken, pinalaya at hinayaan na lang nila ang mga babaeng mahal nila dahil aware sila sa mundong ginagalawan natin. Arken can easily know where Ayen is, pero hinayaan na lang niya. Minsan gano'n ang pagmamahal, Zak," Cadence said and sighed.

"I'm not stupid like them, Cadence. They have all the chance to pursue the woman they love. Ako, ngayon lang, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon."

Natigilan ako sa sinabi ni Zakarius, hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin, pero bakit pakiramdam ko...

Napailing na lang ako.

"I waited for almost ten years for this moment, Cad. I'll show her my love and affection that I restrained for years, I waited for almost a decade, I won't miss the chance again... Hindi ko na kayang maghintay ulit. I won't let her go, I will never let her go."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.