Chapter Nineteen

Tahimik lang ako habang naglalakad patungo sa assigned hotel room para kay Ashteroh. Walang kibo na nakasunod lang naman siya sa akin. Kasama ko na ngayon si Dustin na siyang kumakausap ngayon kay Ashteroh.

"Wait."

Napatigil kami at napalingon kay Ashteroh nang magsalita siya. Ipinasok n'ya ang kamay sa bulsa ng trousers n'ya, tila may kinakapa ro'n.

"Is there something wrong, Sir?" tanong ni Dustin.

Kinuha ni Ashteroh ang wallet n'ya saka inangat 'yon. "Nothing, I just checked if I lost something. I heard there's a mischievous thief lingering around. I have to be careful," malamig na sabi n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Alam kong ako ang pinariringgan n'ya at alam ko rin na wala akong karapatang magreklamo. Dapat masaya na ako na ganito ang pakikitungo n'ya sa akin na ibang iba sa inaasahan ko.

"Sir, as you can see we prepared a presidential suite for you. You can call someone to accommodate you anytime using our--" Napatigil si Dustin nang may dumating na staff at tinawag na naman siya. "Bakit na naman ba?" bulong ni Dustin sa staff.

"Sir, hinahanap po kayo ng VIP guest sa room 508," bulong din ng isang staff.

Napatango na lang si Dustin saka muling nilingon si Ashteroh. "I'm really sorry, Mr. Alexeev. I have to go... Nathalie, ikaw na ang bahala kay Sir," sabi ni Dustin bago tuluyang umalis ng hotel room kasama ang staff.

Napalunok na lang ako nang maiwan na kaming dalawa ni Ashteroh. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Guest pa rin namin siya, kailangan kong umakto ng normal sa abot ng makakaya ko.

"S-Sir, just like what Sir Dustin said. You can call us using the telephone here whenever you need to be accommodated. We are now preparing another presidential suite for your business partner just like what you requested--"

Napatigil ako nang mapansing hindi siya nakikinig sa akin. Umupo siya sa couch habang nakatutok sa phone n'ya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at lumapit sa kanya saka marahang inilapag ang blazer n'ya sa tabi n'ya.

Muli akong bumalik sa pwesto ko at hinintay siyang matapos sa pagtitipa sa phone n'ya. Natigilan siya nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

"Is watching my every move still a part of your job?" malamig na tanong n'ya.

Natigilan ako sa tanong n'ya. Napalunok na lang ako saka napaiwas ng tingin sa kanya... Gusto ko pa sana siyang tingnan. Kung gaano kalaki ang pinagbago n'ya, ang pinagbago ng mukha n'ya, ang lahat ng tungkol sa kanya... Sa nakikita ko ngayon, malayong malayo na siya sa Ashteroh na nakilala ko noon.

Binago ko ba siya o talagang ganito lang ang pakikitungo n'ya sa akin?

Sabagay, hindi ko na dapat tanungin 'yon sa sarili ko. Bakit n'ya naman ako pakikitunguhan nang ayos matapos ko siyang iwan at saktan nang gano'n?

"N-No, Sir," sagot ko na lang saka napatungo.

"Then what are you waiting for? Leave."

Napatango na lang ako at agad na lumabas ng hotel room n'ya. Dapat magaan na ang pakiramdam ko ngayong hindi ko na siya nakikita pero lalo lang bumigat ang pakiramdam ko nang makaalis na 'ko sa silid n'ya.

Kinakabahan ako sa mga oras na 'to... pero nakakaramdam din ako ng pangungulila. Gusto ko pa siyang tingnan nang matagal, gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang yakapin... marami akong gustong gawin na nagagawa ko nang malaya sa kanya noon.

"Hey, what are you still doing here?"

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Killian. Mukhang dito agad siya dumiretso pagkagaling n'ya sa date n'ya.

"H-Ha?" tila lutang na tanong ko.

Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakaupo rito sa may lobby.

"Kanina pa ang tapos ng shift mo, bakit hindi ka pa nauwi? Baka may kailangan ka pang gawing thesis or something. You should go home now," sabi ni Killian.

Napabuga na lang ako ng hangin saka tumango. Tumayo ako at kinuha ang bag ko saka inayos ang blazer ko. Bakit nga ba ayaw ko pang umalis?

Mapait na napangiti na lang ako. Bakit ko pa lolokohin ang sarili ko, alam ko na naman ang sagot do'n... Alam ko sa sarili ko na hinihintay ko si Ashteroh, hinihintay ko na ipatawag n'ya 'ko, hinihintay kong lumabas siya sa hotel room n'ya, hinihintay kong makasalubong siya.

"May hinihintay ka ba? Sasamahan na kita," sabi pa ni Killian.

"H'wag na, saka h'wag ka masyadong close sa akin dito at baka ma-issue pa tayo. Gusto kong magtrabaho nang payapa," sabi ko na lang saka napaismid.

"Oo na. Hatid na lang kaya kita? Mukhang kang lutang ngayon, e. May nangyari ba nu'ng umalis ako?" tila nag-aalalang tanong n'ya.

Tipid na ngumiti na lang ako at umiling. "Wala, teka nga... kumusta na pala 'yung date mo?" pag-iwas ko na lang sa usapan.

Napaismid siya. "Edi katulad din ng dati. Palpak ulit. Ayoko naman kasing makasal agad," saad n'ya. "Teka nga, you're changing the topic. I know something is bothering you. Ano 'yon? Sabihin mo na," pamimilit n'ya pa.

"Wala nga. Uuwi na 'ko," sabi ko na lang saka tinapik siya sa braso bago naglakad palabas ng hotel.

Tulala ako nang makalabas sa hotel. Ang dami ko ng dapat isipin bago pa dumating si Ashteroh... ngayon na bigla siyang sumulpot, dumagdag siya sa iniisip ko. Halos siya na nga lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Pst! Hoy! Nathalie girl!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin. Tumingin pa ako sa paligid para hanapin 'yon. Napatingin ako sa unahan ko. May nakita akong lalaking nakasakay sa kotse habang nakatingin sa direksyon ko.

"Yes, mare! Ako nga ang tumatawag sa 'yo. Halika na, ihahatid na kita sa inyo!" hiyaw pa n'ya.

Cadence? Si Cadence ba 'yon? Bakit siya nandito?

"Mare, sige na! Busina na nang busina ang mga sasakyan sa likuran ko. Sakay na!"

Napatingin ako sa mga sasakyan sa likuran n'ya. Nagc-cause na nga siya ng traffic. Mukhang kanina n'ya pa 'ko tinatawag pero ngayon ko lang napansin.

Wala na 'kong nagawa kundi ang sumakay na lang ng kotse n'ya. Nahihiya na 'ko sa mga sasakyan na naghihintay sa likuran n'ya.

"Iyan, goods 'yan, mare. Let's go!" hiyaw n'ya saka agad na pinaharurot ang kotse.

"Bakit ka nandito?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

Napasimangot si Cad. "Bakit? Bawal ba ako magpunta rito?" tila nagda-dramang tanong n'ya.

"K-Kasama ka ba ni Ashteroh na pumunta rito?" tanong ko na lang.

Tumango siya. "Siyempre. Nandoon ako palagi sa taong makukuhanan ko ng pera," nakangising sabi n'ya.

Natigilan ako nang mapansin na ang daan na dinadaanan namin ngayon ay papunta sa apartment na tinutuluyan ko.

"Bakit alam mo kung saan ako nakatira?" nakakunot-noong tanong ko.

"Gano'n talaga, mare. Kapag tinitingnan ko sa mata 'yung tao, nalalaman ko kaagad kung saan siya nakatira. Secret lang natin 'to ha? Iyon ang powers ko." Binulong n'ya pa ang huling sinabi.

Napataas ang kilay ko. "Sinong tanga naman ang maniniwala sa sinasabi mo?"

"Ay wow. Nagbago ka na nga pala, Nathalie. Hindi ka na cute tulad ng dati. Type pa naman kita noon," napapailing na sabi n'ya, tila nanghihinayang. "Pero okay lang, may girlfriends na naman ako, e."

"Girlfriends?" nagtatakang tanong ko.

Bakit ko ba sinasakyan ang trip ng lalaking 'to?

"Oo, sis. Girlfriends with s kasi 18 ang girlfriends ko. Gano'n ako ka-gwapo. Tangina, regalo talaga ako sa mga babae. Sobrang gwapo ko, diba?" tanong n'ya saka sumulyap pa sa akin.

Napairap na lang ako sa kayabangan n'ya. Miyembro ba talaga ng feroci ang lalaking 'to?

"Ay nagbago ka na talaga, Nathalie. Iniirapan mo na lang ako. Dapat nga nagpapasalamat ka sa 'kin, e," tila lungkot na lunkot na sabi n'ya.

"Bakit naman ako magpapasalamat sa 'yo?" nakataas-kilay na tanong ko.

"Siyempre naman. Kasi kung hindi dahil sa 'kin, malamang 3 years ka ng nakakulong ngayon. Sa 'kin ka pinahanap ni Ashteroh pagkatapos mo siyang nakawan. Siyempre nahanap kita agad pero pinagtakpan kita at hinayaang mag-relax for 3 years. Ang bait ko, diba mare?" nakangiting tanong n'ya.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"B-Bakit mo 'ko pinagtakpan?"

"Siyempre, kailangan mo rin naman ng panahon para maghanda kaya binigyan kita ng tatlong taon... Sa 'yo ako kampi, mareng Nathalie. Bet na bet ko ang mga taong mukhang pera gaya ko," saad n'ya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. Kahit naman sa ibang tao napunta ang mga ninakaw namin kay Ashteroh, hindi pa rin maalis no'n ang katotohanan na ninakawan ko siya... Malamang mukhang pera talaga ang magiging tingin sa akin ng iba, naiintindihan ko rin naman.

Maya-maya pa, nakarating na kami sa apartment. Agad na akong bumaba sa kotse ni Cad. Akmang papasok na 'ko sa loob nang tawagin ako ni Cad.

"Nathalie!"

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Gusto mo bang mag-date muna tayo bago ka umuwi?" nakangising tanong n'ya.

Napakunot ang noo ko. "Ano'ng trip mo?"

"Hmm.. wala lang. Mukha kang stressed, mare. Gusto lang kita pasayahin. Bukod sa pumatay ng tao, role ko rin ang magpasaya ng tao. Ano? Payag na. Kung ako sa 'yo papayag na 'ko."

Napailing na lang ako at nagtungo na papasok sa apartment. Wala akong tiwala kay Cad. Siya ang may kakaibang aura sa feroci. Siya lang ang palangiti at madaldal pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Pakiramdam ko nga mas dapat akong kabahan sa kanya kaysa sa mismong leader ng feroci. Mas kakaiba ang aura ni Cad... hindi ko maipaliwanag.

"Gina?" pagtawag ko kay Gina nang makapasok na ako sa bahay.

Binuksan ko ang ilaw ngunit natigilan ako sa bumungad sa akin. Nakaupo si Ashteroh sa sofa habang si Gina ay sa sahig nakaupo. Namumutla si Gina habang hawak ni Ashteroh ang buhok n'ya at malamig na nakatingin sa akin.

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari ngayon.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito, Ashteroh?" nauutal na tanong ko.

"Nothing, just catching some troublesome thieves," malamig na sabi n'ya saka mas hinila nang malakas ang buhok ni Gina. Napaigik si Gina saka napakapit sa kamay ni Ashteroh na nakahawak sa buhok n'ya.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi na ako makapagsalita nang ayos. Nangunguna sa puso ko ang kaba sa mga oras na 'to.

"Cad! Pumasok ka!" utos ni Ashteroh.

Pumasok si Cad sa bahay ko. Ngumiti siya sa akin at kumaway pa.

"Bakit, lods? Ano'ng plano mong gawin?" tanong ni Cad.

Tumayo si Ashteroh habang nakahawak pa rin sa buhok ni Gina.

"Torture the hell out of this woman," sabi ni Ashteroh saka itinulak si Gina palapit kay Cad.

"G-Gina..." usal ko at akmang lalapitan siya pero agad na humarang si Ashteroh.

"Oh, talaga? Wala naman akong pake kahit babae 'to, pero torture talaga, p're? Saka paano naman si Nathalie girl?" tanong ni Cad saka itinuro si Gina na nakaupo pa rin sa sahig.

"I'll take this woman to the police station... She will be tortured there under my orders," sagot n'ya sa tanong ni Cad pero sa akin nakatingin.

Napalunok ako at napatingin kay Gina na naiiyak na ngayon. Wala akong pakialam sa mangyayari sa 'kin... pero ayokong may mangyaring masama kay Gina.

Napatingin ako sa mga mata ni Ashteroh na malamig na nakatitig sa akin. Nanginginig ang mga kamay na humawak ako sa braso n'ya.

"H'wag mong saktan si Gina. P-Pakiusap, ako na lang. A-Ako na lang ang parusahan mo, tatanggapin ko kahit anong parusa."

Nakatitig lang siya sa akin, wala akong emosyon na nakita sa mga mata n'ya na mas lalong nagpakaba sa akin. Alam kong wala na siyang awa na nararamdaman sa amin dahil sa nangyari... pero kahit ano gagawin ko.

Ibinaling ni Ashteroh ang tingin kay Cad.

"Cad, get out. Bring that woman with you," utos ni Ashteroh saka itinuro si Gina.

"Okay, p're... Hay, mag-e-expect ako ng malaking bayad dito," pagpaparinig ni Cad saka binuhat si Gina na parang sako. Hindi naman nakapalag si Gina nang lumabas na sila ni Cad.

Napalunok ako habang malakas ang kabog ng dibdib ko. Napatingin ako kay Ashteroh, nasa akin na ulit ang tingin n'ya. Kinakabahan ako sa tumatakbo sa isip n'ya ngayon.

"Worrying about is just a waste of time. Your remaining friends will face the same fate as her. I already hunted them down... I will kill them, Nathalie. All of them." Umupo ulit siya sa sofa at napapikit. "I'm not that heartless so I will let you live in the prison but you'll be tortured for the rest of your life there."

"A-Ano'ng dapat kong gawin para hindi mo patayin ang mga kaibigan ko? W-Wala akong pakialam kahit ano pa ang gawin mo sa 'kin... pero 'yung mga kaibigan ko," nauutal na sabi.

Idinilat ni Ashteroh ang mga mata n'ya. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa malamig n'yang tingin sa akin. "Why should I listen to a worthless thief like you?"

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kanya. Napapikit ako nang mariin bago lumuhod sa harapan n'ya. Naramdaman ko na matiim siyang nakatitig sa akin sa mga oras na 'to. Wala na 'kong pakialam sa lahat ng mangyayari sa 'kin o kahit araw-araw pa akong lumuhod sa harapan n'ya.

"S-Sorry. Sorry kung kinailangan kong lokohin at iwan ka noon. G-Gusto kong malaman mo na totoong minaha--"

Agad n'yang pinutol ang sasabihin ko.

"If you want your friends to be spared, pay everything that you stole from me," saad n'ya.

Natigilan ako. "H-Hindi ko mababayaran agad 'yon. P-Pero pipilitin ko... Babayaran kita sa abot ng makakaya ko," sabi ko saka napatungo.

Saglit kaming natahimik pareho. Pilit ko lang na pinakikiramdaman si Ashteroh dahil hindi ako makatingin sa kanya. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin ngayon pero wala akong lakas ng loob na tingnan siya ngayon.

"Damn, I can't believe I was fooled by a woman like you. It's embarrassing... I couldn't even face my friends after what you did." Natawa siya nang mapakla. "Hindi ko matanggap na nagawa akong utuin at lokohin ng babaeng tulad mo."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Ang dami ko gustong sabihin sa kanya sa mga oras na 'to... pero alam kong hindi na n'ya ako paniniwalaan o pakikinggan ulit.

"My maids' salary is twenty thousand monthly."

Natigilan ako sa biglang sinabi ni Ashteroh. "H-Ha?" naitanong ko na lang.

"Meaning to say, I pay them at least 240,000 pesos anually. You and your friends stole ten million from me. Of course, every debts have interest... Your total debt to me will be twenty million pesos," paliwanag n'ya.

Twenty million pesos?!

"Of course, twenty million is just easy to get for you. You're a thief after all... But I don't want to make it easy for you." Inilapat n'ya ang mga siko sa hita n'ya saka bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "You have to work for me as my maid. That's the only way you can pay me."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya... Seryoso ba siya?!

"Just like what I've said earlier. I pay my maids two hundred forty thousand pesos every year... If your debt is twenty milion pesos, that means, you have to work as my maid for more than eighty years," dagdag pa n'ya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Tila hindi agad 'yon nag-proseso sa isip ko... Eight years?!

"E-Eighty years? Parang habang buhay na 'yon, e." Hindi ko napigilang magreklamo.

Napabuntonghininga siya. "I though you want your friends to be spared."

Natahimik na lang ako sa sinabi n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango... Wala na rin naman akong ibang pagpipilian.

"K-Kahit ano gagawin ko... basta mangako ka na wala kang gagawing masama sa kanila," bulong ko at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng blazer ko. Napatungo na lang ako at pilit na pinakalma ang nanginginig kong katawan.

"Hey, selfless bitch... Look at me."

Napasinghap ako nang hawakan ni Ashteroh nang mariin ang panga ko saka pinaharap ako sa kanya. Napalunok na lang ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa... Ibang iba na ang tingin n'ya sa akin ngayon. Wala ng bakas ng pagmamahal hindi tulad noon.

"You're wrong if you think I'll go easy on you just because your my past lover... I will make you suffer for the humiliation you caused me," malamig na sabi n'ya. Mas humigpit ang hawak n'ya sa panga ko at tila magkakapasa na ro'n.

"A-Ashteroh..." Hinawakan ko ang kamay n'ya at sinubukang alisin ang pagkakahawak n'ya sa 'kin... ngunit wala akong lakas sa mga oras na 'to.

"The fact that I loved someone like you before disgusts me. You disgust the hell out of me, Nathalie."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.