“Come on, Nathalie. Magchikahan muna tayo,” sabi ni Thalia at hinila ako papasok sa hotel room n'ya.
Hindi na ako nakapalag at nagpatianod sa kanya. Wala na rin naman akong excuse dahil tapos na ang shift ko ngayon.
Umupo kami ni Thalia sa kama n'ya. Hinubad n'ya ang blazer n'ya saka nagtali ng buhok. Hindi na lang ako nagsalita at pinanood ang bawat galaw n'ya... Kailangan kong manatiling komportable sa kanya. Ayokong mahalata n'ya na naiilang ako.
“T-Thalia... kailan ka pa nililigawan ni Mr. Alexeev?” tanong ko.
Hinubad ni Thalia ang heels n'ya saka basta na lang 'yon hinagis sa sahig.
“Hmm, two months pa lang,” sagot n'ya.
“Gaano na ba kayo katagal magkakilala?” tanong ko pa.
“I think, 5 months mahigit pa lang. Bakit mo natanong? Kilala mo ba si Ashteroh?” tanong n'ya naman.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Naalala ko na nasabi ko sa kanya noon na si Ashteroh ang nagkakagusto sa akin. Tatlong taon na ang nakalipas kaya marahil nakalimutan na n'ya ang tungkol do'n.
“Diba may boyfriend ka noon?” tanong ko. Sinubukan kong iwasan ang tanong n'ya.
Natahimik si Thalia sa tanong ko. Nakita ko kung paano nagbago ang mood n'ya. Napaiwas siya ng tingin sa akin saka pilit na ngumiti.
“We already broke up almost a year ago... May nalaman ako tungkol sa kanya na hindi ko matanggap. I'm sorry, Nathalie. I really don't want to talk about him,” saad n'ya saka tipid na ngumiti.
Ngumiti na lang din ako at tumango. “Naiintindihan ko, sorry sa pagtatanong ko,” hinging paumanhin ko na lang.
“No, it's okay... By the way, why don't you stay here with me while I'm here? Mag-bonding tayong dalawa. I really missed you. Wala pa 'kong naging kaibigan na katulad mo,” sabi n'ya saka yumakap sa braso ko.
Napakamot ako sa batok ko. “H'wag na, araw-araw din naman akong napunta rito, e. Dito naman ako nagtatrabaho,” sabi ko na lang.
“Kaya nga, e. Para hindi ka na mag-commute papunta rito sa hotel. Diba every day ka naman here? Mag-stay ka na lang dito. Tabi tayo matulog. You can borrow my clothes and my extra undies, you know.” Nagtaas-baba pa siya ng kilay.
Pabirong itinulak ko na lang siya saka hinampas ng unan. Napa-ungot naman siya saka muling yumakap sa braso ko.
“Come on, crazy bitch. I have some tomboy clothes here too that you can borrow. Sige na, mag-bonding tayo,” pangungulit n'ya pa.
Mukhang hindi nga talaga siya nagbago. Hanggang ngayon makulit pa rin siya at loka loka.
“K, fine. Pero ngayong gabi lang,” pagsuko ko na lang.
Napahiyaw si Thalia saka yumakap pa sa 'kin. Natawa na lang ako at niyakap din siya pabalik.
Mahal ko pa rin si Ashteroh. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan nang nalaman kong nililigawan na n'ya si Thalia. Hindi ko kayang mainis kay Thalia pero sobra akong nagseselos sa kanya ngayon.
“Nathalie, natunog ang phone mo,” sabi ni Thalia.
Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko at agad na lumapit sa bedside table. Natigilan ako nang mapansing natawag si Killian. Halos nalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Malamang matinding paliwanagan ang gagawin ko.
“Hello, Killian...”
“Come here in my office, Nathalie. Magpaliwanag ka sa akin,” sabi nito sa kabilang linya.
Napatingin ako sa salamin. Suot ko ang t-shirt at jogging pants ni Thalia. Buti na lang at may extrang tsinelas dito sa hotel na magagamit ko. Sa totoo lang ayaw kong mag-stay rito kaso hindi naman ako makatanggi kay Thalia. Kaibigan ko rin naman siya at matagal na kaming hindi nagkita.
“Oo nga, papunta na 'ko diyan,” sabi ko na lang saka napaismid kahit hindi n'ya ako nakikita. Pinatay ko na rin agad ang tawag.
Napatingin ako kay Thalia na nakaupo lang sa kama habang nakatingin sa akin. Kakatapos n'ya lang mag-shower at nakasuot na ng robe.
“Thalia, punta lang ako saglit sa amo ko ha,” pagpapaalam ko sa kanya.
Tila nanunuksong ngumiti sa akin si Thalia. “Pogi raw ang may ari ng hotel na 'to? Totoo ba?” tanong n'ya.
Hinampas ko siya ng unan. “May manliligaw ka na,” sabi ko na lang.
“Hindi naman 'yon, e. May something ba sa inyo? Boss mo siya pero ang casual lang ng pag-uusap n'yo. Hindi gano'n makipag-usap ang employee sa boss n'ya,” tila nanunukso pang sabi n'ya.
“Issue ka masyado, teh. Magkaibigan lang kami no'n. Sige na ha, babalik din ako agad,” sabi ko na lang saka lumabas na ng hotel room namin.
Napabuga na lang ako ng hangin nang makasakay sa elevator. Nag-iisip na ako kung paano ko ipapaliwanag kay Killian ang sitwasyon namin ni Ashteroh sa paraan na maiintindihan n'ya. Kilala ko ang lalaking 'yon, makikialam 'yon kahit na ayaw ko siyang madamay.
Pumasok na ako sa opisina ni Killian. Naabutan ko siya na prenteng nakaupo sa swivel chair n'ya habang nakain ng burger. Napairap na lang ako at nagtungo sa couch saka umupo ro'n.
“Explain,” sabi n'ya saka muling kumagat sa burger n'ya.
“Diba nga alam mo namang magnanakaw ako noon?” tanong ko saka napaismid.
“Oo nga... ano namang connect no'n kay Mr. Alexeev?” tanong n'ya pa.
“N-Ninakawan ko siya dati. Kaya naniningil siya sa akin ngayon,” sabi ko na lang saka napatungo.
“Eh bakit sa gano'ng paraan n'ya gusto maningil? Saka sabi ko naman ako na lang ang magbabayad kaso ayaw n'ya pumayag. Ano ba'ng trip ng gagong 'yon?” naiinis na tanong n'ya.
“S-Siya 'yung ex ko. Malamang masakit sa kanya ang lokohin at nakawan ng sarili n'yan girlfriend kaya naging gano'n siya,” bulong ko saka pinaglaruan ang kuko ko.
Hindi agad nakasagot si Killian. Napatingin ako sa kanya. Napakunot na lang ang noo ko nang mapansing gulat na gulat na nakatingin siya sa akin. Tila ba hindi siya makapaniwala.
“What the fuck? Ex-boyfriend mo si Ashteroh Alexeev? Wow, ano naman ang nagustuhan n'ya sa 'yo?” natatawang tanong ni Killian, tila nang-aasar pa si gago.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay nang mapahagalpak siya ng tawa. Binitiwan n'ya saglit ang burger na hawak n'ya saka tumawa nang tumawa. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang pilit na pinakakalma ang sarili ko... Tangina, gusto kong manapak.
“Ano ba?! Tangina, minsan na nga lang magseryoso, e!” reklamo ko.
Uminom ng tubig si Killian at pinalo-palo pa ang dibdib n'ya. Namumula pa rin ang mukha n'ya mula sa pagtawa.
“Okay ka na? Masaya ka na?” tanong ko.
Napabuga ng hangin si Killian saka tumango. Mukha pa rin siyang nagpipigil ng tawa pero pilit n'ya ring pinaseseryoso ang mukha.
“Okay na... So, balik tayo sa usapan.” Tumikhim siya. “Ano ang usapan n'yo? Sa paanong paraan ka raw makakapagbayad sa kanya?”
“Magiging katulong n'ya ko for more than eighty years,” bulong ko na lang.
Saglit na natahimik si Killian. Napahawak siya sa baba n'ya na tila may malalim na iniisip.
“Kung sa gano'ng paraan ka lang ba makakapagbayad sa kanya, malamang gusto ka n'yang parusahan.” Napabuntonghininga siya. “Paano ba kita matutulungan? Alikabok lang ang yaman ko kumpara sa meron ang taong 'yon,” napapailing na sabi n'ya saka muling kumagat sa burger n'ya.
“Hindi mo naman ako kailangang tulungan. Malaki rin naman ang kasalanan ko kay Ashteroh na dapat kong pagbayaran. Kahit sino naman ang nasa posisyon n'ya magagalit din... minahal n'ya 'ko at pinagkatiwalaan,” bulong ko na lang saka mapait na napangiti.
Saglit na natahimik si Killian. Tumayo siya at lumapit sa 'kin saka umupo sa tabi ko. Natigilan ako nang hawakan n'ya ang balikat ko saka pinaharap ako sa kan'ya.
“Magiging okay ka lang ba, Nathalie? Hindi ko mapigilang mag-alala. Kung gagawin ka n'yang katulong lang talaga, mapapanatag ako nang kaunti. Paano kung magawa ka n'yang saktan o pagmalupitan?” tanong ni Killian, bakas ang pag-aalala sa boses nito.
“Kilala ko si Ashteroh, hindi n'ya gagawin 'yon. Kilala ko ang lalaking minahal ko. Magtiwala ka na lang sa 'kin, malalagpasan ko rin naman 'to. Ayokong makialam ka dahil ayokong madamay ka gulo namin ni Ashteroh,” sabi ko na lang saka tipid na ngumiti sa kanya.
Napabuga ng hangin si Killian saka tinapik ang balikat ko. “Basta kung kailangan mo 'ko, magsabi ka lang. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.
Napangiti ako at tumango. “Tatandaan ko 'yan. Salamat, Killian,” sabi ko na lang kahit wala na 'kong balak humingi ng tulong sa kanya.
“Sige na, magpahinga ka na... Malamang palaban na naman ang araw mo bukas. Ako na ang bahala kumausap sa mga prof mo kapag ume-epal ang Mr. Alexeev na 'yon,” sabi n'ya saka bahagya akong tinulak.
“Salamat, Killian. Magpapahinga na 'ko. Magpahinga ka na rin, baka mamatay ka kaagad,” sabi ko na lang at tumayo saka agad na lumabas ng opisina n'ya.
Tila lutang ako sa loob ng elevator. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari sa akin ngayon... Pero mas masakit ang puso ko sa katotohanang nililigawan ni Ashteroh si Thalia.
Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Nakita kong may nag-message na unregistered number. Agad kong binasa ang message.
This is Ashteroh. Come to my room. We need to talk.
Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko at napailing. Hindi dapat ako ma-excite sa ganito. Malamang gusto n'ya lang akong pahirapan.
Huminga ako nang malalim nang nasa tapat na ako ng pinto n'ya bago kumatok. Napapitlag na lang ako nang marahas na bumukas 'yon. Sinenyasan na lang ako ni Ashteroh na pumasok bago ako tinalikuran. Pumasok na lang ako sa loob at isinara ang pinto.
Umupo si Ashteroh sa couch saka napapikit. Nakasuot na siya ng simpleng t-shirt at jogging pants. Mukhang hindi pa rin nagbabago ang style na sinusuot n'ya kapag matutulog na siya.
“Hindi alam ni Thalia ang tungkol sa atin noon... h'wag mong sasabihin sa kanya,” sabi n'ya habang nakapikit pa rin.
Napatungo ako. “O-Okay.”
“Ang alam ni Thalia, may utang ka sa 'kin na hindi mo mabayaran kaya ka nagtatrabaho sa 'kin. H'wag mong sasabihin sa kanya ang totoong dahilan... wala kang sasabihin sa kanya tungkol sa totoong ugnayan natin,” dagdag n'ya pa.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng t-shirt ko. “Naiintindihan ko,” sagot ko na lang.
“Good. Lumabas ka na,” malamig na sabi n'ya na lang.
Tumango na lang ako at nanghihinang lumabas ng silid n'ya. Ramdam na ramdam ko ang pagkairita n'ya sa tuwing titingin siya sa 'kin... para bang hindi n'ya matagalan ang makasama ako nang matagal.
Dumiretso na lang agad ako sa silid ni Thalia. Naabutan ko siya na naglalagay ng kung ano-ano sa mukha n'ya pagpasok ko. Agad naman siyang napalingon sa akin. Lumapit siya at agad na hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa salamin.
“Crazy bitch, sabay tayong mag-skin care routine,” sabi n'ya saka pinaupo ako sa tabi n'ya.
Napakamot na lang ako sa batok ko. “Ang dami mo namang nilalagay. Hilamos lang ginagawa ko, e,” reklamo ko saka napakamot sa batok ko.
“Tsk tsk tsk.” Napailing si Thalia. “Kaya naman pala ang dry ng skin mo. Halika, use this mask. Nakaka-hydrate 'to ng skin.”
Hindi na lang ako kumontra at hinayaan siya sa trip n'ya. Magandang way rin 'to para ma-distract ako mula sa pag-iisip ng kung ano-ano. Gusto ko munang mapahinga ang isip ko kahit isang gabi lang.
“Crazy bitch... you're not a crazy bitch anymore,” nakangusong sabi ni Thalia habang sinusuklayan ang buhok ko.
“Hmm?” tanong ko na lang.
“I still like you though... pansin ko lang na medyo mukha kang malungkot unlike before na palagi kang masaya. Are suffering from depression or something? You can talk to me. Pwede rin kitang dalhin sa magaling na psychotherapist na kilala ko,” sunod-sunod na sabi n'ya. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
“Hindi naman. Marami lang akong iniisip gaya ng thesis ko na hindi ko pa natatapos,” sabi ko na lang.
“Oo nga pala. You said kanina that you're still a student... Gusto mo bang kausapin ko si Ashteroh para hindi ka na n'ya pagbayarin sa utang mo? Palagi naman siyang nakikinig sa akin, e.”
Tila may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi n'ya... palaging nakikinig sa kanya si Ashteroh.
“Hindi na. Dapat ko rin namang bayaran ang utang ko sa kanya, e. Sa ganitong paraan na lang ako makakabayad sa kanya. Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral saka ito. Patapos na rin naman ako, e,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya.
“Are you sure?” tanong ni Thalia, tila naninigurado.
Tumango ako. “Hmm... Kaya h'wag ka na mag-alala.”
Napagdesisyunan na lang namin na magkwentuhan habang nakahiga para mabilis kaming antukin... Maraming kwento si Thalia, madalas kasama si Ashteroh sa mga kwento n'ya. Wala akong nagagawa kundi ang ngumiti na lang kahit na gusto ko siyang patigilin.
“To be honest, Ashteroh is not that intimidating like I expected. He's actually kind and sweet. He also--”
Nagpanggap ako na humikab. Napatigil naman si Thalia sa pagk-kwento na ipinagpapasalamat ko.
“Oh, you're sleepy na? Go ahead, tulog na tayo,” sabi na lang ni Thalia saka inayos ang kumot naming dalawa.
“Good night, Thalia,” sabi ko na lang saka tipid na ngumiti. Ipinikit ko na agad ang mga mata ko.
“Good night, crazy bitch,” sabi rin naman n'ya.
Pinilit kong makatulog pero walang talab. Hindi na naman bago sa akin 'to dahil palagi naman akong nahihirapan matulog. Nanatili na lang akong nakapikit, nagba-baka sakali na makatulog ako bigla.
Makalipas ang ilang oras, naramdaman kong bumangon si Thalia mula sa kama. Nanatili naman akong nakapikit at pinakiramdaman na lang siya.
“Hey, what are you doing here, Ashteroh?”
Napakapit ako nang mahigpit sa kumot at pilit na pinakalma ang sarili ko nang marinig ko ang pagbanggit ni Thalia sa pangalan n'ya.
“I missed you.” Narinig kong bulong ni Ashteroh.
“I told you let's not have our late night talk tonight muna because Nathalie is with me. She's sleeping now, oh. Baka magtaka pa siya wala ako paggising n'ya,” saad naman ni Thalia.
“Saglit lang. I'll just hug you. Just ten minutes, baby,” tila nakikiusap na sabi ni Ashteroh.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin. Naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko ngunit pilit kong nilabanan 'yon.
“Okay, sige na nga. Ang kulit mo.”
Naramdaman kong naglakad na sila palayo. Marahan ko namang idinilat ang mga mata ko at sinilip sila. Nagtungo sila sa may balcony at doon nag-usap. Tila may kumirot na naman sa puso ko nang makitang yumakap si Ashteroh mula sa likuran ni Thalia.
Nanginginig ang mga kamay ko. Pinilit kong bumangon at tiningnan pa sila lalo kahit na alam kong dobleng sakit ang magiging dulot no'n sa akin.
“I was really mad! I hate perverts like him. But I kicked his balls really hard! Serves him right,” narinig kong pagk-kwento ni Thalia.
Napangiti si Ashteroh saka isinandal ang baba n'ya sa balikat ni Thalia habang nakikinig sa kwento nito. Tila mas hinigpitan nito ang yakap kay Thalia na para bang ayaw na n'ya itong pakawalan.
Mas lalong nadurog ang puso ko habang nakatingin sa magandang ngiti ni Ashteroh. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti simula nang makita ko siya ulit. Iyon ang ngiti na palagi n'yang binibigay sa akin noon. Ako ang dahilan ng ngiting 'yon noon.
Muli akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napatakip ako sa bibig ko habang lumuluha. Pinilit kong h'wag gumawa ng ingay at tahimik na lumuha.
Ang tingin, ngiti, at yakap na dating para sa akin... para kay Thalia na ngayon. Si Thalia na ang may ari ng puso n'ya ngayon.