Chapter Fourteen

“Mukha ba akong takbuhan ng mga brokenhearted?”

I glared at Cadence and threw a pillow at him when I heard a nonsensical complain from him. I hugged another pillow and buried my face there.

“Totoo naman, e. Nu'ng brokenhearted si Abi sa akin din nag-rant at umiyak. Nakakasawa na rin kaya maging crying shoulder. I don't deserve this! I deserve better, I deserve you. Yiee--aray! Tangina, pangit mo talaga ka-bonding. Cancelled ka na,” reklamo n'ya nang muli ko siyang batuhin ng unan.

I just stayed quiet and stared at the ceiling. I sighed and closed my eyes. My heart still feels heavy until now. I'm obviously jealous... but why the hell would I be jealous? I rarely feel jealousy, but right now, I easily got jealous of my own mother. I can't forgive Xanthos for making me feel like this. He's the only man who made me feel like this and I hate it!

“Kanina pa natunog 'yang phone mo. Baka si Xanthos 'yan,” sabi ni Cad saka itinuro ang phone ko na nakapatong lang sa kama.

“So?” I asked and raised my eyebrow.

“Aw 'no, kunwari strong pero marupok naman,” bulong ni Cadence na narinig ko naman.

Natahimik na lang ako sa sinabi n'ya. Wala ako sa mood makipaglokohan kay Cadence. Gusto ko lang talaga ng may kasama ngayon. Kung nakapag-isip pa ako nang ayos baka si Abi ang pinuntahan ko at hindi siya.

“Baka naman kino-comfort lang ni Xanthos 'yung Mommy mo. Diba nga sabi mo bigla na lang nakipag-break si Xanthos? Kahit naman kunwarian lang kuno 'yon, malay mo na-fall talaga si Tita Akira at nasaktan pero ikaw talaga ang legit, true, tunay, at totoong gusto ni pareng Xanthos.” Napakamot si Cad sa kilay n'ya. “Oh, 'di ba? Grabe 'yung theory ko, 'no? Pwede na 'ko maging author sa wattpad. Ang ilalagay kong title, ‘Nanay ko, karibal ko’ shet. Magiging best selling book of the history 'yon, masisira career ni JK Rowling.”

I let out a heavy sigh and stared at my phone. Sa totoo lang, nangangati na akong tingnan ang cellphone ko. Pero ayoko namang ipakita kay Cad na marupok ako.

“Kiarabog, magjowa na ba kayo ni Xanthos?” tanong ni Cad.

My forehead creased with his question.

“Not yet... I mean, no. Why?” My eyebrow shot up.

Cadence smirked and held my arm. I gasped in shock when he suddenly pulled me closer to him and made me sit on his lap without exerting much effort.

“W-What the fuck are you doing?” I asked, stammering.

He took his phone and took a picture of us. I was taken aback when he suddenly kissed my neck and took another picture. I tried to push him but he just held my back and pulled me closer to him.

Tila nakahinga na ako nang maluwag nang ilayo na n'ya ulit ang mukha sa leeg ko.

“Now, let me see,” he murmured and looked at his phone. Napatingin din ako ro'n.

Napasinghap ako nang makitang kinuhanan n'ya ng picture ang hitsura namin kanina. Akmang kukuhanin ko ang cellphone mula sa kanya pero agad n'yang nilagay 'yon sa likuran n'ya.

“Send natin 'to kay Xanthos. Kapag nagselos siya, ibig sabihin tama 'yung theory ko. Ano? Game?” nakangising tanong n'ya.

“Ano naman sa tingin mo ang gagawin n'ya sa 'yo kung magseselos talaga siya?” nakakunot-noong tanong ko.

“Ah, good question. I bet he'll kill me for real this time. Knowing him, kahit mata ko magkakaroon ng latay,” nakangiwing sabi n'ya.

I bit my lower lip and took a deep breath. I shook my head and scratched my nape.

“Don't send those pictures to him. Paano kung hindi naman siya magselos at isipin n'ya na masyado akong papansin,” bulong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

“Tanga, kunwari wrong send lang. Sige na, tingnan lang natin magiging reaksyon n'ya. Pero nga pala, kung sakaling may mangyayaring masama sa 'kin pagkatapos nito, sa 'yo na 'yung bar ko. Saka paki-donate na lang ng lahat ng kayaman ko sa mga charity, salamat,” sabi n'ya at pinagdikit pa ang dalawang palad.

Napairap na lang ako at muling sinubukang kuhanin sa kanya ang cellphone pero nagmatigas siya.

“Send ko na ha. H'wag kang mag-alala dahil magseselos talaga 'yon. Tingnan mo naman, ang hot natin sa picture,” nakangising sabi ni Cad saka muling tiningnan ang phone n'ya.

Napairap na lang ako at umalis sa kandungan n'ya. I sat beside him and hugged his pillow. I closed my eyes and let out a heavy sigh. I can't take Xanthos off my mind. How dare he play with me like that?

Sabi na nga ba, hindi dapat ako nagtiwala sa mga pinagsasabi n'ya. Kung tutuusin hindi ko pa naman siya gano'ng kilala. I just unknowingly fell for his trap. I'm ashamed of myself. Why did I become like this?

“Woah, na-seen n'ya na.”

Agad kong naidilat ang mga mata ko sa sinabi ni Cadence. Agad akong tumingin sa cellphone n'ya at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang ni-send n'ya nga kay Xanthos ang pictures namin kanina.

“What the fuck, Cad?!” I asked in shock. Cadence just chuckled and pinched my cheek.

“Trust me on this one, Kiara. I know what I'm doing,” he said and gave me a playful grin.

I just rolled my eyes and shrugged. Yeah, right. I shouldn't give a fuck anyway. Ano naman kung nakita ni Xanthos? Wala akong pakialam sa reaksyon n'ya o sa iisipin n'ya.

“Ano kayang iniisip ni gago? Bakit hindi nag-reply?” bulong ni Cadence habang nakatitig sa cellphone n'ya.

I snatched his phone away from him and put it on the bedside table. I glared at him and threw anothet pillow.

“Wala ka sigurong magawa sa buhay kaya pinagti-trip-an mo ako?” nakapamaywang na tanong ko.

“Ay grabe ka naman po, ate girl. Hindi ba pwedeng concerned lang talaga ako sa 'yo at tine-test ko kung seryoso ba talaga sa 'yo si mareng Xanthos? Ayaw mo bang gawin ko 'yon?” Napabuntonghininga si Cad. “Sorry ha, eto lang kasi ako, e. Sensya na, hindi mo 'ko pwede ipagmalaki. Ayaw talaga sa 'kin ng mundo. Life is so unfair. Sensya na, ako lang kasi 'to, walang kwenta. I'm just a simple person lang kasi, low-key. I'm just nobody. Sorry kasi--aray naman, Kiara!” reklamo n'ya nang sipain ko ang tagiliran n'ya.

Kung ano-ano na namang pinagsasasabi n'ya.

“Just shut up, Cad! Nag-iisip ako!” naiinis na sabi ko saka muling yumakap sa unan n'ya.

“Make out tayo para makapag-isip ka nang ayos saka---de joke lang. Grabe ka na talaga, ate girl. Hindi ka mabiro,” agad na sabi n'ya nang tingnan ko siya nang masama.

Natigilan lang kami nang marinig ang pagtunog ng doorbell ni Cad. Mahina kong sinipa ang binti ni Cadence para patayuin siya.

“Tingnan mo kung sino 'yon,” utos ko sa kanya.

“Boss ka ba?” tanong naman ni Cad.

I glared at him and was about to throw another pillow at him but he immediately stood up.

“Ito na nga po, boss Kiara,” sabi na lang ni Cad saka lumabas ng kwarto n'ya

Napabuntonghininga ako at muling pumikit. Mukhang dito muna ako matutulog ngayong gabi. Wala na rin naman akong lakas na umalis. I'll be staying here for tonight muna. Bukas kay Abi na lang ako pupunta.

I frozed when I heard a strange noise from Cad's living room. What the hell was that? Was that a gunshot or what?!

I immediately stood up and stormed out of his room. My lips parted when I saw Xanthos pointing a gun at Cad who's hiding under the table. My eyes widened in shock. Xanthos has a gun... what the hell is he doing?!

“Dude, k-kalma ka naman muna. Kapag napatay mo 'ko mawawalan ka ng poging kaibiga--ay puta! Saglit lang naman! Let me explain, pare!” hiyaw ni Cad nang paputukin ni Xanthos ang baril sa sahig malapit sa paa ni Cad.

“Xanthos! What the fuck is your problem?!”

Hindi ko na napigilang sumigaw. Napatingin naman sa 'kin si Xanthos kasabay ng pagkunot ng noo n'ya. Agad siyang lumapit sa 'kin ag hinila ako palapit sa kanya.

“If you don't want me to kill that asshole, come with me,” Xanthos muttered while staring at me.

Napatingin ako kay Cad. Lumabas na siya sa ilalim ng mesa na pinagtataguan n'ya. Napangisi siya saka inayos ang buhok n'yang nagulo.

“Pareng Xanthos, intindihin mo 'ko. Concerned friend lang ako ni Kiara. Saka dapat stick to one ka lang, mare. Hindi pwede na dalawa silang kini-keep mo. H'wag gano'n, mare. Gentleman tayo, e. Hindi tayo gago,” nakangising sabi ni Cad.

Xanthos glared and pointed his gun at him again. Hinawakan ko ang braso n'ya upang pigilan siya pero hindi siya natinag.

“Since you're my friend just like you said... I will kill you quickly without torturing you. Consider yourself lucky.” Kinasa ni Xanthos ang baril n'ya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakabahan. Malakas ang pakiramdam ko na hindi talaga babarilin ni Xanthos si Cad. Napabuntonghininga na lang ako at muling humawak sa braso ni Xanthos.

“Kapag pinaputok mo ulit 'yang baril mo, magagalit talaga ako.”

Halatang natigilan si Xanthos sa sinabi ko. Napabuntonghininga siya at itinago na lang ang baril sa bulsa ng coat n'ya. Napasinghap na lang ako nang bigla ako nitong buhatin na parang sako.

“W-What the fuck are you up to?!” I asked, stammering.

“I'll kidnap you,” he mumbled.

My eyes widened as my lips parted. He can't be serious.

“Hindi ako papayag pareng Xanthos. Dadaan ka muna kay Cadence Lettiere bago mo ma-kidnap si Kiara--” Naputol ang sasabihin ni Cadence. “--joke lang, boss. Sige, dalhin mo na si Kiara. Gusto naman talaga n'yan sumama sa 'yo, e. Pabebe lang 'yan. Sige, good luck. Fighting!” agad na sabi ni Cad.

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Hindi ko nakikita ang mukha ni Cadence ngayon dahil likod lang ni Xanthos ang nakikita ko pero gusto ko ng sapakin ang mukha n'ya ngayon.

“Cad, how dare you?! You worthless piece of--”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad ng tinalikuran ni Xanthos si Cad at lumabas ng unit nito habang buhat pa rin ako. Napabuga ako ng hangin at sinuntok ang likod ni Xanthos pero hindi siya natinag at tuloy pa rin sa paglalakad.

“Xanthos! Put me down! Ang sakit sa ulo!” I held my temple and gently massaged it.

I was taken aback when Xanthos put me down. I blinked and stared at him. He gave me gentle kiss on my forehead and carried me again... in a bridal style carry this time. I gasped and clung on his nape for support.

“Y-You don't have to carry me! I can walk.”

Hindi pinansin ni Xanthos ang sinabi ko at tumuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator.

My face went crimson red when other people in the elevator looked at us. I heard a group of girls giggling. I bit my lower lip and hide my face on Xanthos' chest. I will kill him later. I will kill him for embarrassing the hell out of me!

“Ang sweet nila, 'no? Sana all.”

“Ang pogi ni kuya. Swerte ni ate.”

“Bagong kasal yata sila. Nakakakilig naman.”

Lalong nag-init ang mukha ko nang marinig ang bulungan nila. Napakapit ako nang mahigpit sa coat ni Xanthos dahil sa kahihiyan.

Tahimik pa rin ako hanggang sa makarating kami sa kotse n'ya. I don't know why I'm just letting him take me, I don't know why I'm not protesting. I bet he's using some kind of magic to control me... or maybe I was just out of my mind.

I just looked at the window. Xanthos also remained quiet while driving. Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa makarating kami sa village or subdivision na hindi gaanong pamilyar sa akin. Pero mukhang mayayaman din ang mga nakatira dito.

Itinigil n'ya ang kotse sa tapat ng mataas na gate. Kusang bumukas 'yon at agad naman n'yang pinaandar ang kotse papasok.

Lumabas si Xanthos ng kotse. Hindi ko na hinintay na pagbuksan n'ya ako at agad na ring bumaba. Muling lumapit sa akin si Xanthos at binuhat ako.

“Where are we?” I asked. I just clung on his nape for support.

“My place,” Xanthos answered.

It seems like we're in his bachelor's pad. It's a two-storey glass-walled bachelor's pad with a rectangular pool. His place is spacious, I don't even know if I still have to call it a bachelor's pad because this place already looks like a mansion. The color theme of his house are black and gray. Unang tingin pa lang malalaman na agad na lalaki ang makatira dito.

Napatingin ako sa paligid ng bahay n'ya nang makapasok kami. Hindi ko maiwasang mamangha dahil mostly, sa glass wall gawa ang bahay n'ya. Nasa second floor ang kwarto dahil narito na sa first floor ang kusina at living room, may mini gym din.

Nasa iisang parte lang kami ng bahay pero makikita na ang kabuuan ng bahay n'ya maski sa second floor. Masasabi ko na magaling ang architect na nag-design ng bahay n'ya.

Pinaupo ako ni Xanthos sa table. Akmang itutulak ko siya pero agad n'yang iniharang ang mga braso sa magkabilang gilid ko. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil masyadong malapit ang mukha n'ya.

“W-What the fuck do you want?” I asked and tried to push him again but he just leaned closer to me.

I bit the insides of my cheeks when I suddenly inhaled his manly scent. My knees weakened and I unconsciously held his broad shoulder for support.

“I'm sorry.”

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Hinila n'ya ang isang upuan saka umupo ro'n. Natigilan na lang ako nang hawakan n'ya ako sa baywang at walang kahirap-hirap na pinaupo ako sa kandungan n'ya.

“Bakit ka nagso-sorry?” nakakunot-noong tanong ko.

“I'm sorry because I made you jealous. There's really nothing going on between us. I don't have any romantic affiliation with her and she knows that. I just felt bad because she fell in love with me for real. I'm sorry, Kiara. That won't happen again,” he explained while staring at me.

“Why do you have to say sorry? We're not in a relationship anyway,” I mumbled and turned my gaze away from him.

Xanthos held my chin and made me face him. I gasped when he suddenly gave me a soft kiss on my lips.

“I know that but even so, we have mutual feelings, right? It's not clear or official but we have feelings for each other. Even though our relationship isn't clear yet, you have all the right to get jealous and I have to apologize for making you feel that way.”

Natigilan ako sa sinabi n'ya at napakurap. Seryoso ang mga mata n'ya na nakatitig sa 'kin. Lalong nanghina ang mga tuhod ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at pilit na pinakalma ang paghinga ko.

My heart is beating crazily right now. I don't know why I can't take my eyes off him. How can he be so honest and straightforward about his feelings? I've been denying what I feel for him because I know there's no assurance.

“T-This is awkward, Xanthos. I just seduced you to get the fuck out of my Mom's life. We can't be together for real. That will be really awkward, especially for Mom... and if she really fell in love with you... that will be a problem,” I muttered in a soft voice.

Natigilan na lang ako nang pagdikitin ni Xanthos ang noo namin. Pumikit siya saka mas hinila ako palapit sa kanya.

“Let's not talk about that now. I need to rest first. Those pictures that Cadence sent to me drained my energy,” he murmured and buried his face on my neck.

“Those pictures are nothing. Pinagti-trip-an ka lang ni Cad,” sabi ko na lang.

Nag-explain siya sa akin ng side n'ya, kaya siguro dapat din akong mag-explain.

Hindi nagsalita si Xanthos at hinigpitan na lang ang yakap sa 'kin. Marahan ko namang hinaplos ang buhok n'ya... mukhang pagod nga talaga siya.

Natigilan ako nang alisin ni Xanthos ang mukha sa leeg ko saka tumitig sa akin.

“Your presence feels home,” he mumbled and gently caressed my cheek.

Hindi na naman ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. His simple words can destroy all of my defenses... this is not good.

NAGISING AKO NANG maramdaman na wala si Xanthos sa tabi ko. Bumangon ako at kinusot ang mga mata ko. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa bedside table. Agad kong kinuha 'yon at tiningnan kung may text.

My forehead creased when I saw a message from Dad.

Dad: Kiara, when will you come back? The company is not in good situation right now. I need your help, but I'm not forcing you.

I sighed and massaged my nape. I almost forgot my job because of Xanthos. Mukhang kailangan ko ng bumalik sa trabaho. I can't let my Dad be stressed out alone.

Ano kayang problema ng kompanya? Mukhang seryoso ang problemang 'yon dahil nag-text na talaga si Dad para pabalikin ako.

Napailing na lang ako at hinanap si Xanthos. Tumayo ako at inayos ang t-shirt ni Xanthos na suot ko ngayon. Lumabas ako ng kwarto at agad na nagtungo sa first floor para hanapin siya. Napakunot na lang ang noo ko nang makitang wala rin siya ro'n.

Lumabas ako ng bahay at doon ko na siya nakita. He's sitting at the chair near the pool with a glass of liquor in his hand. He took a sip while staring at the dark sky.

Hindi gano'ng kalayo ang pwesto ko sa kanya pero mukhang hindi n'ya ako napansin. Tahimik na nakatitig lang ako sa kanya at hinayaan siyang mapag-isa.

Natigilan ako nang mapatingin sa mukha n'ya.

“X-Xanthos,” I mumbled when I saw his eyes.

His eyes... they look so empty and sad. His eyes are probably the loneliest eyes that I've ever seen. He's staring at the sky full of stars with a hint of sorrow and melancholy.

It feels like this is his real emotion. He looks miserable, he seems lonely, and his eyes are full of pain.

My heart throbbed while staring at him. Hindi ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko habang nakatingin sa malungkot n'yang mga mata na nakatingin sa langit.

For some unknown reason, my vision became blurry because of tears forming in my eyes... seeing him like this, seeing his true feelings... makes me sad too.

Bakit? Bakit sobrang lungkot ng mga mata n'ya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.