Chapter 26

“HINDI pa rin ako makapaniwala na nakasama mo si Mommy no’ng mga panahong hindi namin siya nakasama.” sabi kay Caraleigh ni Cage habang mataman itong nakatingin sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa sementeryo at katatapos lang nilang magdasal para sa kaluluwa ng kanyang Mama France. Pati ang Papa Art niya ay dinasalanan din niya kaya nahuli siyang magmulat ng mata kaysa kay Cage. Pagmulat niya ng kanyang mga mata’y nakahalukipkip ito habang nakatitig sa kanya.

“Hindi ko choice ‘yon. Pero mahal ko si Mama.” aniya.

“Mama.” ulit nito sa tawag niya sa ina nito. It felt like an awkward moment for the both of them. “Naiinggit ako sa’yo, alam mo ba?”

Bumuntong-hininga siya. “Cage, sinabi ko na, ‘di ba? It’s not my choice.”

“Alam ko, sinasabi ko lang. We would’ve been there for Mom if someone told us about this a year ago.” malungkot na sabi nito.

Naiyuko niya ang kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng guilt sa sinabi nito. “I’m sorry.” aniya.

“Okay lang. Marami na ang nangyari na hindi naman natin kasalanan. Yes, involve nga tayo pero this complication is more than a decade ago. Caraleigh, can I ask for a little something?”

“Ano ‘yon?”

“I want to see Mom’s memorabilias. Gusto kong makita kung saan siya tumira, gusto kong malaman ang lahat tungkol sa naging buhay niya. What was she like? Fifteen years old pa lang ako nang iwan niya kami. Nakasama ko lang siya for almost half of my life. I want to know what she’d been for these past years. Ikaw lang ang makakagawa no’n, Caraleigh.”

Bigla siyang napatingin dito dahil sa mga sinabi nito. Natupad na niya ang pangako niya sa kanyang Mama France na sabihin sa mga ito ang mga dapat sabihin at naibigay na rin niya ang mga sulat sa tatlo kaya bakit kailangan pa niyang pagbigyan si Cage ngayon?

Nang biglang umihip ang hangin ay nanindig ang mga balahibo niya. Mama? Seryoso ka ba? Makakasama ko pa rin ang makulit na ‘to? He’s a flirt! tanggi ng isip niya.

“It’s the least you could do to help me ease my longing. O baka naman, natatakot kang mapalapit sa’kin dahil baka ma-in love sa’kin?” biro nito.

Here he goes again. Umiling siya. “Fine. Isasama kita sa bahay bukas. And excuse me, hindi ka loveable kaya bakit ako mai-in love sa’yo?” mataray na sabi niya rito. Nag-sign of the cross siya habang nakaharap sa puntod ng Mama France at Papa Art niya saka naunang maglakad kay Cage paalis doon.

“Bakit bukas pa?”

“May trabaho pa ako ngayon. At siguro nama’y may trabaho ka rin ngayon?”

“Okay. Tomorrow, then. At, ‘wag kang magsisisi kapag na-in love ka sa’kin dahil hindi nga ako loveable, I am very loveable.” hirit pa nito.

“Ang dami mong satsat, Cage. Bumalik ka na sa opisina mo at babalik na rin ako sa opisina ko, okay?”

“Yes, boss.” anitong sumaludo pa sa kanya. Nang marating niya ang kanyang kotse ay agad siyang sumakay doon. Hinabol naman siya ni Cage at kinatok ang kanyang pintuan.

“Ano?”

“Why are you always growling at me?”

“I’m not growling at you.”

“Okay. Pwede ba tayong mag-dinner later?”

“No.”

“How about breakfast tomorrow?”

“No.”

“Lunch?”

“No, no, no and no. Cage, wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Kung kumakain man ako, it’s either nasa field ako o nasa opisina lang. I don’t go to fancy restaurants to eat like you do.” sabi niya rito.

“Okay, then. Bye.” tila sumusukong sabi nito saka iminwestrang lumakad na siya. Tinanguan niya ito at saka pinaandar ang kanyang kotse paalis sa lugar na iyon. Nakita niyang nakatayo pa rin si Cage doon mula sa rearview mirror pero hindi na lang niya ito pinansin pa.

Napa-fascinate lang siya sa’kin dahil…iba ako sa mga babaeng idine-date niya. Iyon lang iyon. A guy like him could easily look for someone more interesting. Mamalay na lang ako, may iba na ulit siyang idine-date.

“BAKIT nilalabas mo ang mga gamit ni Tita France?” nagtatakang tanong kay Caraleigh ni Lemon.

Maaga na naman itong nagpunta sa bahay niya at dinalhan siya ng agahan na luto daw ng ina nito. Sunday ngayon at hindi siya makakapunta sa weekend get-together ng pamilya Martinez dahil pupunta roon si Cage ngayon para tingnan ang mga gamit ng kanyang Mama France. Kaya inilalabas niya ang mga iyon.

Mamayang hapon naman ay pupunta siya sa Batangas para makipag-karera na nakaugalian na niyang gawin tuwing linggo ng hapon. Dalawang oras lang naman mula Maynila hanggang Batangas kaya nakakapagbalikan siya.

“Pupunta kasi ngayon ang anak niya. Eh, gustong makita ang mga gamit ni Mama kaya nilalabas ko na.” aniya.

“Sino sa kanila ang pupunta dito? Si Cage ba?”

“Bakit si Cage naman agad ang tinanong mo?”

“Feeling ko lang. So, siya ba, Ate?”

“Oo. Mamaya lang siguro nandito na ‘yon. Tapos ka na bang magluto?” pag-iiba niya ng usapan.

“Oo, Ate. Kasya naman siguro ‘yon para sa’ting tatlo. Hindi mo naman kasi sinabi na pupunta dito si Cage Alonzo. Eh ‘di sana, binonggahan ko ang handa natin.” ani Lemon.

“Akala ko ba, hindi ka dito kakain?”

“Ate, ito ang first time na makikilala ko ng personal si Cage Alonzo. Mamaya na lang ako uuwi. Bakit? Gusto mo siyang masolo, ‘no?” nanunudyong tanong nito sa kanya.

“Tumigil ka, Lemon. Wala akong gusto sa kanya.”

“Malay mo siya ang may gusto sa’yo.” Pinanlakihan na lang niya ito ng mata. Kung magsasalita pa siya’y alam niyang may igaganti rin ito sa kanyang litanya. Magsasayang lang siya ng laway sa pakikipagtalo rito kaya huwag na lang.

“Oh my, god! Nandito na siya!” excited na sigaw ni Lemon saka tinungo ang pintuan ng kanilang bahay. “Hi, Cage!” masiglang bati ng kanyang kapatid sa lalaki. Napailing na lang siya.

“Well, hello there, lady.” swabeng bati naman dito ni Cage.

“Oh-my-gosh! Tama nga sila. Ang gwapo mo nga!” bulalas ni Lemon. Bago pa kung ano ang masabi nito’y pinuntahan na niya ang mga ito.

Pagkakita niya kay Cage ay nagulat siya dahil napaka-kaswal ng suot nitong damit. Simpleng maong pants at t-shirt lang ang suot nito pero para pa rin itong model. Ikinataas naman niya ng kilay ang mga dala nitong plastic bag na tingin niya’y naglalaman ng mga pagkain.

“Hi!” bati nito sa kanya.

“Si Lemon nga pala, kapatid ko.” pakilala niya rito kay Lemon. “Halika na para matapos na ito.”

“Huh? Ah, okay. May dala nga pala akong mga pagkain.”

“Ang sweet mo naman. Ano ‘yang mga ‘yan?” tanong dito ni Lemon.

“Chicken Cordon Bleu, some coleslaw, java rice, prawn thermidor and blueberry cheesecake.” ani Cage. Napangiwi siya sa sinabi nito.

“Wow! Favorite ko lahat ‘yan ah. But sad to say, allergic si Ate sa chicken at hindi naman siya kumakain ng hipon dahil takot siya ro’n.” ani Lemon.

“Talaga? Well, ano’ng gusto mong kainin? Bibili na lang----------“

“’Wag na. May niluto namang pagkain d’yan si Lemon kaya ‘yon na lang. Kayong dalawa na lang ang kumain n’yan. Tara na.” aniya rito. Tinungo niya ang lanai na pinaglagyan niya ng mga gamit ng kanyang Mama France at sumunod naman si Cage.

Nang makita ni Cage ang lahat ng gamit ng ina nito ay kalungkutan at labis na pagkasabik ang makikita sa mukha nito. Iniabot niya rito ang family picture ng mga Alonzo at ang binurdang mga panyo ng kanyang Mama France para sa magkakapatid. Ikinwento rin niya rito kung paano siya pinalaki ng kanyang Mama France na parang isang tunay na anak hindi para inggitin si Cage kundi para maiparating dito kung gaano kabuting ina ang una.

“Sa aming tatlo, hindi si Nicko ang pinakaapektado sa pag-alis ni Mommy. Ako. I was her first born child. Ako ang mas matagal niyang nakasama. Mas sanay akong nando’n siya palagi para sa’kin. Siya ang nagturo sa’kin kung paano maging isang mabuting anak. Kung paano magmahal ng totoo. Siya ang nagpakilala sa’kin sa mundo ng pag-ibig. We were really close to each other. At gusto kong ang mapapangasawa ko ay katulad ni Mommy.”

“Fifteen ako noon. Uuwi ako mula sa school na may kwento tungkol sa mga babaeng nagkakagusto sa’kin o sa mga babaeng gusto ko. Sinasabi niya palagi sa’kin na darating ang isang babae sa buhay ko, ‘yong magmamahal sa’kin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya minahal ko talaga ang una kong naging girlfriend. Pero, hindi naman pala gano’n kadali ang magmahal. I needed Mom on my first heartbreak, pero nalaman ko na umalis na pala siya. Doon ako nagalit sa kanya. But then again, sabi mo nga, hindi ko alam ang totoong pangyayari.”

“I see.” ang tanging nasabi niya.

“Ikaw, Caraleigh? Ano’ng feeling na kompleto ang magulang mo sa paglaki mo?” tanong nito sa kanya.

“Lumaki nga ako na may kompletong pamilya pero…hindi naman pala sila ang tunay na mga magulang ko.” pag-amin niya.

“Nahanap mo na ba ang totoong pamilya mo ngayon?”

“Yeah. Actually, si Lemon ay step-sister ko. At ‘yong pinagta-trabahuhan kong agency ngayon, sa biological father ko ‘yon.”

“Oh, I see. I guess you’re story ended up well, huh?”

“Akala mo lang ‘yon.” tanging sabi niya.

“Pwede ko na bang hingin ang mga ‘to?” tanong nito sa kanya habang hawak ang mga panyo at litrato ng Mama France niya. “Alam mo namang sinunog ni Nicko ang lahat ng pictures namin kasama si Mommy.”

“Oo naman. Sa inyo ‘yan eh.” aniya rito. Tinulungan niya ito sa paglalagay sa mga iyon sa isang kahon.

“You know what, I really like you, Caraleigh. Ever since I saw you in that bar.” sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. Bigla siyang napatingin dito pero nagkamali yata siya ng galaw dahil sadyang napakalapit nito sa kanya. Nang titigan niya ang mga mata nito’y hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng mga iyon.

Tumikhim siya at tinapos ang paglalagay ng mga gamit ng kanyang Mama France sa kahon. “Kain na tayo. May lakad pa ako eh.” aniya rito saka niyaya ito papunta sa komedor kung saan naghihintay ang isang mapanudyong Lemon.

“Makikinig ka na ba sa ninety-nine facts about guys ko, Ate?” agad na tanong nito sa kanya na may halong pambubuska.

“I can handle myself very well, Lemon. Thank you.” sarkastikong sabi niya rito. Ilang saglit lang ay dinaluhan na sila roon ni Cage at sabay silang kumaing tatlo.

“So, do you find my sister attractive, Cage?” tahasang tanong ni Lemon kay Cage. Pinandilatan niya ito ng mga mata pero nginisihan lang siya nito.

“Very.” agad namang sagot ni Cage. Iniikot lang niya ang kanyang mga mata.

“Nagpa-plano ka bang ligawan siya?”

“Well, yeah. Tinanong ko na siya dati kung pwede kaming mag-date pero ‘no’ lahat ang isinagot niya.”

Nag-uusap sila tungkol sa’kin sa mismong harap ko. Unbelievable!

“Well, dating is different from courting. Babaeng-Filipina si Ate kaya makaluma ‘yan. Gusto niyang nililigawan pa siya. Hindi ‘yong simpleng paglabas-labas lang.” sermon pa rito ni Lemon.

“In case you didn’t know, nandito lang po ako sa harap n’yo.” singit niya sa mga ito pero hindi man lang siya pinansin ng dalawa.

“So, gusto niya ‘yong hinaharana pa siya?” tanong ni Cage.

“Oo. ‘Yong tipong padadalhan mo siya ng mga bulaklak sa bahay at opisina, pagkain, romantic dates, ligawan sa bahay, makilala mo ang family namin, mga gano’n.”

“Hindi ako nagpapaligaw!” inis na sabi niya sa dalawa.

“Talaga? O, sige. Gagawin ko ang lahat ng ‘yon.”

“Then, you’re going to need my help.”

“Thank you, Lemon. Magkakasundo tayo.”

“Indeed we will.” At nagkamay pa ang dalawa sa mismong harap niya.

“Bahala kayo sa mga buhay n’yo! Kayo ang magligawan kung gusto n’yo!” inis na sabi niya sa dalawa saka dinala ang kanyang pagkain sa garden at doon na lang kumain. Narinig naman niyang nagtawanan ang dalawa pagkaalis niya na lalo niyang ikinainis.

She would never ever deal with a guy like Cage. Ever.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.