Kinabukasan, sakay siya ng chopper at nasa tabi niya ang binata na malalim ang isip. Basta lang itong nakatitig sa suot nitong singsing. Napangiti siya ng mapait. Obvious na engagement ring nito iyon kay Florae at nasaktan siya sa bahaging iyon. Mahal na mahal talaga nito ang babae.
Matapos maglagay ng isang basket ng bulaklak sa puntod ng kaniyang ama, hindi niya mapigilang mapahagulhul ng sobra. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa naramdaman niyang naging okay na siya.
Dad magiging lolo ka na, ‘yon nga lang, iniwan mo na ako. Pero ‘wag kang mag-alala Dad, aalagaan ko ang sarili ko at magiging apo niyo. Lagi niyong iisipin na mahal na mahal ko kayo at kayo ang pinaka-the best sa lahat ng Daddy sa mundo. Paalam Dad, magkasama na kayo ni mommy ngayon sa langit at payakap na lang po ako sa kaniya.
Dinama niya ang tiyan. Wala siyang planong ipaalam iyon sa binata at tingin niya ay wala naman itong pakialam. Nakatalikod ito at sa gawi niya at kausap nito ang isang gwapong nilalang na alam niya sa pangalang Farhistt Fortocarrero. Mukhang seryuso ang pinag-uusapan ng mga ito dahil hindi man lang nito napansin ang presinsya niya. Kaya ang ginawa ni Ellah, nagtungo siya sa malapit na waiting shed at umupo ro’n.
Marami siyang gustong gawin pero hindi niya alam kung alin sa mga ito ang una niyang sundin. Gusto rin niyang dalawin ang kompanyang iniwan ng ama at kumustahin ang naging takbo nito.
Naghintay siya nang ilang minuto na matapos si Cuhen at ang kausap nito sa seryusong pag-uusap. Nagulat lang siya nang biglang sumulpot si Azael na nakangisi. Papatayin yata siya nito sa takot!
Mahina itong natawa na ikabwesit ng kaniyang mukha, “Ba't ka ba nanggugulat?” inis na pakli niya.
“Halika, itakas na kita!” At hindi niya napaghandaan ang paghila nito sa kamay niya papalayo.
Hindi niya nagawang umayaw sa paghila nito. Lalo na nung lumiko sila sa isang pasilyo kung saan mataas na pader ang nakapaligid at sa unahan, ang sasakyan nito na nakapark. Mabilis siya nitong pinagbuksan ng sasakyan at pinasakay sa passenger seat, saka nito mabilis na pinaharurot ang sasakyan papalayo.
Humalakhak ang lalaki nang nasa highway na sila. Tuwang tuwa ito sa hindi niya alam na dahilan.
“Saan mo ba ako dadalhin?” natitilihang tanong niya lalo na at mabilis ang naging takbo ng sasakyan. Ayaw pa niyang mamatay!
“Relax, Ellah!” Bahagyang hininaan nito ang pagpatakbo. “Gusto mo ba puntahan natin ang kompanya ng Daddy mo?”
Biglang nag-ilaw ang hitsura niya sa sinabi ni Azael, “Talaga? Dadalhin mo ako ro’n?”
Ngumisi naman ito, “Mukha ba akong nagbibiro ngayon? Pero siyempre bago iyon, tanggalin mo muna iyang naka-dikit na GPS sa pendant mo para hindi tayo masundan ni Cuhen at ibalik sa kulungan mo.”
Nagtatakang napatingin siya sa kwentas na suot. Bigay ito ng kaniyang ama kaya hindi niya hinuhubad. Nang tingnan niya ang likod nito, may maliit na GPS tracker na nakadikit. Kasinlaki ito ng chia seed na nag-iilaw pula.
Tinanggal niya ang kaniyang kwentas at binigay sa lalaki. Sandali silang tumigil sa tabi at sinira nito ang tracking device saka sila nagpatuloy sa gitna ng daan. Hindi na siya nagtaka kung bakit palagi siyang nasusundan ni Cuhen dati. May tracking device pala itong nilagay sa kaniya.
Bahagyan niyang hinamig ang sarili dahil bigla na naman siyang nakaramdam ng inis sa ginawa nito. Kaya pala kahit anong gawin niyang pagtatago, lagi siya nitong nasusundan at sinusundan. Kailan ba siya nito nilagyan ng tracking device? Siguro nung magkasama na sila ni Kleve.
Huminto sila sa Hernandez Interprise. Naunang bumaba si Azael at saka siya inalalayan bumaba, na para bang hindi niya kayang maglakad mag-isa. Nakangiting binati siya ng guard ng pumasok sila sa loob pero masamang balita ang bumungad sa kaniya ng personal secretary ng kaniyang ama. Nasa pangalan na ni Cuhen ang kom-panya. Ito na ang bagong may-ari simula nung mawala ang ang matandang Don.
Napahawak siya sa kaniyang upuan. Nahihirapan yata siyang intindihin ang masamang balita iyon. Bakit hindi niya alam? Napatingin siya kay Azael, tumingin lang ito sa kaniya na parang alam nito ang nangyayari. Parang pinahiwatig lang nito na mas maganda kung siya mismo ang makakaalam na hindi na kaniya ang kompanyang pinagpuyatan ng kaniyang ama.
Hindi na siya nagtagal do’n, niyaya niya na si Azael na umalis sila at sinang-ayunan siya nito. Nawalan siya ng gana at bumigat ang nararamdaman niya. Ngumisi naman ang lalaki at inabot ang kaniyang pisngi.
“Gusto mong bumili tayo ng mangga diyan sa tabi?”
Namilog ang kaniyang mata sa sinabi nito sa manggang sinabi nito, “Pwede ba?”
Tumawa ito. “Yeah! Let’s go, Ellah.”
Huminto sila sa isang stall na puro mangga ang benta. Saglit nawala sa kaniyang isipan si Cuhen. Napalitan ng kasiyahan ang nararamdaman niyang bigat nang simulan niyang kainin ang mga manggang may bagoong sa gitna.
Nasa panglimang mangga na siya nang mahagip ng paningin niya si Azael, na malungkot na nakatingin sa isang dalagang nasa kalayuan. Naka-nerd glasses ito at maluwang na shirt and pants. Nakalugay ang kulutang light brown na buhok na halos tumabing na sa maganda nitong mukha. Panay lingon ito na parang may pinagtataguan.
“She’s the woman I really love... my love of my life...” malungkot na saad ni Azael na hindi pa rin iniwaglit ang tingin sa babae.
“Bakit hindi mo lapitan?”
“And she’s my little sister.”
Natigil sa ere ang pagkagat niya at napapantastikuhang napatingin dito. Tama ba ang narinig niya? Hindi siya mapang-husgang tao pero hindi niya maintindihan ang sinabi nito.
“She’s hiding away from me.” Malungkot na tumawa ito at napakamot sa batok. “Pero hindi niya alam na nakamasid lang ako sa kaniya mula sa malayo. But one day, magiging akin rin siya at ang relasyon na gusto kong mangyari ay mangyayari...”
Nag-ikot lang siya ng mata at hindi pinansin ang sinabi nito. Masyadong masarap ang manggang kinakain niya ngayon.
Halos nanakit ang paa ni Ellah sa kaiikot nila ni Azael. Para siyang batang nakawala sa kulungan niya kaya ganito siya ka-hyper. Bawat stall na madadaanan nila, hindi siya pumayag na hindi sila kumain sa bawat pagkaing naka-display. May ibang napa-pagkamalan silang mag-asawa ng lalaki dahil todo alalay ito sa kaniya. Pinagbigyan nito ang lahat ng trip niya sa araw na iyon at binilhan din siya ng matitinong damit. Mostly sa mga iyon ay maternal dress. Tinaasan na lang niya iyon ng kilay at hindi na nag-abalang magreklamo.
Pagod na pagod siya at akmang papasok na sa kotse ng binata nang may biglang humila sa kaniyang pulsuhan.
“Damn, Ellah!” malakas na sigaw ni Cuhen.
Napasinghap siya sa ginawa nito at akmang babawiin ang kamay pero mahigpit nitong hawak iyon at nasasaktan siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniya.
“Hey Cuhen, nasasaktan si Ellah sa pagkakahawak mo.” Pumagitna agad si Azael pero isang malakas na suntok ang binigay nito sa mukha bg binata.
“Fuck off, Azael Aadi Legrand!” nagbabaga ang mata nito ng balingan nito ang lalaki.
Biglang tumaas ang dugo niya sa ginawa nito. Akala nito, hindi niya alam na kinuha nito ang kompanya ng Hernandez? Tapos may gana pa itong saktan si Azael, na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin siya kahit isang araw lang. Ang kapal talaga ng pagmumukha nito!
Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa mukha ni Cuhen na halos ikabaling ng mukha nito. “Quit meddling my life, Mr. Malcogn. Stop pestering me! Buhay ko ito at mananatiling buhay ko ito kaya pwede ba—” Hinatak niya ang kamay at pinakawalan naman nito. “Hayaan mo ako!"
Madilim ang hitsurang tumingin ito sa kaniya pero hindi siya takot. Ewan kung saan galing ang tapang meron siya ngayon at ganito ang nararamdaman inis at galit niya sa binata.
“Are you saying that you enjoying his company?” naning-kit ang mga mata nito at bakas sa pisngi ang pamumula dahil sa sampal na ginawad niya.
“Oo!”
Ngumisi ito sabay ng pagtiim bagang. Nagpipigil itong sumuntok at halos magsilabasan ang litid ng ugat nito sa leeg. “Fine!” Hinatak siya nito saka malakas na sinalya kay Azael.
Maagap si Azael sa pagsalo sa kaniya at nakikita niya sa kislap ng mata nito ang wagi at saya. Mabilis na tumalikod si Cuhen ng walang sabi. Pero bago iyon, sinuntok nito ang hood ng kotse ni Azael at sinipa ng malakas ang pintuan bago umalis at pinaharurot nito ang sasakyan. Napatanga na lamang siya sa ginawa nito at inabot siya ng minuto para lang makabawi. Napaka-bipolar talaga ng lalaking si Cuhen!
“Damn! That was fast. Na-track agad tayo ng Cuhen na ‘yon. He’s a one hella demon.” humalakhak saad ni Azael at humawak pa talaga ito sa tiyan sa sobrang tawa.
Naningkit ang kaniyang mata nang tumingin dito, “Ano ba problema mo at wala ka ng ibang ginawa kundi ang tumawa?” inis na pakli niya.
“My God, Ellah! Masakit ang sampal na binigay mo sa kaniya. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung sinampal mo ang tanginang lalaking ‘yon. Damn that bastard! Hindi na ako magtataka kung ako ang susunod na target ng pinsan ko.”
“Magpinsan kayo?” parang tangang tanong niya.
Tumango ito at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse. “Hindi lang halata dahil mas gwapo kasi ako plus super appealing pa.”
Umikot ang mata niya sa sinabi nito. Para sa kaniya, mas gwapo si Cuhen. Papasok na siya nang may rumaragasang sasakyan at huminto sa kaniyang tabi mismo. Muntik na siyang atakihin sa takot kung hindi lang niya agad nakilala ang bumabang driver.
Cuhen! The devil is back.
Hinawakan siya nito sa braso at hinila papasok sa loob ng kotse nito. Hindi niya magawang sumigaw sa pagtutol sa sobrang gulat. Malakas nitong isinara ang pintuan ng kotse at saka binigyan ng dirty sign si Azael na nagkibit balikat lang at tumawa.
“Fasten your seatbelt, now!” malakas na saad nito nang magsimulang i-start ang makina ng kotse.
Hindi siya tuminag. Hindi niya alam kung bakit sobrang inis ang nararamdaman niya ngayon para rito. Tipong hindi siya natitinag kahit pa sumigaw ito. Pakialam nito? Eh, sa inis siya.
“Come on, Ellah! Don’t make me angry,” pagbabanta nito.
Nakakamatay na irap ang binigay niya sa binata, “Magalit ka pakialam ko!”
Inis na sinuntok nito ang manibela at nagtatagis ang bagang na inayos ang seatbelt niya. Namumula na ang mukha nito sa galit at para na itong sasabog. Mabilis niyang tinabig ang kamay nito at siya na ang nagkabit.
“Naalidbadbaran ako sa presinsya mo!” inis na pakli niya at inirapan ito sa ikalawang pagkakataon.
“Damn it!” galit naman na bigkas nito at mabilis na pina-harurot ang sasakyan. Kulang na lang ay lumipad sila sa bilis.
Kung hindi siguro siya buntis sa anak nila ni Cuhen baka nagustuhan pa niya ang pagpapatakbo nito. “Ano ba! Papatayin mo ba ako? Kung magawa mong patayin ang kapatid mo, pwes ‘wag mo ako isali!”
Napatiim bagang naman ito pero naramdaman niyang binagalan nito ang pagpapatakbo. Irap naman ang kaniyang binigay saka hinarap ang bintana. Ayaw niya talagang makita ang mukha nito sa totoo lang. Nagagalit siya, nabibwesit at naasar! Ang pangit-pangit nito.
Inis na bumaba si Cuhen mula sa driver side at pina-gbuksan ang dalaga. Nasa itaas ng Malcogn’s Empire ang chopper na magdadala sa kanila sa isla ngayon.
“Ayuko bumalik ro’n!”
Wala na ang takot na lagi niyang nakikita sa mga mata nito. Ang nasasalamin niya ngayon ay hindi niya mabasa and it makes him pissed. Nakilala lang nito si Azael, naging ganito na ito sa kaniya ngayon. That piece if shit! Tatargetin niya ang pag-aari nito pag magkita sila sa susunod.
“Hindi ko hiningi ang opinyon mo kaya bumaba ka na o papangkuin kita!”
Umikot ang eyeballs nito na ngayon lang niya nakitang ginawa nito sa kaniya. Damn! Papatayin talaga niya si Azael.
“Ayuko! Mas gusto kong kasama si Azael kesa tumira sa isla mo na kasama ka. Know what? I really hate your guts!”
Masamang titig ang pinukol niya rito at ngumisi, “Lalabas ka o hahalikan kita? I swear, hahalikan kita rito hanggang sa magkasugat-sugat iyang labi mo.”
Lihim na pumalakpak ang kaniyang ego nang makitang natigilan ito at galit na tiningnan siya. Kulang na lang ay lamunin siya nito ng buo. Walang sabi itong lumabas pero ang pag-aakala niyang sasabay ito sa kaniya papasok ng elevator, nagkakamali siya dahil ibang daan ang tinungo nito.