Chapter Story 1 - Chapter 13

“ Hi Celestine!” bati niya sa babae, “Ang aga mo nagising, gusto mo tulungan kita?”

Nasa labas ito at nagdidilig ng halaman. Kahit papaano ay nadagdagan na ang timbang nito at nagkalaman na ang payat nitong katawan. Mahiyain pa rin ang babae pero ngumingiti ito bilang tugon. Pili ang salitang lumalabas sa bibig at parang hirap dito ang makiharap sa mga tao. Kung makikisalamuha man ito, kailangan may hahawak sa kamay nito na para bang takot ito sa maraming tao.

“Hindi na po,” nahihiyang sagot nito at nagyuko ng ulo. Nag-excuse ito at lumipat sa ibang bahagi ng bakuran.

“Mahiyain siya, ‘no?” bulong sa kaniya ni Trinity. May bitbit itong pagkain at walang awang panay lamon.

“Oo, ikaw ba hindi nahihiya?”

“Saan?”

“Sa pang-apat na box ng pizza sa ganito kaaga! Trinidad, maawa ka sa mga bulate mo sa tiyan, gusto na nilang mag-diet pero pinapalamon mo!”

Inirapan lang siya nito at iniwan. “Nagsalita ang mukhang plato. Mag-diet lang ako kung mapapansin ni Henrik beauty ko!”

Nag-ikot lang siya ng tingin at umupo sa veranda. Mamaya pa silang hapon aalis ng kaniyang kaibigan patungong Tagaytay kaya magmumuni-muni lang muna siya sandali. Nakakamiss din pala ang mansiyon nila.

Nag-commute sila papuntang Tagaytay ng kaniyang kaibigan. Ang malala ro’n ay pagkain pa rin ang inatupag ng dambuhalang babaeng kasama niya. Kung hindi lang ito tao, matagal niya nang tinapon sa ilog.

Nung una ayaw pumayag nang kaniyang ina pero mapilit sila na mag-commute kesa ang magpahatid sa family driver nila. Wala naman masamang mangyayari sa kanila dahil isang suntok lang ni Trinity, tulog agad ang mga ito.

Sa mismong Legrand’s Residences sila nag-stay para hindi na mangulit ang kaniyang ina. Masaya ang unang araw ni-lang dalawa at puro pagkain ang kanilang inatupag. Nagpa-paligsahan yata silang dalawa.

Natigilan lang sila pareho nang may matanaw silang babae, na sobrang arte at panay reklamo sa isang utility. Nasa tabi ito nang malaking swimming pool at nagdadakdak. Thankful siya at hindi masyadong malamig sa Tagaytay ngayon. Baka tinanong niya na ito kung hindi ba ito nilalamig at may gana pa itong maligo. Nakinig lang sila ni Trinity sa pinag-iinarte nito at pamamahiya sa kawawang utility.

“Haven’t I told the management last nigt that I want this pool clean? Eww, so disgusting. Call the managing head, now!” maarteng deklara nito at nameywang pa.

Hindi nakapagtiis si Amara sa pinagsasabi nito, kung kaya humakbang siya papalapit sa babaeng nakatalikod sa kanilang gawi. Managing head ba hanap nito? Well, pwede naman siguro siyang lumapit at makipag-usap dito dahil anak naman siya ng may-ari ng Legrand’s Residences.

“Excuse me? You’re looking for me, Ma’m?” mabait na approached niya at nakangiting tinapik ang balikat nung lalaki na ibig sabihin ay siya na ang bahala. Nagulat ito pero hindi na nagsalita. Habang si Trinity ay lamon lang nang lamon sa isang tabi at nagta-thumbs up sa ka-niya. Napaka-supportive talaga ng kaniyang best friend!

Nagtaas ng kilay ang marteng babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang siya ng tsinelas at shorts. Plus malaking t-shirt, malaking glasses at naka-messy bun.

“Anong klaseng managing head ka to wear like that?” umismid ito, “But who cares? I want this pool na palitan ng tubig now na!” maarteng saad nito at nagtanggal ng suot na shade.

Nayayamot na tiningnan niya ito, “Ma’m we’re very sorry pero hindi pwede ‘yang gusto mo, maybe, mamayang gabi kapag wala ng naliligo,” mabait pa rin niyang sagot kahit ang totoo gusto niyang itulak ito at malunod na.

“Ang sabi ko, palitan niyo agad ang tubig sa pool na ito! Boyfriend ko ang ari ng Legrand’s Residence at isang sabi ko lang na ipatanggal kang babaeta ka, tatanggalin ka agad. Napaka-unprofessional pa ng suot mo and wala kang modo. You are bobo! You wait, at isusumbong kita.”

Napangisi siya at nagtaas ng kilay. “Then do it bitch.”

Nagulat ito sa kaniyang sinabi. Tumalim ang tingin nito sa kaniya at galit na umigkas ang kamay nito sa ere. Pero nauna niyang hawakan ang kamay nito at malakas na itinulak ito sa swimming pool. Baka naman, lumamig na ang ulo nito ngayon. Napangisi siya.

Napasigaw ang mga nakakita sa kaniyang ginawa at malakas na palakpak ang nakuha niya sa kaniyang supportive na kaibigan. The best talaga si Trinity! Agad niyang inirapan ang maarteng babae at tinalikuran ito. Ayan, maglugar ito sa kaartehan sa katawan.

“Hoooo! Bestfriend ko ‘yan!” malakas na sigaw ni Trinity.

Hindi pa tuluyan nakalayo si Amara, may humablot na sa kaniyang buhok. Hindi niya napaghandaan ang biglaan pagsa-bunot ng maarteng babae sa kaniya. Matangkad ito at petite lang siya pero hindi siya papatalo, nagsabunutan silang dalawa sa gilid ng pool.

“Bitch you’ll gonna pay this. I swear you’ll lose your job and everything.” pagsisigaw nito at walang balak yatang bitawan ang kaniyang mahal na buhok.

“Eh puta ka rin bwesit ka! Anong tingin mo sa tao rito utusan mong hindut ka. Lulunurin kitang hayop ka at pati ‘yan kaartehan mo!”

Nagsisisagawan ang mga taong nando’n pero walang umawat o sa tamang salita hindi sila nagpaawat. Dudurugin niya ang maarteng mukha nito hanggang sa magmukha itong jellyface at umalis.

“Mara! Enough!” Isang malakas na boses mula sa kung saan ang nagpatigil kay Amara. Lalo na nung may humila sa kaniyang beywang para makaalis sa ibabaw ng bwesit na babae.

Agad humagulhol at maarteng yumakap ang babae sa lalaking kilalang-kilala niya; si Azael.

Natigilan siya at tumayo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang lalaki na inaalo ang babae. Napangiti siya nang mapait. Kaya pala ang lakas ng loob ng bruha dahil may kapit pala kay Azael. Hmm, not bad. Magaling itong pumili ng defense.

“That bitch was trying to kill me, honey!”

Hindi siya sumagot. Humakbang siya paatras pero sandali siyang natigilan sa sinabi ni Azael. “You’re causing too much trouble here, brat.”

Kinalma niya ang sarili at hindi sumagot. Mabilis na sumunod ang kaniyang kaibigan at sinamahan siya nito sa kaniyang room. Nawalan na siya ng gana sa araw na iyon.

May bagong girlfriend na pala ito, kung gano’n saan ‘yong dating mukhang plastic na jowa nito dati na akala mo pamilya ng linta kung makakapit sa kapatid niya. Oh well, nag-upgrade ang pinagpalit nito, hindi na ito mukhang plastic kundi mukha itong engrone ng kuku! Napairap siya sa hangin.

Nagising siya sa ilang sunod na katok sa kaniyang room. Magkaiba sila ng room ni Trinity. Ayaw siya nitong makasama sa iisang bed at baka raw madaganan siya at maging sanhi ng maaga niyang pagkamatay. Baliw talaga ang kaibigan niya kahit kailan.

Wala sa ayos na bumangon siya at pinagbuksan ang panauhin niyang si Trinity. Ito lang naman ang alam niyang mang-didisturbo! Kukurutin lang niya ang singit nito— pero hindi ang kaniyang kaibigan ang nasa labas. It’s Azael. Galit itong naka-tingin sa kaniya at nababakas niya sa mga mata nito ang galit na tinatago. Wow ha, ito pa ang galit? Baka nakalimutan nito ang ginawang kawalanghiyaan sa kaniyang katawan?

Mabilis niyang isinara ang pintuan pero agad nitong hinawakan iyon. “Say sorry to her, Amara. You shouldn’t treat our guest like that. Act on your age and not on the size of your shoes. Masyado ka ng masakit sa ulo at lahat sa tingin mo ay gusto mo ay masusunod.”

Napangisi siya. Talaga lang, ha? “Get lost. Since then na binaboy mo ako, pati pagtawag at pagbanggit sa pangalan mo ay nasusuka ako.”

Kitang-kita niya ang sakit sa kislap ng mga mata nito. Marahan itong bumuntunghinga at nagbaba ng tingin. Tumalikod ito at umalis.

Mabilis na nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi siya sanay na ganito sila ng lalaki pero simula nang araw na iyon na inangkin siya nito, tinuldukan na nito ang pagka-kapatid nila. Mahal niya si Azael hanggang kapatid lang at masakit din sa kaniya na maging ganito silang dalawa. Nasanay din siyang laging nandiyan ang kuya niya sa lahat ng bagay na parang superman at akala niya magtutuloy iyon. Pero mali siya, ito rin pala ang sisira sa kaniya at sa relasyong magkapatid na meron sila.

Hindi rin sila agad nagtagal sa Tagaytay ni Trinity. Agad silang bumalik ng Manila at nagpasiyang lumamon na lang silang dalawa sa nagmamahalang restaurant. Nag-enjoy sila ni Trinity sa food tours nilang magkaibigan.

Nagtaka lang siya nung magkaroon ng family dinner ang pamilya Legrand at Willoughby sa isang sikat na restaurant sa Makati. Ayaw sanang pumayag ang Mommy niyang isama ang kaniyang kaibigan pero nagpumilit siyang isama ito para may kadaldalan siya at hindi mabagot. For sure, business lang ang pag-usapan ng mga ito kaya napa-oo ito.

Nagulat si Amara nang makita si Azael. Lihim siyang napairap nung umupo ito sa kaniyang tabi. Akala ba niya at nakabalik na ito sa America? Bakit nandito pa ito sa Pinas at anong ginagawa nito? Seryuso ang buong mukha nito at halatang ilang araw ng hindi nagsi-shave. Wasted.

Agad siyang nawalan ng gana sa kinakain. ‘Yong pineapple juice na lang ang kaniyang ininom at nagbibilang ng minuto kung kailan matatapos ang family dinner na iyon.

“Ngayon nasa tamang edad na si Amara, sapat na ito para pag-usapan ang kasal nila ng anak namin si Theon.”

Nasamid si Amara sa kaniyang iniinom. Agad siyang dinaluhan ni Trinity na gulat din sa narinig. Teka, mali lang ang narinig niya. Hindi naman siya naka-arrange marriage ‘di ba? Imposibleng mangyari iyon dahil alam niyang hindi magagawa ito ng parents nila. Sobrang imposible talaga!

Napatingin siya kay Theon, tahimik lang ito at nasa pagkain nito nakatuon ang atensyon. Parang wala itong pakialam kung ano ang nangyayari sa paligid.

“Teka... Teka tito,” naguguluhan tanong niya. Tumingin siya sa ama, “Dad? Anong nangyayari?”

Oo crush niya si Theon pero hindi naman ibig sabihin ay magpapakasal sila! Ang unfair sa part ng binata at sa kaniya.

“Yes darling, since kids ay nakatakda na kayong dalawa. It should be Azael and Theon older sister pero nagbago ang plano. kaya ikaw at si Theon ang napagkasunduan ng pamilya.”

Napamaang siya sa narinig. Halos hindi niya magawang kumurap sa nalaman. Nananaginip yata siya at ilang sandali lang ay mauuwi na ito sa bangungot. Hindi. Sunod-sunod siyang napailing.

Hindi siya makakapayag sa gusto ng mga ito! Hindi sila laruan dalawa ng lalaki. Ibubuka pa lang niya ang bibig para magsalita at tumutol pero naunahan na siya ni Azael.

“Fuck this family ties and wealth!”

“Azael,” sita ng kanilang ina, “Nasa harap tayo ng pamilya Willoughby!”

Mula sa kaniyang peripheral vision, nakita niya ang panga-ngalaiti at pagdilim ng mukha nito. Halatang-halata sa reaksyon nito malaking pagtutol sa mga nangyayari.

“Excuse me,” galit na saad nito. Mabilis itong tumalikod pero bago iyon, nakita ni Amara ang nagbabantang tingin nito sa kaniya na ilang segundo lang ang itinagal.

Nakaramdam siya ng takot at kaba sa titig na binigay nito. Segundo lang iyon pero pakiramdam niya, milyon-milyon men-sahe ang pinarating nito sa kaniya. Parang sinasabi nito na oras na pumayag siya at sumangayon sa gusto ng magulang nila ay malalagot siya nito. Wala itong sinabi pero kinain ng takot ang buo niyang pagkatao.

“Hey Amara, your mom asked you.” Si Trinity.

Saka lang siya parang nagbalik sa kaniyang katinuan at napatingin sa ina.

“Amara, honey?”

Kimi siyang ngumiti. Kaya ba niyang sirain ang ngiti nito ngayon kung sabihin niya na ayaw niya? Kung sakaling umayaw siya, titigil ba si Azael sa panggugulo sa buhay niya? Titigil na ba ito sa kabaliwan?

Tama, kailangan niyang tanggapin ang fixed marriage para matigil na ang kabaliwan ng kaniyang kapatid. Kung mag-papakasal sila ni Theon, titigil na ito at hindi na siya nito guguluhin pa. Maari na itong tumahimik kasama ang girlfriend nito. Kapag nasa kay Theon na siya, ibig sabihin, nasa poder siya ng lalaki at malayong guguluhin pa siya ni Azael.

“Yes papayag po ako,” walang gatol na sagot niya at napatingin kay Theon. Nagtaas ito ng tingin at halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.

“Are you sure Amara?”

Ngumiti lang siya at tumango. “Yes, I am.” Siguro naman ay titigil na ang kapatid niya. Wala siyang pakialam sa mga bantang nakikita niya sa mga mata nito kanina.

Hindi siya magpapadaig sa takot. Siguro naman ay matutunan nilang mahalin ni Theon ang isa’t isa. Kahit naman kasi crush niya ito, hindi ibig sabihin ay mahal niya na ito. Magkaiba ang dalawa at iyon ang alam ni Amara.

“Lukaret ka! Hindi mo man lang sinabi sa`kin na may fafa pa lang naghihintay sa`yo,” may pagtatampong satsat ng kaibigan niya nung pagawi na sila sa kaniya-kaniyang silid nang gabing iyon, “Tapos ang gwapo pa! Blue eyes si fafa Theon mo.”

Inirapan niya ito. Kung alam lang sana nito ang nangyayari baka maintindihan siya nito pero wala pa siyang lakas na loob na sabihin sa babae ang nangyari. Natatakot siyang hindi siya nito maintindihan lalo na sa parteng inangkin na ni Azael ang kaniyang katawan. Baka layuan siya nito.

“But anyway, he’s so gwapo naman like your kuya but mas bet ko pa rin ang crush kong si Henrik.” saka ito humagikhik.

Napangiti na lang siya sa kadaldalan nito. Bakit nga ba ulit sila nagkaibigan nito? Puro Henrik ang nasa bibig nito pero hindi man lang pinapakita sa kaniya ang mukha kahit sa picture.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.