“ You wake up?” Hindi lumilingon saad nito. Nanatili lang itong nakamasid sa magandang sinag ng buwan at pakiramdam ni Jackylyn ay siya ang nasasaktan para rito sa hindi niya alam na dahilan. Ilang minuto ang nagdaan bago niya sinubukan basagin ang katahimikan.
“I remembered my mother once said, ‘The sun sees your body. The moon sees your soul.’ At tama siya. Only the moon can sees us and noticed our deepest pain... The only one who appreciated us when the sun leaves us behind.” Napangiti siya ng mapait nang maalala niya ang yumaong Ina.
Napabuntunghinga ito at ilang segundo bago nagsalita. “Your Mom was right. I’m happy to know you have someone like her.”
“She’s already dead but I’m forever grateful.” ngumiti siya nang lingunin niya ito.
Bahagya itong natigilan sa kaniyang sinabi at napatingin sa kaniya. Tinitigan siya nito at kitang kita niya sa kislap ng mga mata nito ang lungkot at awa para sa kaniya.
“Pero alam kong masaya na si Inay kung nasaan man siya ngayon,” mahinang anas niya, “Pasensya sa pangingialam pero pwede ba akong magtanong kung bakit sobrang lungkot mo ngayon?”
Ngumiti ito at binalik ulit ang tingin sa buwan. “Lahat ng tao dumadaan sa kalungkutan Jacky.”
Napahiya siya sa naging sagot nito kaya pinili niyang manahimik.
“Pero sa`kin, pinili ko ito imbes na sumaya. Kung may sisisihin man sa kalungkutan ko ngayon, I blame myself.”
Napakagat siya ng labi sa bawat salitang binitawan nito ay tumagos sa puso niya. Alam niyang estranghero lang sila sa isa’t isa pero nasasaktan siya kahit hindi naman dapat. Gusto niyang tapikin ang balikat nito pero pinili niyang huwag gawin ang bagay na iyon.
Wala siyang masabi. Naiwan sa ere ang anuman sasabihin niya nung tumayo ito at biglang naghubad ng pangitaas na damit. Ang sumunod na ginawa nito ay nagpagulat sa kaniya, bigla itong tumalon sa dagat. Agad siyang napatayo at hintakot na tiningnan ang lalaki.
“Theon!”
Hindi siya marunong lumangoy kaya nagpanik siya sa totoo lang! Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ang lumusong din ba sa tubig o ang kumuha ng lifesaver. May nakita siyang salbabida kaya mabilis niya itong kinuha at walang pagdadalawang isip na tumalon siya sa tubig habang nasa balikat niya ang bagay na iyon. Sa isipin na nakainom ito at lasing, nag-alala siya para rito.
“Theon!” inulit niya ang pagtawag sa pangalan nito nung nasa tubig na siya at randam niya ang lamig sa kaniyang balat. Sa salbabida lang niya sinalalay ang kaniyang buhay ngayon.
Nagpalingon-lingon siya pero hindi niya makita ang lalaki kahit saan siya tumingin. Nagsimula siyang atakehin ng kaba. Baka nalunod na ito! Inulit niyang tawagin ang pangalan nito pero walang Theon na lumitaw. Nagsimula na siyang matuliro.
Kinampay niya ang kaniyang paa sa ilalim at medyo napalayo na siya sa yacht nang maramdaman niyang lumubog ang kaniyang katawan sa ilalim ng tubig. May humila sa kaniyang paa sa ilalim ng tubig at sa isipin na isa itong pating na napanood niya minsan sa movie ay bigla siyang napatili ng malakas sa takot.
“Hey Jackylyn!” Lumitaw sa kaniyang harapan ang lalaki na hinahanap niya.
Bigla siyang napayakap sa lalaki kahit may salbabidang nakaharang sa kaniyang katawan. Naiiyak siya. Pero sa maalalang hindi sila gaanong close ng lalaki at wala siyang ugnayan dito ay mabilis siyang bumitaw.
“Jacky…”
“N-nag-alala ako sa`yo, a-akala ko nalunod ka na.”
Natahimik naman ito at napatitig sa kaniya. Namumulang nagyuko siya ng tingin. Kahit gabi at madilim ang kalangitan, alam niyang napansin nito ang pagkulay rosas ng kaniyang pisngi. Walang ibang ibig sabihin ang kaniyang pag-alala.
“Why?”
Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito. “Ha?”
“Hindi ka marunong lumangoy kaya may life saver ka sa beywang. Why did you chose to jump in the water knowing na hindi ka marunong lumangoy?”
“Natakot ako nung bigla kang tumalon. Inisip ko baka malunod ka dahil ‘di ka agad nakaahon,” kagat-labing saad niya. Sumabay pa ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi niya mapigilan mangatal.
“Look Jacky, water is my bestfriend.”
Hindi siya nakasagot.
“Nilalamig ka na. Let’s get outta here.”
Tinulungan siya nito na makaalis sa tubig. Namumula na lang siyang nagtungo sa cabin at nagbanlaw para magbihis. Puting tshirt at kupasin pantalon ang kaniyang suot saka nagpasya na siyang hindi na lumabas pa. Wala naman sigurong masamang mangyayari rito.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at eksaktong paglabas niya ng cabin ay ang mabangong lutong pagkain ang sumalubong sa kaniya. Biglang nagreklamo ang kaniyang tiyan at napasunod kung saan galing ang amoy. Nakita niya ang lalaking nagluluto ngayon. Simpleng sando lang ang suot nito at beach short. May apron sa harapan at napalunok siya sa tanawin nakita niya. Pinilit niyang pinaalalahanan ang sarili na may asawa na ito at nandito lang siya pansamantala. Pinilit niyang ilagay sa utak na may iba siyang problema at kailangan niyang takasan iyon.
“You’re awake. Good. Now let’s eat,” hindi lumilingon sabi nito.
Napatango siya. Ngayon pa man ay iniisip niya na ang utang na loob sa lalaki at kung paano bayaran iyon. Masarap ang mga lutong nakahanda sa kaniyang harapan at inaamin niyang nalamangan nito ang galing niya sa kusina. May nakahanda pa na gatas sa kaniyang harapan at namumula na namans iya sa isipin na masyado yatang special ang pagtrato nito sa kaniya ngayon.
“Please fill your stomach, I know you’re hungry,” saad nito habang hinahanda rin nito ang coffee. “I’m going back to Manila tomorrow and we’re gonna part ways.”
Natigil siya sandali at napatingin sa lalaki. Inalis nito ang suot na apron at umupo sa kaniyang harapan habang bitbit ang mug na may kape sa isang kamay. Ngumiti ito at nagyaya na magsimula na silang kumain. Tanging tango lang ang sagot niya at palihim na pinagmamasdan ang gwapong mukha nito lalo na ang kulay asul nitong mga mata.
“Is there something wrong, Jacky?”
Nag-iwas siya ng tingin. Nahuli siya nito sa kaniyang ginawang pagnakaw ng tingin, “W-wala, pasensya na.”
Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain habang siya ay pinapangako niyang hindi na talaga siya titingin dito. Sa pagkain na lang ang kaniyang focus at kung gaano kasarap ito. Naputol lang iyon nung nagsalita ito.
“Why are you having scars on your wrist?”
Napatingin siya sa kaniyang pulsuhan at napatitig do’n. Bakit nga ba? Isang araw binalak niya magpakamatay at sumunod sa kaniyang inay gamit ang kutsilyo sa kusina pero nagising siyang nasa hospital at simula noon ay may bantay na siya kahit saan siya magpunta. Kahit sa kaniyang pagtulog ay meron nakabantay. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon ngayon nakatakas siya.
“W-wala ito. Nahulog ako sa puno nung bata pa ako at natusok.”
Nagkibit ito ng balikat saka humigop ng kape. Pakiramdam niya ay may gusto pa itong itanong pero mas pinili nitong tumahimik at pagmasdan siya. Naiilang na tinapos niya ang kaniyang pagkain at nagpresintang hugasan ang pinagkainan nila pero hindi siya nito pinayagan. Theon just let her rest and watch the endless view of the ocean.
Ilang minuto lang ang kaniyang tinagal sa pagtanaw sa walang hanggang tanawin saka siya nagpasyang pumasok ulit sa cabin. Mula rito, nakita niya ang kaniyang hitsura sa life size mirror na nando’n. Napatitig siya sa kaniyang sarili at kitang kita niya kung gaano kamiserable ang kaniyang buhay na meron siya ngayon. Ang eyebags niyang walang hinto sa pagbibisita sa kaniya at nadagdagan araw-araw. Dried lips na pati lipgloss mahihiya sa labi niya. Kulang na lang ay kabaong sa kaniya dahil sa putlang putla siya. Sa tangkad niyang 5’6, sobrang payat niya sa kaniyang timbang na 105 lbs. Napabuntunghinga siya at pinilit na ayusin ang sarili kahit ngayon lang.
Binuksan niya ang kaniyang bag at nilabas ang laman n’yon, chineck niya kung may nakalimutan ba siyang mahalagang dokumento. Napahinga siya at lahat naman kompleto. Tamang pera rin para siyang gamitin niya.
Kapagkuwan ay natigilan siya nang tumama ang kaniyang mata sa picture frame. Marahan niyang dinampot ang frame at pinagmasdan iyon. The last picture she have with her mother. Nakayakap siya rito at gano’n ito sa kaniya.
Ito lang ang tanging picture naitago niya, dahil ang iba ay sinunog. Lahat. Pati baby pictures niya at ilan na kagamitan nilang mag-ina. Hindi nga niya alam kung saan nakalibing o nilibing ang kaniyang Ina.
Pagkatapos siyang dalhin ng mga armadong mga lalaki, wala na siyang contact pa sa mundong una niyang namulatan. Lahat ay limitado na lang at may sariling mundo na ginawa para sa kaniya na nasanayan niyang mamuhay pero isang araw, tulad ng isang prinsesa tumakas siya sa kaniyang sariling palasyo.
“Huwag kang mag-alala ‘Nay, makakaya ko ito. Kakayanin ko ito kahit wala na kayo. Makakatakas ako at makakalayo, pangako ko ‘yan.” Mapait siyang ngumiti at binalik sa kaniyang bag ang picture frame. Ito na lang ang bagay na maituturing niyang kayamanan niya.
“Where are you, wifey?”
Natigilan si Jackylyn sa paglabas ng pintuan nang marinig niya ang boses ni Theon. Sandali siyang nag-isip kung lalabas ba siya ng tuluyan o pakikinggan niya ang lalaki habang kausap ang asawa nito?
Huminga siya ng malalim at pinili niya ang huli. Binuksan niya ng maliit na siwang ang pintuan at nakinig kay Theonn kahit kabastuhan ang kaniyang ginawa.
“You never tell me where you are.”
Kitang kita niya ang hindi maipintang hitsura ni Theon. Bahagya itong nakaharap sa kaniya at gumuhit ang sakit sa gwapo nitong mukha. Hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit nasasaktan ito pero pati siya ay nalungkot.
“Okay I got it. Don’t worry wife, I understand.”
Napahawak siya sa kaniyang dibdib at hindi niya alam kung saan galing ‘yong kirot. Nasasaktan siya at parang gusto niyang lapitan ito at tapikin ang balikat. Pero kung gagawin niya ang bagay na iyon, ano naman iyon para sa lalaki? Estranghero pa rin sila sa isa’t isa at hanggang bukas lang niya ito makakasama sa yacht nito at pagkataps niyan wala na, hindi niya alam kung makikita pa ba niya ito.
“Just take care and I...” hindi nito tinapos ang gustong sasabihin. Pinatay nito ang cellphone na hawak at pabulong na binigkas ang salitang ‘I love you’ sa hangin. Agad itong pumasok sa loob ng cabin nito at nag-lock ng pintuan.
Naninikip ang kaniyang dibdib sa nakita. Kabaliwang sabihin pero siya ang nasasaktan sa reaksyon ni Theon. Kahit wala itong sasabihin, damang-dama niya ang sakit sa boses nito.
Saka siya lumabas ng cabin at nagtungo ng deck. Mula rito ay tanan niya ang walang hanggang tanawin ng dagat at ang magandang sinag ng araw. Maganda ang araw ngayon at nagpangiti sa kaniya ang bagay na iyon. Inisip niya na sana ay dito na lang siya sa yate ng lalaki pero imposible naman ang kaniyang iniisip kaya kung ano man ang nararamdaman niyang pagkagusto laban dito, kakalimutan niya na.
Sumapit ang gabi at ang lamig ng hangin ang nagpadagdag ng kalungkutan sa puso niya. Ito na ‘yon gabing huli niyang makikita ang lalaki. Hindi ito lumabas simula kanina kaya naman ay nag-alala na rin siya. Gutom na rin siya at nagrereklamo na ang kaniyang tiyan. Naglakas loob na lang siyang magluto nang kung anong pagkain makita niya sa loob ng refrigerator na naroon. Hindi naman siguro ito magagalit kung mangingialam siya.
Ang paboritong lutong bahay ang hinanda niya nang makakita siya ng hipon. Isang Sauted Shrimp with String Bean at Sour Shrimp Soup ang kaniyang hinanda. Perfect para sa malamig na gabi at sa natatakam niyang tiyan. Matagal-tagal na rin pala siyang nakapagluto ng sarili niyang ulam. Napangiti siya nang tikman niya ang sinigang, tamang tama lang ang kaniyang timpla at bago pa niya ito lantakan lahat, tinungo niya ang cabin kung saan nandoon ang lalaki para tawagin na kumain na ito.
Huminga muna siya ng malalim bago niya kinatok ang pintuan. Nakailang beses siyang katok bago bumukas ang pintuan. Nagbaba siya ng tingin nang makita niyang kakagising lang nito at magulong magulo ang buhok, naka-topless at naka-boxer lang. Namumungay ang mga mata nitong para siyang hinihigop sa tuwing tinitingnan nya ang mga iyon.
“Yes?”
“A-ah, eh p-pasensya na kung nadisturbo po kita at sa pangingialam sa ref mo. N-nagluto na ako ng pagkain para makakain na kayo.” Ewan, kinabahan siya at nangatal. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil masyado siyang halata sa kaniyang reaksyon.
Hindi ito sumagot. Mas lalo siyang naasiwa. Kaya nagtaas siya ng tingin at namula ang buo niyang pisngi nang makitang tinititigan siya nito. “Susunod ako, mauna ka na kumain.” At pumasok na ulit ito sa loob.
Bumuka ang bibig niya dahil may gusto pa siyang sabihin pero ang pintuan ang sumalubong sa kaniya. Napabuntunghinga siya, mukhang hindi yata nito nagustuhan ang kaniyang pangin-gialam pero gutom na rin siya.
Matamlay siyang bumalik sa dining area at kumain mag-isa. Na-appreciate niya ang lutong ulam, paborito ito ng mama niya at sa pamamagitan lang nito, gusto niyang isipin nito na lagi itong nasa puso niya at alaala. Pagkatapos niyang kumain at maghugas ng pinagkainan, nagpunta siya sa flying bridge at umupo ro’n. Pinagmasdan niya ang mga navigation na nando’n pero hindi niya ginalaw. May kalakasan ang hangin at napayakap siya sa sarili nung tumingala siya. Kitang kita niya ang madilim na kalangitan hindi tulad kagabi na parang may araw sa sobrang liwanag.
Nilalaro niya ang kaniyang maikling buhok habang pinipilit bilangin ang mga bituin kahit wala siyang makita. Dinidistract niya ang kaniyang sarili para makapag-isip siya ng maayos mamaya bago matulog. Napapikit siya at hinayaan ang sariling maramdaman ang hanging malamig na dumadampi sa kaniyang pisngi. Pero ilang sandali lang ay napatayo siya sa kinauupuan nang maramadaman niya ang ilang patak ng ulan.
God! Parang uulan yata. Kailangan ko ng pumasok sa loob. Nagmadali siyang umalis doon sa flying bridge papuntang cabin.
Bahagya pa siyang nagulat nung nakasalubong niya ang lalaki. “What makes you hurry?” takang tanong nito.
Yumuko siya sandali bago nagsalita. “A-ah, umuulan kasi kaya papasok na ako. Tsaka nga po pala kumain ka na?”
Tumango ito at ngumiti. “Oo tapos na akong kumain. And by the way, I love the foods you prepared it brings back old memories.”
Namula siya sa sinabi ni Theon at nagpaalam na agad para pumasok sa loob. Baka hindi niya naman mapigilan ang sarili na titigan ang magagandang mga mata nito.
Pero nasa bukana pa lang siya ng pintuan nang buhumos ang malakas na ulan. Napapiksi siya. Bakit ngayon pa umulan? Ayaw na ayaw niya sa tuwing umiiyak ang langit. Pati kasi siya ay naaiiyak sa walang dahilan. Nagtungo siya sa kama at nagtalukbong ng kumot, magpapahinga na lang siya para bukas may lakas siya sa panibagong hamon ng buhay.