Habol niya ang kaniyang hininga nang nagtago siya sa likod bintana kung saan may makapal na ring curtain na nakaharang. Nasa harap ng pintuan si Zerus, kasama ang tatlong lalaki. Palingun-lingon ang mga ito ngayon at mukhang may hinahanap at alam niyang siya ang sadya ng mga ‘to. Kakaalis lang ni Theon at tulad ng napagkasunduan nila, mananatili siya pero mahirap yatang gawin iyon.
“Boss dito ba talaga siya tumakbo? Restricted area ito ni Mr. Willoughby, baka madali kami.”
Kahit papaano ay narinig niyang sabi ng isang kasamahan nito. Siguro ay tauhan din ito ng matandang Don. Sa dami ng tauhan nito at ang iba ay assassin, hindi na siya nagtaka.
“Alam ko pero ayo sa CCTV footage, dito siya tumakbo. Hindi ko lang nasundan kahapon dahil pinapunta ako ni Don Jukka sa mansiyon.”
Diyos ko! Napatuptop siya ng bibig. Paniguradong alam ng mga ito na nando’n siya sa loob at paano ung magtatanong ito kay Theon at sasabihin na ando’n nga siya?! Hindi. Hindi siya pwedeng bumalik ng mansiyon! Malayo na ang tinakas niya kaya sasagarin niya na. Mababaliw lang siya kapag binalik pa siya ulit sa apat na sulok ng kaniyang silid.
“Bakit kayo nandito?”
Napakunot noo siya nang marinig niya ang boses ni Theon. Akala ba niya umalis na ito?! Nasindak siya sa isipin na isusumbong siya nito sa mga ito. Hindi! Hindi pwede ngayon, wala siyang lakas para tumakbo at makipaghabulan na naman. Biglang natuliro ang kaniyang isip kung ano ang gagawin kung sakali na ituro siya nito na ando’n siya.
“We’re looking for a woman, dude,” mabilis na sagot nito.
“A woman?”
Bumagsak ang mga luha niya ng sabay-sabay. Nagsimula na naman siyang mangatal sa takot. Ang tagal niyang namuhay sa takot at hanggang ngayon ay takot pa rin siya.
“Yeah. Nakita ko siya na tumakbo rito sa taas. Baka nandito siya sa penthouse mo, nagtatago.”
Hinintay niya ang kasagutan ni Theon, dito nakasalalay ang kaligtasan niya ngayon. Kahit sabihin pa na magtago siya, pag sinabi nito na magkasama nga sila. She’s totally game over.
“If she’s here, I already fucked her in and out. Besides, restricted area ito. Baka tumakbo papuntang fire exit ang taong hinahanap niyo. Check for it. You know I hate trespassers.”
Natahimik naman ang mga ito at parang napahiya. “Yes, we’re sorry then. Boys let’s go!”
Napahinga siya ng maluwang nang marinig ang papalayong yabag ng mga ito. Salamat naman! Akala niya isusumbong siya ng lalaki sa mga ito. Nanghihinang napaupo siya sa sahig at agad pinunasan ang luha.
“Who are you really?”
Napatingin siya sa bagong pasok at kitang kita ang mga mata ni Theon na puno ng pagtatanong. Sasabihin na ba niya? Napakagat labi siya at pinagkuskos ang mga kuku sa kamay sa hindi alam na gagawin.
“Forget it,” ito rin ang sumagot sa tanong nito. “I have my own ways. I should go now. Call me kung kailangan mo ako.” tiningnan nito ang suot na relo at sinara ulit ang pintuan.
Napasunod ang kaniyang tingin sa lalaki at napabuntunghinga na lang siya. Alam niyang simula pa lang ang lahat at kailangan niyang maghanda-handa.
ILANG ARAW nagdaan, kahit papaano ay kumalma siya. Hindi na muling bumalik ang tauhan ni Don Jukka. She’s safe for now pero hindi siya dapat pakampante. Hindi lahat ng oras ay ligtas siya kaya dobleng ingat ang kaniyang ginagawa, hindi siya umaalis sa penthouse na iyon. Doon lang siya palagi sa terrace or balcony, gano’n lang ang kaniyang routine.
Pero isang hapon may bisitang nagpunta ro’n. Nag-kagulatan sila pareho. Isang magandang babae ang nasa kaniyang harapan ngayon. Bigla siyang nanliit sa sarili sa isipin na sobrang ganda-ganda nito sa kulutang buhok at ang amo ng mukha. The woman who stood in front of her is nothing but Theon's wife.
“Hello!” ngumiti ito at para siyang naparalisado sa kagandahan nitong taglay. “Asawa ako ni Theon, I have spare keys so I thought he was here though dalawang araw na rin siyang hindi umuwi. He never answer my call as well.”
Biglang natuliro ang kaniyang isip kung ano ang sasabihin. Hindi ba ito magtatanong kung sino siya? Kung sabagay, hindi naman siya nito pag-interisan pagselosan dahil wala sa kalingkingan nito ang ibubuga niya. May lahi lang siyang Finnish.
“H-hi po Ma’m, a-ah bagong housekeeper po ako rito. Ako po si Jackylyn,” nauutal na saad niya. Hindi niya kayang tingnan ito sa mata sa isipin na nung gabing iyon ay hinayaan niya ang lalaki na isipin na siya ang asawa nito. Bigla siyang kinain ng guilt sa sarili.
Ngumiti ito at doon pa lang alam niyang mabait ang babae. “Yes, I heard about you. Ikaw ‘yon sinabi niya na kinuha niyang temporary housekeeper.”
Mabilis siyang tumango at tipid na ngumiti. Parang sinuntok ang kaniyang puso sa sakit pero pinilit niyang itago ang nararamdaman sakit. Wala siyang karapatan masaktan.
“Y-yes po, ako. Ano po pala gusto n’yong inumin Ma’m at ihahanda ko kayo—”
“Naku ‘wag na! Ayuko abalahin ka rito. Akala ko kasi nandito ang pokpok na ‘yon.” Nilibot nito ang paningin.
“Po?” napakunot-noo siya sa sinabi nito. Pokpok?
Napahagikhik naman ito at umiling. “Wala. Sige, aalis na ako. Pasabi kung sakaling dumaan ang gwapong iyon dito—”
“Wifey?!”
Sabay silang napalingon sa bagong pasok na panauhin. Si Theon ito na suot ang kaniyang black suit and tie. Hindi maayos ang tie nito at gusot ang buhok. Para itong nakipaghabulan ng demonyo sa hitsura nito.
Nakita niyang ngumiti ang babae at agad na nilapitan si Theon na takang nakatingin lang sa asawa nito na tandang tanda niya sa pangalan Amara.
Inayos ng asawa nito ang necktie at sinuklay gamit ng daliri nito ang buhok. “Mr. Theon Willoughby, where have you been? Kung hindi ako nagpunta sa penthouse mo, hindi kita makikitang pokpok ka!” At piningot nito ang ilong ng taong mahal niya.
Mahal na nga ba talaga?
Napakagat labi siya at nagbaba ng tingin. Hindi niya kayang panoorin ang ka-sweetan ng mag-asawa. Wala siyang karapatan pero parang pinagsaksak ang puso niya sa sobrang sakit. God! Nagseselos ba siya? Ito na ‘yon sinasabi nilang selos at insecurities? Kasi ramdam na ramdam niya ang dalawang salita sa mga sandaling iyon.
“I’m sorry,” mahinang saad ni Theon.
“It’s okay, pwede mo ba akong samahan sa mansiyon ng Legrand? Mom and Dad wants to see us.” malambing na sambit ng babae.
Napatingin siya sa mga ito. Pati boses ay kinaiinggitan niya, sobrang sweet. Para siyang nanonood ng pelikula sa dalawang tao na naglalambingan sa kaniyang harapan. Marahan siyang tumalikod at umalis, nagtungo siya sa kusina at pansamantalang binigyan ang mga ito ng oras. Ayaw niyang isturbuhin ito.
“Did you tell something about what happen to us the other day to my wife?”
Nagulat siya sa pagbiglang sulpot ni Theon. Mabilis naman siyang umiling, in the first place why would she do that? Napahinga naman ito ng maluwang at tumango. Agad na din itong nagpaalam sa kaniya. Lihim naman siyang sumilip sa paalis na dalawa.
Sobrang perfect ng dalawa, as in. Nakakahiya kung may sisira sa relasyon ng mga ito pero naguguluhan siya kung bakit si Theon lang ang nagmamahal sa asawa nito. Wala siyang karanasan sa pagmamahal na iyan pero pakiramdam niya, siya itong nasasaktan.
Nang makaalis ang mga ito, sa terasa siya tumambay. Pinagmamasdan niya ang mga halaman at bulaklak na ngayon ay unti-unting sumisigla. Nang mapagod siya ro’n, nagpunta siya sa sala at nagbukas ng malaking flat screen TV. Palipat-lipat siya ng station hanggang sa kusang huminto siya sa isang channel na ang laman ay balita.
‘Don Jukka Rokassowskij donated 50 million USD for charity fund.’
Nanghihina na lamang siyang napakapit sa kinauupuan. Alam niya ang laro ng matanda, yes, totoong lolo niya ito. Hindi lang talaga patas ang mundo dahil kay Don Jukka siya pinadpad na isang masamang tao. Walang taong gustong mapasama ang sariling buhay pero mukhang iyon yata ang kaniyang tadhana niya pero hindi, babaguhin niya ang tadhana kung iyon ang nararapat.
Kung titingnan sa malapad na screen, isang mabait na tao ang matandang Don. Laging nakangiti at parang walang kasamaang taglay sa katawan. Pero sabi nga nila, minsan naging anghel si Satanas. Sa sobrang kademonyuhan nito, hindi siya nito pina-training ng kahit anong martial arts o sports para sa pakikipag-away dahil alam nitong dito niya unang gagamitin ang bagay na ito. Don Jukka used his intimidate power to manipulated everybody including her.
Tumakbo siya at tumakas no’ng malaman niyang ipapadala siya ni Don Jukka sa Finland para ipakilala sa kaniya ang anak ng kumpare nito. Nakita niya na ito rati nung kinse anyos pa siya at masasabi niyang mas matanda ito sa kaniya nang 20 years.
Nung tumuntong na siya ng labing-walo, gusto ng matanda na ikasal siya. Pero hindi siya tanga, pumasok siya sa isang website kung saan nakikita niya kung anong klaseng tao ang ipapakasal sa kaniya, kung kaano-ano ang relasyon nito sa matandang demonyo na kaniyang lolo.
Para lang malaman na isang may saltik sa ulo ang lalaking pinagbentahan sa kaniya. Oo, binenta siya ng sariling lolo niya sa halagang isang bilyon dolyar. Isa rin ito sa pinakabigating syndicate at tulad ng matanda, hindi tumatanggap ng hindi ang lalaking pinagbentahan nito sa kaniya. At the end of the day, mas matimbang talaga ang pera kesa sa dugo. Hindi na nga bago sa kaniya na ito ang pumatay sa mismong anak nito na ama niya na minsan kumalaban dito sa pamamagitan ng pagtanan nito sa kaniyang ina.
Mabuti na lang at may mabuti pa rin tao sa loob ng mansiyon at tinulungan siyang makatakas dahil kung sarili lang niya, hindi niya magagawa ‘yon. Pero lahat may kapalit, kaya hindi na siya pwedeng bumalik sa kaniyang kulungan! Hinding hindi. Kahit ngayon man lang, karapatan din niyang mamili ng taong mamahalin at papakasalan.
Alam niyang sa mga sandaling ito, nangangalaiti na sa galit ang matanda at ilang buhay na naman ang nasawi. Pero pagod na siya. Pagod na pagod sa lahat ng kagustuhan nito! Lumaki siyang puno ng takot pero ang takot na iyon ang ginawa niyang hakbang para makalayo na sana dapat matagal niya ng ginawa.
“HOW you doing here?”
Si Theon ito, nakakurbata ito at mukhang galing sa trabaho. Nagmistula itong formal tingnan at kahit sino yatang babae ay luluhod sa kagwapuhan nito.
Tipid siyang ngumiti at nagbaba ng tingin. “Okay lang naman ako.”
Tumango ito at inabot sa kaniya ang dalang paperbag. “My wife give this to you. I think she likes you.”
Namula siya sa sinabi nito pero tinanggap pa rin niya at nagpasalamat. “A-ano ba ang gusto mo cof—”
“Don’t bother Jackylyn,” mabait na saad nito at umakyat papuntang kwarto nito sa pangalawang palapag ng penthouse.
Napasunod naman ang kaniyang tingin sa lalaki at hinintay na mawala ito sa kaniyang tingin bago siya nagpuntang kusina para magluto. Ilang oras na lang ay gabi na at mukhang dito kakain ang lalaki kaya dadamihan niya na rin ang lulutuin. Napangiti siya sa isipin na kasama niya itong kakain ngayon gabi. Pinili niyang maghanda ng shrimp butter at ilang putahe pa ng seafoods. Pakanta-kanta pa siya habang naghahanda at nagluluto. Sana magustuhan ito ni Theon. Hindi naman siya nabigo, sinamahan siya nitong kumain at mas marami itong nakain kesa sa kaniya. Lihim siyang natawa nang magdighay ito at halatang nagustuhan nito ang kaniyang luto.
Nagpasalamat ito at agad na umakyat ulit sa kwarto nito, hindi nga lang niya alam kung dito ba ito matutulog o hindi pero lihim siyang nanalangin na sana dito ito matulog kahit ngayon gabi lang. Hindi sa selfish, alam naman niyang hindi niya ito pag-aari. Hindi rin ibig sabihin na dito niya sinuko ang pagkababae niya ay aarte siyang pag-aari niya ito, ang gusto lang niya ay makita ito at makasama bago siya aalis. Hindi naman siya habang-buhay sa poder nito.
Nasa terrace siya nagpapahangin nang makita niya si Theon sa balcony, nagpapahangin din at may hawak na kopita na alam niyang laman ay wine. Nakapamulsa ito sa suot na sweatpants at malayo ang tinitingnan. Ramdam niyang malungkot ang lalaki. Bigla rin siyang kinain ng lungkot at napatitig na lang dito. Lihim niyang pinalangin sa taas na sana, magawa itong mahalin ng asawa nito, na ito na ‘yong huling sandali na makita niyang malungkot ito.
Napasulyap ito sa kaniya at mabilis naman siyang nagbawi ng tingin. Napansin kaya siya nitong nakatitig siya? Nagmadali siyang pumasok sa loob at nagpasyang sa silid na lang siya tumambay. Malalim na rin ang gabi at kailangan na rin niyang magpahinga.
Papasok pa lang siya sa kaniyang silid nang biglang hilain ni Theon ang kaniyang kamay at isinandal siya sa dingding. Nahigit niya ang kaniyang hininga at hindi alam ang sasabihin sa inasta nito. May mali ba siyang nagawa or lasing na naman ito? Alin man sa dalawa ay hindi niya alam. Napatitig siya sa mga mata nito at hindi niya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na iyon. Basta isinandal lang siya nito sa dingding at ilang distansya lang ang layo nila sa isa’t isa.
“B-bakit?” lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil nauutal siya.
“What did you do to me?” galit na tanong nito. Malalim siya nitong tinitigan at parang nalulunod siya sa mga titig nito.
“Ang alin? W-wala akong ginagawa.” mabilis siyang umiling.
“Wrong!”
***