“ Going somewhere?” Nakataas ang kilay ni Jackylyn habang pinagmamasdan ang asawang si Theon na marahang humakbang papuntang bintana para doon dumaan.
Agad naman ngumiti ito nang lumingon sa kaniya at nagpa-cute na akala nito ay madadala siya sa magagandang ngiti nito at pa-cute eyes effect.
“I’m... I’m going to smoke?”
“Ewan ko kung saan ka pupuntang malandi ka. Bakit ako ang tinatanong mo?”
Kinabahang tumawa ito at agad na lumapit sa kaniya. Tingin nito, hindi niya alam na dadaan ito sa bintana para makaalis ng dis-oras ng gabi sa silid nila habang siya, dinadala niya ang kambal na anak nito?! Nagsimulang bumukal ang kaniyang dugo at umabot iyon hanggang ulo. At bago pa ito nakalapit, lumipad na sa mukha nito ang kutsilyong nasa ilalim na kanilang unan.
“Jacky?!”
“Sunod na tatama itong isang kutsilyo, sa itlog mo na!”
Napalunok naman ito ng wala sa oras at mabilis na sumampa sa kama. Para itong asong bahag ang buntot na agad naglambing sa kaniya.
“You think you could fool me, huh, Theon Willoughby?” pinandilatan niya ito ng mata.
Nag-puppy eyes agad ito at mabilis na inabot ang kaniyang kamay. Pinaghahalikan nito iyon at malambing na nakatingin sa kaniya. Pero hindi siya nagpapadala. Hindi siya nito makukuha sa lambing-lambing nito!
“Hindi naman baby, si Hudson kasi inanyayahan akong uminom. May away raw sila ni Abhaya, oo, may away sila kaya kailangan ako ng pinsan ko.”
Ngumisi naman si Jackylyn at nilabas ang cellphone mula sa ilalim ng unan ng asawa. Binantaan niya si Theon na huwag gumawa ng ingay at maghintay sa kaniyang go signal kung kailan ito pwedeng magsalita. Naging tuod naman si Theon at napalunok ng sunod-sunod.
“Baby—”
“Shhh!” pinandilatan niya ito ng mata. Agad naman itong tumahimik at napangiwi. Sinenyasan naman niya ang asawa na guguntingin niya ang pututoy nito pagkatapos ng tawag. Mas lalo tuloy itong kinabahan at sunod-sunod na napangiwi. “Abhaya, this is Jacky.” mabilis niyang sabi nang sagutin ni Abhaya ang phone nito matapos ang dalawang ring.
“Jacky!”
Sandali siyang natigilan ng marinig ang boses ng kaibigan. Anong nangyari dito? Sinadya niyang i-loud speaker ang phone para marinig ng hindut niyang asawa ang tawag nila ni Abhaya.
“B-ba’t ka napatawag?”
Napakunot siya sa tono ng boses ng babae. Mukhang hirap na hirap ito.
“Anong nangyari sa`yo?”
“W-wala...”
Nagkibit siya ng balikat sa sinabi nito. “Patanong ng magaling mong asawa, Abhaya, kung may lakad ba sila ng hindut kong asawa? Ang sabi kasi nitong si Theon na dinadaan ako sa pagtakas-takas ngayon kahit dala-dala ko ang dalawang anak niya, may away raw kayo ni Doc at gustong makipag-inuman, tama ba?”
“What?! Merde umm! No! Ahhh Hudson, don’t ahhhh! Wala kaming away. Well, except sa kama... Love! ‘Wag d’yan, ummm. Jacky, I need to hang—” at nawala ito sa kabilang linya.
Natawa na lang siya sa isiping sa kama pala nag-away ang kaibigan niya at si Hudson. Nang bumaling siya kay Theon, matalim na ang kaniyang tingin na binigay rito. Bigla naman itong napaurong na parang nakakita ng multo sa kaniyang presinsya.
“Halika ka nga rito!”
“Ouch, ouch! Baby masakit!”
Hinila lang naman niya ang kaniyang asawa sa pamamagaitan ng teynga nito. Tatakasana pa siya nito, ah. Tapos gagamit pa ng alibi, na hindi makakalusot sa kaniya. Tapos na ‘yong inosenteng Jackylyn sa isla, wild na Jackylyn na siya ngayon na handang paparusa rito kahit kabuwanan niya na.
“Magsabi ka ng totoo sa”kin, saan ka pupunta?!" pinandilatan niya ito ng mata habang hawak-hawak ang teynga nito. Wala siyang balak na bitawan iyon hanggang sa matanggal.
“Ah— eh—”
“Matulog ka d’yan!” Tinulak niya ito pahiga sa kama. “Huwag mo akong subukan sagarin ng pasensya, Mr. Willoughby at ngayon dala ko ang kambal mo, konti lang pasensya ko. Naiintindihan mo?!”
Napakurap-kurap naman si Theon na nakatingin sa kaniya na parang 'di makapaniwala. “Minsan, gusto kong isipin baby, may lahi ka talagang aswang.”
“Gusto mong maaswang ng sapak?” galit na tanong niya habang nakaumang ang kamay rito.
Para naman itong tutang bahag ang buntot na tumalima at agad natulog sa kaniyang tabi. Tatakasan pa siya nito, ah. Akala nito siguro hindi siya magigising? Anong training lang ba ang ginawa nila ni Abhaya sa isla ng Dark X kung sa asawa lang niyang hindut, maiisahan siya?
Bumalik siya sa pagkakahiga sa tabi ng kaniyang asawa nang marinig niya ang malakas na musika mula sa bintana. Napatingin siya roon at pinakinggan kung anong kanta.
Bahagya siyang natigilan nang marinig niya ang kantang ‘Ocean’s Awayʼ.
I never let
My guard go down
But you messed me up
When you came around.
When the high wore off
Know you needed space
But I don’t wanna wait
I don’t wanna mistake
Few thousand miles and an ocean away
But I see the sunrise, oh,
Just like the other day
Picture your eyes as I fall asleep
Tell myself it's alright, oh oh,
As the tears roll by
Ooh, I wish I could feel your face
Ooh, I'm helpless when I'm oceans away.
Hindi niya alam kung anong iisipin nang mga sandaling iyon. Inisip niya kung bakit naririnig niya ang kantang laging kinakanta sa kaniya ni Theon.
Napatingin siya sa katabi niyang asawa. Nakatingin na ito sa kaniya at malawak ang ngiting binigay. Para itong nanalo ng lotto sa lawak ng ngiti nito. Minsan ang creepy rin ni Theon.
I never felt
A room so still
See the future coming
Hope it isn't real
I learned to fake a smile
As the time runs out
I don’t wanna wait
Oh, I don’t wanna mistake.
“A-anong nangyayari?” nalito siya sa nangyari. Pinilit niyang bumangon at inalalayan naman siya ni Theon.
“It's our anniversary, baby.”
“Anniversary? Next week pa ang anniversary natin, Theon.”
“1 week Anniversary. 1 week celebrations.”
Natawa siya sa sinabing iyon ni Theon. Iba rin ang pakulo nito, eh. Nung nakaraan taon muntik din siyang atakehin sa supresa nito. Niregaluhan ba naman siya ng isang malaking python snake at gawin daw niyang alaga. Marami talaga itong alam kaya minsan nasasanay na siya lalo na sa taas ng libido nito pagdating sa kama. Kahit nga dala-dala niya ang kanilang kambal, himihirit pa ito ng isa at isa at isa pa.
“Dami mong alam!” kunwari inirapan niya ito pero totoo niyan, kilig na kilig ang kaniyang puso.
“Halika.” Inalalayan siya nitong tumayo at tinungo nila ang bintana.
Doon lang nakita ni Jackylyn na ando'n si Yx, ang apat na constellation na nakasambakol ang mukha, at si Mordeccai na bagot na bagot. May dalang flowers si Yx, cake kay Mordeccai at mga balloons at chocolates sa apat.
Ang lakas ng tawa niya nang makita ang mga mukha ng mga ito na halatang napilitan lang. Lalo na sa mukha ni Mordeccai na nakaupo sa amplifier box.
“God Theon! Baliw ka.”
“Kasi supresa sana ‘yan.”
Tinampal niya ito at hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa ibaba. Natatawa siya sa mga hitsura ng mga ito na parang namatayan at gusto ng ibato ang mga dala. Inisip niya kung paano napapayag ni Theon ang mga ito.
“Theon! Putangina mo! Gawain mo talaga ang disturbuhin ako sa pagtulog, ‘no?” malakas na sigaw ni Mordeccai. Nakasuot lang ito ng roba at malaki ang tsinelas.
“Hindi ko ‘yan kilala, baby. Huwag mo ng intindihin.”
“Gago ka. Kaibigan mo ‘yan.”
“Ha? Sino ‘yon?” maang-maangan pa nito.
God! Binibigyan talaga siya ng rason ni Theon na manganak nang dis-oras ng gabi.
“Can we go home now?” Si Tiverius ang nagtanong. “Look man, kapag nakita ng asawa ko na wala ako sa tabi niya. Puputulan ako n’yon ng kaligayahan!”
“Pati ‘yan baby, hindi ko rin kilala. Don’t mind them.
“Baliw ka!”
“Happy Anniversary sa inyo, little Jacky. But I really need to go home and—” Hindi natapos ang sasabihin ni Maccabi nang hilain ito ni Magnar papasok.
“We’re going inside! Damn. Ayuko maubos ng lamok ang magandang balat ko ritong healthy na healthy ang dugo.” Mabilis na hirit ni Magnar na ikinatango niya.
“Magsiuwi na kayo!”
Malakas na sapak naman ang nakuha ni Theon mula sa kaniya. Ang salbahe talaga ng ugali nito kahit kailan. Napakamot pa ito sa batok at nag-puppy eyes na tumingin sa kaniya pero hindi siya nagpapadala n’yon.
“Huwag muna kayong umuwi. Titiplahan ko lang kayo ng kape sa loob! Pasok kayo guys.” Siya na nagyaya sa mga ito at pinanlakihan ng mata si Theon na aangal pa.
“Jugjug time na sana eh.”
“Ano?” naningkit ang kaniyang mata nang mahagip ng kaniyang pandinig ang sinabi ng lalaki.
“Wala.” Napangiwi ito.
“Good.” Inirapan niya ang asawa at nagpaakay rito para bumaba sila papuntang sala. Mabuti na lang at may secret elevator ang bahay nito kundi baka sa hagdanan pa lang, mapapaanak na siya. Ang laki pa naman ng mansyon ng Willoughby at papuntang kusina pa lang, nawawala na siya.
“Good evening guys. Timplahan ko muna kayo ng kape ha. Upo muna kayo.”
Agad nagsiunahan sa pag-upo ang mga ito habang si Mordeccai ay inangkin ang buong sofa at natulog doon.
“Wake me up kung nanganak ka na, okay? I badly need a sleep. I’m so real tired and this bullshit have guts to wake me up in the middle of my beauty sleep.” Duro nito kay Theon. “Last ka na lang sa`kin. Goodnight.”
Natawa na lamang siya at naiiling na tinungo ang kusina para pagtimplahan ng kape ang mga ito nang biglang sunod-sunod ang pagsugod ng sakit ng kaniyan tiyan. Mukhang… manganganak na yata siya!
“T-theon!!! M-manganganak na yata ako!”
“Yes!” malakas na hiyaw ni Theon.
“Oh son of a bitch! Hindi pa ako nakatulog.”
At sumunod n’yon ay ang lakas ng tili niya na halos pinuno ang buong kabahayan.
“Theonnnnn!!!”