Nagsuot siya ng kitchen gloves at dinampot ang nabasag na bowl saka tinapon sa basurahan. Kumuha naman ng dalawang itlog sa ref si Zyd at humarap sa kaniya habang bitbit ang itlog.
“Wife,” untag nito.
“Ano?”
“Batiin mo ‘tong itlog ko.”
Awtomatikong natigilan siya at napatitig sa itlog nito. Napa-sign of the cross siya at nagdasal ng Holy Mary. Shutaaa! Pinapabati siya nito ng itlog? Paano ba batiin ang itlog ni Zyd? Pinagpawisan siya bigla habang nakatingin siya sa malaking umbok na nasa harapan ng lalaki. Jusko! Buhay na. Buhay na si Galileo Piccachu! Mabilis siyang tumalikod at pinunasan ang mga pawis. Nalilito siya kung alin ang babatiiin, ang hawak nitong itlog o ang itlog nito sa loob ng pantalon.
“Elhouette...”
Ayuko! Hindi pwede. Lord, saan sa dalawang itlog?
“Elhouette?” Napaigtad siya nung dumantay ang kamay nito sa kaniyang balikat.
“N-ngayon ko na ba babatiin?” Umayos ka, Lianne! Mahinang tanong niya habang pinapakalma ang sarili.
“Yes,” walang gatol na sagot nito.
Naligalig siya sa sobrang shockness! Slow mo siyang napalingon dito at halos himatayin siya sa laki ng itlog na hawak nito. “As in ngayon na?” pang-uulit niya.
Naglinya agad ang kilay nito at napapantastikuhang tumi-tig sa kaniya. “You kept on asking me that. What’s wrong beating these egg?” Pinakita nito sa kaniya ang hawak na mga itlog.
“Ah ‘yan pala.” natatawang kinuha niya ang mga iyon at kumuha ng panibagong mangkok. Gusto niyang maglupasay sa hiya. Akala niya kasi ‘yong ano nito... ‘yong ano. Sayang naman. “Sure ka ito ang babatiin ko?” pagtatanong niya ulit. Baka naman may pag-asa pang magbago ang isip ni Zyd.
Tinuktukan naman siya nito sa ulo. “Do you want my balls instead of that eggs?”
Namula siya ng husto sa tanong nito pero agad din humagikhik. “Eyeke nge... Bestes ke telege!”
Ngumisi lang ito sa kaniyang reaksyon at ang kinagulat lalo ni Lianne ay nung kunin nito ang kaniyang kamay. Nagulat na lang siya nung ipapahawak nito sa kaniya ang picachu balls nito. Pero isang malakas na halakhak ang kumawala sa bibig nito nang makita ang kaniyang hitsura sa excitement overload. Binitawan nito ang kaniyang kamay at natatawang tinungo ang pinakuluan niyang pasta.
“Stop overeacting, Elhouette. You remind me of my dog, Lula.”
Nag-linya ang kaniyang kilay sa sinabi nito at nagdadabog na sinundan si Zyd. Lula pala siya, ha? “Hey!”
“Yeah?”
“Ano ako, si Lula?”
Nagkibit ito ng balikat at nilagay sa strainer bowl ang pasta. Pakshet! Hindi siya nito pinansin? Wow, ha! Ilang ulit pa niyang tinawag ito at nagdadabog sa likod. Nakasimangot siya at siya na ang umikot para magkaharap sila.
“Hindi ako si Lula! Dahil si Lula, hindi marunong humalik.” Bigla niyang hinila ang leeg ni Zyd at binigyan ito ng isang smack kiss sa labi. “Ano, aso pa rin ba ang tingin mo sa`kin?"
Natulala naman ang lalaki sa kaniyang ginawa. Hindi ito makahuma at napatitig ito sa kaniya. Siya naman ang tumawa sa naging reaksyon ni Zyd. But in fairness, ang lambot ng labi nito. Ang sarap halikan hanggang bukas. Ngingiting binalikan niya ang kaniyang iniwang itlog nang maramdaman niyang lumutang sa ere ang kaniyang paa. Binuhat siya ni Zyd!
“Shutaaaa! Ibaba mo ‘ko.” napatili siya ng malakas. Mabilis naman pumasok ang dalawang aso at nagsikahulan. “Tacu help! He’s going to kill me.”
Pero balewala ang sigaw niya. Nagsimulang humakbang ang lalaki habang buhat siya na pang-bridal. Kikiligin sana siya kung mahal siya nito pero hindi, eh.
“Ibaba mo ‘ko, Zyd.”
“I’m throwing you out of the house,” seryusong saad nito. “You break the rules.”
Nanlaki ang kaniyang mata. Anong rules? Ah, oo ang rules pala nila. Pero ito kasi naman ang may kasalanan. Masyado siya nitong ginagambala sa kusina.
“No! You can’t do that, bwesit ka.”
“Yes, I can. It’s my house, remember?”
“Lula, Tacu help me!” To the rescue agad ang dalawang alagang aso at hinarangan ang daraanan ni Zyd habang buhat siya. Napangisi siya at binelatan ang lalaki. “See? Ayaw nila akong mapatalsik sa bahay mo.”
Ngumisi naman ito at nakaramdam siya ng takot the way kung paano ito ngumisi. Parang nagbabadya ng panganib at nata-takot ang kalandiang bahagi ng maharot niyang katawan. “Sa kwarto mo ba ako dadalhin?!”
“Sa garbage bin.”
“No!” Napatili siya ng malakas nung ihagis siya ni Zyd.
Akala niya sa basura siya babagsak, sa sofa pala. Nakahinga siya ng maluwang. Bwesit talaga ‘to si Zyd! Pero hindi lang pala iyon, bigla rin dumagan ang lalaki sa kaniya at lumubog siya sa may kalambotang sofa. Halos napipi nga siya sa bigat nito.
“For breaking the rules, this punishment deserves you.”
“Ha? Punis—” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil labi ni Zyd ang sumalubong sa kaniya. Ang sarap naman ng punishment niyang ito... Sana all!
Hindi niya alam kung ilang minuto siya hinalikan ni Zyd basta ang alam lang niya, Mesherep. Bumalik lang siya sa katinuan nung nasialulungan ang aso at mabilis niyang naitulak ang lalaki. Agad niyang tinakpan ang bibig at namumulang tumingin dito.
“B-bakit mo ‘ko hinalikan?” Mali, dapat pala ang itinanong niya, ‘Bakit halik lang?’ pero lumabas na sa bibig niya iyon kaya pinanindigan niya.
Nababagot lang siyang tiningnan ni Zyd. “I’m taking back the kiss.”
“Eh, bakit halik lang?”
“Um, what”
“I m-mean, bastos ka! Nanghahalik ka ng walang pahintulot sa`kin. Dapat next time kung hahalikan mo ‘ko, dapat sabihan mo para makapag-toothbrush ako at magmugmog—”
“There’s no such next time, Elhouette. Kissing you is like, kissing an old maple tree.” Tumayo ito at hindi na nag-abalang tiningnan siya.
Ouch! Masakit iyon. Nakasimangot na tumayo siya at inis na nauna itong tinalikuran. Bahala ito sa dinner nito! Tinamad na siyang magluto.
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang silid sa itaas. Sa sobrang inis ni Lianne, pinasama niya sa taas ang dalawang aso. Magtatabi silang tatlo sa pagtulog. Mangisay sana si Zyd sa 3rd floor at multuhin ng kaniyang kagandahan.
“You heard that Lula? You heard what he said? He’s kissing a tree? Kissing my ass, bwesit!” gigil na humiga siya sa kama at nagpagulong-gulong.
Umakyat sa kama niya si Lula habang nasa carpet lang si Tacu nakaupo at matamang nakikinig sa kaniyang kadramahan. Buti pa ‘tong mga aso na ‘to, naiintindihan ang kaniyang feelings. Ang kaniyang puso! Ang kaniyang— teka, nahuhulog na ba siya? Mabilis siyang napaayos sa pagkakahiga at umupo, napatitig sa salamin ng kaniyang kwarto.
“Nahuhulog na ba ako? Mahal ko na ba siya?”
Malakas na tahol ng aso ang kaniyang narinig at napahinga siya ng maluwang. Ang sabi ni Lula, hindi raw siya nahulog. Baliw lang talaga siya at maraming malalanding cells sa katawan. Okay, bumalik siya sa pagkakahiga nang maalalang tatawag nga pala siya sa Pinas.
Dali-dali niyang kinuha ang laptop at nagbukas ng internet. Sandali siyang napahinto nang makitang tinadtad siya ng private messages ni Sheena sa Skype. Napasimangot na lang siya sa nabasa at sa mga link na binigay nito. Dakilang tagasagap talaga ng balita itong babaeng ito.
“Ikaw ang number 1 trending sa twitter, alam mo ba ‘yon?”
Tinamad na binasa niya lahat ng mga nasagap nito. Mula sa mga pictures niyang naging online topic at pinagtabi pa talaga sa picture ni Kate. Hanggang sa mga tsismis na ginamitan niya ng gayuma si Zyd dahil galing siya sa Pilipinas. Oh talaga? Marami rin siyang basher at may nagsasabi pa na ‘wag siyang magpapakita sa public dahil huhubaran siya. Ay wow, bet ko ‘yan!
Marami rin nagsabi ng iba’t ibang opinyon, may ibang maganda at may ibang hindi. Majority ay hindi. Napairap na lang siya sa hangin, ginawan pa talaga siya ng memes at sariling pages ayon kay Sheena. Imbes na pansinin ang ka-toxicant ng nga tao, pinagwalang bahala niya iyon. Hindi nito alam kung bakit niya nakuhang kumapit sa lalaki. Saka sayang ang pera.
Natawa siya sa pumasok ng kaniyang utak about sa pera at tinawagan na ang pamilya gamit ang skype. Pero sa kabilang bahagi ng utak niya nanghihinayang talaga siya. Sayang naman! Dapat hindi siya nag-inarte kanina.
Bandang alas-dyes na siya nung magising kinaumagahan. Laking tuwa ni Lianne nang makitang wala si Zyd, maagang umalis at nag-practice. Pakanta-kanta siyang bumaba ng hagdanan. Tamang-tama! Hindi siya makakapaghanda ng breakfast na sinasabi nito.
“Good morning!”
Muntik na siyang mahulog sa hagdanan nang makita ang lalaking nakatayo sa dulo at umiinom ng kape. Simpatiko itong nakangiti at kahit magkamukha, ibang-iba ito kay Zyd.
“Zig.”
“Perfect!” Tumawa ito.
Mabilis naman niyang inayos ang sarili na nakapajama lang at gulong-gulo ang buhok. Anong ginagawa nito sa bahay ng nakakatandang kapatid nito?
“What took you here?” Nagpatuloy siya sa paghakbang pababa.
“To see you.”
“See you my ass.”
Natawa ito at namulsa ang isang kamay. “Joking. Just drop by so see my Tacu. I see he’s doing fine here with my brother.”
“Tacu is yours?” mabilis na tanong niya at tumango ito.
Kaya pala, mahilig talaga ito mang-iwan at ang laging sumasalo ay ang kapatid nito. Ang sarap naman nitong tuktukan sa ulo. Dumeritso siya ng kusina at umupo sa stool ng breakfast bar nang sundan siya ni Zig at maagang nameste ng kaniyang araw.
“Lemme guess, you’re under contract with my brother, right?”
Nagising ang kaniyang diwa sa tanong nito. “Why you asked me that?”
“I feel it.” Sumandal ito sa refrigerator at kaswal na tiningnan siya. Nakasimangot naman na tiningnan niya ito. “Would you mind me giving you a little advice?”
Ano naman ang sasabihin nito? Dahil wala siyang ganang makipag-usap dito sa totoo lang, sumenyas siya na pwede. Ngumiti naman agad ito at nilapag ang baso sa sink.
“Don’t ever fall in love with my brother,” seryusong saad nito, “Everyone knows how he love Kate so bad. Don’t ever try thingking he had something special feelings for you. He’s worst than me.”
Awtomatikong nagising lahat ng mga cells sa kaniyang katawan sa narinig. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at mata-mang tiningnan ang lalaki.
“Stick for the contract.” Ngumiti ito at bago pa siya makapagsalita, nagpaalam na agad ito sa kaniya na aalis na.
Napatitig tuloy siya sa kawalan at napahalukipkip sa sinabi nito. Alam niya, hindi siya tanga para mahalin ito. Nagkamali na siyang magmahal sa social media, at hindi na mauulit iyon.
Ano ‘yong nga araw at gabi na pinagnanasaan mo siya? Nag-ikot siya ng eyeballs sa maarteng tanong ng kaniyang utak. Kahit hindi siya balaan ni Zig, alam niya kung saan siya nakatayo. Alam mo ba talaga? Bakit parang nanlulumbay ka at nasasaktan? Aminin na nag-assume ka— bwesit! Tumayo siya sa kinauupuan at nagbukas ng ref. Nababaliw na yata siya at kinakausap ang sarili.
Natigilan siya nang makitang may lutong pagkain do’n at nakalagay sa mga food container. Binasa niya ang note na nakasulat.
Suit yourself with this food. Initin mo na lang.
- Zyd
Imbes na kiligin, matamlay niyang kinuha ang mga ito at nilagay sa microwave. Bakit hindi siya masaya? Peste talaga si Zig, ang agang sinira ng kaniyang araw! Well, so what? Nung minahal nga niya ito ‘kuno’ sa dating app at bigla siyang na ghosting hindi siya nagreklamo tapos ang lakas ng loob nito na mag-advice? Paki nito, sarili naman niya ito at alam niya ang sarili niya. Pera ang kaniyang kailangan at malaking bunos lang sa kaniya ay ang tumira mg libre.
Bigla niyang iniba ang mood. Enjoyin na lang niya ang sandaling tumira ng isang taon sa malaking bahay na ito kasama ang dalawang aso. Kung sakaling darating nga ang araw na mahulog siya sa binata, she’ll make sure na nahulog din ito sa kaniya para fair sila. Dapat ganiyan ang kaniyang gawin. Hindi siya maniniwala kay Zig, bwesit lang ito.
Mamaya rin ay magpapaalam siya kay Zyd na sasama kay Henrik ngayon linggo na lumabas. Papayagan siya nito. Wala naman sa consortium nila na bawal lumabas. Pero syempre, yayain pa rin niya itong sumama sa kanila. Pag sumama, mas okay, pag hindi mas lalong okay.
Simula nung hinalikan siya ni Zyd sa sofa, hindi na ito umuwi. Naging busy ulit sa practice at doon sa isang bahay nito umuuwi lagi kaya ang deal nilang breakfast and lunch, siya lang laging kumakain o kaya naman si Zig pag nambibwesit sa araw niya. Lakas pa ng amats nito sa tuwing tinatanong siya kung mahal pa rin ba siya nito tapos saka sasabayan ng malanding tawa. Kung alam lang nito na isang kalandiang demonyo ang nararamdaman niya dati, baka mangisay ito. Kapal talaga ng pagmumukha ni Zig, sobrang kabaliktaran kay Zyd na kalma lang kahit gwapo.
Tinawagan niya si Henrik nang umagang iyon. Linggo pero walang Zyd. Bahala na nga ito, pwede naman siyang lumabas kahit hindi na magpaalam. Napagkansunduan nila ni Henrik na mamayang gabi sila magkikitang dalawa at susunduin siya nito. Kakain daw sila sa labas, at dahil mukha siyang pagkain minsan kaya sasama siya. Hindi lang iyon, nag-request din siya na pumunta sila sa archade.
Dahil sa sobrang excitement niya, nakuha niyang sumugod ng mall at bumili ng camera at magand dress na susuotin para sa friendly date nila ng lalaki. Napangiti siya nang makitang bagay na bagay sa kaniya ang brown fitted skirt at white lace longsleeve. Pinarisan ng knee high boots. Perfect na perfect!
“Lula pasabi kay Zyd na nakipaglandian ako,” sandali siyang huminto at natawa sa sinabi, “No, I mean tell him I’m hanging out with Henrik. Okay?”
Tumahol agad ang aso sa kaniyang sinabi saka niya kinuha ang bag at sinukbit sa leeg ang bagong DSLR Camera. Lahat kukunan niya, kahit bato sa daan saka niya ipapadala sa kaniyang mga malalanding kapatid at nang mainggit ang mga ‘to.
Napangiti siya nang makitang 6 na nang gabi kaya dali-dali na siyang tumakbo pababa. Tamang-tama lang na nasa harapan na si Henrik at nakaupo sa hood ng kotse nito. Sandali itong napatitig sa kaniya at hindi magawang makapagsalita. Nakaumang lang ang bibig nito.
“Hey, you okay?”
Agad umilap ang mata nito at nahihiyang ngumiti. Nakuha pa nitong kamutin ang batok at umayos ng tayo. “Y-yeah... So, let’s go?”
Ngumiti siya at tumango. Mabait si Henrik at kampante siya rito. Nagiging mabait siya at kumakalma ang kaniyang utak. Giniya siya ng binata papasok sa mamahalin nitong kotseng kulay itim. Eksaktong pagbukas nito sa pintuan ay ang paghinto ng sasakyan ni Zyd at ilang segundong nagdaan bago ito lumabas.
“Going somewhere?”
Pero hindi sa kaniya ito nakatingin, kay Henrik. May malanding ugnayan kaya sila? Ang lagkit ng titigan nila, oh.
“Yep! Hindi ako nakapag-alam sa`yo dahil wala ka nitong nakaraan araw. Niyaya ako ni Henrik, at magkaibigan naman kami kaya pwede akong sumama.”
Agad tumalim ang mata nito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanilang kinaroroonan. “Really?” nang-aarok ang tinging binigay nito sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay at napahalukipkip. “With that outfit?”
Mabilis siyang napatingin sa kaniyang suot. Wala naman masama maliban sa ang cute at sexy niyang tingnan, ang ganda pa niya. Hindi niya ipapatalo ang sarili! “Why? Wala naman masama sa outfit ko. Pangit ba?”
“You looked...” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at naningkit ang kasingkitan nitong mata. “Grostique on that outfit.”
Napasinghap siya sa sinabi nito at akmang aawayin ang lalaki nang sumingit si Henrik at nagsalita. “That’s too harsh for you to say that, McCluskey. Your wife is beautiful and you know it.”
“Shut the fuck up, Gustavvson!” angil nito.
Agad siyang umapela sa dalawa at para hindi na mag-away ang mga ito, niyaya niya si Zyd na sumama sa kanila pero sinamaan lang siya nitong tingin at iniwan. Malalaki ang mga hakbang nito pumasok ng bahay. Hindi na ito lumingon kahit kinakausap pa niya. Ang arte talaga ng lalaking ito!
“Zyd Caiden McCluskey! Pwede ka sumama, ayaw mo ba talaga? Mamaya pa ako uuwi. Kakain lang kami tapos mag-arcade. Pagkatapos, mamasyal sa buong Pensylvannia. Ayaw mo? Ha? Ayaw mo talaga? Bahala ka d’yan, nagpaalam na rin ako kay Lula, kausapin mo siya. Alam niyang nagpaalam na ako na aalis kasama si Henrik at—” Isang malakas na pagsara ng pintuan ang sumagot sa lahat ng kaniyang pinagsasabi. Napatulis ang kaniyang nguso sa inasta ng bwesit na lalaking iyon kahit kinakausap pa niya.
Nanggigigil na binelatan niya ito kahit hindi siya nakikita at nagdadabog na pumasok sa passenger seat nang biglang bumukas ulit ang pintuan ng bahay. Nagulat si Lianne nang mula ro’n ay nakasimangot si Zyd at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila at tinulak siya sa backseat. Pinalitan siya ng pwesto sa harapan?! Agad nitong sinirado ang pintuan at hindi pinansin ang pagkakatok niya sa bintana.
“Hoy, ako diyan ah!”
“Just fuck it off!” Binaba nito ang salamin at tiningnan siya ng sobrang sama. Kulang na lang ay kagatin siya.
Para siyang asong nasukol at nakasimangot na sumunod sa sinabi nito. Deritso siya sa backseat at walang salitang pumasok din si Henrik sa driver seat. Ilang segundong katahimikan ang nangyari at wala ni isang nagsalita. Bakit pakiramdam ni Lianne ay biglang naging awkward at nakaka-out of place ang ambiance.