Inis na inis na naghubad siya ng kasuotan at pinangko ang buhok. Deritso niyang tinungo ang bathtub sa kaniyang kwarto. Naglagay siya ng rose bubble bath at nagsindi ng mga scented candles saka niya pinatay ang ilaw. Nakasimangot siya na nagbabad sa bathtub. Minsan, ang weird din ni Zyd sa mga kinikilos nito. Hindi niya maintindihan kahit anong pilit niyang intindi. Nagagalit ito sa mga bagay na wala naman ibang kahulugan.
Sandali niyang pinikit ang mga mata at inaalala ang mga masasayang sandali kanina. Mabilis siyang umahon at kinuha ang camera na nasa ibabaw ng kama saka siya bumalik sa bathtub. Natatawang pinagmasdan niya bawat picture. Sino ba naman ang mag-aakalang nakapagpapicture ang dalawang sikat na mga NHL player sa kaniya. Ang ganda niya naman talaga!
Napahinto siya nang tumigil ang kaniyang mata sa candid picture ni Zyd na tumatawa. Parang may kung anong humaplos sa puso niya sa masayang mukha nito na sobrang hirap yata pangitiin.
Attitude ka Zyd? Natawa siya sa kabaliwang tanong niyang iyon. Totoong gwapo ang lalaki. Kung siya ang tatanungin, mas gwapo ito kesa kay Zig. Kahit naman kasi magkapareha ito ng mukha, may kakaibang karisma ang lalaki na hindi niya mabigyan ng pangalan.
Saka siya napatingin sa wedding ring niyang suot. Mapakla siyang napangiti sa isiping kay Kate iyon at hindi sa kaniya. Tama si Zig, mahal ng kuya nito ang babaeng nag-iisang nagngangalang Kate Leuchars— Malandi ang Pepe. Sumingit lang naman siya sa pagitan ng mga ‘to at pagkatapos, maghihiwalay sila ng landas ng lalaking asawa niya ngayon.
Marahan siyang napabuntunghinga at maayos na tinabi ang camera. Hindi niya alam kung para saan ang naliligaw na sakit na kaniyang nararamdaman. Baliw talaga siya. Kanina ang saya-saya niya, ngayon naman, nagdadrama. Pinikit niya ang kaniyang mata at hindi namalayan nakatulog na gano’n ang ayos.
Naalimpungatan lang siya nung maramdaman niyang may humalik sa kani-yang labi. Gusto niyang imulat ang mata para tingnan kung sino ang humalik sa kaniya pero dinuduyan siya sa masuyong haplos nito. Sino ba kasi ‘tong nangahas sa kaniyang humalik?
“Z-zyd...”
“Yes?”
Napaungol siya nang haplusin nito ang kaniyang leeg at marahang kinagat ang dulo ng teynga niya. Kaya imbes na magmulat siya ng mata, napapikit na lang siya ng mariin at napakapit sa gilid ng bathtub. Nakikiliti siya sa mga haplos na binigay ng lalaki.
“Ohhh!” Napaliyad siya. Nararamdaman niya ang mga nakakaliting halik nito na bumaba sa kaniyang leeg. Nakakaadik naman ng halik nito. Gusto niyang magmulat ng mata pero hindi niya magawa, masyado siyang nasasarapan sa nangyayari.
“Ahhh!” Naramdaman niyang sinakop ng kamay ang kaniyang isang dibdib at marahang minamasahe iyon.
“Elhouette...”
Napangiti siya nang marinig ang baritonong boses ni Zyd lalo na sa parteng hinaplos nito ang kaniyang pisngi at kinintalan siya ng halik sa labi. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at hindi nga siya nagkamali, nasa harapan niya ang lalaki at puno ng kakaibang kislap ang mata nitong nakatunghay sa kaniya.
Unang pumasok sa isipan ni Lianne, itulak si Zyd dahil sa pangahas na paghalik nito sa kaniya pero may sarili yatang utak ang kaniyang kamay, hinaplos niya ang pisngi ni Zyd at tinitigan ito.
“You’re beautiful.”
Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano nang marinig ang sinabi nito, basta naramdaman na lang niyang namula ang kaniyang magkabilang pisngi. Inisip niya kung kailan siya unang sinabihan ng maganda ni Zyd pero wala siyang maalala. Nag-iwas siya ng tingin pero kinuyumos siya ng halik nito. Napapikit siya sa mapusok na halik nito.
Napaungol siya at napaliyad nang dakutin nito ulit ang kaniyang dibdib saka marahan nitong pinisil. Nag-iinit lalo ang kaniyang katawan at sandaling naka-limutan niya ang usapan nilang walang sex sa kanilang pagitan kahit mag-asawa sila.
Nagmulat siya ng mata nung huminto ito at umatras. Namula siya sa nang magsimula itong maghubad sa kaniyang harapan. Lihim siyang napalunok at hindi alam ang gagawin. This time, nasa katinuan na siya at pwede niyang itulak ito pero ang peste niyang katawan, walang ginawa. Kinain siya ng kaba at excitement sa isipin matitikman niya si Galileo Piccachu. Bigla siyang natakam lalo na nung tumambad sa kaniya ang malaking alaga nitong nakasaludo na sa kaniya.
Lianne, may segundo ka pa para umayaw! Nag-warning na ang kaniyang utak sa possibleng mangyari. Pero gusto kong tikman si Galileo kung anong flavour siya. Mapple or buko ba. Malanding sagot ng kabilang bahagi ng kaniyang utak habang hindi niya magawang bawiin ang tingin sa pagkalalaki nitong nanunukso yata sa kaniya.
Napalunok siya at nagbawi ng tingin. Mas lalong uminit ang kaniyang katawan at alam niyang hindi iyon sa mga scented candles. “Z-zyd...”
“Hmm?” Humakbang ito papalapit sa kaniya at hindi siya nakahuma nang sumali ito sa kaniya sa bathtub at umupo sa kabilang bahagi paharap sa kaniya.
Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso at halos nanigas siya nang magtama ang kanilang paa sa ilalim ng tubig. Shutaaa! Nanganganib na maisuko niya ulit ang West Virginia. Bakit ba kasi sobrang hot nito at pinakita pa sa kaniya ang kaniyang kahinaang 6 pack abs. Pati tuloy sarili niya, tinatraydor siya.
“Touch me here, Elhouette.” Hinawakan nito ang sariling dibdib at dahan-dahan bumaba ang kamay. Sumunod na ginawa nito ay kinuha ang kaniyang kamay at dinala sa galit na galit nitong alaga. “And here...”
Susme! Hindi kasya sa kamay ko. Shutaaa, kakasya ba ‘to sa`kin?!
Parang napapasong binawi niya ang kamay pero hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya at diniin lalo sa pagkalalaki nito.
Ma, tulong! Ang laki-laki niya, ‘di ko ‘to makakaya.
“Feel that. Hmm?”
Napakagat siya ng labi sa bedroom voice nito. Inaakit siya— nang malandi nitong boses at mga mata. “Zyd I... I t-think its...” gusto niyang bawiin ang kamay kasi natatraydor siyang hawakan iyon at igiya pataas-pababa.
“Hmm?”
Napalunok siya ng laway at hindi alam ang gagawin. Alam niyang imposibleng tumakas siya sa sitwasyong ito at pinipilit niya ang sariling ‘wag padadala sa malagkit nitong mga titig.
“L-let stop thi—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang hilain nito ang kaniyang leeg at kinuyumos siya ng halik. Napaungol siya ng malakas lalo na nung dinakma ng isang kamay nito ang kaniyang pagkababae. “Zyd!” napaungol siya nang wala sa oras.
“This is your punishment.”
What?! Bago pa siya nakapag-react, namalayan na lang niyang umangat ang kaniyang katawan at pinasakay sa alaga nito. Napaigik siya sa sakit! Sa laki ba naman nitong halos umabot yata sa atay niya.
“Tangina mo with feelings, Zyd!” Napaiyak siya sa sakit. Alam niyang ito ang nakauna sa kaniya at hindi na siya virgin pero malaki ito. Masakit.
Masuyo naman siyang hinalikan ni Zyd sa labi at ginanap ang kaniyang pisngi. Marahan nitong pinunasan ang luha sa kaniyang mata. “We’ll be gentle.”
Napakagat siya ng labi. Hindi niya magawang kumontra nang magsimulang gumalaw si Zyd habang nakasakay siya rito. Binigyan siya nito ng nakakapang-init na halik saka dinama ang kaniyang dalawang dibdib at marahang minasahe iyon. Ang mga labi nito ay nagsisimula sa paghahalik sa kaniyang leeg at nilalagyan siya ng mga munting marka. Napaliyad siya sa ginawa ito at napaungol.
“Ahhh! Zyd!” napahawak siya leeg ni Zyd at hindi niya napansin ang katawan na tinraydor siya nang tuluyan, nagsimula na siyang gumalaw sa ibabaw. Marahan siyang nagtaas-baba at ninamnam ang sakit at sarap ng kahabaan nito sa kaniyang pagkababae.
“A-ang sarap! Ohhh Zyd.” napahiyaw siya sa kiliting bumalot sa buo niyang pagkatao. Masarap pala! Bakit ngayon lang ‘to?
Ang usapan nilang ‘gentle’ ay hindi nasunod dahil mas wild yata siya kesa sa lalaking umuungol sa kaniyang pangalan habang sinasagad niya ang kaniyang pagkababae sa pagkalalaki nito.
“Ohhh fuck, Elhouette!” Humigpit ang pagkakahawak ni Zyd sa kaniyang beywang at sinasabayan niya ang pag-ulos nito sa kaniyang pagkababae.
Ang magandang paligid nila ngayon kung saan siya inaangkin nito sa loob ng bathtub, ay pakiramdam niya mas lalong naging romantic. Nagsisi tuloy siya kung bakit ‘di niya pinuno ng scented candles ang buong bath at baka mas lalong naging romantic ang pag-isang katawan nila ngayon ni Zyd.
“Ummm! Zyd…” hindi niya kayang bigyan ng pangalan ang sensasyon na bumalot sa kaniyang pagkatao. Nakikiliti siya sa laki ng alaga nitong sakop na sakop ang kaniyang pagkababae.
“Hmm?” Sinipsip nito ang kaniyang dalawang nipple at walang sawang sinamba ang mga iyon.
Nagpatuloy sila sa gano’n posisyon dalawa, siya nasa taas at nasa ilalim ang lalaki nakasandal sa bathtub. Halos tumirik ang kaniyang mata sa sarap at mabibingi sa paulit-ulit na pagsambit ni Zyd sa kaniyang pangalan.
Napatitig sa lake si Lianne nang umagang iyon sa mga naggagandahang mga bulaklak. Pagkatapos may nangyari sa kanila ni Zyd, hindi na ito umuuwi o tamang sabihin, iniiwasan siya ng deputang malanding lalaking ‘yon na may pa rules-rules pang nalalaman pero ito na naman ang nagbigay ng motibo! Gigil na hinarap niya si Lula at nakipag-usap dito. Nasa harap sila ng lake kasama si Tacu.
“That bastard!” inis na pakli niya, “You think, he likes me?” naghintay siya ng sagot ni Lula pero nadismaya lang siya sa iling-iling nitong sagot sa kaniya. “Okay fine, kung ‘di niya ‘ko gusto. Hindi ko rin naman siya gusto, eh.” Napahalukipkip siya habang nakaupo sa bench na nando’n.
After that night, sinamba pa siya nito na parang diyosa sa kama at ilang beses pa siya nitong inangkin. Kung hindi siya ang nasa taas at sinasakyan ito, pinapatalikod naman siya ni Zyd at inaangkin mula sa likod na gigil na gigil sa kaniya.
Kainis! Namula siya sa isiping iyon at mabilis na pinaalis sa malanding isip niya ang lalaki. Si Zyd pa ang may ganang umarteng talo? Gigil siya nito, eh. Oras na umuwi talaga ito, mata lang nito ang walang latay sa kaniya. Dalawang linggo na siyang iniwasan ng bwesit na lalaking si Zyd. Makikita talaga nito! May punishment pa itong nalalaman, eh hindi naman punishment iyon dahil masarap ang binigay nito. Masarap na nakakabwesit dahil halatang iniwasan siya.
Tinawag niya na ang dalawang aso na umuwi. Mabilis itong sumunod sa kaniya pabalik ng bahay. Imbes na matuwa nang makita niya ang lalaki, napaismid lang siya lalo sa reyalisasyong si Zig ito na simpatikong nakangiti sa kaniya. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa gilid ng hagdanan.
“Hey, Elhouette!” masiglang bati nito sa kaniya.
Mabilis naman lumapit ang dalawang aso rito at naki-paglaro agad sa lalaki. Napairap na lang siya sa hangin at hindi ito sinagot. Bad mood siya for today kaya ‘wag siya nitong ma-hey Elhouette at baka ito ang mapagbalingan niya ng galit.
“Woah-woah! Easy tiger. Looks like you’re having a fight with my brother, Zyd.” Saka ito tumawa ng nakakaasar.
Sinimaan naman niya ito ng tingin at nameywang. “Umalis ka nga rito! Baka ‘di kita matantiya, masasapak kita.”
Napakamot ito sa ulo at natatawang umiling, “I don’t speak noodles and adobo.”
Tinaasan lang niya ito ng kilay at dumeritso sa kusina. Iinom lang siya ng tubig dahil nauuhaw siya. Bibisita siya ngayong araw sa Coffee Shop at kumustahin ang dalawang lukaret kung buhay pa ang mga ‘to.
“Wanna know where’s my brother, Zyd?” Sumunod sa kaniya si Zig.
Humarap siya rito matapos niyang inumin ang isang basong tubig at mataray na tiningnan ang lalaki. “What are you up to?” napahalukipkip siya at hinintay ang sagot nito.
Ngumiti lang ito at nagkibit ng balikat. “Wanna come with me?”
“Itatanan mo ‘ko?”
“What?”
“Where are we going?” tinatamad na tanong niya.
“To Zyd.”
Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi nito. Mabilis siyang tumango at nag-excuse sa harapan nito para magbihis ng damit. Napakunot siya ng noo sa motorbike na bumungad sa kaniya. Hindi sila sasakay ng kotse? Nagkibit siya ng balikat, hindi naman siya maarte.
Halos mamatay sa sobrang kaba si Lianne sa tulin ng takbo ni Zig. Wala bang LTO dito sa Pensylvannia? Papatayin yata siya ng pesteng lalaking ‘to na walang ibang ginawa kundi ang magnakaw ng lane. Kaya nung dumating sila sa UPMC Lemieux Sports Complex, kung saan nagpa-practice ang mga Pittsburgh Penguin, habol niya ang hininga at galit na hinampas ang binata sa ulo.
Inayos niya muna ang buhok bago sila pumasok sa loob. Pasimpleng naglakad sila ng binata at umupo sa arena bleachers malapit sa glass kung saan busy ang mga Pittsburgh Penguin na naglalaro sa ice rink. Namula siya bigla nang lumapat ang tingin ni Zyd sa kaniya nung napatingin ito sa kaniyang gawi. Ngumiti siya at agad na kumaway rito pero imbes na ningitian siya nito, wala siyang nakuhang reaksyon.
“Ouch!” umarteng nasaktan si Zig sa kaniyang katabi at inokray siya.
“Wanna die?” angil niya rito.
Tumahimik ito bigla at nag-cellphone na parang walang nangyari. “Breaking news: Woman died from broken heart.”
Inis na hinampas niya ito. Minsan nakakabwesit talaga ang presinsya ni Zig. Hindi niya lubos maisip na minahal niya ito rati. Like, ewww! Humarap siya kay Zyd at tahimik na nanonood.
“Hayop ka talagang lalaki!” inis na pakli niya. Hihintayin niyang matapos itong mag-practice at saka niya ito kakausapin. Lakas ng apog nitong iwasan siya gayong ito ang may kasalanan sa kaniya. Tinukso siya nito, at bilang babae mahirap sa kaniyang part iyon! Marupok siya minsan-at nakakabwesit din ang kahinaan niyang karupokan.
Dalawang oras silang nanood ni Zig sa practice at ilang beses din napapagalitan ng coach si Zyd dahil sa palaging sablay nito. Hindi nagampanan ng lalaki ang pagiging captain at pagiging centerman, hindi ito nakapag-focus during practice.
“We need to go, Elhouette. My brother Zyd looks frustrated—”
“No.” Nagsimula siyang humakbang papunta sa locker.
Hindi sumunod sa kaniyasi Zig, nanatiling pa-chill-chill itong nakaupo sa bleacher. Nagsilingunan ang mga Pittsburgh players nang makita siya. Karamihan sa mga ‘to, napahanga at hindi agad nakapagbawi ng tingin. Mabait naman siyang ngumiti at nag-hello sa mga ito. Unang lumapit sa kaniya si Kodi at ningitian siya. Sumunod naman ang iba at isa-isang nagpakilala sa kaniya.
“Move!”
Lahat natigilan sa malakas na boses ni Zyd. Nagsitabihan agad ang mga ‘to habang siya, nakataas ang kilay at nagpipigil magsalita. Hinintay niya itong lumapit sa kaniya. “What brought you here?”
“I’m your wife. Do I need to explain that?”
Nagsiugungan ang malakas na tuksuhan at kantiyawan ng ka-team nito pero mabilis din tumahimik nang sumama ang tingin ni Zyd sa mga kasama nito. “Let’s go home.”
“Which home, Zyd?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Our home.” inimphazise nito ang salitang ‘our’ at walang salitang hinawakan nito ang kaniyang kamay saka siya hinila papalayo.
Nagsihiyawan naman lahat at tanging matamis na ngiti ang kaniyang binigay sa mga ‘to bago siya tuluyang nahila ni Zyd palabas.
“Bakit ka nandito?”
Nagtaas siya ng kilay sa straight tagalog nito. Himala, nagtatagalog! “Bawal ba? Hindi naman halata, Zyd, na iniiwasan mo ako. Wow! Sa`tin dalawa, parang ikaw pa ‘tong umasta na lugi.”
Tumalim lang ang tingin nito sa kaniya at tahimik na dinala siya sa gawi na walang taong makakapansin bago ito nagsalita ulit. “You deserved those punishment, Elhouette.”
“Punishment-punishment hayop ‘yan. First and foremost, sa contract natin may mga bawal ka pero lahat ng ‘yon, ikaw ang sumuway. Ano’yon Zyd, ha?”
Namulsa ito at sumandal sa isang tabi habang mariin siyang tinitigan. “Pero nasarapan ka.”
Hindi siya nakasagot sa kaswal na sagot nito. Pinamulahan siya ng mukha at hindi agad nakapag-isip ng kung anong sasabihin. Bwesit pala ito, eh. Sinong babaeng hindi masasarapan kung kasingsarap ba naman nito ang umaangkin sa kaniya? Ang kinainis lang niya, bakit may pa-iwas effect ito na akala mo, siya ang naka-virgin dito.
“Malamang masasarapan ako! Baliw ka, ha? Inangkin mo lang naman ako nang inangkin hanggang sa maubos lahat ng sp—” Agad siya nitong hinila at tinakpan ang kaniyang bibig.
“Fuck!”
Agad niyang pinaalis ang kamay nito na nakatakip sa kaniyang bibig at galit na tiningnan ang lalaki. “Ano ba! Nagsasalita pa ako, eh.”
“I’m fucking tired.”
Sandali siyang natigilan sa sinabi nito at napatitig sa mukha ng lalaki. Halatang pagod nga ito, malalim ang eyebags at ilang araw ng hindi nang-ahit. Anong nangyari? Ba’t parang nakunan ang kagwapuhan nito?
“I need rest. Let’s talk some time later.” Umayos ito ng tayo. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka nagsimulang humakbang. Tuluyan siya nitong iniwan.
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa inakto ni Zyd pero hindi niya ito pinigilan. Kinalma niya ang sarili at huminga ng malalim. Okay, fine! Kung ayaw siya nitong kausapin ng matino, go siya d’yan. Hindi na niya hinabol ang lalaki, dumeritso siya kay Zig na matamang naghihintay sa kaniya. Agad niyang hinila ang binata at nagmamartsang umalis.
Simula nung nakausap niya si Zyd sa Complex, hindi na naman ito umuwi. Ang sabi nito, mag-uusap sila some time later pero walang Zyd na lumitaw! Natapos na lang ang isang linggo at hindi na rin siya nagpunta kung saan nagpa-practice at may game ito. Hinayaan niya ang lalaki kung anong gusto nito sa buhay.
Well, it’s just a plain casual sex. Tulad nung unang may nangyari sa kanila, gano’n. After all, it’s Pensylvannia. Mga tao rito, parang laro lang ang sex at dapat sanayin niya ang sarili. Hindi siya special para isiping mag-iiba ang tingin sa kaniya ni Zyd. Kalokohan! Hindi na rin siya nanonood ng NHL game. For what? Mabibwesit lang siya sa pagmumukha ni Zyd na lakas ng loob iwasan siya.
Maaga pa lang ay nagpaalam na siya kay Lula at Tacu na aalis, pupunta siya ng Coffee Shop tulad ng kaniyang ginagawa lagi. Si Hera at Trixie lang naman kausap niyang matino pero hindi niya magawang makapagkwento dahil itatabil lang ni Trixie sa lahat ng tao pag nagkataon. Nag-order siya ng tatlong coffee nilang tatlo dahil wala naman customer, kaya nakipagkwentuhan muna ang dalawa sa kaniya.
“Ano, nagkausap na ba kayo ng pinikot mong asawa?” eksaderang tanong ni Trixie.
Hinila niya ang buhok nito. Grabe makapikot, eh. Siya nga ‘tong pinikot dito. “Hindi. Saka busy ako, ‘no. May kaniya-kaniyang buhay kaya kami.”
Agad naman umapela si Hera, “Ows? Eh, bakit matamlay ka yata? Hindi ka ba niya tinitira every night?”
“O kaya taniman ng kamoteng kahoy ‘yang kalupaan mo? No, as in wala?”
Tumalim lang ang kaniyang tingin sa dalawa nang sulyapan niya ang mga ito at hindi pinansin ang mga walang prenong bibig. Binalik niya ang kaniyang paningin sa labas at marahan sinimsim ang coffee niyang sobrang pait.
“Ba’t ampait nito?”
“Black coffee, malamang mapait. Ganiyan kapait ang magiging buhay mo sa piling ni Captain, kasi mang-aagaw ka. Mang-aagaw!”
Tinampal naman agad ito ni Hera nang makitang natigilan siya. Posibleng maging ganito nga pero may asukal naman, eh. Lagyan ng ilang kutsarang sugar plus creamer pa para sumarap ang relasyon nila ni Zyd! Simple equation, pinapahirap pa.
Ilang sandali lang ay nagulat sila pareho nang pumasok si Henrik at nag-order ng Latte. Sumigla ang mukha ng binata nang makita siya nito at hindi nagdadalawang isip na lumapit sa kaniya.
“Min Dam! How are you? Its been a while.” Ngumiti ito at umupo sa kaniyang harapan.
Tulad ng dati, wala pa rin kupas ang kagwapuhan nito lalo na ang maga-gandang mata ng binata. “I’m doing okay. And you?” gumanti siya ng mabait na ngiti.
“Not okay. We’ve been practicing a lot lately for the incoming playoffs.”
“Playoffs?”
Tumango ito, “Stanley Cup playoffs, an elimination tournament in the NHL,” bumuntunghinga ito, “It consists of 4 rounds of best of 7 series to determine the league champion and the winner of the Stanley Cup,” halata sa boses nito ang pagod pero pinilit pa rin nito umaktong okay sa harapan niya.
“You look exhausted. You should’ve rest instead of talking to me here.”
Ngumiti lang ito at hindi nagsalita. Hinintay nila ang inorder nitong kape habang nandidilat naman ang mga mata ni Trixie sa kaniya. Binabantaan siyang gigilitan sa leeg. Inirapan naman niya ang babae at sinimangutan ito.
“May I ask something?”
Sinimsim niya muna ang kaniyang mapait na kape bago ngumiti. “Yeah, sure.”
“What’s the cause of that sadness?” Tinuro nito ang kaniyang mata. “Problem?”
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi siya malungkot. “I’m okay, no worries,” tumingin siya rito ulit, “So, you have no practice today?”
Nagkibit ito ng balikat at sinimsim ang kape. “I’m starting to lost focus these past days.”
“But why?”
Masuyo itong ngumiti at hindi sinagot ang kaniyang tanong. Nang natapos ito sa iniinom na kape, niyaya siya nitong sumama sa isang Pet Shop kung gusto niya. Hindi na siya nag-inarte, agad siyang pumayag tutal wala naman siyang gagawin. Magkaibigan naman sila ng binata at depende na iyon sa mata ng mga judgemental at tsismosa kung anong tingin sa kanila.
Do’n sa malapit sa Book Store na Pet Shop ang pinuntahan nila ni Henrik. Ang sabi nito, magbibigay ito ng regalo sa kapatid nitong babae na Husky Dog. Habang siya? Makikitamang pisil lang sa mga pusa at kuting. Pero bigla siyang na inlove sa napakagandang Maine Coon na pusa sa isang cage. Excited na nilapitan niya iyon at kinarga kahit bawal.
“Ang cute naman.” Naghugis puso ang mata niya habang karga-karga ang pusang himalang hindi siya kinagat. Naglambing pa ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi! Wala na, tunaw na tunaw na ang kaniyang puso at nanganganib ang kaniyang pera.
“Do you like it?”
Naiiyak siyang tumango. “Oo, kaso ang mahal!” Nakaka-panlumo ang presyo ng pusang hawak niya.
“Then we’ll take it. I know you love kitties. Remember that street cats we saw?”
Napangiti siya nang ibalik nito sa kaniya ‘yong part na kumain sila sa restaurant. Eksaktong paglabas nila, may dalawang pusang naglalaro sa gilid ng daanan at ang cute. Hindi niya napigilan ang sarili, lumapit siya sa mga ‘to at nakipaglaro sandali. Habang si Henrik ay aliw na aliw na nanonood sa kaniya, at si Zyd na nakakunot ang noo.
“Hey, Elhouette!”
Napalingon siya kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niya si Zig na malawak na nakangiti at sakop yata ang buong universe. Kararating lang nito at ngingiting-ngiti agad sa kaniya, ‘di naman sila close.
“What are you doing here?” nakataas ang kaniyang kilay rito.
“I own this Pet Shop,” kampanteng sagot nito. Nagsimula na itong magsuot ng puting coat at nakalagay sa plate; Dr. ZC. McCluskey DVM.
Nagulat siya sa nabasa. Isa itong veterinarian? Hindi halata sa mukha ng binata, mukha kasi itong gangster sa tabi. But who cares, wala siyang pakialam. Sinimangutan lang niya si Zig at nung makapagbayad na sila, agad na silang umalis pero katakot-takot ang tinging binigay nito sa kaniya. Para bang pinahiwatig nito, na lagot siya kay Zyd.
“What you gonna name her?” Tanong sa kaniya ni Henrik nung pabalik na sila sa kotse nito.
Bitbit nito ang cute na Husky habang siya, hindi na binitawan ang pusa. Ang bait ba naman talaga ni Henrik! Sana kunin ito ni Lord sa kabaitan. Ang binata talaga ang nagbayad sa pusa at malaking halaga binayad nito. Bigay raw nito sa kaniya bilang friendly gift. Ang sweet naman nitong kaibigan, nakakakilig! Kinilig siya sa pusa.
“I name her—” sandali siyang nag-isip, “Henli.”
Natawa ito. “Henli?” Binuksan nito ang pintuan ng backseat at nilagay sa loob ang cage ng aso. “Why you named her that way?” Humarap ito sa kaniya at pinagbuksan siya ng pintuan sa passenger seat.
“It’s Henrik and Lianne.” simpleng sagot niya at pumasok sa loob. Hindi naman nakahuma si Henrik sa kaniyang sinabi at ilang sandali itong napatulala. “You okay?”
“Yeah.” Ngumiti ito.
***