Chapter 12

Hindi maipenta ang mukha ni Marie na nakaupo sa balcony nang gabing iyon. Suspende siya sa trabaho at paano na ngayon? Maghahanap na lang muna siya ng part time job hanggang sa makabalik siya sa trabaho rito sa farm.

Sinusumpa niya si Gheron ngayon sa kaniyang isipan at gustong-gusto niya itong harapin ngayon para pagsasampal-sampalin at ipamukha rito kung anong kamalasanan ang naging dala sa kaniya.

Ang bilis pa nitong nawala kanina. Hindi niya tuloy ito nakompronta at nasigawan sa galit pagkalabas niya sa opisina ni Mrs. Ajinomoto. Pareho silang suspende ni Gheron at tuwang-tuwa pa ito nung nalaman suspende sila samantalang siya ay parang maiiyak na. Pero hindi siya iiyak, hangga’t nasa Japan siya, maraming pwedeng pag-applyan na part time job.

Ang tanong lang, malaki ba ang sahod? Nagtitipid na nga siya at heto, mapapagastos pa. Sa pamasahe niya araw-araw at pagkain sa daan? Talagang sinasagad ni Gheron ang kaniyang pasensya!

Sa inis niya, binuksan niya ang kaniyang messenger at mabilis na binuksan ang message ni Gheron at dito nag-type ng mensahe para sa lalaki. Nagtipa siya ng pagkahaba-haba at naka-capslock lahat iyon para ipadama rito na galit siya. Matapos niya sinend dito ang mensahe niya, nagreply lang ito ng like. Isang malaking like at smiley face.

Yawa ka talagang Gheron ka!!! Akmang itatapon niya ang kaniyang cellphone nang matigilan siya. Bakit niya itatapon ang mahal na mahal niyang cellphone, samantalang ito na lang ang natitirang kayamanan niya maliban sa kaniyang virginity?

Bahagya niyang kinalma ang sarili at nagtaas ng tingin sa kalangitan. Walang kahit anong bituin pero okay lang. Tumunog ulit ang kaniyang cellphone at nakitang may mensaheng galing kay Gheron.

Part time ako ngayon. See you tomorrow. I miss you Marie-babes sweety pancakes. Good night and sweetdreams of me, my loves.

Parang may kung anong gumapang na pandidiri sa kaniyang katawan sa nabasang reply nito. Agad niyang pinindot ang delete message at binlock ang lalaki. Tingin nito makikipag-usap siya ng matino rito?

Kaya ang ginawa niya, pumasok siya sa loob at hindi na pinansin ang mahabang katanungan ni Judith. Sumenyas na lang siya sa babae na pagod siya at masakit ang ulo. Naintindihan naman nito at hinayaan siyang magpahinga.

Agad siyang humiga sa higaan at hindi na nag-abalang kumain sa gabing iyon. Susubukan niyang pupunta sa Restaurant na kaniyang pinag-part time at baka pumayag ang Manager. Sana nga, pumayag ito at kailangan niya ng pera.

NAKANGITING pinagmasdan ni Gallagher ang malaking screen sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Mukha ni Marie ang nasa screen at nakasimangot ito sa kaniya. Larawan ito ng dalaga na patago niyang kinunan nung kumain ito sa canteen kasama si Judith pero naka-focus ang camera niya sa babae.

“Mapapaamo rin kita, Marie.” Natawa siya nang makitang naka-block siya sa messenger ng babae. Kung alam lang nito na hindi siya mahilig sa social media pero dahil dito, napilitan siyang gumawa ng isa.

“Tigil-tigilan mo na ‘yang paghihithit mo ng drugs, Gal.”

Natawa siya nang marinig niya ang boses ni Magnar sa kaniyang suot na relo. Lumabas ang hologram image nito at natatawang nakatingin sa kaniya na parang nasa harapan lang din niya ang presinsya ng kaibigan.

“Hindi ka invited sa opisina ko.”

“Ako nag-invite sa sarili ko. Wala ka bang pagkain para sa ‘kin? Any donut?”

“Advice from me dude, go make your own donuts, you smelly bastard!”

“Baka kapag ikaw inagawan ko ng Marie sweety pancakes d’yan, iiyak ka.”

Awtomatikong napaunat ang kaniyang likod at matiim na tiningnan ang kaibigan. Nangialam na naman ito ng sinasabi niyang privacy. Isa iyon sa rules ng grupo nila, maintain privacy— oh, siya lang pala gumawa ng salitang iyon.

“Busy ako sa buhay abroad ko.”

“Gago! Sabi mo, isang buwan. Bakit halos magdadalawang buwan ka na yata? Not fair, Svensson. Maraming pinapagawa sa ‘min si Yx,” angil nito.

Mabilis ang kaniyang kamay na tinipa ang keyboard at tiningnan ang files nito kung marami nga ba pinagawa si Yx, nakita niyang dalawa lang ang hawak nito at mabilis lang na assignment. Isang sindikato at isang corrupt na mayor na may ginagawang illegal sa lugar na pinapatakbo nito.

“Ang dami nga.” Pang-iinis niya at hinarap dito ang nakita niya sa files nito.

“Fuck! Stop hacking my things, you idiot!”

“You also hacked mine.”

“You mother fucker—”

“Idiot.” Mabilis niyang pinatay ang tawag nito at muling pinagmasdan ang nakasimangot na mukha ni Marie sa screen.

Hanggang ngayon, natatawa pa rin siya sa tuwing naaalala ang mukha nitong galit na galit at nakasimangot sa kaniyang presinsya. Nasanay siyang puro kilig at papuri ang kaniyang nakukuha sa mga kababaehan kahit isa siyang hamak na magsasaka. Pero sa dalaga, hindi tumatalab ang kaniyang paglalandi at pagpapalipad ng hangin dito kaya mas lalo siyang ginanahan na kulitin ito araw-araw.

1 more month. Iyon ang usapan nila ni Yx at ilang linggo na lang siyang meron. Babalik na siya sa organisasyon at iiwanan niya na itong pagiging magasasaka niya.

Saglit niyang tiningnan ang mensaheng galing kay Yx. Symbol at dalawang number iyon. Napatawa siya at naiiling. Binigyan siya ng ultimatum at naiitidihan niya si Yx. Pinili niya ang profession na ito kahit isa siyang Chef at may mga sariling Restaurants.

Ngayong suspende na sila, mas mapapalapit siya lalo kay Marie na walang hadlang. Ang kailangan lang ay sabayan niya ito sa part time job nito kung saan ito papasok. Natawagan na rin niya ang tauhan niyang namamahala sa kaniyang Silver Garden sa Sapporo Hokkaido. Natapos na ang naturang building nung nakaraang linggo at nagbukas na ito sa publiko. Isa ang Silver Garden sa Sapporo ang dinadagsa ng mga turista simula nung nagbukas ito.

“Can’t wait for it, Marie-babes. Bukas na bukas din ay magsisimula ka sa Silver Garden.” Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti sa isiping makakasama niya ito buong araw sa loob ng dalawang linggo.

Hindi niya problema si Fidel. Hindi ito threat sa dalaga at hindi delikado ang lalaki. Alam niya na ito sapagkat tapos niya ng gawin ang pinagawa sa kaniya ni Yx. Sinabihan na rin niya si Tiverius na ito na ang bahala sa Blood Diamond.

“Hey?” Ang Manager ito ng Restaurant kung saan sila nag-part time job si Marie. “Marī wa ashita soko ni ikimasu. Kanojo no yokyu o sugu ni kotowaru.” Marie will go there tomorrow. Decline her request immediately.

“Hai.” Yes.

“Good.” Pinatay niya ang tawag at muling tinitigan ang nakasimangot na mukha ni Marie sa malaking screen.

Hindi pa naman siya baliw. Ngayon pa lang siguro…

LAGLAG ang balikat ni Marie nang sabihin mismo sa kaniya ng Manager na hindi nito kailangan ng dishwasher. Saan siya ngayon? Though marami siyang pwedeng puntahan at pwede rin siyang dumayo sa Sapporo. Maraming part time job na naghihintay sa kaniya roon isali pa na sinabihan din siya ng matandang Manager na sa Sapphoro, may bagong bukas na Restaurant. Binigyan din siya nito ng lokasyon kung saan mahahanap.

Nakaupo siya sa may waiting shed kung saan ang bus stop papuntang Sapporo nang may nag-abot sa kaniya ng flyer. Wala sa loob na tinanggap niya iyon at eksaktong may humintong bus sa harapan. Sinilid niya ang flyer sa bag at umakyat sa bus dala ang matinding galit niya para kay Gheron. Huwag itong magpakita sa kaniya talaga!

Saglt niyang pinikit ang mata at napailing. Dalawang oras at kalahati ang byahe papuntang City pero bahala na. Mas malaki ang tsansa na mas makahanap siya ro’n at mas malaki ang kita. Ilang sandali pa ay tumunog ang kaniyang phone sa bag. Gahol na binuksan niya ang kaniyang bag pero unang bumungad sa kaniya ay ang flyer.

LOOKING FOR PART TIMER KITCHEN ASSISTANT.

Sumikdo ang kaniyang puso nang makita ang malaking letra na nabasa niya sa flyer. Part timer?! Gulat siya sa nabasa. Agad niyang kinuha ang flyer at binasa ang buong nakasulat doon at ang salary na nakalagay.

Para siyang dinuyan sa alapaap nang makita ang salary na nakalatag sa papel. Ang laki! Pang-isang buwan kita ko ito sa farm. God! Kailangan kong makuha ang Kitchen Assistant na ito.

Naghugis pera ang kaniyang mata at gahol na kinuha ang cellphone sa bag. Tatawagan niya ang number na nakalagay ro’n. Silver Garden? Pangalan pa lang, mamahalin na. Dapat ako ang makakuha nito.

Isang ring lang, agad may sumagot sa kabilang linya. Agad siyang bumati ng magandang araw sa kabilang linya at sinabi rito na mag-apply siya ng part time. Sa gulat niya, walang pasikot-sikot na nasa kabilang linya, tinanggap siya nito agad. Tinanong lang siya nito kung ano ang kaniyang buong pangalan at nung sinabi niya, oo agad ang sagot. Makakapagsimula siya agad pagdating niya sa lokasyon na sinasabi sa flyer.

Totoo ba ang nangyayari ngayon? Parang… Ang malas ko na nakilala ko si Gheron pero ang swerte ko sa trabaho simula nung nakilala ko rin siya… Napatulala na lamang siya.

Samantalang ang lawak ng ngiti ni Gheron nang sabihin ng kaniyang tauhan na papunta na si Marie sa kaniyang Restaurant at tanggap na ito bilang kitchen assistant. Why not? Nagtapos ng Hotel Restaurant Management ang dalaga at magiging assistant niya ito sa loob ng dalawang linggo. Napangisi siya. Hindi na siya makapaghintay.

KUNG gaano kabilis na masuspende si Marie sa trabaho, gano’n din kabilis ang swerte sa kaniya na matanggap sa Silver Garden. Hindi lang iyon, stay in siya ayon sa Manager na kaniyang nakausap at ang Silver Garden na Restaurant na napuntahan niya ay hindi basta-bastang Restaurant lang. Isa itong 5-star Restaurant ayon sa review na nakita niya sa google at marami itong branches worldwide!

Gusto niyang tanungin ang sarili kung malas ba siya talaga o swerte dahil hanggang ngayon ‘di pa rin siya makapaniwala. Stay in siya sa loob ng dalawang linggo, libre pagkain, kuryente, lahat na mga kailangan niya ay libre. Ang tanging gawin niya ay gampanan ang pagiging kitchen assistant at maging masunurin sa Chef na kung saan siya i-assign. Sa parteng iyon, medyo naguluhan siya pero inisip na din niyang very convenient ito sa kaniyang parte. Iisang tao lang ang kaniyang pagsisilbihan at susundin ang utos.

Maraming sinabi sa kaniya ang Manager ng Silver Garden. Mga rules at regulations ng Restaurant lalo na’t kakabukas lang ito at laging dinudumog ng mga customers. Mga dos and don’ts. Isa na ro’n ang dapat palagi siyang nakangiti sa bawat mga taong nando’n sa kusina at iwasan niya ang nakasumangot na parang mananapak ng tao.

Halo-halo ang kaniyang nakita sa kusina, may mga Filipino, hapon at ibang lahi. Kung susumain, malaki ang naturang Restaurant at hindi biro ang investment ng may-ari n’yon sa laki. Parang gusto niya tuloy isipin na umalis na lang siya sa farm at dito na siya sa Silver Garden pero ‘di pwede lalo na at may kontrata siyang pinermahan.

“Ms. Antopina?”

“Sir?” Napatingin siya sa Head Chef. Isa itong Filipino at may kastriktuhan, nasa edad singkwenta at sa hugis ng mga linya sa mukha ng lalaki, perfectionist ito.

“Naiintindihan mo ba lahat ng mga sinabi ko sa ‘yo o kailangan ko itong ulitin para makinig ka?”

Bahagya siyang napahiya sa deretsong tanong nito. “Naiintindihan ko lahat, Sir.”

“Good. Now, may tanong ka ba sa ‘kin sa trabahong binigay ko sa ‘yo?”

“Wala na, Sir.”

Tumango ito at hinarap ang ginagawa. Nasa office sila nito at tulad kay Mrs. Ajinomoto, nasisilong siya sa kastriktuhan ng matanda. “You can start now. May mga tao akong inassign sa labas na siyang gigiya sa ‘yo at tulad ng sabi ko, ayaw ni Mr. Nossnevs ng tamad at nakabusangot. Wear your smile everyday.”

Nossnevs? Sa apelyidong binanggit pa lang ng Head Chef nila, nahirapan na siyang banggitin iyon. Russian siguro ang Chef na pagsisilibihan niya at inisip niyang isa siguro ito sa pinakamataas na Chef.

“Noted, Sir.” Tumango siya at may pumasok na isang babae at ginaya siya sa labas. Isa itong Deputy Chef.

Mamaya niya na sabihan si Judith sa nangyaring swerte ng kaniyang buhay kahit puro kamalasan lagi ang binibigay sa kaniya ni Gheron. Pinakilala siya ng Deputy Chef niya sa lahat ng mga kitchen staff at binati lang siya ng mga ito saka nagsibalikan sa kaniya-kaniyang ginawa. Iniwan din siya ng Deputy Chef na nagpakilala sa kaniyang si Mrs. Wang at binilinan na hintayin niya si Mr. Nossnevs na isang Chef de Tournant. Gusto niyang tanungin sana kung paano niya malalaman at makikila si Mr. Nossnevs, pero nawala na sa mata niya si Mrs. Wang.

Ang gamit niya, nasa locker na din nakalagay. Habang naghihintay siya kay Mr. Nossnevs, para siyang kahoy na nakatayo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang lahat ng nasa kusina. Wala sa loob na napangiti siya. Isa sa pangarap niya ang makapasok sa isang 5-star Restaurant at magtrabaho. Ngayon, nandito siya sa loob ng kusina kung saan pinagmamasdan bawat station Chefs na busy sa mga ginagawa. May kaniya-kaniyang niluluto ang mga ito ayon sa menu at order.

Lalo na at sa bawat Station Chefs may Saute Chef kung saan namamahala at gumagawa ng mga sauces and gravies. May Pastry Chef kung saan baked goods at desserts ang ginagawa. May Roast Chef na siyang namamahala naman sa roast meats. Pantry Chef na siyang naghahanda sa mga cold dishes lalo na sa mga salads at ang pinakahuli, Entrée Chef kung saan soups at mga gulay ang hinahanda.

Para siyang nanonood ng live cooking show at tila may kung anong kamay na gumapang sa kaniyang puso habang nakatingin sa mga ito na nagluluto at naghahanda. Hindi siya isang Chef pero masarap din siya magluto at specialty niya ang pastry kahit hindi siya mahilig sa matamis.

Sa isiping matamis, napatingin siya sa kabilang bahagi kung saan may nagbi-bake at bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan si Gheron na nakangiti at lantakan kinakain ang cookies sa harapan niya. Natawa siya ng wala sa oras sa mga sandaling iyon at may ibang napalingon sa kaniya kaya agad siyang nagtikom ng bibig at nagkunwaring walang pakialam sa mga ginagawa ng mga ito.

Ilang sandali pa ay may pumasok sa pintuan. Isang matangkad na lalaki at nakasuot ng sumbrero. May rugged jacket na suot at kupasing pantalon. Malaki ang pangangatawan at sa tayo pa lang ng lalaking pumasok, parang kilala niya na kung sino ito.

Gheron?! Hindi imposible naman yata na hanggang dito magkikita kami? Huwag lang sana siya magpapakita rito at nag-apply ng part timer tulad ko at kakatayin ko siya talaga. Nagkukot ang kaniyang kalooban ng maisip ang mukha ng binata.

Sinundan niya ng tingin ang lalaking nakasumbrero at pumasok ito sa isang pintuan. Naghintay siya ng ilang minuto at bumukas iyon. May niluwa ro’n na isang lalaking nakasuot ng puting kasuotan, may suot na white cap at black pants. Ang hanggang balikat na magulong buhok ay nakatali at ang rugged na dating nito lalo na sa balbas na nagsimulang umusbong ay nagbibigay ng kakaibang karisma sa suot na Chef uniform.

G-gheron…?! Nalunok niya ang kaniyang puso.

Hindi niya kayang kapain sa lakas at pag-unahan ng pagtibok nito ngayon na animo’y ngayon pa lang siya nakakita ng rugged na lalaki. Speaking of ruggedly handsome, tuluyan ng nagwala ang kaniyang puso nang tumingin sa deriksyon niya si Gheron na puno ng seryuso ang mukha at walang kangiti-ngiti. Para siyang nakakita ng ibang version na Gheron.

“B-bat ka nan-nandito?! Sinusundan mo na naman ba ako?” Pagalit na tanong niya nang makabawi siya. Nasa harapan niya na ang binata at nakatingin ito ng deretso sa kaniya. Honestly speaking, nagmukha itong karespi-respito ngayon.

“Dito ako sa loob ng dalawang linggo,” seryusong anas nito.

Agad nagtagpo ang kaniyang kilay at nameywang. Akmang pagbubungaan niya ito nang maalalang wala sila sa farm at nasa isang mamahaling Restaurant silang dalawa bilang part timer. Kinalma niya ang kaniyang sarili at tiningnan ito ng masama!

“Huwag kang lalapit sa ‘kin mga dalawang metro ang layo!”

“Talaga?” Kumudlit ang ngiti nito at ang ibang version of Gheron nito kanina ay biglang naglaho. Naging manyak version ang lalaking nasa harapan niya. Kilalang-kilala niya ang mga ngiti nito at mga manyak nitong titig.

“Oo!”

Nagkibit ito ng balikat at binigay ang gusto niyang dalawang metro ang layo nang lumabas ang Head Chef sa office nito. Agad silang nagsibati sa Head Chef at lumapit ito sa kanilang dalawa.

“Ms. Antopina, siya si Mr. Nossnevs, ang Chef de Tournant. I am glad at nakilala mo siya agad. You will work for him.”

“W-what?!” Para siyang sinabugan ng bomba sa narinig at uminog ang kaniyang mundo sa nalaman. “S-siya si Mr. Nossnevs na sinasabi niyo, Sir?” Turo niya kay Gheorn na kampante at seryusong nakatingin sa kaniya.

“Yes. May problema ba? You can quit on this job if you want. Maraming nakapilang aplikante sa posisyon mo at ngayon na ngayon din kaya kitang palitan—”

“N-no, Sir. Para sa ‘kin ang trabahong ito at gagawin ko lahat para sa dalawang linggong part time ko rito na mapaayos ang trabaho ko.”

“Good to hear. Maiwan ko na kayo. And you, Mr. Nossnevs. Sumunod ka sa opisina ko. Late ka sumipot ngayon.”

Napangiwi naman ang binata. “I’m sorry, Sir.”

Habang siya, napatulala na lamang sa nangyari. Bakit ang daya ng tadhana ngayon?

MALAS na kung malas, walang magawa si Marie kundi ang sundin lahat ng utos ni Gheron sa kaniya bilang assistant nito. Marami siyang mga katanungan tulad ng pagiging kitchen assistant nya pero bakit sa isang tao lang at bakit sa daming Chef, kay Gheron pa?!

Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang lalaki. Magsasaka ba o Chef? Hindi basta-basta ang makakapasok sa Silver Garden, iyon ang kaniyang unang basehan. Unang-una, five-star ito ayon sa internet. Pangalawa, strikto ang Head Chef na si Mr. Santos. Pangatlo, isang Chef de Tournant si Gheron? Sa parteng ‘yan pa lang, sobrang imposible!

May hindi pa siya alam sa pagkatao ng binata? Totoong magsasaka lang ba ito o nagpanggap lang din ito tulad nung unang lalaking nakilala niya? Ayaw niyang isipin kung sino ito at anong totoong katauhan ng binata pero hindi niya mapigilan lalo na at pagdating sa kusina, mabilis ang galaw nito at parang sanay na sanay ito sa pagluluto.

“Marie?”

“H-ha?” Nagbalik siya sa hwesyo nang tawagin ni Gheron ang kaniyang pangalan. Nakakunot ang noo nito pero mas lalo itong gumagwapo sa tuwing seryuso ito at walang bahid na kamanyakan ang mukha.

“I said, peel the onions.”

May sinabi ba ito? Hindi niya narinig o siguro masyado siyang focus sa kakatitig dito?

“Bakit hindi na lang ikaw ang magbalat?” Huli niyang maisip na assistant pala siya ni Gheron. Mabilis siyang tumalikod at kumuha ng mga sibuyas at nagsimulang magbalat ng mga iyon.

Gusto niyang isipin na nagkataon lang ang lahat pero ang kabilang bahagi ng utak niya, nagsimula ng magkaroon ng maraming mga tanong. Lalo na sa existence ng lalaki. Nossnevs? Ang pagkakaalam niya, Vensson ang apelyido nito at— natigilan siya sa pagbalat ng tumama sa mata niya ang onions chemical na dapat pala binabad niya muna sa malamig na tubig bago niya binalatan.

Shit! Napaiyak siya nang wala sa oras.

“Hey hey? Pinagbalat lang kita, hindi inalila. Bakit ka umiiyak diyan na parang timang?”

“Tumahimik ka nga!” asik niya rito.

Napapikit siya ng mata at nagsilaglagann ang mga luha niya. Nagyuko siya at baka makita sila ng Head Chef at baka ano ang isipin na makita siyang umiyak na parang tanga.

“Okay. Next time, papaiyakin na kita sa sarap. Magbalat ka na ulit. I need those onions in 1 minute.” Iniwan siya nito na nayanig sa salitang paiyakin sa sarap.

Bastos! Manyakis ka talagang yawa ka.

Inayos niya ang kaniyang sarili at mabilisan binalatan lahat ng sibuyas. Pwede na rin niyang isali ang binata na balatan para tumahimik na ito. Kung ‘di lang niya kailangan na kailangan ang trabahong ito, malabong kakapit siya. Pero sayang din ang kaniyang kikitain sa loob ng dalawang linggo sa Silver Garden. Malaking pera ang sasayangin niya ‘pag inuna niya ang kaniyang galit.

Panay utos sa kaniya si Gheron. Utos dito, utos doon, balat dito, balat doon. Kuha dito, kuha doon. Kahit nasa harapan lang nito ang isang bagay na hinihingi nito, tatawagin pa nito ang kaniyang pangalan at uutusan siya. Pati sa pagpunas ng pawis nito, siya ang inuutusan. Natapos ang buong araw niya sa pag-babysit kay Gheron na kung saan ito, dapat nakasunod siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.