CHAPTER 13

HALOS mataranta si Breonna sa pag-aayos sa sarili. Hindi pa niya nagagawang kumalma matapos ang umaatikabong kaganapan sa ibabaw ng office table ni Axyl ay may kumatok naman bigla sa pinto nito. Ang nakakainis lang, parang naaliw pa ang magaling na lalaki sa pagkataranta niya. Tinulungan din naman siyang magbutones. Kaya lang… nagbubutones nga ito pero parang gustong iwan na bukas ang bandang itaas ng button down formal top niya.

Binigyan niya ito ng warning glare nang pigilan siyang magbutones sa parteng iyon.

“Why I have this feeling na ayaw mong madikit ang pangalan mo sa akin? Aren’t you grateful to have me?” She could hear grouch in his voice. Even in the way he talks.

‘Meron na bang tayo?’

Gustong-gusto na niyang itanong pero may nagsalita na sa labas. Minadali nalang niya ang pagbubutones. Pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang sandaling pagdidilim ng mukha ni Axyl. Gusto niyang kabahan dahil mukhang hindi maganda ang ibigsabihin noon. Hindi pa siya tapos mag-ayos nang sarili kaya agad na bumaba siya ng mesa at tumakbo sa comfort room ng opisina ni Axyl. Ito naman ay inabot ang remote control. Eksaktong naramdman niyang may pumasok sa opisina ay ang pagsasara naman niya ng comfort room.

“Anong nangyari rito? Bakit ang kalat ng opisina mo?” Narinig ni Breonna na tanong ng kung sinong bagong dating. Boses lalaki. Pero sa paraan ng pagtatanong, alam niya na hindi empleyado ang dumating.

“Ah, wala. May hinahanap lang ako.” Si Axyl.

Inayos ni Breonna ang buhok sa harapan ng salamin habang naririnig ang boses ng mga nag-uusap. Wala siyang masyadong naiintindihan dahil may binabanggit ang mga ito na lugar na ‘di niya alam. Though ang thought ng conversation ay patungkol sa mga business matters. At kahit tapos nang ayusin ang sarili, hindi niya malaman kung lalabas na ba o hihintaying umalis ang kausap ng boss niya. Hindi niya din naman kasi alam kung paano ipapaliwanag ang presence niya sa loob ng comfort room ng boss.

“Kailan ba?”

“The day after tomorrow. Dadating silang lahat bukas ng hapon. Doon na sila dederetso.”

“Tss!” Palatak ni Axyl. “Wala ako sa mood magpunta sa Bachelor Hub.”

“Walang mood-mood. Meeting ‘yon ah.”

Walang sagot mula kay Axyl.

“May bitbit silang mga lucky charm. Mga gunggong na ‘yon.”

Isang mahinang ungol ang sagot ni Axyl. “Bakit? Ikaw, wala?”

“Bakante ako ngayon eh.”

“Vacant, your face!”

“Oo nga. Nagtitino na ako, ano? Si Erwan ang hindi matino. ‘Yong pinsan nating ‘yon talaga.”

“Alright. As you say so, Aether.”

Ang dami nang sinasabi nang kausap ni Axyl at wala nang naririnig na sagot si Breonna mula sa boss. Puro yeah at uh-huh nalang. At inip na inip na siya. Gusto na niyang makalabas.

“Alis na ako. Wala ka nang kwentang kausap.”

Tumawa si Axyl. “‘Buti pa nga, bro. Nagsasawa na din ako sa pagmumukha mo.”

Tawanan at kung anu-ano pang asaran. Ilang sandali pa at tahimik na sa opisina. Nakiramdam pa din siya at baka nandoon pa. Dahil kaninang narinig niyang nagbukas ang pinto, naririnig pa din niya ang boses ng mga nag-uusap.

“Lumabas ka na diyan, Breonna. Wala nang makakakita sa ‘yo dito.” Pormal ang boses na sambit ng boss.

Napakapormal din ng gwapong mukha nito nang harapin niya. Medyo madilim pa nga na parang naaasar ito. Ano na naman bang ginawa niya at parang nawala ito sa timpla?

Nagbuga ng marahas na hininga si Axyl. “I thought you agreed you are mine?” parang nagpipigil ito ng pagkayamot.

“Huh… may sinabi ba ako?” Nakagat niya ang labi nang dumilim lalo ang mukha ni Axyl. “I mean, nasa trabaho tayo, Sir. ‘Di ba dapat hindi ito ang pinag-uusapan natin?”

“Oo nga pala.” Sarcastic na sagot nito. “Pero ako ang boss. Ako ang magsasabi kung ano ang dapat nating pag-usapan. At gusto kong pag-usapan ang tungkol sa ‘yo at sa akin.”

Mapuputol na yata ang pasensiya nito.

Naku po!

“Sir—”

“At gusto mo akong tanggihan ngayon pagkatapos mo akong pagsawaan?” May halong galit ang boses ni Axyl. Para ding nasaktan ang pagkalalaki nito sa tono ng pananalita.

Namilog ang mga mata ni Breonna.Wala naman siyang intensyong ganoon. Ni hindi nga niya naisip man lang ang ideya na iyon. Paano niya pagsasawaan ang isang katulad ni Axyl Bachelor? He was everything a woman would asked for. Kaya…

“Ano po bang sinasabi mo, Sir?” Nalilito nang tanong niya. Umurong na din ang kaninang lakas ng loob niyang sagot-sagutin ito dahil parang lalo itong nagalit. Tumalikod pa at humigop ng hangin. Tila labis-labis na ang pagtitimpi.

“Talagang ayaw mo na mai-associate sa akin? Ni hindi ka lumabas at nagpakita sa kapatid ko!”

Tuluyang nawindang si Breonna. “W-Wala ka naman kasing sinabi, Sir na magpakilala ako sa kapatid mo.” So, kapatid pala nito ang dumating.

Ang hindi niya ma-gets ay kung bakit ito nagagalit? ‘Di ba dapat nga na matuwa itong hindi nahuli ng kapatid na nilalabag nila ang company rules?

“Kailangan ko pa bang sabihin sa ‘yo? I thought you are mine. So, automatic na gusto kong makilala ka ng kapatid ko.”

“E’di sana tinawag mo ako, Sir.” Sa kawalan ng masasabi ay nagawa niyang isagot. Huli na para pagsisihan pang sinabi niya iyon. Namula na sa inis si Axyl.

“Damn! Where is your wit, Breonna?” inis na sambit nito. Pagkuway bumaling sa kanya. Huminga ulit ng malalim at sa pilit pinapakalmang tono ay nagsalita ito. “I think its about time to fire out the question.”

Napakurap-kurap si Breonna. Sa sobrang seryoso ng mukha nito, may pakiramdam siya na hindi niya magugustuhan ang tanong. Kinabahan siyang bigla nang mapansing deretso at titig na titig ang madidilim na mga mata ni Axyl. Nagniningas iyon sa kasabikang makuha ang sagot na kailangan nito.

“Sino si Sehun, Breonna?”

Naparalisa si Breonna. Namimilog ang mga mata. Gustong manlambot ng mga tuhod niya habang sobrang lakas at sobrang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Para siyang pinasabugan ng bomba sa tapat ng kanyang tainga. Alam na ba nito? Paano nito nalaman? Kaya ba ito nagagalit ng ganoon ay dahil alam na nito? Hindi… Paano na? Anong gagawin niya?

“Is he someone who hurt you? At hanggang ngayon, hindi mo makalimutan? Na kahit hanggang sa pagtulog mo, iniiyakan mo pa?” Naglabasan ang mga ugat sa leeg ni Axyl nang makitang natulala nalang siya. Parang lalo itong nagalit. Pero bigla ding kumalma at inabot ang mukha niya. May pinalis doon na… luha pala.

Darn! Hindi niya napansin na kumakawala na ang mga luha niya. Narinig niya lang ang pangalan ni Sehun at agad na pumuno na sa puso niya ang matinding pagka-miss sa anak. Gustong-gusto na niya itong makita. Mayakap. Mahawakan. Gusto niyang makasama ang anak pero hindi niya magawa. Mahirap pa ang sitwasyon nila at hindi niya alam kung hanggang kailan magiging ganito.

Naramdaman niya ang pagkabig ni Axyl sa kanya payakap habang walang tigil ito sa pagmumura. Humagulhol nalang din siya ng iyak sa dibdib nito. Suddenly, she felt the warmth and protection she had longed for a long time. Sa loob ng mga malalakas na bisig ni Axyl, doon niya nahahanap ang comfort, ease and protection. Tuloy, parang ayaw na niyang kumawala sa mga yakap nito. Ayaw na niya itong mawala sa kanya. Hindi nalang dahil sa tulong na kaya nitong ibigay sa kanya. But the truth that he was everything she wanted for a man. Kahit noon pa man, alam niya na iba si Axyl sa lahat. Kaya nga siguro hindi na rin niya nagawang tumingin sa ibang lalaki. Dahil pagkatapos ng mahigit dalawang taon, si Axyl pa din ang hinahanap-hanap niya.

Kung sabihin na kaya niya rito ang lahat? Titigilan na niya ang pagse-seduce dito na mukhang hindi naman nagiging effective. Nagba-backfire kasi sa kanya ang lahat ng plano. Siya ang naaakit at nahuhulog ang loob ng husto sa boss niya sa halip na ito sa kanya.

“Axyl… Sir…” kumawala siya rito. Tiningnan naman siya nitong mabuti. Puno ng pag-aalala ang mukha. Para tuloy iyong naghatid ng mainit na pakiramdam sa puso niya. It’s not a heat of lust. But a heat that sympathize, a heat that cares. Kaibang-kaiba sa init na hatid nito kapag hinahaplos siya.

“Ano? Kalma ka na?” Tanong nito. Pero parang ito ang dapat na pakalmahin. Parang gusto nitong mang-amok sa kung sino habang nagdidilim pa din ang gwapong mukha.

“I’m fine.” Inayos niyang muli ang sarili. “Can we talk after office hours? About…” Gusto pa niyang magdalawang-isip pero… Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. “It’s about a personal thing. I’ll tell you everything.”

“Kung patungkol ‘yan sa lalaking nagpapaiyak sa ‘yo, ayokong makinig.”

“It’s about Sehun—”

“Kaya nga!” paangil na sagot nito. “Ayokong pag-usapan ‘yan!”

Naipikit niya ng mariin ang mga mata. “Kailangan mong marinig.”

“You can go now.” Yamot na tumalikod ito sa kanya at dumertso sa mesa nito. Himalang nasa ibabaw na ng mesa ang mga papeles na pinalis nito kanina. Pinulot siguro ng magkapatid.

“Okay. Pero mamaya—”

“I-full mo ang schedule ko for today.” Parang pagdi-dismiss na sagot nito.

Gusto nang manlumo ni Breonna. Pero wala siyang nagawa kundi ang lumabas nalang ng opisina nito. Iyon ba ang dahilan kaya mainit ang ulo nito nang pumasok sa trabaho ngayong araw? Narinig nitong tinatawag niya ang pangalan ni Sehun habang natutulog? Hindi siya aware na nagsasalita pala sa pagtulog. Sa sobrang pangungulila na siguro. Pero ang mas hindi niya mapaniwalaan ay iniisip ni Axyl na nakarelasyon niya ang lalaking iniiyakan.

Nah! Ni hindi niya makita ang sarili na iiyak para sa isang lalaki. At sana naman nga, hindi dumating ang araw na iyon.

BUONG maghapon na hindi mapakali si Breonna. Kausapin at hindi siya ni Axyl. Haharapin lang siya nito kapag may iuutos. At parang galit pa kapag haharapin siya. Wala naman siyang ginawang masama ah? Lumigaya pa nga ito sa kanya kanina. Tapos ngayon, ganoon nalang iyon? Bigla nalang siyang hindi papansinin at kakausapin. Gusto na niyang maiyak sa stress. Kung kailan handa na siyang sabihin ang lahat, sabihin dito ang lahat-lahat, saka naman ito parang ayaw nang makipag-usap. Ni ang tingnan ay parang ayaw nitong gawin. Nafu-frustrate na siya. Sa tuwing lalapit sa boss, inidi-dismiss siya. Para bang silent way of saying na ayaw siya nitong kausapin.

Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Breonna. Inayos na niya ang mga gamit at naghanda na sa pag-alis. Kumatok din muna siya sa opisina ng boss para magpaalam. Nakita niyang subsob si Axyl sa trabaho at ni hindi siya nilingon nang magpaalam na aalis na. Tumango lang ito nang hindi tumitingin sa kanya. Napabuntong hininga si Breonna at hinila na ulit pasara ang pintuan. Uuwi na naman siya sa tahimik at malungkot na condo unit niya. Nakakasawa na ang everyday routine. Nagbabago lang ang routine niya dahil nga nandiyan si Axyl at nanggugulo. Pero mukhang titigil na ito sa panggugulo. Hindi na nga siya pinapansin eh.

Isa na namang buntong-hininga. Naglakad-lakad siya sa maingay, polluted at magulong kalsada. Papalubog na ang araw. Labasan na din ng mga estudyante at nag-oopisina kaya siksikan na ang daan. And again, pipila na naman siya sa train station. Biglang napangiti si Breonna nang may maalala. ‘Yong eksena kahapon. Ngayon lang niya napag-isip-isip na nakakaaliw pala ‘yong mga ganap kahapong hinahabol siya ni Axyl sa train station. Hindi niya naappreciate ang effort nito dahil windang nga siya sa mas importanteng bagay. Ngayong binalikan niya ang eksena, gusto niyang ma-touch. Nakipagsiksikan ang boss sa masikip at magulong lugar para lang masundan siya. And the worry in his handsome face, it was priceless and really touching.

“Hay, Axyl. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa ‘yo.” Pabuntong hininga na dumeretso na siya sa pila.

Nag-aabang na siya ng train nang tumunog ang phone niya. May nagtext? Binuksan niya iyon. Unregistered number.

Eat first before you go home. Ni hindi ka nag-lunch kanina.

Napakunot-noo si Breonna. Sino ang nagtext? Hindi kasi naka-save ang number. Nang bigla siyang may maalalang silipin. Ang call logs. Kahapon ay tumawag din si Axyl sa kanya gamit ang unregistered number. Hindi na siya magtataka kung paano nakuha ang contact number. He is the boss of course. Nang mai-check ang number sa call log ay na-confirm niyang si Axyl ang nagtext. Himala, nag-effort pang magtext ha? Samantalang ni hindi siya pinapansin sa opisina kanina. Ibinalik niya ang cellphone sa bag na hindi nagre-reply. Saktong dumaan naman ang tren.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.