CHAPTER 15

PILIT na inilalayo ni Breonna ang mga mata. Ramdam niya ang maya’t-mayang pagsilip ni Axyl sa kanya. Sinabi na niyang hindi niya kilala ang mga lalaking iyon. Siguro ay stalker. Siyempre ay palusot lang niya iyon. May ideya na siya kung sino-sino ang mga lalaking nagtangka sa kanya. Posibleng galamay ng sindikato. Nalaman na ba ng mga ito na siya ang kapatid ni Tyrelle? Kung ganoon, hindi siya pwedeng umuwi sa kanyang anak at kapatid. Baka mas ma-trace ang mga ito.

Pero miss na miss na niya ang anak. Gustong-gusto na niya iyong makita at makasama. Tahimik na napahikbi si Breonna. Mas magiging mahirap ngayon na makasama niya ang mga ito. Mas mapanganib.

“Tell me the truth, Breonna. Alam kong alam mo kung ano ang kailangan ng mga iyon sa kanila.” Narinig na naman niyang nangungulit si Axyl.

Pabiglang bumaling siya rito. “Ang kulit mo naman eh! Hindi ko nga alam. Hindi ko sila kilala!” magkahalong pagkayamot at pagkataranta na angil niya rito.

“Kaya ka ba nagdi-disguise dahil may tinataguan ka?”

Natigilan si Breonna. Pero agad ding nakolekta ang sarili.

“Hindi nga ako nagdi-disguise. Breonna naman talaga ang pangalan ko. At sinabi ko na sa ‘yo na ginamit ko lang ang apelido ng lola ko para mas madaling maging legal ang stay ko dito. Mas madali ang buhay dito kaysa New York kaya mas gusto kong mag-settle nalang dito. At bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa ‘yo ha? H’wag mo nga muna akong kausapin? Gusto kong magpahinga!”

Ni hindi na napansin ni Breonna na napakawalang modo na ng pananalita niya, to think na boss niya itong kasama niya. But hell… windang siyang masyado at tumatakbo ng mabilis ang isip niya sa napakadaming alalahanin. Pagkatapos ngayon ay kinukulit pa siya ni Axyl.

Mabuti nalang at pagkatapos ng isang buntong-hininga ay tumahimik na ito. Pagkarating na pagkarating nila sa condo-building ay sumunod din si Axyl sa kanya sa pagpasok sa unit niya. Sinabihan pa siyang huwag nang sobrahan ang dami ng mga dadalhin. At sa lear jet nalang daw siya mamahinga. Mukhang wala itong konsiderasyon sa kanya matapos ang nangyari at minamadali pa siya.

“I’m not that cruel, Breonna.” Parang pagtatanggol nito sa sarili habang pinapanood siyang nagsasalpak ng mga gamit sa travelling bag. “Gusto ko lang i-secure ang safety mo. Sa island, walang basta makakapasok at makakalapit sa ‘yo. So that’s why I wanted to bring you there, as fast as I can.”

Maski paano ay nag-loosen up si Breonna. Na-appreciate naman niya ang ginagawa ni Axyl. He just wanted to protect her and keep her safe. Para doon, gusto na naman niyang maluha. Kahit naman wala itong gawin o sabihin, nararamdaman niya ang security at protection sa presensiya nito. Basta nasa tabi niya lang si Axyl, alam niyang safe siya. There’s no safe place in this world but inside his warm big arms.

Muling sumagi sa isip niya ang pagtatapat ng patungkol kay Sehun. Pero binangga din siya ng takot nang maisip na paano kung biglang magbago ang isip ni Axyl kapag may sangkot nang inosente? Paano nga kung ilayo nito ang anak sa kanya dahil ngayon, nakatahi na sa kanya ang panganib? Hindi niya kayang mawala sa kanya ang anak. Hindi pwede.

Hanggang sa biyahe ay ginugulo si Breonna ng madaming isipin. Urong-sulong siya. Nagtatalo ang puso niya sa maraming alalahanin. Ni hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa pag-iisip at pag-aalala. Nagising nalang siyang nakalapag na ang lear jet at karga ni Axyl. Naglalakad na sila papunta sa kung saan.

Mabilis siyang kumawala kay Axyl at pinilit itong ibaba na siya mula sa pagkakakarga. But Axyl will be Axyl. Magiging matigas ito, and stay still hanggang gusto nito. Wala na siyang nagawa nang ipasok na siya nito sa landing cabin. Iniwan siya ni Axyl sa isang malambot na kama at nakakapagtakang hindi gumana ang kamunduhan nito at hinayaan siyang makapagpahinga pa. Well, hindi na siya nagtanong at baka magbago pa ang isip. Medyo kalma na din siya ngayon matapos makapagpahinga. Naglalaro na sa isip niya kung ano ang mga susunod na hakbang. Nasa Palawan siya. At sabi ni Axyl ay hindi siya basta masusundan doon ng kung sino man. That means, safe din na puntahan niya ang anak at kapatid. Hindi niya mabigyan ng warning ang mga iyon by phone. Mas mabuti sigurong sa personal nalang.

“FINALLY, you’re here, eldest beast.”

“Dumidilim na ah? Akala namin, ‘di ka na sisipot.”

Gustong mapanganga ni Breonna habang nakaharap sa mga kalalakihang nasa harap ng bar counter. Nagkakaingayan at kanya-kanyang asaran na talaga namang makakahila ng goodvibes ang ambiance at aura ng mga ito.

They were six...

Six stunning male human species were in front of her. May iba-ibang karakter ang mga ito mula sa paraan ng pagtindig at pagkilos at masasabi niyang lahat ay makalaglag underwear sa kagwapuhan! Wala siyang tulakin-kabigin sa mga ito. The men were certainly hunks and gorgeous. Mga malalakas ang dating at nakakabuhay ng makamundong isipan. Yet, Axyl would stand out. Siguro dahil ito ang panganay? Ah, ewan niya. Basta ang alam niya, si Axyl ang pinaka-lahat na.

“Dito na nga kami dumeretso eh. Nakakahiya naman sa inyo.”

But, Lord! This is paradise for women. Kaya lang, bukod sa kanya at sa ilang serbidora ay wala na siyang makitang ibang babae roon. Kasalukuyan silang nasa isang isla na tinatawag na Bachelor Hub. Unti-unting nakalimot si Breonna sa nangyari kaninang tanghali. Siguro ay dahil ginagawa din ni Axyl ang lahat para mawala sa isip niya ang nakaka-traumang kaganapan. Nagpapasalamat siyang hindi na ito nangulit.

Bachelor Hub is a private island in Palawan na ipinangalan sa angkan bilang private community ng mga Bachelor. And she could swear on her breath, the island was fantastic! Nalilibutan ang isla ng maberde at maasul na view. The beach was just a kilometer away and there were lots of horses around. Nakita niyang ipinapasok ang mga stallion ng ilan sa mga care taker. Sabi ni Axyl, marami pa daw silang panahon para i-explore ang island. Uunahin muna daw nitong makipag-deal sa mga kapatid. It was ofcourse about the business meeting.

Ilang villa din ang nakatayo sa lugar na nasisigurado niyang pag-aari ng mga Bachelor. Magkahalong classic at modern style ang mga villa pero ang mas nakakaagaw ng pansin niya ay ang yari sa glass panel na club house kung saan sila naroroon. Glass made structure. Na ayon kay Axyl ay meeting place nilang magkakapatid at ng mga pinsan nitong nasa blood line ng Bachelor. Clan meeting patungkol sa mga hawak na businesses ng bawat isa. Bachelor was a clan of very successful business persons. At hindi niya maitatangging dahil iyon sa pagkakaisa ng mga ito.

Of all places ay sa Palawan pa pala talaga sila pupunta. Hindi masyadong malayo sa kinaroroonan ng anak niya. Siguro ay pwede siyang mag-sneak kapag busy na ang lahat at hindi na siya kailangan. Sisilipin niya lang si Sehun. Ang problema lang ay kung paano siya lalabas ng Bachelor Hub? Nasa kabilang isla ang anak at kapatid niya.

“I think I saw her from somewhere.” Kunot-noo ang isa habang nakatitig sa kanya.

“Drop it, Aether.” Mariing saway ni Axyl sa kapatid. So, ito ‘yong lalaking dumalaw sa office ng boss niya nang nakaraang araw.

Pero ano ‘yong sinasabi nito na nakita na siya nito? Katulad ba ng madami ay napansin din nito ang pagiging Bunny Yascha niya?

“Siya ba ‘yong nagtatago sa comfort room mo, the last time I’m in your office?”

Parang naging bato ang katawan ni Breonna dahil sa narinig. Nanlaki din ang mga mata niya sa pagkagulat. Ano ba ito? Igigisa ba siya ng isang ito sa sarili niyang mantika? At bakit… bakit alam nito?

“Alam kong may itinatago si Axyl sa comfort room niya no’ng araw na iyon. Panay ang lingon niya sa comfort room eh.” Parang naaaliw na dagdag pa nito.

Naramdaman niya ang pag-abot ni Axyl sa kamay niya at magaang pinisil-pisil iyon.

“I’m warning you, Aether. Kapag hindi ka pa tumigil—”

“Fine. Fine.” Awat na ng kapatid ni Axyl at tumungga ng alak.

“So, aren’t you going to introduced her to us, eldest beast?” sabi naman ng isa.

Parang kumalma naman ang boss niya at humugot na ng malalalim na hininga. Sandali siyang nilingon nito saka bumaling sa mga kapatid.

“Guys, this is Breonna…” Nakatingin lang ang mga lalaki sa kanya. Pagkatapos ay muling lumingon kay Axyl na parang hinihintay na dagdagan nito ang sinasabi. “She’s my…” Lumunok pa ito na parang iniisip kung paano siya ipapakilala. “My assistant.”

Hindi malaman ni Breonna kung ano ang mararamdaman. Alam niyang nagsalawahan si Axyl sa paraan ng pagpapakilala sa kanya. She’d remember his frustration to introduced her to his brother, a day ago. Pero hindi nga siya lumabas ng comfort room. And she knew vey well that it infuriates him. Kaso, hindi na din naman niya alam kung ano bang score nila ni Axyl. Kung katulad ng ibang babae na angdaan sa buhay nito na partner in bed, sa palagay niya ay hindi na naman kailangan ng introduction. She was just nothing but his partner in bed. Pero sana, hindi siya pang-temporary lang. She wouldn’t wanted the idea of being his passing interlude. Pero, ano ba? Iyon lang naman ang kailangan ni Axyl sa isang babae. And she stoop that low para sa kapakanan at kaligtasan nila ng kanyang anak at kapatid.

Nakagat ni Breonna ang pang-ibabang labi at pinigilang mapahikbi. Ang baba-baba na ng tingin niya sa sarili.

“Whooah! Assistant daw! Ba’t ‘di ka nag-order ng babae—aaah!” Siniko si Aether ng isa pa. Palagay niya, sa magkakapatid, si Aether ang pinakamapang-asar.

“Tumahimik ka nalang kung gusto mo pang mabuhay, Aether?” sabi ng katabi nito.

“Anyway…” ani Axyl na hindi na maipinta ang mukha at halatang napipilitan nalang magsalita. Bumaling ito sa kanya. “‘Yong ugok na ‘yon na mamaya ay babawian ko na ng buhay, si Aether ‘yon.” Bago pa makabwelo si Aether ng pag-aabot ng kamay ay nagsalita ulit si Axyl. “Don’t you dare touch his hand or else, mamalasin ka.”

“Ano ba naman ‘yan, Axyl? Bakit ganyan mo ako ipakilala sa magandang binibini na ito?”

Hindi ito pinansin ni Axyl at muling nagsalita. “Si Archer. May pagka-genius ‘yan at may sariling mundo. He ran our computer and robotic company in Japan.” Tumango lang ang Archer. Ni hindi nakipagkamay sa kanya. Hindi ito katulad ni Aether na parang palaging high. Aether was always cool. She thought. Ngumiti nalang siya.

“This is Thrace. Our bank magnate. Magaling ‘yan sa Math.”

Tumawa ang tinutukoy na Thrace at iniabot ang kamay sa kanya. Sa pagkagulat niya ay hinila nito ang kamay niya at sandaling lumapit ang bibig sa kanyang tainga. “This might be too early but… welcome to the family.”

Hindi pa niya naaabsorb ang sinabi nito ay hinila na ito ni Axyl palayo sa kanya. Ngumiti lang naman ulit si Thrace at muli siyang binigyan ng nasisiyahang ngiti. Habang si Axyl, parang mag-aamok ang tingin na ibinigay kay Thrace. Binalewala lang iyon ng huli at nilagok ang alak sa hawak na wide-rimmed glass. Sandali siyang nalito sa sinabing iyon ni Thrace pero nawala na doon ang atensyon niya nang magpatuloy si Axyl.

There, Lathan who was a serious, reserve type na minsan-minsang lumalabas ang kapilyuhan. Naalala niyang ito ang naghahawak ng Bachelor Hotel na kilalang-kilala sa bansa. At ayon kay Axyl ay hawak nito ang mga pag-aari ng pamilya na chain of hotels na nakakalat sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Azriel… The stiff guy. Kasing tigas yata nito ang mga bakal sa steel corporation na inima-manage nito. But minutes later, she found out that he was sometimes a naughty devil. At may palagay siyang sa mga pribadong lugar lang lumalabas ang ganoong side nito. Ang pinsan ng mga ito na si Erwan na akala niya ay kapatid din nina Axyl. Puno ng tattoo ang isang braso nito at parang may pagka-suplado. Salubong kasi ang kilay at tulad ni Archer ay tumango lang din sa kanya. He seems like a bad-tempered man. And Axyl said that he ran the brick-making and mining company in Middle East.

“Am I late, already?”

Sabay-sabay silang napalingon sa kung sinong nagsalita. Napasinghap si Breonna at napalingon kay Axyl. Saka muling bumalik ang mga mata sa bagong dating. Namamalik-mata ba siya?

“There you are. Akala namin, hindi ka sisipot.” Bati ni Axyl sa bagong dating at nilapitan ito. Parang nagbago ang mood pagkakita sa… lalaking kamukhang-kamukha nito. Lumapit naman ang bagong dating sa kanila. Katulad ni Axyl, parang hindi uso dito ang pagngiti.

“Ikaw lang naman ang nag-iisip no’n Axyl. Si Leandro kaya ang pinakamasipag um-attend ng clan meeting. Late nga lang palagi.” Sabi ni Aether.

“Leandro?” Mahinang nasambit niya na para lang naman sa sarili. She was confused.

“Yeah. Before I forgot. This is my twin, Breonna.”

“Twin…” Bakit hindi niya nalaman na may kakambal si Axyl?

At parang nahulaan nito ang kanyang iniisip. Agad na sinundan ang sinasabi.

“Hindi kami magkasamang lumaki at may pagka-pribado itong si Leandro. He grew up with our grandparents in Europe. He’s a pilot. And he ran our Aviation company.” Dagdag nito at napatango-tango nalang siya.

Nakipagkamay si Leandro sandali sa kanya at agad ding bumaling sa mga naroroon. “So, tapos na ba ang introduction? Pwede na tayong magsimula ng meeting.” Hindi malaman ni Breonna kung may kahalong biro ba iyon dahil ni hindi naman nabanat ang mukha ni Leandro.

“Teka, teka lang. Hindi pa ako nai-introduced ng maayos ah? Unfair!”

“Ano bang gusto mong introduction, Aether?”

Bumwelo si Aether at inayos pa ang coat na parang sinasabi na ready na ito sa magandang-magandang introduction.

“Ehem.” Tikhim nito. “Simulan niyo na ang—Aba, hoy! Mga lintik kayo? Saan kayo pupunta?”

Nagsimula na kasing magsitalikuran ang mga naroroon. Naramdaman niya ding hinila ni Axyl ang kamay niya at iginigiya siya papunta sa pintuang pinapasok ng lahat.

“Hoy! Bumalik kayo dito. Palibhasa ako ang pinakagwapo sa ating lahat. Mga insecure!”

Naririnig pa din niya ang pagwawala ni Aether pero hindi na ito pinapansin ni Axyl. At nang lahat. Sa halip, halos marinig niya ang pinipigilang pagtawa ng mga ito. May pagka-bully pala ang mga ito. At si Aether ang kawawang napagtrip-an na i-bully.

“Ang sama niyo…” Hindi niya napigilang ang mapangiti din. Tuluyan na siyang nakarecover sa takot sa mga nangyari. Because the Bachelor brothers just entertained her too well.

“Nah. Hayaan mo siya. He’ll soon get over it.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.