“KAILANGAN namin ng doktor na maisasama sa Isla Juventus. Kailangan ng mga tao ng tulong doon,” pakiusap ni Alvaro sa isa sa mga administrator ng private hospital sa Calbayog. Iyon ang pinakahuling ospital na maari nilang takbuhan.
Isang nang-uuring tingin ang ibinigay sa kanila ng matandang babae na nakasuot ng salamin saka umingos. “Hindi namin kayo matutulungan. Dito pa lang umaapaw na ang mga pasyente namin. Saka may pambayad ka ba? Mukhang wala ka namang pera.”
“Excuse me?” tanong niya sa mataas na boses. Di niya inaasahan na maiinsulto siya nang ganito.
Hindi madali ang biyahe papunta doon. Inipon niya ang lahat ng loob at di mabilang ang dasal na nausal niya nang sagupain ang malakas na ulan at naglalakihang alon. Wala na siyang pakialam sa itsura niya dahil iba ang mahalaga sa kanya.
Suot pa rin niya ang gusot na T-shirt at basa pa ang pantalon niya dahil malakas ang ulan sa labas. Wala na silang oras na magpalit ng damit dahil pagdating pa lang nila sa pier ng Calbayog matapos ang walong oras na paglalakbay ay inisa-isa agad nila ang ospital. Akala niya ay patas naman ang mga ospital at di mapanghusga pagdating sa mga nangangailangan ng tulong. Looked like he was wrong.
Itinaas niya ang baba. “Look, I have money. Magkano ba ang kailangan para maglabas kayo ng doktor? Pera-pera lang naman ang kailangan ninyo at wala kayong pakialam sa buhay ng iba, di ba? How much? Do you know that I can file a complain against your hospital because of your treatment?”
Napapatda ang babae. Akala siguro ay kung sino lang siya na probinsiyano at walang alam. He definitely had money. May black credit card siya na eight figures ang credit limit. He also had his ATM. Di nga lang niya magamit dahil offline ang mga bangko. Ayaw niyang nang-iintimidate but he was at the end of his wits. Sumosobra na ito.
“S-Sir, hindi naman na natin kailangang umabot sa DOH. K-Kahit naman marami kayong pera, di namin kayo matutulungan dahil m-marami kaming pasyente. M-May naaksidente pa na bus at jeep sa highway. H-Hindi po talaga kami makakapagpadala ng doktor sa ngayon dahil lahat sila wala ring tulog. Kahit pa marami kayong pera, wala akong maitutulong sa inyo,” anang babae na nagtangkang bumawi.
“Umalis na tayo dito, pare. Matapobre pala ang mga tao dito,” sabi ni Celso at hinila siya palabas ng ospital. Humantong sila sa isang carinderia di kalayuan sa ospital. Kumakalam na ang sikmura nila dahil halos di naman sila nakakain mula nang umalis sila ng Isla Juventus. “Mukhang hindi lang sa Isla Juventus may problema. Marami ding may sakit dito at mga aksidente. Mas madumi dito sa lungsod. Tiyak na mas madami ang may sakit.”
“At madami din dito na pera lang ang mahalaga. Mapang-uri sa mga mahihirap.”
All his life, he was waited on hand and foot. Hindi na niya kailangang humingi minsan ng kahit ano dahil kusang ibinibigay sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng maging mahirap at walang-wala. Ganito tumingin ang ibang tao sa lipunan. Bumabase sa itsura, kasikatan at laman ng bulsa.
Gusto niyang ipagsigawan na siya si Ethan Ravales. Tiyak niya na magkukumahog ang mga ito na pagsilbihan siya. Pero kahit na gusto niyang gawin iyon, ayaw naman niyang mawalan ng doktor ang ibang pasyente sa ospital. Alam niyang kailangan din ng mga ito ng tulong dahil uso ang sakit at mga sakuna kapag tag-ulan.
Pero paano ang mga taga-isla? Inaasahan ng mga ito ang pagbabalik niya at wala na silang oras. Kailangan nila ng doktor sa lalong madaling panahon.
“Baka kailangan na nating humanap ng ibang lugar na may mabait na doktor,” sabi ni Celso. “Susubukan ko sa kabilang bayan. Siguro naman may doktor sila doon.”
“Titingnan ko kung may mahihingan din ako ng tulong.” Binuksan niya ang cellphone para humanap ng tutulong sa kanya. Sa huli ay tinawagan niya ang kapatid na si Echo. Wala siyang ibang mapagkakatiwalaan kundi ito lang.
“Hello, Echo. Si Kuya Ethan mo ito.”
“Kuya, this is a surprise. Kumusta? Nakabalik ka na sa Manila?” pabulong na tanong nito. Siguro ay may iba itong kasama nang sagutin ang tawag niya.
“Not yet. Nasa Calbayog City ako. I need help. May epidemya sa Isla Juventus. Sa palagay ko virus iyon at delikado ang buhay nila. Kailangan nila ng medical attention. I... I can’t find doctors to bring to the island here.”
“Bakit naman?”
“Because I am not Ethan Ravales,” angil niya. “Walang gustong tumulong sa amin. Madami din daw silang pasyente dito. Puno ang mga ospital kaya wala ring doktor na makukuha. And... Some of them don’t want to accommodate me because I look like penniless.”
“That is discrimination. Pwede mo silang ireklamo.”
“Exactly. Pero wala na akong oras para doon. The point is, walang doktor na available dahil madami din nangangailangan ng doktor dito ayon sa kanila. I... I don’t know what to do. I think gastroenteritis ang sakit ng mga tao sa isla. Pwedeng makamatay iyon pag di naagapan. We still need doctors to check them. Baka may kakilala kang makakatulong.”
“There are volunteer doctors that I can ask for help. Calbayog City is in...”
‘Samar,” sagot agad niya. “Pero ang Isla Juventus ay mas malayo pa.” Ang alam niya ay may mga kaibigang volunteer doctors at doctor to the barrio ang kapatid niya doon. “Hell! I will even hire a private chopper for them. Natatakot ako na baka may mamatay na sa isla kapag di naagapan. I don’t have much time.”
“Don’t worry. I am sending you my friend’s number.” Di man doktor pero sumasama si Echo sa mga doktor at nurse na nagme-medical mission sa malalayong lugar. Madalas siyang hingan nito ng donation para sa mga iyon. “At kung kailangan ng tulong, pwede kang makipag-coordinate kay Ninong Baron. He charters planes and helicopters in that area. Baka gusto mong humingi ng tulong Icca. Nasa labas lang siya ngayon at nagtatanong tungkol sa iyo. I am sure she knows people...”
“Don’t mention this to Icca,” maagap niyang sabi at nakadama ng takot kung may ibang makakaalam nito lalo na ang manager niya.
Kapag natagpuan siya ng babae, tiyak na kakaladkarin siya nito pabalik ng Maynila. Wala itong pakialam kung tumutulong siya sa pagliligtas ng buhay ng ibang tao. Para dito, walang mas importante pa kaysa sa career niya at sa pagbabalik niya sa showbiz. Ayaw ni Icca sa lahat ay nasisira ang mga perpektong plano nito, and he ruined it enough.
Hindi niya pwedeng iwan ngayon ang Isla Juventus. Kailangan siya ng mga tagadoon. Kailangan siya ni Aurora.
“Okay. I will send you John’s number. Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.
“I am not sick.”
“No. I mean, I am worried about you. Kung kailangan kitang puntahan diyan...”
“I will be okay once this is over. Hindi mo na ako kailangang puntahan. Just hold the fort,” tukoy niya kay Icca. “Alam ko na pwede kitang asahan sa ganitong pagkakataon.”
“Anything for you, brother.”
Di siya nag-aksaya ng panahon at tinawagan ang doktor na kaibigan ng kapatid. “Hello,” anang boses ng isang lalaki.
“Doctor John Sevilla? This is Ethan Ravales. I need your help regarding an epedemic in an isolated island in Visayas Region. Pwede mo ba akong matulungan?”
“Sure. Just give me the information you need. Saan ang isla na iyan?”
“Isla Juventus. Handa akong ibigay ang lahat ng tulong na maibibigay ko basta matulungan lang ang mga tao doon. Please keep it confidential. Kung sinuman ang makakasama sa isla, please treat me like you don’t know me and call me Alvaro. Wala kayong kilalang Ethan Ravales.”
“No problem. Give me a couple of hours to organize my staff and we’ll be there.”
“Thank you,” usal niya at nagdasal bilang pasasalamat. Mabait pa rin ang Diyos dahil may pag-asa pang mailigtas ang mga taga-isla.