Chapter FH 2: TWS 15

Tumuloy silang lahat sa Goal Sports Bar para sa hapunan. Kumakain sila Cattleya ng hapunan pero soup lang ang in-order ni Liam. Di na ito sumamang makisaya sa ibang ka-team nito at umupo sa isa sa mga soccer ball bean bags saka tumanaw sa labas. Kahit ang mga fans ay na-discourage na samahan ito dahil mukhang wala talaga ito sa mood na makipagbiruan at makipagtawanan. Sino ba naman ang masisiyahang makipagtawanan matapos mabawasan ng ngipin?

She felt bad for him. Umorder siya ng dalawang tasa ng kape na paborito nito at saka ito sinamahan sa low table. "Coffee?" alok niya.

"Salamat," anito at tipid na ngumiti. Hindi siya sanay na sobrang tahimik ni Liam. Mas sanay siyang magulo ito at nangungulit.

She gave him a kind smile. "Don't feel bad. Maibabalik pa rin ang ngipin mo sa dati."

"Hindi lang naman ang ngipin ang inaalala ko. Di lang ako makapaniwala sa klase ng football na meron dito."

Kumunot ang noo ng dalaga. "Bakit?"

Hinampas ng lalaki ang mesa at bakas sa mukha nito ang matinding frustration. "Pambihira! Sa bansang pinagmulan ko, inaalagaan ng mga referee ang players. Dito naman parang wala lang sa kanila kung masaktan ka ang mga players sa pitch. Tao rin naman kami na nasasaktan."

Nagkibit-balikat siya. "Well, football is a very physical sport. Mukhang iyan ang culture dito. Saka nakakuha naman ng yellow card ang nanakit sa iyo. I know that is not enough but that's the best we have right now. Better than nothing." Hindi kasi niya alam kung anong dapat sabihin para gumaan ang loob nito.

Huminga ito ng malalim na parang di tanggap ang paliwanag niya. Parang lalo pang sumama ang mood nito. "Sa Germany di pwedeng yellow card lang ang makuha ng player. May hearing pa iyan kung ilang laro kang suspended dahil sa violation. Dito yata ine-encourage ang mga players na manakit alam nilang di nila kayang talunin sa patas na football ang kalaban. Hindi nakakapag-encourage ng sportsmanship ang ganitong sistema."

Bumagsak ang balikat niya. Tama naman ito. Kaya nga para sa El Mundo FC ay ayaw nila na mag-resort sa masyadong pisikal na sistema ng paglalaro. Kaya namang maglaro nang di kailangang manakit. Di naman maiiwasan iyon sa laro pero may iba na sinasadya talagang manakit ng kapwa. Hindi niya masisisi si Liam kung makakita ito ng butas sa paraan ng paglalaro ng football ng iba sa Pilipinas lalo na't nakaranas ito ng mas sistematikong laro sa ibang bansa.

"I am sorry. Ipapaaalam namin sa higher officials ang tungkol dito. Siguro magbibigay kami ng recommendation para sa mga problemang sinabi mo." Hinalo ni Cattleya ang kape niya. “Nagsisimula pa lang ang football sa Pilipinas. Marami pang kailangang ayusin."

Tumiim ang anyo nito. "Sana nga maayos. Isipin mo na lang kung ito ang kulturang kalalakihan ng mga batang nagsisimula pa lang mag-aral ng football. Ganito bang kultura ang gusto ninyong mamana nila? Na ang mentalidad ay ayos lang magkasakitan basta manalo. O kahit di manalo basta mapilayan lang ang kalaban o magulpi? Hindi ba magandang nagsisimula pa lang maayos na ang sistema para wala nang ganitong klaseng laro."

"Nagsisisi ka ba na lumipat ka dito? Kung nasa Germany ka siguro di ka magugulpi ng ganito. Hindi ka mawawalan ng ngipin."

"No. Gusto ko sa Pilipinas. I feel like I belong here." May ningning sa mga mata nito habang sinasabi iyon. "Pero sana lang mabago ang ganitong sistema. Ang football dapat mag-encourage ng masayang samahan at pagkakaibigan. Isa sa rason kaya ko pinili ang football ay dahil gusto ko ng maraming kaibigan. Hindi ang magsakitan para manalo. A victory is hollow without fair play."

Nag-iba ang tingin niya kay Liam. Most of the time she thought he was just a clown. Walang ginawa kundi makipaglokohan. Parang di sineseryoso ang buhay. O kaya ay tamang pambuwisit lang sa kanya. But he was a serious player. Seryoso ito sa pagtrato sa laro ng football at propesyunal din. Di lang basta pagkakaroon ng maraming goals o pananalo ang mahalaga dito. Isinasapuso rin nito ang essence ng paglalaro ng football. Di niya alam kung ilang manlalaro ang may ganoong konsepto. Nang mga oras na iyon ay nakadama siya ng respeto dito. Di naman kasi lahat ng manlalaro ay makakausap niya nang ganito. Marami siyang natutunan di lang tungkol kay Liam kundi tungkol sa football.

Tinapik ni Cattleya ang balikat nito at ngumiti. "Magpahinga ka na. Tomorrow is a better day. You did great today. Huwag kang mag-alala. Matutupad din ang pangarap mo tungkol sa Philippine football."

"Okay na ako. Ngumiti ka na kasi sa akin. Mas maganda ka kapag nakangiti."

Lumukso ang puso ng dalaga nang ngitian siya nito at sabihang maganda. Kung noon ay baka mainis siya dito at awayin na naman ito pero nang mga oras na iyon ay di niya magawang magalit. Parang kinikiliti ang puso niya sa sinabi nito. May ngiti sa labi niya nang uminom ng kape.

Guwapo pa rin ito kahit tapyas ang ngipin. Ano bang ginagawa ni Liam Aramis sa kanya?

HINDI makapag-concentrate si Cattleya sa paperworks na nasa harap niya. Trabaho pa rin niyang i-monitor ang ibang kompanya ni Pierro. Siya pa rin ang kailangang mag-ayos sa ibang problema at humarap sa investors at kliyente kasama si Pierro. Pero lumilipad ang utak niya. Di kasi mawala ang pag-aalala niya kay Liam.

Sa huli ay hindi siya nakatiis at tinawagan ang isa sa mga staff ng El Mundo FC. "Kuya Dondi, kailan ang appointment ni Liam sa pagpapaayos niya ng ngipin?"

"Ngayon. After lunch ang appointment niya sa dentista. Sasamahan din kami ni Misagh dahil may kilala daw siyang magaling na dentista." Magaling na dentista pero maganda din tiyak iyon. Paano kung biglang akitin ng dentistang iyon si Liam?

"Ako na lang ang sasama sa kanila sa dentista. Mag-stay ka lang sa opisina," bigla niyang nausal at mabilis na nag-shut down ng computer niya. Dinampot agad niya ang bag at tumayo sa swivel chair niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Dondi.

Natigilan siya sa tanong nito. Sa lahat ng investment ni Pierro ay sa football club lang siya di gaanong interesado. Kaya lang siya nakikialam ay dahil sa utos ni Pierro. Para na rin ipakita niya ang suporta kay Pierro sa hilig nito. Di naman niya pwedeng sabihin na gusto niyang bantayan si Liam. Hindi niya alam kung bakit niya gagawin iyon. Ano ngayon kung makipag-flirt ito sa ibang babae? Matanda naman na ito at natural lang iyon. Bakit parang ayaw niya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.