Chapter 42

A/N: Lyrics are originally written for this story. Please be advise that those fictional lyrics are symbolically written. It has something to do with spiritual status of Vine. More revelations coming. Come back here when you know Vine's secrets. You will understand what is the hidden message of those lyrics. Thanks for reading!

God bless you.

~

There is something in performing in front of the crowd that's addicting. Siguro ganito ang nararamdaman ng Vine. Iniisip ko rin na baka namamawis din ang palad nila sa kaba. Baka bumibilis din ang kabog ng dibdib nila habang umaakyat sa stage at pumupunta sa kani-kanilang puwesto.

"I will introduce you as guest performer," bulong ni Levi. Nakatayo siya sa gilid ko habang inaayos ang mic. Sinenyasan niya 'yong operator na pwede nang buksan ang koneksyon ng mic sa speaker.

"Kinakabahan a-ako," bulong ko. Pero dahil siguro hindi magkamayaw sa paghiyaw ang Vinepress, at abala ang isip niya, kaya hindi niya ako narinig.

Naramdaman ko ang paglapit ng isang tao at pagtayo niya sa likod ko. "Pagkatapos nito, umalis ka na. Umuwi ka na sa EGL," boses ni Tiden.

Napalunok ako. Naramdaman ko ang paghakbang niya palayo at pabalik sa puwesto niya. Kanina pa niya ako kinukulit na umalis. Hindi ko alam kung bakit. Masama rin ang tingin niya sa akin at hindi ako tinigilan hangga't umuo ako sa kaniya, nangako akong aalis agad pagkatapos.

Gusto kong magtanong sa kaniya kung anong problema pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Idagdag pa si Maingey na kung ngumiti ay wagas. Abot sa tainga. Wala siyang sinabi sa loob ng dressing room kanina pero tumahimik si Tiden at mabilis na nagbihis.

Hindi ko alam kung bakit.

"Good evening, Vinepress! Let's welcome our dearest idols, Vine!"

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga fans. Binaba ko ang ulo sa hiya. Kinabahan ako bigla. Nanlalamig ang palad ko habang hawak ang mic at nakatayo sa gilid ni Levi.

"Sino yang kasama mo Levi idol?"

"May bago kayong miyembro asawa ko?"

"Ariel love love you!"

"Kyaaah! Ang gwapo niyo! Anakan niyo na ako!"

"P****** kan***** niyo ako!"

Naubo ako sa sinigaw ng isang fan. Uh, mas maganda sigurong tumahimik siya? Nilingon ko si Levi. Wala naman siyang reaksyon habang nilalagay sa mic stand ang single mic. Sheems, parang ako 'yong nahiya sa sinigaw ng babaeng fan.

"Hi, girls. It's nice to see you here tonight," boses ni Ariel. Nilingon ko siya. Nakaupo na siya sa likod ng drumset at hawak ng isang kamay ang drumsticks habang ang isa ay microphone. Umikhim siya. "Gusto niyo ba kaming magpakilala?" Humiyaw ang fans. Natawa si Ariel. "Wag na. Kilala niyo na kami, girls. Ipapakilala na lang namin ang guest performer na makakasama natin ngayon. Levi bro, please do the honor."

Nakagat ko ang labi at tumingin kay Levi. Nakatitig siya sa akin. Mas lalo lang yatang uminit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"Nicole is sick. She can't make it tonight, so we invited this beautiful girl in front of you to help us give you an enchanting melody that will lift your mood. No other than, Miss Rishell Joy."

Pumalakpak ang fans. Sumenyas si Levi kay Ariel. Tumango ang huli at nagbigay ng tatlong bagsak sa drums. Pagkatapos, isang nakakangiwing tunog ng electric guitar ni Tiden. Pero para sa akin, para 'yong melody na nakaka-excite. At mukhang 'yon din ang nararamdaman ng mga fans.

"Bloody sick, bloody hell

You turn my life high on top

You put a blood upon my wine

It gives me power to dominate!"

Napa-headbang ako. Maging sina Ariel at Levi. Nang sumulyap ako kay Tiden, nanatili siyang nakatayo. Nakababa ang tingin sa electric guitar at tanging daliri lang ang gumagalaw sa buong katawan. Napailing ako. Ang saya kaya ng kanta, upbeat!

"You f**** leech I gave you power

To dominate my body, turning me on

Give me power to dominate

Give me power to dominate!"

Napahiyaw ako. Napatalon sa itaas ng stage. Napangiti ako nang maging si Levi ay tumalon-talon din sa stage at naghi-head bang.

"High on top I overcome

Love of many I drank

Fame and wealth I possess

I give you all, I give my soul!"

Nasulyapan ko si June. Nakangiti siya pero dahil keys ang kaniya, marahang headbang lang ang ginawa niya at nanatiling nakaupo. Grabe! Ansaya nito! Halos sasabog na ang puso ko sa lakas ng pintig kasabay ng mabilis na beat ng kanta.

Lumunok na muna ako bago sumabay kay Levi sa chorus.

"I give you da**, a fu**** kiss

Hot and wet, I taste your sweat

Baby you turn me on

Let me taste you until dawn!"

May sensasyong bumalatay sa mukha ni Levi na hindi ko mapangalanan. Sa akin din. May... may kumiliti sa kaibuturan ko. Winaksi ko 'yon sa isip at tinuon ang atensyon sa fans na halos magwala na sa ibaba ng munting stage. Grabe! Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto ng musika ng Vine sa mga fans.

Para silang sinasaniban! Nawawala ang poise. Para silang nawawala sa sarili. Hindi tumitigil sa paghi-head bang at pagtalon-talon. Kung sumigaw, parang katapusan na ng mundo. Siguro, kung hindi pa pinasuot sa akin ni Maingey ang plugs sa tainga, baka nabingi na ako sa ingay. Gaya ngayon, kahit may plugs, parang anlakas pa rin ng drums ni Ariel.

"I give you f*** f*** f***** love!

Take my body, ride on me

Oh if you love me, taste my f*** f*** f***** love!"

Natawa ako at sinigaw sa mic ang f**** love bilang echo sa huling lyrics na kinanta ni Levi. Mas lalong tumindi ang hiyaw at sigawan ng fans. Grabe, para akong lumulutang sa eri. Halos sasabog na ang puso ko sa lakas ng hampas ng drums ni Ariel. Nangingilo ang ngipin ko sa tinis ng electric guitar, pero ewan ko ba, mas lalo akong ginanahan na tumalon, sumigaw, umikot-ikot at humiyaw.

At ginawa ko ang kailanman man, hindi ko pa nagagawa. Nag-head bang ako na halos umabot na sa sahig ang ulo ko. Ramdam ko ang paghampas ng nakalugay kong buhog sa sahig ng stage. Grabe! Mababaliw ako kung hindi ako maghi-head bang! Ilang beses ko 'yong ginawa hanggang sa humina nang humina ang tugtog.

Nagmulat ako at nakita kong pinagpawisan ang mga fans.

"Oh, I give you all. Take this one and give me your world," kanta ni Levi sa huling linya.

Nagpalakpakan ang mga fans.

"We love you, Vine!"

"Ikama mo na 'ko, Ariel!"

"Idol!"

"Ang galing niyo! Forever Vine!"

Napangiti ako sa sinigaw ng fans. Ilang kanta pa ang kinanta namin sa harap bago ang pinakahuling music. This time, isang malamyos na love song ang kakantahin naming dalawa ni Levi.

Kinabahan ako. Si Nicole ang lagi niyang ka-duet sa kanta kaya hindi ko alam kung magugustuhan niya ang boses ko. Baka hindi bagay ang boses ko sa boses niya.

"Oh, I love you

I wanna take you in the world we know

Make you smile, make you mine

I wanna scream your love for me..."

Tumingin sa akin si Levi habang kumakanta. Napalunok ako. Napatitig ako sa mga mata niya. Sobrang expressive...

Humakbang siya palapit sa akin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Levi...

"I wanna take you to bed tonight

I wanna hold you 'till I make you scream the night

I wanna kiss you, hug you, drown you

In the world you never knew..."

Tumaas ang sulok ng labi niya. Napakurap ako at napahawak sa dibdib. Grabe, sobrang bilis... Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at dinala ang palad ko sa dibdib niya. Pinisil niya ang kamay ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa ginawa niya.

Binuka ko ang bibig at kinanta ang second verse.

"You win I lose

You dominate my life now

I can't escape from you

You are a dangerous kind of power..."

Nanlaki ang mga mata ko nang inikot ako bigla ni Levi. Nagpatianod ako. Nang mapaharap ulit ako sa kaniya, nagtama ang tingin naming dalawa. Ngumiti siya. Muli akong kumanta.

"I love you

I love how you dominate my life

I received what I wanted as I let you hold me tight

I will never leave your side..."

Nahigit ko ang hininga nang humakbang pa siya palapit at binaba ang ulo para magpantay ang mukha naming dalawa. Marahang humampas sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Nakagat ko ang labi. Dahan-dahan niyang tinaas-baba ang palad ko sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ngumiti siya. He seductively bit his lips and sang.

"I wanna take you to bed tonight

I wanna hold you 'till I make you scream the night

I wanna kiss you, hug you, drown you

In the world you never knew..."

Hindi ko alam kung may hidden meaning ang ginawa niya. Pero ramdam kong uminit bigla ang pakiramdam ko. Nanginig ang kalamnan ko, mula sa talampakan pataas sa binti, hita, tiyan, at kiniliti niyon ang puso ko. Nilayo ko ang mic.

"L-Levi," daing ko.

Mas lalong dumilim ang awra niya. He smiled. A demonic smile. Napabuga ako ng hangin. Nanghina bigla ang kalamnan ko.

Siya na ang nagpatuloy sa kanta. Kagat-kagat ko ang labi habang naghihintay kay Ariel na matapos ang closing remarks. Nang magpasalamat siya at bahagyang yumuko sa mga fans, nakiyuko na rin ako. Maging ang tatlo.

"Bye, until next time, Vinepress!" Last message ni Ariel.

Naghiyawan na naman ang fans. Dali-dali akong bumaba ng stage, ni hindi ko pinansin ang kakaibang titig ni Tiden. Pumasok sa dressing room. Kinuha ko agad ang damit ko at nagpalit sa secluded area.

"Ay, girl, ba't ba nagmamadali ka? Hintayin na lang natin ang mga papa boys."

Inalis ko ang dalawang hikaw at nilagay sa lagayan. Tumitig ako sa stylist sa salamin. "Kailangan ko nang umuwi. Pakisabi na lang kay Maingey na mauna na ako. At salamat sa experience."

Mabilis akong pumihit at naglakad papunta sa entrada. Inayos ko pa ang T-shirt at tiniyak na nakataas ang zipper ng pantalon na suot ko. Nahinto lang ako nang mabangga ako sa isang matigas na bagay. Pag-angat ko ng tingin, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Levi.

Napaatras ako. Mabilis ko siyang nilampasan. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako ng dressing room. Patakbo akong lumayo. Hindi ko gusto ang titig ni Levi. Parang... parang kakain ng pagkain habang nakatitig sa mukha ko. Sheems. Kung kanina, bumibilis ang tibok ng puso ko, pero matapos ang gig, kilabot ang namayani sa akin sa loob ng dressing room.

Hindi ko alam kung bakit.

Naging lakad ang takbo ko nang marating ang Terraces. Nang nasiguro kong malayo na ako, doon lang ako huminto at huminga nang malalim. Sheems, Rishell. Idol mo 'yon.

Pero kahit na nangilabot ako kanina, napangiti pa rin ako sa kilig habang inaalala ang ginawa ni Levi sa stage. Uh, minus lang sa ngiti niyang nakakakilabot.

Nilibot ko ang tingin. Nasan ba ako? Tiningala ko ang mga nagtataasang buildings na nakapalibot sa Ayala Center. Ah, nasa likuran siguro ako? Walang tao sa paligid.

Patakbo akong nagtungo sa mahabang waiting shed. Naupo ako sa upuan. May nangilan-ngilang taxi na dumadaan sa isang one way road. Kaso, lahat may sakay. 'Yong isang bakante, hindi man lang huminto sa tapat ko.

Nagbaba ako ng tingin sa relo. Alas-nuwebe na. Mukhang may taxi pa naman sigurong bumibiyahe patimog? Napabuntong-hinga ako. May ilang punong nakatayo sa tapat ko, at tanging streetlights lang ang nagbibigay ilaw sa ilalim ng waiting shed. Tahimik ang bahaging 'to ng Ayala pero kataka-takang hindi umaabot dito ang ingay sa Terraces.

Nanigas ako bigla nang may kamay na humawak sa balikat ko. Humigpit ang hawak ng kamay na 'yon. Sheems!

"Rishell..."

Napakurap ako. Agad kong nilingon ang taong 'yon at nasapo ko ang bibig. "L-Levi?" Napatayo ako at napaatras. "A-Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti siya at umikot sa bench. Huminto siya sa harap ko. "Ihahatid kita."

Nawalan ako ng salita. Si Levi? Ihahatid ako ni Levi? Wow, hindi ako naniniwala. Nag-iwas ako ng tingin. "Wag ka ngang magbiro," bulong ko. Umihip ang hangin.

"I'm not playing jokes, Rishell."

Tumingin ulit ako sa kaniya. Kahit malamlam ang liwanag na tumatanglaw sa mukha niya, nakita kong seryoso siya. "Uhm... o-okay? Bakit mo ako ihahatid?"

Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya ang baywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. "Ilang araw kong kinontrol pero hindi ko kaya."

"Anong hindi mo k-kaya?" pigil-hiningang tanong ko sa kaniya. Bigla niyang pinasadahan ng daliri ang ibabang labi ko. "L-Levi..." Napalunok ako.

Napasinghap ako nang bumaba ang mukha niya at nilapat ang sariling labi sa labi ko. Mas lalo akong nanigas sa gulat.

"Rishell," he breathed. "I miss your lips..." bulong niya sa pagitan ng halik.

Napakurap-kurap ako, at nanatiling tuod na nakatayo. Wala akong maisip na gagawin. Hindi ko alam kung anong gagawin!

Nilayo niya ang mukha. Ilang segundo siyang tumitig sa mata ko bago ako hinila sa likod ng isang Gent. Doon niya pinagsawaan ang labi ko. Wala akong nagawa kung hindi hayaan siya at mariing humawak sa braso niya para hindi ako malunod sa halik niya.

Nahinto siya sa ginagawa nang may kamay na dumapo sa balikat niya at marahas siyang binalibag sa gilid. Napasinghap ako. Gulat kong tiningnan si Tiden na halos umusok ang tainga sa galit. Kahit hindi ko masyadong maaninag, alam kong namumula ang mukha niya sa galit.

"T-Tiden..." takot kong sambit.

Tumutok sa akin ang matalim niyang tingin. "Sinabi ko na sa 'yong umuwi ka agad. Bakit hindi ka nakinig, Rishell!"

"A-Ano..." Napalunok ako. "N-Naghihintay ako ng t-taxi."

"Taxi?" Pagak siyang natawa. "Taxi driver ba ang tingin mo sa lalaking 'yan!" sigaw niya.

Napatalon ako "T-Tiden..."

Inis niyang sinabunutan ang sariling buhok. "Halika." Kinuha niya ang palapulsuhan ko at hinila ako pabalik sa waiting shed. "Uuwi ka na at hindi ka na magpapakita sa mga concert -"

Nahinto siya sa pagsasalita nang may humuli sa kamay niyang mariing nakahawak sa palapulsuhan ko. Si Levi. Ngumisi si Tiden at hinarap si Levi. "Sa akin si Rishell. Wag kang mangialam."

"You're hurting her."

Yumugyog ang balikat ni Tiden. Natatawa. "Don't fool yourself, dude. Una pa lang, alam mong akin siya."

"I've tasted her."

"Anong pakialam ko? Ang importante, hindi mo siya tuluyang nakuha."

Napahiyaw ako nang bumagsak sa lupa si Tiden. Napaatras ako sa gulat. Nagmura si Levi. "Don't touch my girl."

Tumunghay si Tiden. "Akin nga siya. Ang tigas ng ulo mo, Levi. Nang pumirma ako ng kontrata, alam mong akin siya. Maghanap ka ng sa'yo!"

Humalukipkip si Levi. Ngumiti siya. 'Yong ngiti na pinakita niya sa stage. "Don't think that I'm a fool, Tiden Rude. You've tried to ignore her. I'm claiming what you've spat. She's mine from now on."

"Ha***!" mura ni Tiden. Bumangon siya at akmang susugurin si Levi nang pumagitna bigla si June. Napakurap ako. Hindi ko alam kung saan galing si Jun at bigla ko na lang nakita sa pagitan nina Tiden at Levi.

"Magtigil kayo," awat niya. "Nakikinig siya sa inyo."

Sukat noon ay sabay na napatingin si Tiden at Levi sa akin. Napaatras ako.

"Kailangan niyang uminom. Delikado kung hahayaan natin siya," sabi ni Jun habang nakatitig sa akin.

Umikhim ako. "W-What do you mean?"

Dahan-dahan siyang umabante. Umatras ako. May nilabas siyang maliit na bote. May laman 'yong likido na kulay dugo. Hindi, para 'yong reddish brown. Napalunok ako. Ipapainom niya 'yan sa akin? Nag-angat ako ng tingin kay Jun. Hindi ko makita ang lalaking nakilala ko noon.

Ang nakikita ko ay mga matang walang kabuhay-buhay. Parang... parang hindi ko na siya kilala.

"J-June..." tawag ko.

Ngumisi siya. Tumayo ang balahibo ko sa klase ng ngiting pinakita niya. Mabilis akong pumihit at tumakbo palayo. Narinig ko ang yabag niyang humabol sa akin. Nakagat ko ang labi.

Anong nangyari sa kanila?

"Ahh!" Biglang may dumamba sa likod ko kaya nadapa ako sa semento. Mabilis akong inikot patihaya. Nakita ko ang nakangising mukha ni Jun. "J-June," tawag ko.

Nakita ko si Tiden at Levi sa magkabilang gilid ni June. Kapwa nakatitig sa akin.

"Kailangan mo bang gawin 'yan?" nanghihinang tanong ni Tiden.

"Oo. Para walang makaalam," sagot ni Jun. "Marami na siyang nalaman. Mapapahamak siya 'pag lalagpas siya sa linya. Isa pa, masyado na siyang nalulong. Sapat na 'yon. Hindi na niya kailangang maging miyembro."

Binuksan ni June ang bote. Nanlaki ang mga mata ko at tinikom ang bibig. Nanlabo ang tingin ko. Please, 'wag niyong ipainom sa akin 'yan!

"Rishell, buksan mo ang bibig," utos ni Jun. Biglang lumiyab ang mata niya. Mas lalo akong naluha. Iniwas ko ang mukha sa kaniya.

"June, ako na," sabi ni Tiden.

"Hindi. Alam kong titiklop ka sa babaeng 'to, Tiden Rude. Hindi mo kayang tiisin ang babaeng 'to." Mas lalo akong nangilabot hindi dahil sa sinabi ni Jun pero dahil sa boses niya. Nag-iba ang boses niya!

Anong nangyayari sa kanila?

"I can make her open her mouth, June."

Napatingin ako kay Levi. Nakatitig siya sa akin. Umiling ako. Hindi!

Umalis si Jun sa ibabaw ko. Mabilis akong gumapang at tumayo. Akmang tatakbo ako nang hinuli ni Levi ang balikat ko. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Niyakap niya ako mula sa likuran. Binaon niya ang mukha sa leeg ko.

Natigilan ako sa ginawa niya. Did he just lick my neck?

"That's it, baby..." bulong niya sa tainga ko. Nanginig ang kalamnan ko. Nagpumiglas ako pero unti-unting nawalan ng lakas ang kalamnan ko lalo nang sumagi ang daliri niya sa dibdib ko.

"Levi!" Nahihintakutan kong sigaw. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Tinikom ko ulit ang bibig.

Humalakhak siya sa tapat ng tainga ko. Hinigit pa niya ako padikit sa katawan niya at ibinaling ang mukha ko sa gilid. Dinikit niya ang labi sa balat ko. Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko.

"Rishell," bulong niya. "Open your mouth now or I'll make you moan my name. You choose."

Akala ko, tulad ng sa nobela, iinit ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Pero, kabaliktaran lahat. Mas nanlamig ang pakiramdam ko. Naglakbay ang kilabot sa kalamnan ko, at halos sakalin niyon ang puso ko.

Dahil hindi boses ni Levi ang narinig ko.

Boses 'yon na hindi ko masabi kung babae o lalaki. Isang boses na parang galing sa hukay, parang galing sa loob ng kabaong. Parang boses ng patay.

"Open it now!"

Mas lalo akong nahula. Umiling ako at pinikit nang mariin ang mga mata. Pinatunog niya ang dila. Mas lalong nanigas ang katawan ko nang maglakbay ang kamay niya pababa. Binaba niya ang zipper ng pantalon ko.

Mabilis akong nagmulat. "N-no! No!"

Pero nahawakan niya ako. Umawang ang labi ko at namalayan ko na lang na may malamig na bagay ang pilit niyang pinapasok sa bibig ko.

I threw my head back. Ramdam kong naglakbay ang likido mula sa dila pababa sa lalamunan ko. Naiyak ako. Lasang-lasa ko ang pait at bakal. Parang akong umiinom ng dugo. Para akong umiinom ng ipot!

Bumuga ng hangin si Levi. Ramdam ko ang paghampas ng hininga niya sa balikat ko. Nakakahiya. Nakakasuka.

"Good girl," bulong niya. "If you drink that liquid for the third time, you'll be mine. Remember that, Rishell. I won't stop until I get a hold on you. You will be my greatest possession, baby. I will make you my queen, if you'll bargain your soul. I wonder what power your spirit possess."

I spit the bottle out of my mouth. "A-Anong sinasabi m-mo?" hinang tanong ko.

Umikot ang paningin ko at napapikit ako sa hilo. Nakagat ko ang labi.

"I will make you my bride. Just surrender your soul to me, and bow down to my lord whom I worship."

Nangunot ang noo ko habang nakapikit. "W-who's that?"

Pero hindi ko na narinig ang sagot niya. Kinain ako ng dilim.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.