Chapter 15
Mine
Si lola Lourdes ang ay kapatid ng aming lola. Habang tatlong magkakapatid sila ni mama na puro babae. Ang panganay na si tita Chimen at pangalawa si tita Carmen at bunso si mama. Si Kathlyn ,Lara at Lance ay nasa probinsya ni lola.
Papalubog na ang araw at humupa na ang alon ng dagat na nasa aming harapan. Kulay kahel na ang kalangitan pero hindi pa natatapos ang kasiyahan ng aming pamilya.
Nag iinuman na ang mga pinsan namin at ang anak ng asawa ngayon ni tita Carmen. Mukhang magkasundo si Niko , Andre at kuya sa sulok. Pa naka nakang kinakausap nila ang anak ni tita Carmen sa bagong asawa na si Sky at Spike. Si Vivoree naman ay nasa aking tabi.
"Ngayon lang kayo namin papayagan uminom Ara at Vivoree dahil nandito kami." si papa nang maglapag siya ng isang bucket ng inumin sa mesa namin.
"Wow tito, minsanan lang to pero isang bucket?" Si Vivoree at pumalakpak pa.
"No Vivoree , kumuha lang kayo diyan at babantayan kayo ni Santi." Napangiwi ako sa sinabi ni tita Chimen.
Umiling si Vivoree. "Oh god, if I know kung para kay kuya Santi lang hindi makakalapat ang labi namin sa nguso ng beer na yan lalo ka na Ara." Tinuro pa ako nito.
Kinuha ko ang malamig na bote galing sa bucket. Sinipat ko si kuya at nakitang ininom nito ang beer at nasa akin ang madiin na tingin. Umiwas ako at uminom na rin. Napatawa ako ng makitang masayang nagkakantahan si mama at mga kapatid niya ganon rin ang mga asawa nila tita at papa.
Kanina rin inabot na sa akin ni kuya ang aking cellphone. Tanging numero ni mama , papa at sa kanya ang nakaregistered sa aking cellphone.
"Ara punta tayo sa puwesto nila kuya Niko at kuya Andre. Mukha kasing masaya kausap si Sky at Spike. Magsi selfie tayo."
Kinuha nito ang cellphone. Mahilig itong si Vivoree mag post sa facebook ng kaganapan sa buhay niya. Lahat yata ng ginagawa niya nakapost e'.
Nagkibit balikat nalang ako ng hinila na niya ako papunta sa mesa nila kuya. Bahagyang umayos si kuya ng upo at tinulak si Niko.
"Umusod ka si Ara na dito."
"Possessive brother mode ka na naman ba Santi?" Panunuya ni Andre na naninigarilyo.
"Hoy! Bakit nagsusunog baga kayo ha? Makita kayo mamaya nila mama at tita lagot kayo!" Inaayos na ni Vivoree ang buhok niya at tinatapat ang camera sa amin.
"Malaki na kami Viv kayo ang wa'g magloko ni Ara mga bata pa kayo."
Halos maubo ako sa narinig mula kay Kuya.
"Oh yeah, hindi ko rin alam ang feelings na makita ang pinsan kong babaeng naninigarilyo and worst may ka make out na lalaki. I will break his damn head." si Niko at uminom narin. Nakikinig lamang si Sky at Spike pero nasa akin ang tingin ni Sky.
Naramdaman kong nasa likod ko na ang braso ni Kuya bahagya nang umaakbay.
"Come on guys! Groupie tayo! Enough na sa pagiging praning niyo."
Tinutok ni Vivoree ang camera sa amin kaya tumingin kaming lahat doon. Naramdaman ko nalang na umakbay na si kuya sa akin kasabay ng dugundong ng dibdib ko.
Alam ko sa mata ng mga pinsan namin walang malisya pero sakin meron! Lalo na nang gumapang ang kamay nito sa hita ko! Pasimple ko iyong tinampal at uminom sa beer ng matapos na ang walang hanggan na groupie namin.
Napairap na naman ako ng kumuha rin si kuya ng sigarilyo sa mesa. Sinindihan niya iyon at umangat ang isang kilay niya sa akin.
"Akala ko magdodoktor ka ba't panag sigarilyo ka?" Matabang na sabi ko dito.
"You're drinking Ara. What would you expect?"
Uminit ng dugo ko bigla. May sari sariling mundo rin ang mga pinsan ko at nakita kong magkatabi na si Spike at Vivoree.
"So kapag may mali akong ginawa may mali karing gagawin?"
"Parang ganon.."
Umiling ako dito at inilihis nalang ang tingin. Palagi nalang kaming nagbabangayan kapag magkasama kami. Hindi siya nawawalan ng ititira niya pabalik sakin. Nakakainis.
Ramdam ko na ang init sa aking katawan at medyo tipsy na ako. Ramdam ko na rin na umiikot na ang paningin ko.
Naunang natulog sila mama kaysa sa amin at ibinilin kami sa mga lalaking pinsan. Umaariba na si Vivoree sa gitna. Kumakanta ito at sumasayaw.
Hindi ko maiwasang hindi tumawa ng malakas sa pinaggagawa ni Vivoree.
Nang tumama ang paningin namin ni kuya nasa akin lang pala ang tingin nito.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
Kinagat nito ng labi at tiningnan ang aming mga pinsan. Napatingin rin ako sa kanila. Nang makitang hindi sila sa amin nakatingin naramdaman ko na ang labi ni kuya saking tenga.
"Bakit nakakawili ang bawat galaw mo Ara? Bakit nababaliw lang ako lalo?" tanong nito na ikinabaliw ng sistema ko. Shit.
Hindi ko alam kung sasaya ba ako o magiging malungkot? Hindi namin mapakita sa lahat ang gusto naming gawin. Bawat kilos namin ay limitado. Bawat tibok ng puso ko nasasaktan ako dahil alam kong hindi ito tama. Natatakot rin akong makita ang sarili ko na isasakripisyo ang aking nararamdaman dahil hindi ito tama.
Walang tama sa aming dalawa dahil magkapatid kami. Bawal sa mga mata ng tao lalo na sa mata ng diyos.
Nanubig ang aking mata at pilit kong iniwas iyon kay kuya. Tinawag nito ang pangalan ko ng hindi ako sumagot.Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang boteng walang laman sa aking harapab at ang pag hampas ng mabining hangin.
Narinig kong sumipol si Niko. Umangat ang tingin ko sa mga babaeng mag vivideoke rin ata. Nasa amin na agad ang atensyon nila. Sino ba namang hindi? Mga pinsan ko ay may kanya kanyang karisma. Si Spike at Sky ay may appeal at mga guwapo rin. Lalo na itong katabi kong sinalo lahat ng kakisigan at kaguwapohan ng magpaulan ang panginoon dito sa lupa.
"Santi ikaw ba yan?" Naniningkit ang mata ng babae kay kuya. Tila kinikilala nito si kuya.
"Uh yes?" sagot ni kuya na nakahalukipkip lang.
"Sabi ko na e! Ako to si Azul! Ang nakasayaw mo noon sa bar." lumapit na sila ng tuluyan sa amin.
"Wow Azul! Paboritong kulay ko yan e. Ano nga yun Dre?" si Niko at siniko si Andre.
"Blue?" Sagot ni Andre.
Humagalpak sila ng tawa habang bahaw lamang ang tawa ng mga babaeng bagong dating sa kanilang weird na joke.
"Funny talaga kuya Niko. Ang saya hahahahha." Sarcastic na sagot ni Vivoree at nag asaran na sila.
Umismid ako nang umupo na sa tabi ni kuya si Azul at nagkwentuhan na sila. Rinig ko ang bagot at tamad na mg sagot ni kuya sa kanya.
Wow naman..feeling invited agad.
Huminga ako ng malalim at tumayo na.
"Saan ka Ara?" Tanong ni Niko. Ramdam ko rin ang paglingon ni kuya sa akin.
"I'll take a dip." Simpleng sagot ko.
"Gabi na ah."
"It's okay, naiinitan ako e." Sagot ko at hindi na nilingon sila.
Naninikip ang dibdib ko. Totoo pala talaga pag nakainom lumalabas lahat ng damdamin at sama ng loob mo. I wanted to cry and scream pero paano? Paano ako sisigaw kung ang gusto kong isigaw ay pangalan ng kuya ko?
Ang malas ko kasi bakit ko ito nararamdaman? Gusto ko siyang itulak at iwasan pero alam kong kakabigin at hahanapin parin siya ng puso ko.
Natagpuan ko nalang ang sarili na nasa ilalim ng puno ng niyog. Nadadapuan ng sinaw ng buwan ang dagat sa aking harapan kaya bahagya iyong kumikinang.
Nakakagaan sa loob ang ihip ng hangin. Parang gusto ko nalang magpatangay sa hangin at kalimutan lahat ng aking damdamin.
"Bakit panginoon?" Namutawi ko nalang habang tinitingnan ang buwan. "May kasalanan ba ako at dinala mo ako sa ganitong sitwasyon? Gusto kong sumigaw at-"
"Sumigaw ka kung gusto mo Ara.."
Napalingon ako sa aking likuran at natagpuan si kuya na nakatayo.
"Bumalik kana doon kuya."
Umiling ito at unti unting tumabi sa akin. Ipininid ako nito sa puno ng niyog. Bahagya kong naramdaman ang labi niya sa aking leeg.
"We will fight together Ara."
Napalunok ako. Hindi ko aasahan na marinig to mula kay kuya.
"Please baby, we will fight together hindi ba?"
Umiling ako at pumatak na ang aking luha. "K-Kuya g-ganito kasi iyon. K-Kapatid mo ako at k-kuya kita. Mali to di'ba? Nahihibang kalang..pigilan natin to habang maaga pa-"
"Paano?" Tumaas ng konti ng boses nito.
"Kuya-"
"Paano ko gagawin kung baliw na baliw ako sayo?Oo nahihibang ako dahil gustong gusto kita. Piniligilan ko na ito noon pero hindi ko na kaya!"
"Kuya please makinig ka."
"Hindi! Sabi mo walang bibitaw di'ba?" Marahas nitong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at tiningnan ako ulit.
"Oo sinabi ko 'yun! Pero nasasaktan ako. Simpleng galaw natin nasasaktan ako. Simpleng salita natin nasasaktan ako. Dahil hindi natin kayang ipakita sa lahat.Hindi natin kayang ipakita at maling ipakita. Mali to. Sa mata ng diyos at sa mata ng mga tao mali to!" hindi siya masagot sa akin.
"Saan ka nakakitang magkadugo na nagkatuluyan? Saan ka nakakitang nagmamahalang magkapatid? Sa telebisyon? Sa libro? Mula ng isinilang tayo dito sa mundong ito nasa pananaw na ng mga tao na bawal ang magkatuluyan ang magkapatid."
"Babaguhin natin ang pananaw na iyon! Tayo Ara. Tayo ang babago nun at papatunayan natin na hindi mali ito."
Kumudlit ang sakit sa puso ko na marinig ang nagsusumamo niyang boses.
''Nahihibang k-kana kuya." Pinunasan ko ang luha saking mata. "Sa oras na ipaglaban natin ito marami nang pagsubok ang darating sa atin. Hindi mo ba naiintidihan?"
"Hindi ko naiintindihan at ayokong intindihin!" Sigaw nito sa akin at hinawakan ng baywang ko.
"Ang tigas ng ulo mo kuya."
Tumango tango ito at ngumisi. Ngisi na hindi umabot sa mga mata niya.
"Hayaan mo akong patunayan sayo Ara. Pakiusap." Hinaplos nito ang pisngi ko. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawang iiwas ang mga mata ko sa mga mata niyang sumasamba sa akin.
"Ang ganda ganda mo Ara." Napairap ako sa aking narinig. Hinalikan ako nito sa pisngi na ikinatindig ng balahibo ko sa katawan lalo na nang malanghap ko ang pinaghalong sigarilyo at beer sa hininga niya.
"Papatunayan ko pangako." He whispered. Unti unti niyang nilapit ang labi sa aking labi. Walang akong ginawa kundi hinayaan siya. Humigpit lamang ang pagkapit ko sa kanyan sando nang gumalaw ang labi niya sa aking labi.
"Damn..this is heaven baby." Singhap nito ng pakawalan ang aking labi at hinalikan ako ulit.
"Fuck Santilior?! Really?!" Naitulak ko si kuya bigla.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita si Niko , Andre at Sky sa aming likuran. May dala dala pa silang beer.
Natutop ko ang bibig. "K-Kuya..Kuya." Nangangatal ang aking buong katawan at hindi ko na masundan nang suntukin ni Niko si Kuya. Nakita ko nalang na nakasabunot na si Andre sa kanyang buhok.
"Santi! Ano ito?!" Gigil si Niko at sinuntok ulit si kuya na hindi nanlaban.
Natauhan ako ng makita ang putok na labi ni kuya. Agad akong pumagitna.
"N-Niko t-tama na!"
Umiling iling si Andre at hinawakan si Niko. Nakatulala lamang si Sky at malamig ang tingin sa akin.
"Santi sabihin mo lasing kalang hindi ba? Lasing kalang?" si Niko at sinasakal na si kuya. Marahas na hinawi ni kuya ang kamay nito at pinunasan ang dugo sa labi niya.
"Hindi ako lasing Niko. Baka kayo ang lasing."
Susugurin na naman sana ni Niko si kuya nang humarang na ako. "Niko p-please. I'm sorry. Sorry.."
"Ano to Ara? Magkadugo kayo! Magkapatid f-fuck! Ang landi mo Ara-"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Niko nang sinuntok ito ng pagkalakas lakas ni Kuya. Nadapa ito sa buhangin.
"Tama na!" Sigaw ni Andre at pumagitna.
"Wa'g na wa'g kang magsalita ng ganyan kay Ara Niko. Dahil kaya kong kalimutan ang pamilya ko para kay Ara. Kaya kayang kaya rin kitang kalimutan na pinsan kita."
"Shit! Tama na Santi! Niko! Pareho tayong nakainom! Pareho tayong lasing!"
Sigaw ni Andre at marahas na sinuklay ang buhok. "Shit. I am dreamin right." kinausap nito ang sarili.
Tumayo si Niko mula sa buhagin. "We won't let this Santi. Pinsan mo kami at hindi namin kayo hahayaan. Magtatransfer kami sa eskwelahan niyo. Babantayan namin kayo. Hindi to puwede."
"No one can stop me Niko." Mariin na sabi ni Santi at hinila ako. Ayaw akong ibigay sa aming mga pinsan.
"K-Kuya.."
"Aayusin natin to Santi. Hindi namin to papaalam kahit kanino." Tiningnan ni Andre si Sky na tipid lang tumango at umiwas.
"Dapat namin kayong bantayan bago pa malaman ng iba. Kaya pala...kaya pala kakaiba." Si Niko at pumikit ng mariin.
Ngumisi si kuya sa kanila at kahit ako natakot sa ngisi niyang ito.
"My sister is mine."