Chapter Want You In My Bed

Chapter 17

Want You In My Bed

Papasok palang ako sa skwelahan at nakitang busy ang mga kababaihan sa kani-kanilang cellphones. Weird. I mean, of course marami na ngayon ang mahilig sa social life pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakabahan ako.

Dahil hindi ko gustong maabala sa mga walang kwentang bagay. Sinawalang bahala ko nalang ang kakaibang kaba sa aking dibdib. It's been a week nang lumisan na si Savier sa aming bahay. May araw na hindi niya ako maihatid at masundo pero gabi gabi kaming nagtatawagan sa cellphone.

Hindi din ako pumayag na bumisita sa kanyang condo unit. Busy ako sa skwelahan lalo na ngayong isang buwan nalang patapos na ang pasukan.Pagkapasok sa pinto medyo napatigil ako ng makita si Jezel sa likod ng aking upuan. Noon,magkatabi kami ngayon nasa likod siya.

Napataas ang kilay ko at napangisi. I missed my bestfriend,of course. Ilang linggo din siyang absent a. Ni hindi niya ako sinulyapan. Buong klase akong nakinig ng mabuti ng hanggang lunch.

"Oh, Rox. Hindi na kayo nagpapansinan ni Jezel a." Sabi ni Kaori sa akin. Isa sa mga ka klase ko na nakasabay ko na rin minsan sa mga group projects. Palabas na kami sa pinto at sabay kaming tinungo ang cafeteria dito sa loob ng campus. Kasama ang isa pang kaklase naming babae.

"Oo nga. Hindi namin alam ang puno't dulo ng gulo niyo pero sayang din no? Mula first year pa kayong matalik na magkaibigan. Bakit niya kaya pinunit ang gown mo? May banner pa naman kami nun! Nasayang lang!" si Karina naman na napasimangot na.

"Alam niyo may mga tao talaga na sa loob ang kulo." Sabi ko sa kanila.

"At ganon nga si Jezel. Inggit kasi yan saiyo. Halata naman." I smirked on that. You know what? Sa ilang taon na magkaibigan kami. Hindi ko napansin na naiinggit siya sa akin. Kasi binigay ko talaga ang purong tiwala ko sa kanya. Kaya hindi ko siguro nakita iyong inggit na iyon dahil nabulag ako sa tiwala ko sa kanya. I've learned my lesson. Ayoko nang magtiwala ng lubusan. Kaya natatakot akong magrisk sa amin ni Sav.

We're both in danger. I know. Konting pitik lang sa amin ni Jezel. Masisira talaga kami ni Sav ng pinong pino. We'll gather so much attentions and insults. Sino bang hindi maiintriga kapag makasagap ka ng tsismis na si ganito tito niya pinatos niya! Tiyak na sobrang kahihiyan ito!

Marami nang studyante sa loob ng cafe. Namataan ko si Jezel na kasama ang iba naming classmate. Ni hindi niya ako sinulyapan habang ang kasama niya ay ngumiti sa akin na tila takot pa.Nag order ako ng juice at burger. Umupo kami ni Kaori at Karina sa kaliwang banda nila Jezel. Ang kaninang magulo nilang mesa biglang natahimik.

"Oh god! Nabasa niyo ba ang isang post sa St. Dominic Revelations page?" Ani ni Kaori habang nag si cellphone. Napatigil ako sa pag inom ng juice.

"A! Oo grabe nga! Nabasa mo ba iyon Rox?"

Umiling ako. "H-Hindi. A-ano ba iyon?"

"Sabi doon sa post ng isang dummy account yata na. May isang babaeng studyante daw dito sa St. Dominic ang may relasyon sa kanyang tito."

Tumambol ng sobra ang aking puso. Nabingi na ako at hindi na masundan ang kanilang usapan. Namawis ako ng sobra. Kahit ang lasa ng aking juice hindi ko malasahan. Buong maghapon ako hindi maka focus sa klase. Kating kati akong kausapin si Jezel tungkol dito. Siya lang ang may alam nito!Kaya pala...kaya pala kinakabahan ako. Ito pala iyong pinagkaguguluhan ng mga studyante kanina.

Natapos ang klase namin ng alas tres ng hapon. Sinundan ko si Jezel hanggang sa locker. Good thing wala masyadong studyante dito. Agad ko siyang hinila at sinampal.

"What the fuck!" She cursed.

I smirked on her. Kung makakamatay lang ang tingin siguro ngayon inuuod na ito.

"Alam kong ahas ka Jezel. Pero hindi mo sinabing demonyo karin pala. Kung galit ka sa akin sabihin mo. Hindi iyong ipopost mo pa! Anong bang gusto mo ha?" Buong diin ko na aniya sa kanya. My nails dugged in her skin. Marahas niya iyong hinawi sa braso niya.

"May pruweba kaba?! Ha? Hindi ko kasalanan kung masyado kang malandi at pate si Sav pinatos mo!"

Ramdam ko ang init sa batok ko. Nangingilid ang aking luha. "Sayang ka Jezel. I trusted you! Alam mo ba iyon?-"

"Wala akong pakealam! stop your drama please! Oo na! ako na ang may gawa nun! Because I want you to suffer!"

"Nang dahil sa lalaki Jezel? Nang dahil lang doon?!" Ramdam kong pinupunit ang puso ko. Halong sakit at galit.

"Oo! Kasi mahal ko si Sav! at isa pa! hindi ko kayang makipag kaibigan sayo! Nakakadiri ka! hindi na ako magugulat one day na mabuntis ka ng sarili mong tito-"

Lumagapak agad sa kanyang pisngi ang aking palad. Hawak hawak niya ang napaling na pisngi at pulang pula iyon.

"Kung isa k-kang tunay na kaibigan hindi mo iyan mararamdaman sa akin. Kung tunay kitang naging kaibigan hindi ka naging traidor. All those years kinainggitan mo ako Jezel? At ako itong tanga na pinagkatiwalaan ka! Jezel, tinuring kitang kapatid!" Umiwas siya ng tingin at nangislap ang kanyang mata.

"Sinubukan kong pigilin ang magmamahal ko Rox. Pero hindi ko kaya. Bakit hindi ko ipaglalaban kung tutuusin mas puwede kami kaysa kayo! Why can't you just let me? Let us?! Huwag ka na kasing umepal Rox! Alam kong libog lang-" Isang sampal pa ang binigay ko sa kanya. At tuluyan nang dumaloy ang kanyang luha.Sasampalin niya din sana ako ng may pumigil na kamay sa kaniyang pulso.

"Enough." Aniya ni Caleb kay Jezel pero nasa akin ang seryoso niyang tingin. Pareho kaming nagulat ni Jezel at mas lalo na ako. Oh my god! napahilamos ako ng palad. Hinila ako doon ni Caleb. Patuloy na dumadaloy ang aking luha.

"P-Please, Caleb. Don't tell anyone please." pagsumamo ko dito. Patuloy niya parin akong hinila sa parking space at binuksan ang kanyang kotse.

"Caleb!-"

"Pasok!" sigaw niya sa akin. Nagitla ako doon at napasunod na lamang.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse at hindi iyon pinaandar. "Caleb, please."

"Shit! Roxette! I can't believe! fuck!" hinampas nito ang manibela.

"Caleb, I can explain! just don't tell any one!"Tinignan niya ako ng nananantiya sa mata.

"May relasyon kayo ni Savier ,Rox? Seriously?!'' Tila hindi parin nito tanggap.

"Niligawan kita ng walong buwan tapos malalaman kong - fucking shit!" Tuloy tuloy na mura nito.

"I'm sorry.." I cried.

"Kaya pala...shit!" pulang pula na ang mukha nito.

"Gagawin k-ko lahat. Huwag mo lang sabihin ito sa iba! lalo na kay papa Caleb, please."

"I don't know what to say Rox. Nakakadiri ka." Tagos puso akong nasaktan doon.

"Sorry." mahinang bulong ko. Ilang minuto kaming natahimik sa loob ng kotse niya. Ring din ng ring ang cellphone ko pero wala akong lakas na sagutin iyon.

"Hindi mo maitatago habang buhay ang sekreto niyo Rox." Seryosong aniya sa akin. Tumango ako kahit kinakabahan. Dahil may katotohanan iyon.

"I-I know."

"You want me shut up?" he asked. Napatingin ako sa kanya at tumango.

"I want you in my bed tonight Rox. Yan ang kapalit. Just one fucking night. Then your secret will safe." I'm so stunned watching his serious face.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.