Chapter Makakawasak

Chapter 29

Makakawasak

After what he said, namayani ang aming hininga. No one's dare to speak. Kahit ako, hindi ko maproseso. Alam ko na sa oras na magsama kami, magkakaliwanagan kaming dalawa. Nagawa ko ng sumugal noon na mas komplikado pa, mas susugal ako ngayon. Sa lumipas na panahon, hindi ako na atrak sa kahit kaninong lalaki. Savier's memories were glued in my mind. Like he put a dark spell inside my heart na siya lang wala ng iba.

"I'll be on your basement in three A.M." His husky voice attracting my ears. Damn it! boses palang iyan! How much more kung magkasama na kami? Gosh! hindi ko na alam .. baka mawalan na ako ng malay.

I cleared my throat and shifted. "T-That early?"

"Mas mabuti ng maaga. Marami tayong pag-uusapan. It's been fucking four years." Nanuyo ang lalamunan ko sa pagmumura niya ng ganito. Di sa namamangha pero hindi ako sanay marinig iyon. Halata naman sa mukha niya ang pagka badboy kaya hindi na kataka taka ang kanyang pagmumura. Ang mas nakapaskil sa aking isipan ay ang pisikal na pagbabago.

Mas lumaki ang katawan niya , hindi nagbago ang kulay kayumanggi niyang balat. Pero ka habag habag ang ka gwapuhan niyang taglay. Natapos ang pag uusap namin sa ka walang salitang gustong masabi. Nakontento kami sa pananahimik. Madaling araw, alas dos palang naligo na ako ng maligamgam na tubig. Nagsuot ng sleeveless na top at pinatungan ng maong na jacket.

Mahigpit rin ang pagkakahulma ng aking pantalon na itim na pinaresan ko ng puting sneakers. Balot na balot dahil sa lamig. Naghila ako ng maliit na bagahe ko sa aking walk in closet. Ang bagahe ko na iyon ay palaging ready. Iyong tipong huhugutin mo nalang at aalis na. Palagi ako'ng naghahanda ng ganyan lalo na't noon sa Italy.. Kabila' kabila ang aking photo shoots kaya sa tuwing kakatapos ko'ng magpa laundry nag aayos ako ng mga damit na ipapasok sa bagahe. My insides swirling like a train. Hindi ko alam kung epekto ito ng lamig o dahil kay Savier? Fuck! Hindi ko na tuloy naisip kung bakit hindi man lang ako nag isip sa pag sagot sa kanya kagabi. Ito tuloy.. namamanhid ang paa ko bawat hakbang.

"I can do it!" I cheered up myself before stepping out from the lift. Dumapo agad sa aking mukha ang lamig sa basement. Sa kabila ng medyo madilim na paligid namataan ko na agad si Savier. Leaning on his glimmering Aston Martin car while puffing a cigarette. Nangunot ang noo ko at naalala noon na naninigarilyo nga siya. Bawat hakbang ng sapatos ko rinig na rinig iyon sa bawat sulok ng basement dahil sa katahimikan.

"L-Lets go?"Hindi ako makatingin sa kanya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi na ako nag atubiling tapunan siya ng tingin. Agad na akong pumwesto sa pinto ng kotse niya. I tried to open the door pero nakalock pala iyon. Boba! Hanggang sa naramdaman ko ang init ng katawan niya sa aking likod. I feel his chest touched my back at siya na mismo ang nagbukas bago iyon pinatunog.

"You're shaking." Puna niya. I bit my lip and shook my head.

''Uh, malamig." Maiksing sabi ko at agad na pumasok sa loob dahil kapag hindi pa ako makaupo sigurado nasalampak na ako sa sahig. I heared him chuckled before he close the door. Mahaba ang oras papuntang Batangas upang doon sumakay sa sinabi niyang private yacht papuntang Boracay. I think the weather is fine dahil sa magandang ulap at maraming bituin sa langit.

Tahimik siyang nagmamaneho. He asked if I am hungry but I said no. Pero ng nagtanong na siya kung naiihi na ba ako tumango na ako. We stop in a gasoline station na may grocery store at public CR. We have no choice dahil naiihi na ako.

"I'll buy some food." Sabi nito na tumingin sa akin ng lumabas. Tumango ako at tumalikod na. Pumasok ako sa female's cr at umihi. Good thing walang ibang nasa loob. I retouched a bit at ng maging ayos lumabas na ako. Pag hakbang palabas may isang lalaki akong nabunggo.

"Oopps! Sorry!" paumanhin ko.

"Oh, Roxette? Is that you?" Napaangat ang tingin ko mula sa pagkakayuko dahil sa boses nito.

"Oh my god! Clifford!" Impit na tili ko dito at niyakap. He hugged me too.

"Damn! You did'nt tell me bella! It's a small world! Dito pa talaga tayo nagkita? I am visiting a friend." Tinuro nito ang nas ikalawang palapag na parang office.

"You know." Tumaas baba ang kilay niya and and I just rolled my eyes heavenwards.

"I get it! What ever Cliff!" Nasa kalagitnaan ng pagtawa ng may mahigpit na kamay ang humawak sa aking baywang.

"Let's go, Roxette." Malamig na tono ni Savier ang nagpapigil sa aking tawa. I smiled on Clifford who was amazed of Savier. His mouth turned into O.

"We have to go ,Cliff. And... see you soon." Paalam ko dito. Agad akong nahila ni Savier. His silent era inside the car makes me worried. He did'nt offered me anything kaya kusa na akong kumuha sa mga binili niyang pagkain.

Ang mga lumipas na mga naganap muling bumalik sa aking isipan. "I saw you last time with Jezel. How's she?" Nasa labas ang aking tingin. Tinitignan ang mga punong nadadaanan. I think malapit na kami sa Batangas.

"She's fine." Kumudlit ang hapdi sa aking puso. Hindi na rin ako nakapagsalita. Kahit simpleng sagot niya ang narinig tila bilyon bilyong karayom na ang nakatusok sa aking dibdib.

Umusad ang oras,ang buwan ay napalitan ng araw. Kita ko ang kulay orange na araw. Kakalabas lang nito sa lungga. I am amazingly staring on it when someone cage me. Nakahilig ako sa railings ng yacht. Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang maugat. Muntik ko ng makain ang hangin sa aking baga. Ramdam ko ang init ng kanyang dibdib sa aking likod. I am wearing a backless bohemian dress. Ang kinulot ko na buhok ay marahas na hinahangin ng dagat.

I felt his rough hand touch my back. Tumindig ang balahibo ko ng dumapo ang hininga niya sa aking tenga. "You tattoed your birthmark?"

Tanong nito sa akin. Nangunot ang noo ko pero tumango kalaunan. "Yeah."

Yung birthmark ko sa aking likod ay pinatatooan ko ng rosas. Naging remark ko na yun as Roxette sa pag momodelling. Ramdam ko ang pagtango niya.

"You really wear bikinis?" Magaspang na wika nito. "Sa photoshoots?" Dagdag nito.

Tumango lamang ako at minasdan ang araw na nasa langit na. "Kamusta kung ganon? Matapos ang apat na taon, Roxette?" His hand already snaked on my waist. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sakin at mas binaon ang mukha sa aking leeg.

Sumabog na parang bomba sa aking sistema ang iba't ibang emosyon. This is what I thought. My heart beating inside my chest wildly. "M-Mahirap.." Mahina ko na sabi. I bit my trembling lips remembering those days and years. "Mahirap lalo na't nawalan ako ng anak."

His breathing turned ragged then he cursed softly. "Nawalan tayo ng anak ,Roxette." Pagtatama nito sakin. Emphasizing every words. I gasped and close my eyes. Ramdam ko ang malagkit na hangin mula sa dagat. Nakakawala ng kaba ang hangin at parang gumaan ang aking loob. It's like the wind pushes me to go on. Spill the beans! Spill the fire! I am here to catch!

"H-Hindi ko iyon alam e." I tried to looked at him but he pushed my face back using his head. Binaon niya ulit sa aking leeg ang kanyang mukha. Nag tatanim ng maiinit na halik. "Yong mga tao sa paligid ko nagsinungaling sa akin. You guys fed me with lies." Gumaralgal ang boses ko. Sinubukan ko ulit siyang tignan pero bumangga lang ang aking ilong sa kanyang ilong. Our lips were so close.

Umiwas ako ulit. "Hindi ka Dela Rama. Hindi ko tunay na ina ang nakilalang ina. Hindi kita tito , S-Savier!" My tears fall like a pool. Punong puno ng pagsisi ang aking boses.

"But you still pushed me away ,huh?" Tumatama ang labi niya sa akinh balat bawat salita niya. "Because you were afraid that someone might shoot me? Kill me? My ass , Roxette! You think hindi ko na napaghandaan ang lahat? Kinapalan ko na ang mukha ko at humingi ng tulong sa aming angkan. Kahit alam ko'ng may hihingan ako ng tulong di ko iyon ginamit dahil gusto kitang ipaglaban sa sarili ko na paraan."

"I am thinking about your safety!" I fired back. "Ni hindi mo sinabi sakin na ampon ka pala! Why?!"

"Dahil ayokong magkamali Roxette.Dahil kung ginusto ko man na magkamali,iyon ay ang kamalian na minahal kita kahit sa mata ng iba ,magkadugo tayo. Kamalian na gustong gusto ko, sagad sa buto."

"Y-You already have a girlfriend Sav. Why are you doing this?"

"She's here ,in my arms." Kalmante niyang sagot. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Liar!" I hissed madly. Hindi ko narin namalayan na nakahilig na pala ako sa kanya. "I saw you with Jezel! Ano iyon? Of all fucking girls si Jezel pa?!"

"Anong kinalaman ni Jezel rito?" Ang boses niyang kalmante ay kabaliktaran sa boses ko na halos sasabog na. Sa inis ko tinulak ko siya at hinarap.

"Edi' magsama kayo!" I sobbed. Hilam ng luha ang mata. Sinangga niya bawat hampas ko. "Kung sino ang gusto mo siya ang dalhin mo dito!"

"Damn ,Roxette! Kaya ka nga nandito diba?!" Diin na sabi nya. Napatigil ako at humugot ng lakas para sampalin siya dahil sa kanyang mga salita.

"Bwesit ka! ba't ba kasi ako sumama sayo! Doon ka sa Jezel mo! Siya ang buntisin mo!"

"Buntis na talaga iyon!" tira niya ulit na nagpagimbal sakin. Nanlumo ako at umiyak na lamang.

"Bitawan moko,pakiusap! Iuwi mo na ako!"

"Why are you like this?! Fuck , Roxette!"Sumikdo ang galit sa aking dibdib. Hinampas siya ulit. Nakita kong namumula na ang kanyang dibdib at braso sa aking kakahampas.

"Binuntis mo na si Jezel may gana kapang mambabae? Ako pa talaga huh?!"

Nangunot ang noo niya. Kalaunan ngumisi siya at nauwi sa halakhak. Hinila niya ako at niyakap. "Damn, baby. Hindi ko pa naiisip na iba ang maging ina ng mga anak ko."

Tinulak tulak ko siya. "Buntis si Jezel kay Simon!" Humalakhak ulit ito. "Paano ko malilimutan ang babaeng mahal ko na sumama sa iba ,hm? Alam mo kung gaano kasakit maisip na may iba kang kasama? In one damn roof?"

Kumapit ako sa kanyang braso dahil tila mauupos ako sa aking nalaman. Akala ko siya ang ama. Akala ko girlfriend niya si Jezel?! Damn!

"Buntis si Marrie kay Caleb, Savier." Huminga ako ng malalim. "It's still you until now." Hinawakan ko ang panga niya at naalala ang lahat na pagsisikap niya sa probinsya. Kung gaano siya nalipasan ng gutom sa pagtatapas karga ng tubo. Kung gaano niya tiniis ang mga batok na luto ko. Kung gaano siya nagtiis sa paglalaba ng damit namin na dapat ako ang gumawa.

"Walang makakaalis sayo sa puso ko. P-Patawad kung nagpadalos dalos ako sa desisyon ko noon. Iniisip ko lang ang kapakanan mo at ni papa. S-Sorry, Nagpakasal ako kay Caleb. Sorry, dahil ikaw sana iyon e'.

Hinila niya ang batok ko at sinubsob ako sa kanyang dibdib. "Papalitan natin ang apat na taon na pangungulila ng habang buhay, Roxette. Hindi ko na hahayaang makawala kapa sakin ngayon.Hindi na."

Pagod sa biyahe ang nakapagpatulog sa akin sa aming villa. Sa phase one kami nagrent ng villa. Gusto ko'ng maabala kung bakit isa lang. Pero dahil bayad lahat ni Sav hindi nalang ako umangal. Kumakain kami sa isa sa mga seafoods resto nila dito ng may mabasa ako sa isang tarpaulin sa labas. May night gigs daw dito at fire dance tuwing gabi.

Hindi naman nakontento si Sav sa aming distansiya. Mas lumapit pa siya sa akin na halos wala ng espayo para makagalaw ako.

"Eat more, Roxette. You're so thin. I don't like you being a model." maangas na sabi niya at hinalikan ako sa aking balikat. He's so very clingy! Good thing nasanay na ako noon na ganito siya.

"I need a job ,so I can provide myself."sagot ko sa kanya. Nahahabag sa nakikitang tattoo sa kanyang braso.

"I can provide for us. Just marry me." he whispered sensually in my ears.

I grinned. "Sorry but I am still married. Gosh! Baka ma media ako rito. Alam ng lahat isa akong Santiago." Babala ko rito. But the truth is , who cares? Not all knows about the real story of my book. Judge as long as they want. Wala sa kanila ang pagkain at pera, na kay Savier iyon kaya hindi sila importante si Savier ang importante. Tsk. He looked at me darkly telling me to shut up my precious mouth.

"Did he touched you?" He whispered. Umiling ako at yumuko.Pinaglaruan ang dulo ng straw.

"Good,Ako lang dapat. Pwede ba mamaya?" I swallowed the bile in my throat. Tingin ko namumula ako ng husto. Hindi ako nakasagot.

"Damn Roxette answer me. I want you naked on the bed tonight." I gasped when he kissed me torridly. Not minding the people inside the resto. I am speechless kaya tumango nalang ako! Damn! two points for Savier!

"Makakawasak yata ako ng kama mamaya." ngumisi siya at kinagat ang ibabang labi. I closed my eyes shyly at tinago ang mukha sa kanyang dibdib.

"Shut up Sav!" I hissed.

"Oh no,you. You will shut up tonight and don't you dare to shout." humirit pa ito. He smiled and laughed this day na tila ba ito ang pinakamasayang araw niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.